You are on page 1of 2

Antas ng wika

1. 1. ANG PAGKAKAROON NG ANTAS NG WIKA AY ISA PANG MAHALAGANG


KATANGIAN NITO. TULAD NG TAO, ANG WIKA AY NAHAHATI RIN SA IBA’T
IBANG KATEGORYA AYON SA KAANTASAN NITO. KUNG TUTUUSIN, ANG
ANTAS NG WIKANG MADALAS NA GINAGAMIT NG ISANG TAO AY ISANG
MABISANG PALATANDAAN KUNG ANONG URI NG TAO SIYA AT KUNG SA
ALING ANTAS- PANLIPUNAN SIYA NABIBILANG.
2. 2. Mahalagang maunawaan ng lahat ng tao ang mga antas ng wikang ito nang gayo’y
maibagay niya ito sa kanyang katayuan, sa hinihingi ng panahon at pook at maging sa
okasyong dinadaluhan. Mahahati ang antas ng wika sa kategoryang Pormal at
Impormal. Sa bawat kategorya, napapaloob ang mga antas ng wika.
3. 3. A. PORMAL Ito ang mga salitang estandard dahil kinikilala, tinatanggap at
ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng mga nakapag- aral ng wika. 1. Pambansa. Ito
ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/pambalarila sa lahat ng
mga paaralan. Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa
mga paaralan.
4. 4. 2. Pampanitikan o Panretorika. Ito naman ang mga salitang gamitin ng mga manunulat
sa kanilang mga akdang pampanitikan. Ito ang mga salitang karaniwang matatayog,
malalalim, makulay at masining.  Impormal.Ito ang mga salitang karaniwan, palasak,
pang araw-araw na madalas nating gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa
mga kakilala at kaibigan.
5. 5. 1. Lalawiganin. Ito ang mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ang mga ito ang mga
partikular na pook o lalawigan lamang, maliban kung ang mga taal na gumagamit nito ay
magkikita-kita sa ibang lugar dahil natural na nila itong naibubulalas. Makikilala rin ito
sa pagkakaroon ng kakaibang tono, o ang tinatawag ng marami na punto.
6. 6. 2. Kolokyal. Ito’y mga pang-araw- araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong
impormal. Maaaring may kagaspangan nang kaunti ang mga salitang ito ngunit maaari
rin itong maging repinado ayon sa kung sino ang nagsasalita nito. Ang pagpapaikli ng isa,
dalawa o higit pang salita lalo na sa mga pasalitang komunikasyon ay mauuri rin sa antas
nito.
7. 7.  Halimbawa: nasa’n (nasaan), pa’no (paano), sa’kin (sa akin), sa’yo (sa iyo), kelan
(kailan), meron (mayroon)
8. 8. 3. Balbal. Ito ang tinatawag sa Ingles na slang. Sa mga pangkat-pangkat nagmumula
ang mga ito upang ang mga pangkat ay magkaroon ng sariling codes. Mababang antas ng
wika ito, bagamat may mga dalubwikang nagmumungkahi ng higit pang mababang antas,
ang antas-bulgar (halimbawa nito ay ang mura at mga salitang may kabastusan).
9. 9.  Sa lahat ng antas ng wika, ang balbal ang pinakadinamiko. Maaari kasing ang usong
salitang balbal ngayon at laos na bukas. Nakatutuwa ring pang-aralan kung paano
nabubuo ang mga salitang ito. Minsan nga, dahil sa napakasalimuot na prosesong
pinagdadaanan ng isang salitang balbal, nagiging lubhang mahirap nang ugatin ang
pinanggalingan nito. Kayrami ngang kabataang gamit nang gamit ng mga salitang balbal
na hindi nila alam kung paano nabuo.
 Antas ng Wika

 2. Ang antas ng wikang madalas na ginagamit ng isang tao ay isang mabisang palatandaan kung anong
uri ng tao siya at kung sa aling antas-panlipunan siya kabilang.

 3. Pormal Ito ay ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na
nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.

 4. Pambansa Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika sa lahat ng mga
paaralan.

 5. Pambansa Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan.

 6. Pampanitikan Ito naman ang mga salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga akdang
pampanitikan.

 7. Pampanitikan Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay, talinghaga at
masining.

 8. Impormal Ito ang mga salitang karaniwan, palasak at pang-araw-araw na madalas nating gamitin sa
pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.

 9. Lalawiganin Ito ang mga bokabularyong pandayalekto.

 10. Lalawiganin Gamitin ang mga ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang, maliban kung ang
mga taal na gumagamit nito ay magkikita-kita sa ibang lugar dahil natural na nila itong naibubulalas.

 11. Lalawiganin Makikilala rin ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono, o ang tinatawag ng marami na
punto.

 12. Kolokyal Ito’y mga pang-araw- araw na mga salita ngunit may kagaspangan at pagkabulgar,
bagamat may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita.

 13. Kolokyal Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang salita ay mauuri rin sa antas na ito.

 14. Balbal Ang mga salitang ito’y tinatawag sa Ingles na slang. Ang mga salitang ito noong una ay hindi
tinatanggap ng mga magulang at may pinag- aralan dahil masagwa raw pakinggan.

 15. Sa mga grupu-grupo nagsisimula ang pagkalat nito. Sila ang umimbento, sa gayon, para nga
namang code, hindi maiintindihan ng iba ang kanilang pinag- uusapan. Pabagu-bago ang mga salitang
balbal.

 16. Pana-panahon kung mauso kaya karaniwan ay hindi tumatagal, agad nawawala. Ito ay tinatawag
ding salitang kanto, salitang lansangan, salita ng mga estudyante, teen-age lingo at sa grupo ng mga
bakla ay swardspeak.

You might also like