You are on page 1of 24

Antas ng Wika

Ang antas ng wikang


madalas na ginagamit ng
isang tao ay isang
mabisang palatandaan
kung anong uri ng tao siya
at kung sa aling antas-
panlipunan siya kabilang.
PORMAL
Ito ay ang mga salitang
istandard dahil kinikilala,
tinatanggap at ginagamit ng
higit na nakararami lalo na ng
mga nakapag-aral ng wika.
PAMBANSA
Ito ang mga salitang karaniwang
ginagamit sa mga aklat pangwika sa
lahat ng mga paaralan.
 Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit
ng pamahalaan at itinuturo sa mga
paaralan.
PAMPANITIKAN
 Ito naman ang mga salitang gamitin ng mga
manunulat sa kanilang mga akdang
pampanitikan.
 Ito ang mga salitang karaniwang matatayog,
malalalim, makulay, talinghaga at masining.
 Isang eksperto na rin ang nagsabi na ang panitikan
ay ang “kapatid na babae ng kasaysayan,” ito ay
dahil sa ang wikang pampanitikan ay
makasaysayan dahil sa kanyang kakayahang
lumikha ng piksyunal o kathang isip.
IMPORMAL
Ito ang mga salitang karaniwan,
palasak at pang-araw-araw na
madalas nating gamitin sa
pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan sa mga kakilala
at kaibigan.
LALAWIGANIN
 Ito ang mga bokabularyong pandayalekto.
 Gamitin ang mga ito sa mga partikular na pook o
lalawigan lamang, maliban kung ang mga taal na
gumagamit nito ay magkikita-kita sa ibang lugar
dahil natural na nila itong naibubulalas.
 Makikilala rin ito sa pagkakaroon ng kakaibang
tono, o ang tinatawag ng marami na punto
(accent).
KOLOKYAL
Ito’y mga pang-araw- araw na mga salita
ngunit may kagaspangan at pagkabulgar,
bagamat may anyong repinado at malinis ayon
sa kung sino ang nagsasalita.
Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o
higit pang salita ay mauuri rin sa
antas na ito.
BALBAL
 Ang mga salitang ito’y tinatawag sa Ingles na slang. Ang
mga salitang ito noong una ay hindi tinatanggap ng mga
magulang at may pinag- aralan dahil masagwa raw
pakinggan.
 Sa mga grupu-grupo nagsisimula ang pagkalat nito. Sila ang
umimbento, sa gayon, para nga namang code, hindi
maiintindihan ng iba ang kanilang pinag- uusapan. Pabagu-
bago ang mga salitang balbal.
 Pana-panahon kung mauso kaya karaniwan ay hindi
tumatagal, agad nawawala. Ito ay tinatawag ding salitang
kanto, salitang lansangan, salita ng mga estudyante, teen-
age lingo at sa grupo ng mga bakla ay swardspeak.

You might also like