You are on page 1of 2

KAANTASAN NG MGA SALITA

May kaantasan ang mga salita. Kaantasang isinasaalang-alang ng mga aral sa wika,
sa gayon ang mga salitang bibitawan o gagamitin ay bumabagay sa kanyang katayuan , sa
hinihingi ng panahon at pook, at sa okasyong dinadaluhan.
Sa ganang kabagayan ito ng mga salita, masasabing dalawa lamang ang kaantasan
nito: ang formal na mga salita at ang informal o di-formal na mga salita.

A. PORMAL- Ito ay mga salitang istandard dahil ito’y kinikilala, tinatanggap, ginagamit ng
karamihang nakapag-aral sa wika. Ang mga dalubwika ang nagpapasiya kung ang salita ay
dapat gamitin. Kung marapat ito’y ginagamit sa mga paaralan at sa iba pang may
pangkaligirang -intelekktwal sa gayo’y tumaas ang uri kapag malaganap nang ginagaya.

1. Pambansa- ginagamit sa mga aklat, babasahin, at sirkulasyong pangmadla. Wikang


ginagamit sa mga paaralan at sa pamahalaan Salitang higit na kilala o ginagamit sa pook na
sentro ng sibilasyon at kalakalan.
Mga Halimbawa: aklat , ina , ama, dalaga, masaya

2. Pampanitikan - Pinakamayamang uri Kadalasa’y ginagamit ang salita sa ibang kahulugan


Gumagamit ng idyoma, tayutay, at iba’t ibang tono, tema, at punto Isang eksperto na rin ang
nagsabi na ang panitikan ay ang “kapatid na babae ng kasaysayan,” ito ay dahil sa ang
wikang pampanitikan ay makasaysayan dahil sa kanyang kakayahang lumikha ng piksyunal
o kathang isip. Ito ay nagaganap sa tuwing ang wikang pampanitikan ay malayang
nagagamit sa pagkatha ng dula, katha, palabas, at iba pang likhang pampanitikan.
Mga Halimbawa: Mabulaklak ang dila , Di-maliparang uwak, Kaututang dila, Balat sibuyas,
Taingang kawali, Nagbukas ng dibdib

B. IMPORMAL- Ito ang mga salitang ginagamit sa mga pang araw-araw na


pakikipagtalastasan sa mga taong malalapit sa atin o pamilyar.

1. Pabalbal /Balbal - May katumbas itong “slang” sa Ingles at itinuturing na


pinakamababang antas ng wika. Mga salitang Pangkalye o Panlansangan. Tinatawag din
itong singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may nabubuong mga salita.
Pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit sa lansangan. Karaniwang ito ay
nabubuo ng isang grupo tulad ng mga bakla na nagsisilbing koda nila sa kanilang
pakikipag-usap.
Mga Halimbawa : PARAK, ESKAPO, ISTOKWA, JUDING, TIBOLI

2. Lalawiganin/Panlalawigan- Karaniwang salitain o dayalekto ng mga katutubo sa


lalawigan gaya ng mga Cebuano, Batangeno, Bicolano, at iba pa na may tatak-lalawiganin sa
kanilang pagsasalita. Isang palatandaan ng lalawiganing tatak ay ang punto o accent.
Salitang ginagamit ng mga tao sa isang partikular na pook. Mga salitang ginagamit sa isang
lalawigan at hindi pamilyar na gamitin sa ibang lugar.
Mga Halimbawa KAIBIGAN  Kaibigan-Tagalog  Gayyem-Ilokano  Higala-Cebuano 
Amiga-Bikolano HALIK  Halik-Tagalog  Ungngo-Ilokano  Halok-Cebuano  Hadok-
Bikolano

3. Kolokyal- Mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal na mga salita.


Nagtataglay ng kagaspangan ang mga salitang ito subalit maaari rin namang maging
repinado batay sa kung sino ang nagsasalita gayon din sa kanyang kinakausap. Ginagamit
sa okasyong impormal at isaalang- alang dito ang salitang madaling maintindihan.
Mga Halimbawa: alala, lika , naron, kanya-kanya, antay , lugal, tara, tena, sanaron

You might also like