You are on page 1of 15

ANTAS NG WIKA

Ang wika ay nahahati sa iba’t


ibang katigorya sa antas na
ginagamit ng tao batay sa
kanyang pagkatao, sa lipunang
kanyang ginagalawan, lugar na
tinitirhan, panahon, katayuan at
okasyong dinadaluhan.
Antas ng
Wika

Di-
Pormal Pormal

Kolokyal
Pampanitikan Pambansa Lalawiganin Balbal
1.Pormal – Ito ay antas ng wika na
istandard at kinikilala/ginagamit ng
nakararami.
a.Pambansa. Ito ay ginagamit ng
karaniwang manunulat sa aklat at
pambalarila para sa paaralan at
pamahalaan
Halimbawa: Asawa, Anak, Tahanan
b.Pampanitikan o panretorika. Ito
ay ginagamit ng mga malikhain
manunulat.Ang mga salita ay
karaniwang malalim, makulay at
masining.
Halimbawa:
Kahati sa buhay
Bunga ng pag-ibig
Pusod ng pagmamahalan
Impormal. Ito ay antas ng wika
na karaniwan, palasak, pang
araw-araw, madalas gamitin sa
pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan.
a.Lalawiganin. Ito ay gamitin ng mga
tao sa particular na pook o
lalawigan, makikilala ito sa
kakaibang tono o punto.
Halimbawa:
Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)
Nakain ka na? (Kumain ka na?)
Buang! (Baliw!)
Kolokyal. Pang araw-araw na salita,
maaring may kagaspangan nang kaunti,
maari rin itong refinado ayon sa kung
sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng
isa,dalawa o higit pang titik sa salita.
Halimbawa:
Nasan, pa`no,sa’kin,kelan
Meron ka bang dala?
Balbal. Sa Ingles ito ay slang.
Nagkakaroon ng sariling codes,
mababa ang antas na ito; ikalawa sa
antas bulgar.
Halimbawa:
Chicks (dalagang bata pa)
Orange (beinte pesos)
Pinoy (Pilipino)
Pagsusulit: I
Panuto: Basahin at unawaing mabuti
ang bawat katanungan. Isulat ang wastong
sagot sa sagutang papel.
____1.Ito ay antas ng wika na istandard at
kinikilala/ginagamit ng nakararami.
____2.Ito ay antas ng wika na karaniwan,
palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa
pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.
_____3.Ito ay ginagamit ng karaniwang
manunulat sa aklat at pambalarilapara sa
paaralan at pamahalaan.
____4. Ito ay ginagamit ng mga
malikhain manunulat.Ang mga salita ay
karaniwang malalim, makulay at masining.
_____5. Ito ay gamitin ng mga tao sa particular na
pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono
o punto.
_____6. Ito ay pang araw-araw na salita, maaring
may kagaspangan nang kaunti,maari rin itor
refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang
pagpapaikli ng isa,dalawa o higit pang titik sa
salita.
____7.Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling
codes, mababa ang antas na ito; ikalawa sa antas
bulgar.
____8.Ito ay wikang ginagamit ng karamihan sa isang
bansa; sa Pilipinas ang Filipino ang lingua franca ng mga
tao.
____9.Ito ay nahahati sa iba’t ibang katigorya sa antas
na ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa
lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan,
panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan.
____10.Ito ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan.
Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay
na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng
kaisipan.
Pagsusulit
Panuto: Basahin at unawaing
mabuti ang nakapaloob sa bawat
bilang. Piliin kung ito
ay Lalawiganin, Pampanitikan,
Pambansa, Kolokyal o Balbal na
salita. Isulat ang tamang sagot sa
sagutang papel.
____1.Buhay
____2.Todas
____3.Malakat
____4.Bokal
____5.penge
___6.Nanghihilakbot
___7.meron
___8. ilaw ng tahanan
___9.Hinigugma
___10.musta

You might also like