You are on page 1of 5

Gerlyn H.

Sojon
MAFIL-1
Iba’t Ibang Dulog sa Pagtuturo ng Panitikan

Midterm Examination
A. Gamit ang talahanayan, ipaliwanag ang sumusunod na dulog estratehiya:
1. Gallery Walk Ang estratehiyang ito ay isang talakalayan ng paksa kung
saan ang mga bata ay umaalis sa kanilang upuan.
Nagkakaroon ng aktibong partisipasyon mula sa mga mag-
aaral sapagkat umiikot sila sa apat na sulok ng klasrum
upang analisahin o unawain ang mga larawan o nakapaskil
sa pader. Maaari rin itong gamitin sa kompyuter na may
papel sa mesa o may nakapaskil na papel sa mesa upang
doon sila magbasa ng tanong.
2. Brainstorming Ang pagdulog na ito ay isa sa pinakaepektibong
pamamaraan na mailalapat sa mga mag-aaral. Magagawa
ito sa pamamagitan ng pangangalap ng impormasyon o
ideya sa ibang tao sa bawat pangkat ng grupo. Ang
konseptong ito ay tumutuklas sa benepisyo o kalakasan at
kahinaan ng mga mag-aaral. Maaaring makapag-ungkat ito
sa mga dating kaalaman ng mga mag-aaral na
makatutulong sa pagbubuo ng ideya.
3. Concept Ang estratehiyang ito ay isang magandang pamamaraan
Mapping upang makabuo ng isang konsepto mula sa dating
kaalaman patungo sa bagong impormasyon na kanilang
natutunan. Gumagamit ito ng iba’ibang grapikong pantulong
na may iba’t ibang gamit o layunin.
4. Scenario Ang estratehiyang ito ay nangangahulugang ang mga mag-
aaral ay may isasadulang eksena o bahagi ng teksto o akda
na bahagi ng paksang tinalakay o itatalakay.
5. Journals Ang estratehiyang ito ay magagawa sa pamamagitan ng
pagtatala ng mga mahahalagang pangyayari upang hindi
makalimutan.
6. Pormalistiko Ang pagdulog na ito ay nagsusuri, nagbibigay-
interpretasyon o paglalapat sa mga napapaloob sa isang
akda. Ito ay nakatuon sa paraan ng pagkakabuo ng akda,
pagpili ng mga salita at wika o dayalogong ginamit at ang
iba’t ibang kabuluhan nito.
7. Moralistiko Ang pagdulog na ito ay ginamit upang suriin ang isang akda
na may layuning magbigay-aral sa mga mambabasa.
Masasabing ang pagdulog na ito ay ekstensyon ng
pagdulog-humanismo dahil sa pagbibigay-halaga ng mga
humanista sa pagpapanatili ng integridad at dignidad ng tao
bilang nilalang na may isip.
8. Pamaraang Ang process approach o pamaraang proseso ay ginagamit
Proseso sa pagtuturo ng mga asignatura sa aghaam at iba pang
disiplina. Ito ay isang pagdulog na ang binibigyang- diin ay
hindi ang pagkakamit ng mga mag0aaral ng maraming
kabatirang ipasasaulo sa kanya kundi manapa’y ang pag
angkin ng mga mag-aaral ng mga batayang kasanayang
intelektuwal na kailangan niya sa pagkatuto.
9. Pamaraang Ang pamaraang pasaklaw ay kabaligtaran ng pamaraang
Pasaklaw pabuod. Samantalang ang pamaraang pabuod ay
nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa paglalahat o
pagbubuo ng tuntunin, ang pamaraang pasaklaw naman ay
nagsisimula sa paglalahat ng tuntunin patungo sa
pagbibigay ng mga halimbawa kaya may taguring “rule” o
“rule of example”. May limang hakbang ito 1) panimula o
introduction, 2) pagbibigay ng tuntunin o katuturan o giving
of rules/generalization 3)pagpapaliwanag ng tuntunin o
interpretation of the rule, 4) pagbibigay ng halimbawa o
giving examples 5) pagsubok o testing.
10. Pamaraang Ang pamaraang ito ay angkop na angkop gamitin sa
Pabalak pagtuturo ng Edukasyong Panggawain. Angkop din naming
gamitin sa pagtuturo ng anumang asignatura na may
nilalayong magsagawa ng proyekto. Sa pamamaraang ito,
nalilinang sa mga mag-aaral hindi lamang sa kakayahan at
kasanayang pagpaplano, sa pagsusuri, sa pagpapahayag at
sa pagpapasiya kundi gayundin naman ang mga kapangkat
at ang kakayahan sa pagtanggap ng puna nang walang
pagdaramdam o sama ng loob. Ito ay may apat na hakbang
1) paglalayon o purposing 2) pagbabalak o planning 3)
pagsasagawa o executing 4) pagpapasiya o
evaluating/judging.

B. Ilahad ang 5 A’s model sa pamamagitan ng paggawa ng DLP sa Filipino


BANGHAY ARALIN SA FILIPINO
GAMIT ANG 5 A’s APPROACH

I. LAYUNIN
Napagtutugma ang mga salitang magkasalungat sa tulong ng larawan

II. PAKSANG ARALIN


A. PAKSA
Pagtugma ng mga salitang magkasalungat sa tulong ng mga larawan
B. SANGGUNIAN
K-12 Gabay sa Kurikulum
Gabay sa Pagtuturo
C. KAGAMITAN
Mga larawan, semantic web, plaskard, tsart
D. PAGPAPAHALAGA
Pagpapanatili sa kalinisan ng hangin

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
Pag-awit ng isang kanta na may kaugnayan sa paksa
B. Panlinang na Gawain
1. Balik-aral
Sabihin: Ngayong araw na ito ay muli nating balikan ang napag-aralan natin
tungkol sa nagagawa ng hangin para sa atin.
Mag-aaral: 1. Ang hangin ang dahilan kaya tayo ay nakakahinga
2. Ang hangin any napagkukunan ng enerhiya
2. Paunang Pagtataya
Anong mangyayari kung mawala ang hangin?
Mag-aaral 1: mamamatay po ang mga tao at hayop
Mag-aaral 2: Wala ng mapagkukunan ng enerhiya
Ipakita ang larawan ng “Bangue Windmills sa Ilocos Norte, kung saan ay
nagagamit ito na pinagkukunan ng elektrisidad.
Itanong kung paano mapangangalagaan ang hangin.
Mga posibleng kasagutan:
 Laging maglinis ng paligid
 Huwag magtapon ng basura kung saan- saan
 Huwag magsunog ng basura
 Huwag putulin ang mga puno sa kagubatan
 Magtanim ng mga puno na magbibigay ng sariwang hangin
3. Paglalahad
- Ipaskel sa pisara ang semantic web.
GAWAIN: Ipadikit ang mga salitang nasa plaskard na maaaring masabi o
makapaglarawan sa HANGIN.
HANGIN

Ipabasa ang mga salitang ginamit sa paglalarawan sa hangin. (Malakas,


maingay, malamig, mabilis)
4. Pagtalakay
ANALYSIS:
A. Ano ang kabaligtaran ng malakas? (mahina)
B. Ano ang kasalungat ng maingay? (tahimik)
C. Ano ang kasalungan o kabaligtaran ng malamig? (mainit)
D. Ano ang kasalungat ng mabilis? (mabagal)
4.1. Ipabasa ang magkaparehas na saligant magkasalungat sa tsart
Malakas – mahina maingay - tahimik
Mabilis – mabagal malamig – mainit
4.2. Magpakita ng mga larawan upang maipahiwatig ang ibig sabihin ng
salitang magkasalungat

Payat at mataba Pangit at maganda

Mataas at pandak Malaki at maliit

Lalaki at babae Malinis na maruming


damit at damit

4.3. Magpakita pa ng ibang magkaparehas na larawan at itanong kung


ang mga ito ay magkasalungat

apoy at araw ice cream at ice drop

bulak at bato walis tingting at tambo

pangit at maganda Kadila at gasera

tag-init at tag-ulan Kabayong puti at kabayong itim


5. Paglalahat (ABSTRACTION)
Ano ang ibig sabihin ng salitang magkasalungat? (Ang salitang
magkasalungat ay magkaiba ang uri, katangian o magkaiba ng kahulugan.)
6. Paglalapat (APPLICATION)
a. Bigyan ang bawat bata ng larawan upang maitugma ang kaparehas na
kasalungat
b. Ang guro ang unang magpapakita ng larawan at kasalungat na larawan at
ipalilinag niya kung bakit ang 2 larawan ay magkasalungat
c. Pagkasagot ay siya naman ang magtatanong kung sino ang may hawak
ng kasalungat ng larawan na nasa kanya
d. Kung sino ang makasagot ay siya naman ang magtatanong, hanggang sa
matapos ang pagtutugma sa larawang kasalungat.
7. Pagtatasa (ASSESSMENT)
Magbibigay ng pagsusulit na nakaimprenta sa papel na masasagutan ng mga
mag-aaral sa loob ng 8-minuto. Kung may oras pa ay wawastuhan ito ng
sabay-sabay ng klase. Tatasahin dito ang kanilang pag-unawa sa paksang
tinalakay.

IV. Panghuling Pagtataya


Panuto: Pagtugmain o pagtambalin ng guhit ang mga salitang larawan na
magkasalungat

1. batang
lalaki   ulan

2. As yelo batang
  babae

3. Asa
araw mainit na
  kape

4. Asabato
  daga

5. pusa
  bulak

V. TAKDANG ARALIN
Magdala ng 3 pares ng larawan na magkasalungat

You might also like