You are on page 1of 20

MAGANDANG BUHAY!

BASAHIN ANG SAKNONG 69-82


MULA SA FLORANTE AT LAURA.
69 - May dumating na mandirigma sa gubat. Taga Persiya.
70 - Huminto siya. Tumingin sa palibot. Biglang hinagis ang
kanyang mga sandata.

71 - Tumingala siya, at panay ang buntong-hininga.


72 - Umupo siya sa tabi ng puno, at umiyak nang umiyak.

73 - Hawak niya ang kanyang baba at sentido. Mukhang may


malalim na iniisip, o di kaya's may nakalimutan.
74 - Maya-maya'y sumandal siya. Patuloy pa rin ang kanyang
mga luha. Nagsalita siya: Flerida, tapos na ang tuwa. (NOTE: Anim
na taon na siyang palakad-lakad kung saan-saan sa labas ng
Persiya. Hindi siya maka move-on.)

75 - Panay ang sabi ni Aladin ng "Ay! Ay!" duon sa gubat. Hindi


siya talaga maka move-on.“

76 - Bigla siyang tumindig, mukhang galit, at dali-dali niyang


hinanap ang kanyang mga sandata. Hindi raw siya
makapapayag.
77 - At kung ibang tao (maliban sa kanyang ama) ang
umagaw ng kanyang Flerida, mapapatay niya ito.

78 - Binanggit ni Aladin si Marte at ang mga Parcae. May


diyos/diyosa na kunektado sa digmaan at kamatayan. Matindi
ang galit ni Aladin.

79 - Sinabi ni Aladin na babawiin niya si Flerida mula sa mga


kuko ng kataksilan, at lahat nang makakabangga niya
(maliban sa kanyang ama) ay papatayin niya.
80 - Makapangyarihan ang pag-ibig. Lahat ay apektado. At
ang lahat din ay makalilimutan kapag pumasok na sa puso
ang pag-ibig.
81 - Kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan, kalimutan mo na
ang respeto sa lalong dakila (Diyos?), katwiran, tamang pag-
iisip, katungkulan, at pati na rin ang buhay.

82 - Sinasabi ni Aladin na huwag siyang tularan. Pero wala


naman siyang kausap sa gubat.

83 - Sinaksak ni Aladin ang kanyang sandata sa lupa. Umiyak


nang umiyak. Bigla siyang may narinig na buntong hininga. Si
Florante pala yun, nakagapos pa sa puno.
BILUGAN ANG SALITANG NAIIBA ANG
KAHULUGAN SA GRUPO NG MGA SALITA

1. adarna pananggalang pantakip pandepensa

2. panaghoy pag-iyak pagsigaw paghagulgol

3. bathin Tiisin lisanin kayanin


4. pagkapang- pagkalimot pagkapahamak pagkapariwara
anyaya

5. mapanglaw Masaya malungkot malumbay


MGA GABAY NA TANONG:

1. Sino ang dumating sa gubat?


2. Bakit siya malungkot? Ano ang problema niya?
3. Base sa mga sinasabi ni Aladin, ano kayang klaseng anak
siya? Bakit mo nasabi?
4. Sa iyong palagay, tama ba ang sinasabi ni Aladin sa mga
saknong 78–79?
5. Gagawin kaya niya ang kanyang iniisip? Bakit mo nasabi?
6. Sa iyong palagay, nangyayari pa rin ba sa kasalukuyan
ang karanasan ni Aladin? Magbigay ng mga halimbawa.
7. Ano-ano ang alam mong uri ng pag-ibig?
8. Paano mo ito maipag-iiba o maihahalintulad sa
iba pang mga uri o anyo ng pag-ibig?
9. Sa iyong palagay, paano naipakikita ng tao ang
pag-ibig?
10. Paano mo ipakikita ang pag-ibig sa
a. kapwa?
b. sa iyong pamilya?
c. sa iyong kaibigan?
d. sa kapaligiran?
e. sa bayan?
PAGLIPAT/PAGTATAYA
•Bubuuin ang mga pangungusap na nakalista sa powerpoint
ayon sa kung paano ninyo ito nakikitang tama. Tandaan na
walang maling sagot sa pagtataya na ito dahil ang sagot ay
depende sa mga karanasan, paniniwala, at pagpapahalaga
ng ninyo bilang mag-aaral.
•Isulat ito sa isang buong papel.
1. Ginagawa ko ang aking mga nakatakdang gawain sa
bahay dahil .
2. Niniwala akong ang pagmamahal sa bayan ay
naipapakita sa pamamagitan ng .
3. Gustong-gusto kong gawin ang dahil
.
4. Pangarap kong sapagkat
.
5. Para sa akin, ang pag-aaral ay sapagkat
.
Paglalahat/Pagbubuod:
PAGBUBUOD

•Sagutin ang katanungan bilang bahagi ng iyong


repleksiyon o rebyu hinggil sa mga paksa,
kasanayan, at impormasyong natutuhan.
•Isang-kapat na papel
• Tanong:
Sa iyong palagay, dapat bang ipaglaban ang pag-ibig?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
• Matapos ang pagtalakay ng araling ito, natutuhan ko ang
sumusunod:

.
TAKDANG-ARALIN

•Basahin ang saknong 83-107 ng Florante at


Laura at unawain ang daloy o mensahe nito.
MARAMING SALAMAT SA
PAKIKINIG!

Inihanda: Bb. Zaw 

You might also like