You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA PAGBASA at PAGSUSURI NG TEKSTO Tungo sa PANANALIKSIK

Aralin 4

I-LAYUNIN:
1. Natutukoy ang iba’t ibang paraan at uri ng tekstong deskriptibo
2. Nakikilala at masuri ang mga halimbawa ng tekstong naglalarawan
3. Nakabubuo ng isang photo essay

II-NILALAMAN
A. Paksa: Tekstong Deskriptibo: Makulay na Paglalarawan
B. Kagamitan : Libro, Powerpoint Presentation
C. Sanggunian : Batayang Kagamitan sa Pagbasa pahina Crizel Licat- De Laza

III- PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
- pagdarasal, pagtsek ng liban, pagtsek ng asignatura
B. Balik Aral sa Tinalakay na Aralin
- rebyu sa paksang tekstong impormatibo .
C. Motibasyon
Gawain 1: Mahalagang kilalanin ang sarili at alamin ang sariling kahinaan at kakayahan
bago gumawa ng anomang desisyon o isakatuparan ang anomang tungkulin. Ilarawan ang
inyong sarili sa isang talata. Ibigay ang inyong mga katangiang pisikal at iba pang katangian
tulad ng pag-uugali, disposisyon at pananaw.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________.

D. Pagtalakay sa Aralin
- malayang talakayan tungkol sa tekstong deskriptibo
E. Gawain 1.2
- Pakinggan ang awit na “bahay” ni Gary Granada.
F. Analysis
1. Tasahin ang paglalarawan ng manunulat sa “bahay”.
2. Epektibo ba ang paglalarawan?
3. Ano ang kabuuang mensahe ng awit?
4. Naipahayag ba ang mensahe sa pamamagitan ng paglalarawan?

IV- ABSTRAKSYON/ VALUING


- Ang tekstong deskriptibo ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar,
karanasan, sitwasyon at iba pa. Layunin ng sining ng deskripsyon na magpinta ng
matingkad at detalyadong imahen na makapupukaw sa isip at damdamin ng mga
mambabasa.

V- EBALWASYON
Gawain 1.3 Paglikha ng Photo Essay
Isang pamamaraan ang photo essay o paggamit ng larawan o litrato sa pagsasalaysay o
paglalahad ng isang bagay at pangyayari. Sa pamamagitan ng mga serye ng larawan at maikling
caption, naibibigay ang mahahalagang ideya na nais iparating ng gumagawa nito.
Bumuo ng grupo na may tatlong miyembro at maghanap ng mga halimbawang photo
essay sa internet. Pagkatapos, pagdesisyunan kung anong litratog gagamitin ditto. Kapag
natapos na, i-print ang photo essay at ibahagi sa klase.

Tatayahin ang photo essay sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan:

Batayang Grado Kaukulang Puntos Grado


Angkop ang pagpili ng larawan na nais iparating na nais 10
iparating ng photo essay
Malinaw at angkop ang paglalagay ng mga caption sa larawan 10
Napapanahon at kapaki-pakinabang ang napiling paksa 10
Malikhain at napupukaw ng imahinasyon ang kabuuan ng 10
photo essay
KABUUAN: (40)

VI- TAKDANG ARALIN


-Alamin ang tatlong katangian ng tekstong deskriptibo

You might also like