You are on page 1of 5

ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG MAIKLING KUWENTO, PABULA AT PARABULA

 Maikling kuwento –isang uri ng literaturang fiksyunal na umiinog sa isang pangyayari. Dahil hindi ito
kahabaan,limitado ang tauhan at pangyayari.
 Pabula –isang kuwentong kathang-isip lamang na ginagampanan ng mga hayop at naglalayong
magbigay ng isang magandang halimbawa at aral.
 Parabula -ito’y mga salaysaying hango sa Bibliya. Ang layunin nito’y makapagbigay ng aral sa mga
mambabasa.
Ang Guro bilang isang Guro
Ang guro ng Filipino bilang tagapagpadaloy ay may malinaw na layunin sa pagtuturo. Guro ang susi
ukol sa mabisang pagtuturo. Kung baga sa isang manggagamot, nararapat pulsuhan ng guro ang kanyang
mga magaaral, damhin at pakinggan ang tibok ng kanilang puso, pag- aralan ang sanhi ng kanilang
karamdaman bago lapatan ng kaukulang lunas. Ayon kay Papham (1980), malaki ang tungkuling
ginagampanan ng guro sa pagpapaunlad ng kakayahang taglay ng mga mag-aaral. Ang kanyang
impluwensiya sa lipunan at sa paghubog ng mga kakayahan ng mga magaaral ay hindi matatawaran
kailanman. Bilang magulang, siya ang nagsisilbing buhay sa pagpapalago at pagpapayabong ng
anumang kakayahan mayroon ang mag-aaral. Sa napakalaking pananagutang ito, nararapat lamang na
taglay ng mga guro ang mga katangiang tunay na papatnubay sa kanyang mga tinuturuan upang
magabayan ang mga ito nang lalong malinang ang kakayahan at abilidad upang maging epektibo hindi
lamang sa silid-aralan kundi higit sa lahat, maging huwaran, epektibo at maging malaya sa pakikilahok
sa kaniyang lipunang patuloy na nagbabago.

ANG KONDISYON NG PAGKATUTO KAUGNAY NG PAGTUTURO NAPABIBILIS ANG


PAGKATUTO NG MAG-AARAL KAPAG
 nagaganyak ang kaniyang mga pandama;
 kasangkot siya sa pagpaplano ng mga gawain;
 nagaganyak siyang matuto;
 nahihikayat siyang mag-isip; at
 nahihikayat na magsuri.

Katangian ng Mabuting Estratehiya

 Simple at madaling maisagawa


 Nagsasangkot sa lahat ng mag-aaral
 Nagbibigay ng mabuting bunga
 Humuhubog sa mabuting pag-uugali
 Nakatutulong sa paglinang ng maraming kakayahan ng mag-aaral
 Humahamon sa kakayahan ng mag-aaral
 Higit na marami ang gawain ng mag-aaral kaysa guro.
 Umaalinsunod sa mga simulain ng pagkatuto at pilosopiya ng pagkatuto

Mga Mungkahing Estratehiya sa Pagtuturo ng Maikling Kuwento, Pabula at Parabula

GRAPHIC ORGANIZER
 Ang mga grapiko ay mga kagamitang pedagohikal.
 Ang mga ito ay may dalawang dimensyong naghahatid ng katotohanan at kaisipan sa paraang maayos,
malinaw, at maikli ngunit malaman at buo.
 Ginagamit dito ang kombinasyon ng mga guhit, larawan, at mga salita upang linawin at ilantad ang mga
kaisipan, kosepto, proseso, at ugnayan ng mga bagay-bagay.
 May iba’t ibang uri ang grapiko. Bilang kagamitang pedagohikal, ang mga ito’y ginagamit na
pambiswal at may iba’t ibang paraan ng pagdidisenyo, may teknik ng pagkakatitik, paglalarawan,
paggamit ng kulay, at lay-out at ito ay para sa epektibong komunikasyong biswal.

Mga Benepisyo /Kabutihang Dulot ng mga Graphic Organizer


 Nakakatulong sa pagsasanib ng dati nang kaalaman sa bagong kaalaman.
 Nakakapagpapadali sa pagdebelop ng konsepto.
 Napapahusay ang kasanayan sa pagbabasa, pagsusulat at pagsusuri.
 Nakakatulong sa pagsulat kaugnay ng pagplaplano at pagrerebisa.
 Naghihikayat ng diskursong “focused” o nakatuon sa isang paksa.
 Maaaring instrumento ng ebalwasyon.
 Nakakatulong sa pagplaplanong instruksyonal.

MGA URI NG GRAPHIC ORGANIZER


1. K-W –L TECHNIQUE (KNOW-WANT-LEARN)-ito ang teknik upang matukoy ang dati nang
kaalaman at iniuugnay sa mga bagong kaalaman. Nakabatay ito sa paniniwalang mas nananatili
at nagiging makahulugan ang bagong kaalaman kung iniuugnay sa dati ng nalalaman.
2. CONCEPT MAP-Ang Concept Map ang nag-uugnay ng mga konsepto hanggang sa makabuo ng
malaking ideya o katuturan.
3. CONCEPT CLUSTER-Ito ay ginagamit upang madaling maisaisa at mabigyang-kahulugan ang
klaster ng mga salita, konsepto o pangyayari.
4. VENN DIAGRAM-Ang Venn Diagram ay ginagamit sa paghahambing ng mga katangian ng
dalawang paksa upang makita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito.
5. HIRARKIKAL NA DAYAGRAM-Ito ay lapit na linyar at kabilang dito ang pangunahing
konsepto at mga sub-konsepto na nasa ilalim nito.
6. FACT STORMING WEB-Malawak ang saklaw ng factstorming web sapagkat makikita rito ang
lahat ng masasaklaw na detalye. Nasa sentro ang pangunahing konsepto at nakapaligid dito ang
mga kaugnay na konsepto. Nakapaligid naman sa kaugnay na konsepto ang iba pang mga
detalye.
7. SPIDER WEB-Sa spider web, karaniwang mahahati ang aralin sa apat at bawat isa ay tumutukoy
sa isa sa apat na paa ng gagamba. Binubuo ng pangunahing konspeto at sumusuportang datos ang
bawat pangkat.
8. SEMANTIC WEB
May apat na elemento ang semantic web:
a) Ang core question na paksa ng aralin
b) Ang web strand na sagot sa core question na nakasulat saapat na kahon
c) Ang strand support na sumusuporta sa web strand
d) Ang strand tie na linyang nagdurugtong sa lahat ng web strand.
9. ANG SAYKLIKAL NA TSART-Ang sayklikal na tsart ay magagamit sa pagpapakita ng daloy
ng mga gawain, pangyayari o proseso mula sa simula hanggang katapusan.
10. Discussion Web-Ginagamit ang discussion web sa pagtatalakay ng mga isyu na halos
magkatimbang o balanseng masasagot ng Oo o Hindi. Naoorganisa rito ang mga argumento o
ebidensya tungkol sa isyung tinalakay.
11. Catterpillar Technique-Mainam na gamitin ito upang mas matalakay ang isang maikling kuwento
sapagkat natutukoy ang bawat bahagi ng isang akda.
12. RANK ORDER CHART-Natuturuan ang mga mag-aaral na maganalisa ng mga paksa sa
pamamagitan rank order chart. Ito ang pagbibigay ng ranggo kung alin sa mga datos na ibinigay
ang dapat na mauna at naipaliliwanag ito ng mga mag-aaral.
13. COMPARISON-CONTRAST CHART-Sa tulong ng comparison contrast chart,naipaliliwanag
ng mga mag-aaral ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang paksa. Naisasagawa ito sa
pamamagitan ng pag-aasimila.
14. ANG CAUSE AND EFFECT CHART -Ang chart na ito ang magbubuod sa sanhi at bunga ng
isang pangyayari o penomena.
15. WHAT IF? CHART-Ito ang chart na susubok sa kahusayan ng mga mag-aaral sa pagbibigay ng
mga kasagutang maaaring itugon sa mga pangyayaring susuriin.
16. PROCESS OR CYCLE DIAGRAM-Sa pamamagitan ng diagram na ito, maaaring pag-aralan ng
mga magaaral ang proseso ng isang pangyayari o bagay.
17. EVENT MAP-Ginagamit ang event map sa pagaanalisa sa isang paksa o kuwento.Ito ang
madalas gamitin sa pagtalakay sa mga akdang pampanitikan.
18. WORD MAP-Nagagamit sa pagpapalawak ng isang salita ang word map.Ginagamit din ito
upang bigyang kahulugan ang isang isang termino.
19. STORYBOARD-Ginagamit ang story board upang ipakita ang mahahalagang pangyayari sa
kuwento. Iguguhit ang mahahalagang pangyayari sa kahong inihanda ayon sa wastong
pagkakasunud-sunod.
20. Caravan-Pagkilala sa mahahalagang pangyayari sa paksa o aralin

IBA PANGESTRATEHIYA NA MAGAGAMIT SA AKTIBONG PAGTUTURO


1. INFORMATION CHART- Pamaraan: Tatlo hanggang 4 na tanong na inihanda ng guro ang
nakalista sa itaas ng grid chart. Isusulat ng pangkat ang impormasyong inaakalang alam nila
tungkol sa bawat tanong. Ililista at tatalakayin ng pangkat ang mga posibleng sanggunian
upang mahanap ang mga impormasyon. Kapag nahanap na ng pangkat ang sagot sa bawat
tanong, isusulat nila ito sa ilalim ng angkop na kolum pati na ang sanggunian.
Makapagdaragdag ng bagong kolum tulad ng “Iba Pang Kawili-wiling Kaalaman” at “Mga
Bagong Tanong”.
2. I –SEARCH- Mula sa isang teksto (naratibo oekspositori) na nabasa, pipili ang mga
estudyante ng isang tanong o tema na gusto pa nilang mapag-aralan o masuri. Isasagawa ang
imbestigasyon / pag-aaral sa labas ng klase at isusulat ang resulta /mga konklusyon sa I-
Search sheet.
3. THINK-PAIR-SHARE- Isang kooperatibong pagkatuto kung saan nakikinig muna ang
estudyante sa ilang tanong, nag-iisip tungkol sa kaniyang isasagot, nakikipares upang
makipagtalakayan sa isa o higit pang kaklase at nagbabahagi rin kaniyang mga sagot sa
buong klase.
4. DUGTUNGANG PAGKUKUWENTO- Ang pagkukuwento ay maaaring simulan ng
guro o ng isang mag-aaral. Limang mag-aaral ang magsasagawa nito hanggang matapos at
mabuo ang kuwento. Pagkatapos masabi ng isa ang kaniyang bahagi, hahawakan niya ang
kamay ng katabi bilang tanda na siya ay tapos na.
5. WHAT CAN YOU SAY?- Gumagamit ng mga larawan ang guro at gagabayan ang mga
mag-aaral na ipaliwanag ang nilalaman nito. Maaaring gamitin ang mga larawan sa dyaryo.
6. MOCK TRIAL- Maaaring gamitin sa pagbibigay hatol sa isang
pangyayari sa kuwento na nais bigyan ng pagsusuri.
Halimbawa: Dapat bang patawarin si Senyora Mameng dahil sa hindi makataong pagtrato
niya sa mga katulong? Papangkatin ang klase sa
a) HUKOM,
b) TAGA-USIG,
c)TAGAPAGTANGGOL,
d) NAGHABLA,
e) MGA SAKSI.
7. PARADE OF COSTUME- Magbibihis ang mga mag-aaral ng kasuutan na akma sa isang
partikular na panahon o lugar. Mararanasan ng mga mag-aaral ang isang panahon na kaugnay
sa kanilang mga naging kasuutan. Maganda itong gawin sa panahon ng Buwan ng Wika, sa
Pagdiriwang ng mga Nagkakaisang Bansa at mga piling maiikling kuwento na ang tuon ay sa
kasaysayan ng bansa. Maaari rin naman na gawin ito kung nais ng guro na magkaroon ng
pagtatanghal sa ilang piling kilalang tao. Ang mga mag-aaral ay magbibihis na gaya ng mga
bayani, mga pinuno ng bayan o kahit sinong kilalang tao na maaari naman na kaugnay sa
paksang tinatalakay.
8. PAGTIBAYIN ANG PALAGAY- Batay sa larawan, dugtungan ang mga pahayag s aspeech
balloon ng iyong nabuong konsepto o pananaw gamit ang mga ekspresiyon ng
pagpapahayag.
Halimbawa:
Sa aking pananaw, _______
Sa kabilang dako, _____
Ang Pagtuturo ng Filipino
Ayon kay, ______
Sang-ayon sa, _______
9. Saan aabot ang Bente mo?- Ibinubuod ng mga mag-aaral ang akda sa loob lamang ng 20
salita
10. Tableau- Ay nangangahulugan at tumutukoy sa isang grupo ng mga modelo o mga pigurin na
hindi gumagalaw upang ilarawan ang isang eksena mula sa nakaraan o maaaring mula sa
isang kwento.
11. Debate
12. Round table
13. Hosting
14. Broadcasting
15. Infomercial
16. 3-2-1

AT UPANG MAISAKATURAPAN ANG MGA ESTRATEHIYANG ITO ..MAHALAGANG MASUNOD


NATIN ANG ILAN MUNGKAHI NA AKING NAILAHAD NA SA AKING PAKIWARI AY
MAKATUTULONG SA ATING IBINABALANGKAS NA MGA ARALIN SA WIKA AT PANITIKAN
GAYA NG . . .

1. MANGUNA -MAGING PASIMUNO SA LAHAT NG MGA GAWAIN SA LOOB AT LABAS NG


PAARALAN.
2. MAGSALIKSIK -MAGHANAP NG IBA PANG ESTRATEHIYA NA MAKATUTULONG SA
IYONG PAGTUTURO.
3. MAGBAHAGI- IBAHAGI SA IYONG MGA KAGURO ANG IYONG MGA NATUTUHAN.
4. MAGSULONG- MAGSULONG NG MGA ADBOKASIYA NA MAKATUTULONG SA
PAGLINANG NG KAALAMAN.
5. MAGTANONG- PATULOY NA MAGTANONG SA MGA BAGAY NA GUSTO MONG
MALINAWAN.
6. MAGPALAWAK- PALAWAKIN ANG DIWA. ISIPIN ANG MGA ESTRATEHIYANG
MAKATUTULONG SA PAGTUTURO.
7. PAG-ISIPAN -GAWING POSITIBO ANG INIISIP AT GINAGAWA.
8. HARAPIN- HARAPIN ANG HAMON AT PAGSUBOK.

You might also like