You are on page 1of 11

MONTESSORI PROFESSIONAL COLLEGE OF ASIA-CALAMBA BRANCH

Sta Cecelia Business Center 1 Parian, Calamba City Laguna

Maganda At Di Magandang Epekto Ng Wikang Pabalbal

Ang Pananaliksik Ay Iprinisinta Kay;


Bb. Nicole Guen Adriano

Bilang Pagtupad Sa Isa Sa Mga Pangangailangan ng Asignaturang


FILIPINO 111
(Komunikasyon At Pananaliksik Sa Wika At Kulturang Filipino)

Iprinisinta Ni;
Carl Jomar D. Iglesia

Petsa
Oktubre 2019
TALAAN NG NILALAMAN

KABANATA 1

PANIMULA--------------------------------------------------------------------------------------------------1

PAGLALAHAD NG SULIRANIN--------------------------------------------------------------------2

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK--------------------------------------------------------2.1

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG AARAL--------------------------------------------------3

DEPENISYON/KAHULUGAN AT TERMINO--------------------------------------------------3.1

KABANATA 2

DAYUHAN NA LITERATURA------------------------------------------------------------------------4

LOKAL NA LITERATURA------------------------------------------------------------------------------5

KABANATA 3

PRESENTASYON------------------------------------------------------------------------------------------6

KONKLUSYON--------------------------------------------------------------------------------------------7

REKOMENDAYON-------------------------------------------------------------------------------------7.1

KURIKULUM BITEY--------------------------------------------------------------------------------------8
KABANATA 1:

ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG AARAL

PANIMULA

Ang likas na pagkamalikhain ng Pilipino ay makikita sa maraming aspeto ng kanyang


buhay, higit lalo sa kanyang wika ang wikang Filipino. At sa pang-araw-araw na
patuloy angkomunikasyon ng isang Pilipino, patuloy rin ang paggamit niya ng wika na
nagiging daan sa pagpapayabong nito. Ang komunikasyon ay naisasagawa sa tulong
ng wika sa kung paanong angwika ay umuunlad sa pamamagitan ng komunikasyon.
Sa kondisyong patuloy ang paggamit nito,lumalawak ang saklaw na bokabularyo ng
isang wika at ito ay katotohanang hindi maitatanggi. Ayon kay Mabanta (2011), ang
wikang Filipino ay mayroong iba’t ibang antas na nahahati sa pormal at impormal. Ang
pormal ay binubuo ng mga salitang pambansa at pampanitikan o yaong mga salitang
ginagamit sa matataas na dominyo ng lipunan sa edukasyon, korte at maging sa iba’t
ibang propesyon. Sa kabilang dako, ang mga impormal na salita naman ay
kinabibilangan ng lalawiganin, kolokyal at balbal. Ang lalawiganin ay ginagamitsa
isang partikular na lugar. Samantala, ang kolokyal naman ay ang pang-araw-araw na
salitangating ginagamit. At ang huli ay pinakamababang antas ng wika, ang mga
salitang balbal. Gayumpaman, sa paglipas ng panahon, kapansin-pansin ang pagiging
makulay ng wikang Filipino dulot ng pagkalikha ang mga makabagong salita sa iba’t-
ibang antas nito, higit lalo saantas ng salitang balbal. Hango sa salitang Espanyol na
calle na ang ibig sabihin ay kalsada o street , ang mgasalitang balbal ay kinikilala ring
salitang kalye, salitang kanto o salitang panlansangan.

Ang salitang balbal o slang sa Ingles ay ang pamantayang paggamit ng mga salita sa
isang wika ng isang partikular na pangkat ng lipunan. Katunayan, sinabi ni Blanch na
ang mga salitang balbal ay nagsisilbing “parangal sa mga dalubhas ang Pilipino na may
abilidad gawin na masaya at libangan ang wika” (2010). Ito ay sakadahilanang
nagmumula ng mga salitang balbal sa iba’t ibang pangkat ng masa estudyante, drayber
ng jeep, artista, empleyado at gay community. Samakatwid, ang mga salitang balbal ay
maaaring magsilbing tanda ng pagkamalikhain at pagkamasayahin ng mgaPilipino. Sa
pamamagitan ng paggamit ng ganitong uri ng salita, naipahahayag ng mga Pilipinoang
kanilang saloobin nang may ganap na kalayaan sa paraang nais at kaaya-aya.Sa
kabuuan, ang mga salitang balbal ay malawak ang saklaw sa lipunang ating
ginagalawan kung kaya’t may kapangyarihan itong hulmahin o kaya naman ay
wasakin ang ating pambansang wika ng identidad at pagkakaisa.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pag aaral na ito ay nakatuon sa Maganda At Di Magandang Epekto Ng Wikang
Pabalbal na kung saan aalamin ng mananaliksik ang mga suliranin nito na nasasagutin
ang mga sumusunod

1. Ano ang magandang epekto ng wikang pabalbal?


2. Anu naman ang di magandang epekto ng wikang pabalbal?
3. Paano ito makakatulong sa kanila na mapalawig ang pakikipag ugnayan nila sa
ibang tao?

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK
Ang pag aaral ay nakatuon sa pagpapaliwanag ng Maganda At Di Magandang
Epekto Ng Wikang Pabalbal. Bukod dito ang mga resulta ng pag aaral ay magiging
kapaki pakinabang sa mga sumusunod;

Mga Mag aaral- ang mga mag aaral ay magkakaroon ng kamalayan sa Maganda At Di
Magandang Epekto Ng Wikang Pabalbal sa kanila at kung anu ang mga maaring
maidudulot nito sa kanila

Mga Guro- ang resulta ng pag aaral ay makakatulong sa mga guro na magbigay ng
ideya at makapag bigay ng wastong gabay sa mga mag aaral na sa pakikipag usap sa
isang taong kaharap nya

Mga Magulang- ang resulta ng pag aaral ay makakatulong sa mga magulang na


malaman ang Maganda At Di Magandang Epekto Ng Wikang Pabalbal upang
magabayan nila ang kanilang anak sa kanilang pag aaral

Hinaharap na Mananaliksik- ang mga natuklasan ng pag aaral ay magandang


sangguniang material at isang gabay para sa hinaharap na mananaliksik na nais ding
mag sagawa ng parehong pananaliksik
SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG AARAL

Ang pag aaral na ito ay bibigyang pansin at limitado lamang sa Maganda At Di


Magandang Epekto Ng Wikang Pabalbal. Ang resulta ng pag aaral na ito ay naaangkop
lamang sa pag bibigay ideya ng mag aaral

DEPENISYON/KAHULUGAN NG MGA TERMINO

Balbal- isang uri ng wika ng mga tao na nanggaling sa isang bansa

Di Magandang Epekto- mga masasamang mangyayari sa iyong buhay o mga hindi


kaaya ya na malalaman mo kapag ito ay nangyari

Magandang epekto- mga mangyayari na magaganda sa iyong buhay

Pagkamasayahin- makikita ito sa isang tao na hindi ipagpagkakaila na walang problem


ito
KABANATA 2:

MGA KAUGNAY NA PAG AARAL AT LITERATURA


Sa kabanatang ito dito malalaman ang mga literatura sa paksang ito ang
mananaliksik ay inalam ang mga lokal na literature at dayuhang literatura na maaaring
makatulong sa kaniyang paksang at narito ang ilan sa mga ito;

Lokal na Literatura

Ang wika ay lubhang makapangyarihan kaya naman maraming tao ang


madalingmaimpluwensiyahan sa paggamit ng salitang balbal. Binigyang kahulugan ni
Gette ang salitang balbal o islang na salita bilang isang di-pamantayang paggamit ng
mga salita sa isang wika ngisang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong
salitang kanto o salitang kalye (2010).

Kaugnay nito, isinalaysay ni Mabanta (2011), na ang wikang Filipino ay mayroong


iba’t-ibang antas na nahahati sa pormal at impormal. Ang pormal ay binubuo ng mga
salitang pambansa at pampanitikan o yaong mga salitang ginagamit sa matataas na
dominyo ng lipunan sa edukasyon, korte at maging sa iba’t ibang propesyon. Sa
kabilang banda naman, ang mga impormal na salita naman ay kinabibilangan ng
lalawiganin, kolokyal at balbal. Halimbawa nglalawiganin ay Tagalog sa Batangas at
Cebuano sa Cebu na ginagamit sa isang particular na lugar. Samantala, ang mga
salitang sa’kin (sa akin), sa’yo (sa iyo) at iba pa ay halimbawa ng kolokyal na ginagamit
natin araw-araw. At ang huli ay pinakamababang antas ng wika, ang mgasalitang
balbal.

Ayon kay Hill (sa Tumangan, et al., 2000) at Gleason (sa Tumangan, et al., 2000), Ang
wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaring tumangging magbago. Ang
isang wikang stagnant ay maaari ring mamatay tulad ng hindi paggamit niyon. Ang
isang wika aymaaaring nadadagdagan ng mga bagong bokabularyo. Bunga ng
pagiging malikhain ng tao,maaaring sila ay nakakalikha ng mga bagong salita. Ang
pinakamuhasay na halimbawa nito ayang mga salitang balbal at pangkabataan. Ang
ating wika ay nadaragdagan ng mga bagong salitana hindi umiiral noon. May mga
salita ring maaaring nawawala sapagkat hindi na ginagamit.

Ayon kay, G. Joey Arrogante, Ang mga salitang lalabas o dapat mamutawi sa iyong
bibigay mabubuti. Hindi dapat makakasakit sa kapwa. Kaya nga lamang sa panahon
ngayon. Iba ibana ang maririning sa mga kabataan nakagugulat dahil kahit may pinag
aralan ay nalilihis ang pagsasalita. Tama kayang sabihin na ang pagsasalita ay inaayon
mo sa uri ng iyong kausap?Kung ang iyong kaharap o kausap ay mahilig mag salita ng
mga salitang kanto ay gayon din basa iyong sasalitain?

Ayon kay Mendoza (2004), Ang makasining na paraan ng wastong pagpili at


akmang paggamit ng mga salita sa loob ng pangungusap sa kawili-wili at kasiyang-
siyang pagpapahayagng diwa.

Dayuhang Literatura

Ayon kay Zorc, ang mga Pilipinong mananalita ay nakamit ang mga ganitong uri ng
salita sa pamamagitan ng “paghiram sa ibang lenggwahe, pagbigay ng bagong
kahulugahan sa mga dating salita, paggawa ng orihinal na salita, o paggamit ng mga
numero na magsisilbing in group code.” Sinabi rin niya na ang mga ito ay nagmumula
sa iba't ibang pangkat ng tao nalumilikha nito tulad ng mga salita na mag-aaral,
drayber, artista, military at mga bakla nanagiging laman o nakasulat sa iba't ibang
magasin at pahayagan (1993).Alinsunod naman kina Bautistaa, Kazuhiro et al.(2009),
ang salitang balbal o islang ayang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang
wika ng isang partikular na grupo nglipunan. Kung kaya naman, ito ay maituturing na
mga salitang mapanghikayat higit lalo sa mga kabataan. Masyadong malawak ang
saklaw ng mga salitang balbal kaya’t madalas na ring naririnig ang mga ito sa pang-
araw-araw na pamumuhay. Ngunit sa pananaw ng ibang tao, angmga salitang ito ay
hindi pala kaaya-aya.

Ayon kay Cafford (2005), sa lahat ng antas ng wika, ang balbal ang
pinakadinamiko.Maaari kasing ang usong salitang balbal ngayon ay laos na bukas.
Nakatutuwa ring pag-aralankung paano nabubuo ang mga salitang ito. Minsan nga,
dahil sa napakasalimuot na prosesong pinagdadaanan ng isang salitang balbal,
nagiging lubhang mahirap nang ugatin ang pinanggalingan nito. Kayrami ngang
kabataang gamit nang gamit ng mga salitang balbal na hindinila alam kung paano ito
nabuo.

Ayon naman kay J.K Chambers (2008), Sosyalek naman ang tawag sa barayting
nabubuo batay sa dimensyong sosyal o panlipunan. Nababatay ito sa mga pangkat
panlipunan. Halimbawanito ang wikang gamit ng mga estudyante, wika ng matatanda,
wika ng kababaihan, wika ng preso sa kulungan, wika ng mga bakla, ng kabataan at iba
pang mga pangkat. Makikilala ang iba’t-ibang barayti nito sa pagkakaroon ng
kakaibang rehistro na natatangi lamang sa pangkat ogrupo na gumagamit ng wika.

Ayon kay Kazuhiro et. Al. (2009), Ang balbal na salita ay ang di pamantayang
paggamitng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Ang
antas ng lipunan nalalong nanghihikayat sa mga kabataan na makasanayang bigkasing
madalas ang mga salitangito. Kalunos-lunos ang magiging bunga nito kung hindi natin
pagbibigyan na sapat na lunas o solusyon ang suliraning ito.
KABANATA 3
PRESENTASYON, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay nagbibigay ng natuklasan, konklusyon at rekomendasyon sa


paksang ito. Dito malalaman sa kabanatang ito ang mga pwedeng rekomendasyon at
presentasyon ng paksang Maganda At Di Magandang Epekto Ng Wikang Pabalbal
taong 2019-2020

PRESENTASYON

Kung tinawag mo ang iyong kapareha na "kahit sino" o magreklamo na ikaw ay


"hangry" ikaw ay opisyal na gumagamit ng ilang mga nakakainis na slang ng Amerika,
ayon sa isang bagong poll. Sinuri ng pag-aaral ang paggamit at kaalaman ng mga
modernong slang mula sa 2,000 Amerikano at kinakalkula ang nangungunang 20
salitang slang na iniwan ang average na inis. Ang "GOAT" ay nanalo ng parangal para
sa pinakapangit na slang term na may "bae," "hangry," "Gucci," at "multo" na nag-ikot sa
tuktok na limang. Ang iba pang mga hindi kapani-paniwalang pagbanggit ay kasama
ang "stussy," "TFW," "totes," at "pumalakpak." Natagpuan din ng survey na sa palagay
ng mga tao ay may edad na cutoff sa paggamit ng wikang balbal. Tila, ang mga
Amerikano ay masyadong luma upang magamit ang slang sa edad na 43, ayon sa data.

Ang isa sa apat na Amerikano ay nag-iisip na ang mga taong higit sa edad na 25 ay
napakatanda na upang magamit ang anumang anyo ng slang. (LOL.) At mahirap
malaman ang naaangkop na setting upang mag-drop ng kaunting slang sa pag-uusap.
37 porsyento na natagpuan ang slang paggamit sa lugar ng trabaho na ganap na hindi
katanggap-tanggap at 55 porsyento ay ganap na laban sa paggamit ng "lol" sa isang
email sa isang boss. Halos kalahati ng mga taong nag-survey ay naisip na hindi
masamang gamitin ang "lol" kapag nag-email sa isang katrabaho.

Pangunahing 20 pinaka iinisang wika sa balbal


1. GOAT
2. Bae
3. Hangry
4. Gucci
5. Ghost
6. Fleek
7. Stussy
8. TFW
9. Itapon ang lilim
10. SMH
11. Mga Totes
12. Pumalakpak pabalik
13. Lumiko / turnt
14. Sinilip
15. uhaw
16. Lit
17. Spill the tea / sipping tea
18. Fam
19. meryenda
20. Tril

Ang pag-aaral, na isinagawa ng OnePoll, ay nagpahayag na ang agwat ng kaalaman


pagdating sa slang ay laganap - higit sa kalahati ng mga polled ay hindi alam ang
salitang "ghosting" ay may negatibong konotasyon at 55% ay hindi nag-iisip na tinawag
na "on fleek" ay isang papuri. Kahit na ang tsismis ay maaaring maging isang
nakakalito na negosyo dahil ang 37% ay hindi makikilala ang kahulugan ng "paikutin
ang tsaa."

Nalaman din ng pag-aaral na hindi alam ang buong kahulugan o pinagmulan ay


hindi kinakailangang tumigil sa paggamit. Ang 44% porsyento ng mga tao ay nag-
aalala tungkol sa paggamit ng slang nang hindi tama, ngunit hindi nito napigilan ang
kanilang itapon ang pinakapangit na lingo - 46% na inamin na gumagamit ng slang
nang hindi lubusang alam ang kahulugan nito. Mas mainam na i-double-check kung
ano ang ibig sabihin ng term bago gamitin ito sa pag-uusap dahil ang isa sa dalawang
tao ay iniisip na masamang ideya na sabihin ang isang balbal na salita nang hindi talaga
nauunawaan ang kahulugan nito.

Mayroong ilang mga salita na gustung-gusto ng mga tao na itapon at pakiramdam


ng kumpiyansa na gawin ito kahit na. "Bae," "lit," at "turnt" ang lahat ay nagawa ito sa
isang listahan ng sampung salitang slang pinaka-kilala ng mga tao. "Ang pagpapanatili
nito 100," "nauuhaw," "pamilya," at "SMH" ay ginawaran din. Sa paglipas ng kalahati ng
mga na-survey ay hindi sa pinakabagong lingo, na nakakahanap ng nakakainis na ito,
ngunit mayroong tiyak na ilang mga salita na humihimok sa mga tao na mabaliw kaysa
sa iba.

KONKLUSYON
Sa bahaging ito ang mananaliksik ay sasagutin ang mga suliranin na inawan nya sa
kabanata isa dito matutuklasan ang mga kasagutan sa kung ano ang mabuti at hindi
mabuting epekto ng wikang pabalbal
1. Ano ang magandang epekto ng wikang pabalbal?
Ang magandang epekto ng wikang pabalbal satin ay maiintindihan ng mabuti
ng sinasabi sa kanyang mas mapapadali nya ang kanyang mga salita na bigkasin
at ayusin
2. Anu naman ang di magandang epekto ng wikang pabalbal?
Makakahiligan mo na ito at kahit na may kausap ka ay lalo mong paiiksiin ang
iyong sinasabi at iniiba mo ang mga salitang dapat na tamang ayos sa iyong
bibig
3. Paano ito makakatulong sa kanila na mapalawig ang pakikipag ugnayan nila sa
ibang tao?
Makakatulong ito dahil kayang nyang ayusin ang mga salita at ibahin sa gusto nyang
proseso para mas maganda ang kanilang pag uusap

REKOMENDASYON
Matapos ang kumuha ng impormasyon ang mananaliksik napagtanto nya na may
ilan sa mga indibidwal na nahihiligan na palitan ang mga salitang kalimitang ginagamit
nila sa kanilang pakikipag ugnayan sa isang indibidwal maganda naman ang epekto
nito kapag nakikipag usap ka pero may hindi ding magandang epekto ito sa tao kasi
hanggang ito ay nag uumpisa hindi na nila mababago at maaalis ang kanilang
kinahihiligang pag sasalita

You might also like