You are on page 1of 4

BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA CSSH-ABFIL

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Ikalawang Semestre - Akademikong Taon 2021-2022

PANGALAN: MATEO, M. , MASTERA, R. MANTILLA, E. SEKSYON: 30-2K

PAMAGAT NG GAWAIN: DAYALEK PETSA: 03/21/22

Panuto: Manaliksik ng kahulugan, Halimbawa at Isang kaugnay na literatura/pag-aaral


sa paksang: DAYALEK

Ano ang dayalek?

Ang dayalek o dialect ay isang varayti ng wika na tumutukoy sa mga salita at paraan ng
pananalita ng mga tao ayon sa kanilang lokasyong heograpikal. Sa Pilipinas, dahil pulo-
pulo ang pagkakahati ng mga lugar, nabuo ang iba’t ibang wikang lokal at diyalekto.
Impluwensiya ng dayalek ang kinaroroonan ng bayan o lalawigan, ang uri ng
pamumuhay, maging ang mga pinaniniwalaan at tradisyon, tulad ng relihiyon. Ayon kay
Alonzo(2002) ang varayti nang wika ay makikita sa formal o substantikong katangian
kaugnay nang pinanggalingan ng tagapagsalita ng grupo sa isang tatlong dimension, at
katayuang sosyal, espasyo at panahon. Ang dayalek ay palasak sa isang lugar o sa
buong kapuluan. Ito ay ang unang wikang kinagisnan sa tahanan, pamayanan at
lalawigan. Ito rin ang wikang namumuwati sa bibig ng mga tao, ng mga magulangsa
tahanan at sambayanang Pilipino.

Halimbawa:

Ang tagalog ay isang wika na sinasalita sa Kamaynilaan, ang mga dayalek nito ay ang
Tagalog- Batangas, Tagalog-Cavite, Tagalog-Nueva Ecija, Tagalog-Bulacan, Tagalog-
Laguna at Tagalog-Quezon.

Tatlong uri ng dayalek

Ayon sa manunulat na si Curtis McFarland, isa sa mga may-akda ng Diksyunaryong


Monolingwal sa Filipino, nahahati raw sa tatlong uri ang dayalek—dayalek na sosyal,
diskretong dayalek, at dayalektikal na baryasyon.

1. Dayalek na sosyal

Kahit nasa iisang lugar daw ang mga tao at mayroong wika o diyalektong kinalakihan,
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA CSSH-ABFIL

nagkakaroon pa rin daw ng pagkakaiba sa ginagamit na wika ang mga tao ayon sa
katayuan sa lipunan o trabaho nito. Para bang nagkakaroon ng antas ang isang salita
ayon sa kalagayan sa buhay na ginagamit nang iba’t ibang uri nang tao sa lipunan. Ang
isang taong kabilang sa isang pangkat ay may ibang pananalita kumpara sa iba na mula
sa ibang uri nang lipunan kahit na sila ay nasa iisang lugar. Tinatawag na dayalek ang
mga pagkakaiba-iba sa loob ng wika at Jargon o Register naman ang tawag sa mga
salitang lumilitaw sa mga pangkat na propesyunal o sosyal na bunga ng trabaho o kaya’y
gawain sa isang grupo. Kaya masasabi natin na may sariling salita ang mga mangingisda
na iba sa mga doktor at mga pulitiko. Sa mga naglalaro nang bilyar ay may nabubuo ring
wika na ikinaiiba sa mga naglalaro ng golf.

Halimbawa:

Sa wikang Tagalog ang salitang kotse ay may iba’t ibang katawagan:

• Kotse

• Oto

• Tsekot

2. Diskretong dayalek

Ito ay sumasalamin sa direktang pagkakaiba ng mga diyalekto o wika mula sa iba’t ibang
mga lugar. Nakaaapekto na sa uring ito ang lokasyon o heograpiya ng isang lugar. Sa
bansa, madaling malalaman ang pagkakaiba ng mga wika dahil laganap ito sa maraming
lugar sa Pilipinas.

Halimbawa:

Ang salitang langgam ay may ibang kahulugan sa wikang Tagalog at Cebuano

Tagalog: langgam – uri ng insektong may anim na paa

Cebuano: langgam – ibon

3. Dayalektikal na baryasyon
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA CSSH-ABFIL

May mga lugar sa Pilipinas na kahit magkaiba ng lugar ay pareho naman ng wikang
binibigkas ngunit nagkakaiba sa paraan ng pagbigkas. Ito ang ikatlong uri ng dayalek na
tinatawag na diyalektikal na baryasyon. Naiiba ang aksent, punto, o tono ng pagbigkas
ng salita kahit pareho naman ang wikang sinasalita.

Halimbawa:

Ang mga naninirahan sa Quezon Province, Batangas, at Bulacan ay pare-parehong


gumagamit ng salitang Tagalog. Nagkakaiba lamang sila sa aksent o punto. Ang mga
taga Quezon ay gumagamit ng ‘baga’ sa kanilang Tagalog, habang ang mga
Batangueñno naman ay may matigas na pagbigkas at diin sa mga salita. Ang mga
Bulakenyo naman ay mayroong malumanay na pagsasalita ng wikang Tagalog.

Sanggunian:

Chavez,M.(2016)Kahulugan ng dayalek at idyolek.


https://www.slideshare.net/MoroniChavez/kahulugan-ng-dayalek-at-idyolek-63483580
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA CSSH-ABFIL

You might also like