You are on page 1of 5

NEGROS ORIENTAL STATE UNIVERSITY

KOLEHIYO NG SINING AT AGHAM


DEPARTAMENTO NG FILIPINO AT MGA BANYAGANG WIKA
Ikalawang Semestre ng Taong Panuruan 2023- 2024

Modyul

1 LEKSIYON 2:
Antas at Barayti ng Wika

LAYUNIN:
✓ Natutukoy ang mga antas at barayti ng wika.
✓ Nailalapat ang mga kaalaman sa antas at barayti ng wika sa pamamagitan ng pagtukoy sa parte ng mga
babasahing binasa.
✓ Napahahalagahan ang kaalamang natutuhan sa mga antas at barayti ng wika sa pamumuhay ng tao.

✓ ANTAS NG WIKA

Tayo bilang isang tao ay may iba’t ibang pangangailangan. Ayon nga kay Maslow sa kanyang “Hierarchy of
needs” may iba’t ibang antas ang ating mga pangangailangan: (1) pisyolohikal; (2) seguridad at kaligtasan; (3)
pangangailangang panlipunan; (4) makamit o matamo ang respeto sa sarili at ng ibang tao at; (5) kaganapan sa
pagkatao. Gaya ng pangangailangan ng tao ang wika rin ay may mga antas.

Ang isa pang makabuluhang katangian ng wika ay ang pagkakaroon nito ng antas. Ano-ano nga ba ang
mga antas na ito?Tulad nga ng mga nailahad na halimbawa na makikita sa itaas, ang wika rin ay nahahati sa iba’t
ibang ayos ayon sa kaantasang kinabibilangan nito. Nahahati ang antas ng wika sa dalawang kategorya. Ang unang
katergorya sa antas ng wika ayang pormal. Ano nga ba ang antas na ito? Nakapaloob dito ang mga salitang
maayos na nakabalangkas, madalas ginagamit sa mga pormal na diskurso at tanggap ng mas nakararami.
Mayroong dalawang uri ang antas na ito, ang pambansa at pampanitikan/panretorika.

Ang unang uri ay pambansa, ito’y karaniwangginagamit ng mga awtor sa mga akdang kanilang sinusulat
at sa mga pambalarilang babasahin para sa paaralan at pamahalan. Ito rin ay itinuturo sa mga paaralan dahil madali
at madalas itong ginagamit lalong-lalo na sa pormal na talakayan. Mga halimbawa nito ay; wika, sayaw, anak at
tahanan.

PARA SA LAYUNING PANG-EDUKASYON LAMANG


NEGROS ORIENTAL STATE UNIVERSITY
KOLEHIYO NG SINING AT AGHAM
DEPARTAMENTO NG FILIPINO AT MGA BANYAGANG WIKA
Ikalawang Semestre ng Taong Panuruan 2023- 2024

Ang pangalawang uri ay pampanitikan/panretorika, ito ay ang pinakamataas na uri ng salita na


kadalasang ginagamit sa mga malikhaing sulatin lalong-lalo na sa mga akda na may kinalaman sa panitikan gaya ng
tula, nobela, maikling kuwento atbp. Ito ay ang karaniwang mga salitang may malalim ang kahulugan, matalinghaga,
makukulay, at masining.Mga halimbawa nito ay; may krus sa dibdib, amoy bawang, nasa katanghalian ng buhay.

Ang pangalawang katergorya sa antas ng wika ayimpormal, karaniwan itong bukambibig ng nakararami o
ito’y gamitin sa araw-araw nating pakikipag-ugnayan sa ibang tao.Ang antas na ito ay may tatlong uri; lalawiganin,
kolokyal at balbal.

Una ay lalawiganin, dayalektal ang mga bokabularyo nito dahil ito’y gamitin ng isang tiyak na lungsod o
lalawigan lamang.Bukod sa mga taong taal nang nagsasalita rito at kapag sila’y nagkikita sa ibang lugar ay likas na
nila itong naibubulalas. Malaki rin ang pagkakaiba kung nagkakaroon na ng kakaibang tono o punto.

Pangalawa ay kolokyal, ang mga salita ay pangkaraniwang gamitin sa pang-araw-araw lalong-lalo na sa


mga impormal na pagkakataon. Mayroong kaunting kagaspangan ang mga salita subalit maaari rin itong malinang
pa batay sa kung sinuman ang nagpapahayag o nagsasalita nito.Sa mga pasalitang komunikasyon ay nagkakaroon
minsan ng pagpapaikli ng isa o higit pang mga salita na siya ring mauuri sa antas na ito. Ang mga Halimbawa ng
pagpapaikli ay: ke’lan (kailan), meron (mayroon), sa’yo (sa iyo). Pangatlo ay balbal, tawag nito sa Ingles ay slang.
Ang mga salitang ito ay nagmula sa mga grupo na nakabuo ng sariling kowd. Sinasabi na ang antas na ito ay
mababa, sapagkat mayroong mga ekspertong nagmumungkahi ng mas mababang antas, at ito ang tinatawag na
bulgar. Halimbawa ng mga ito, ay ang pangmumura at pagbitiw ng mga salitang kabastusan o hindi kaaya-aya.
(Bernales, et al., 2011)

PARA SA LAYUNING PANG-EDUKASYON LAMANG


NEGROS ORIENTAL STATE UNIVERSITY
KOLEHIYO NG SINING AT AGHAM
DEPARTAMENTO NG FILIPINO AT MGA BANYAGANG WIKA
Ikalawang Semestre ng Taong Panuruan 2023- 2024

✓ BARAYATI NG WIKA

Sa panahon ng pandemya ay nauuso ang samot-saring klase ng halaman na kinagigiliwan ng


karamihan. Sa mga halamang ito’y makikita natin ang iba’t ibang barayti na kung ikukumpara natin sa mga
nagdaang taon ay marami na ang naglabasan kagaya na lamang ng: badjang, mirabilis, taro (gabi), atpb.
Kagaya ng mga halaman na nabanggit ay may iba’t ibang barayti rin ang wika. Ano nga ba ang barayti?

Ang salitang “barayti” ay nangangahulugang pagkakaiba ayon sa iba’t ibang klase, kalidad o
kalagayan at dibersidad. Ang bawat lipunan ay may kanya-kanyang wika. Sa Pilipinas ay may iilang
binansagang mga pangunahing wika at ito ay ang (1) Tagalog, (2) Iloko, (3) Pangasinan, (4) Pampanggo,
(5) Waray, (6) Hiligaynon, (7) Cebuano at (8) Bicolano. Ang mga wikang ito ay nagkakaroon ng pagkakaiba
o barayti.

Ngayon ay tunghayan natin ang iba’t ibang barayti ng wik a;

Una, Dayalekto. Wikain ang gamit nito sa ibang aklat. Ang barayting ito ay nalilikha dahil sa
dimensyong heograpiko. Ginagamit ang wikang ito sa isang partikular na pook o lalawigan (maliit man o
malaki) at rehiyon. Tinatayang mahigit sa apat naraan (400) ang dayalektong ginagamit sa Pilipinas ayon sa
pag-aaral ni Renato Constantino. Mga Halimbawa nito ay; Bikol – Dios maray na banggi, Ibanag – Dios ta
gaviyyao, Hiligaynon – Maayong gab-i, Tagalog – Magandang gabi.

Pansinin ang larawan sa kasunod na pahina. Ano kaya ang dayalektong ginamit?

PARA SA LAYUNING PANG-EDUKASYON LAMANG


NEGROS ORIENTAL STATE UNIVERSITY
KOLEHIYO NG SINING AT AGHAM
DEPARTAMENTO NG FILIPINO AT MGA BANYAGANG WIKA
Ikalawang Semestre ng Taong Panuruan 2023- 2024

Pangalawa, Sosyolek. Ito ang tawag sa wikang gamitin ng isang tiyak na pangkat o grupo sa isang
partikular na lipunan. Nagkakaiba ang mga grupo batay sa kanilang kasarian, edad, trabaho, istatus ng buhay, antas
ng edukasyon at iba pa.Ang mga karaniwang halimbawa ay ang mga sumusunod: mga wika ng kababaihan, preso,
bakla, matatanda, kabataan at iba pang mga pangkat.

1. Ang chaKa ng fes mo te! (bakla)

2. Oh my gash! Ang gwapo talaga ni crush nakita ko siya kanina sa canteen. (estudyante)

3. Brad, may jamming daw ang banda mamaya. Punta tayo. (rakista)

Pangatlo, Idyolek. May tatak ang pagiging indibidwal, kaya nga sinasabing indibidwal dahil may
natatanging pagkakaiba siya sa iba. Maihahalintulad ito sa finger prints ng isang tao na tanging kanya lamang at
walang ninuman ang makakagaya nito. Kakaiba ang kakanyahan ng isang indibidwal na mababakas sa kanyang
mukha, pagkilos at maging ang tono ng kanyang pananalita.

Mga Halimbawa:

“Magandang Gabi “Hindi ka namin


Bayan” – Noli de tatantanan” – Mike
Castro Enriquez

PARA SA LAYUNING PANG-EDUKASYON LAMANG


NEGROS ORIENTAL STATE UNIVERSITY
KOLEHIYO NG SINING AT AGHAM
DEPARTAMENTO NG FILIPINO AT MGA BANYAGANG WIKA
Ikalawang Semestre ng Taong Panuruan 2023- 2024

“Di umano’y -” – “Hoy Gising” – Ted


Jessica Soho Failon

Pang-apat, Pidgin. Ito ay hindi katutubong wika ninuman


(Nobody’s native language). Sa barayting ito ang tagapagsalita ay
gumagamit ng isang wika na kung saan hindi siya sanay na gamitin.
Layunin lamang ng tagapagsalita na maunawaan ng tagapakinig ang
kanyang mga ipinipahayag o gustong sabihin. Ang taal na nagsasalita
ay nagkakaroon ng kanilang halaw o hangong wika ngunit iba ang
istruktura dahil mula sa iba pang wika. Ano ang mapapansin ninyo sa
pananagalog ng mga intsik? Diba kapag ang salitang gamit nila ay
tagalog ay nag-iiba ang istruktura nito sapagkat hinahango nila ito sa
kanilang unang wika. Halimbawa: Mga Intsik sa Binondo

Suki, ikaw bili tikoy. Sarap,

Panglima, Creole. Ito’y unang naging pidgin at naging


likas na wika sa kalaunan (nativized). Nagkaroon ng ganitong
barayti ng wika dahil may mga pangkat na niniwalang sa kanila
nagsimula o sumibol ang unang wika.Halimbawa na lamang
nito ay ang wikang Chavacano, kung saan nagmula sa
dalawang wika na tagalog at espanyol, ang istruktura nito ay
naimpluwensyahan ng ating wikang katutubo at hindi masasabi
na purong kastila.

PARA SA LAYUNING PANG-EDUKASYON LAMANG

You might also like