You are on page 1of 3

UNIVERSITY OF NEGROS OCCIDENTAL – RECOLETOS

INTEGRATED SCHOOL | GRADES 11 & 12


AY 2021 - 2022

MGA BABASAHIN
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Ikalawang Siklo – Unang Markahan

BARAYTI NG WIKA

Heterogenous at Homogenous na Wika


Walang buhay na wika ang maituturing na homogenous dahil ang bawat wika ay binubuo nang
mahigit sa isang barayti. Masasabi lang kasing homogenous ang wika kung pare-parehong
magsalita ang lahat ng gumagamit ng isang wika. (Paz, et al. 2003)
Mga Salik sa Pagkakaiba ng Wika
Edad Kalagayang Panlipunan
Hanapbuhay Rehiyon
Antas ng Pinag-aralan Pangkat-etniko
Kasarian

Ipinapakita ng iba’t ibang salik panlipunang ito ang pagiging heterogenous ng wika. Ang iba’t
ibang salik na ito ay nag reresulta sa pagkakaroon ng iba’t ibang barayti ng wika.
BARAYTI NG WIKA
DAYALEK
Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang
partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan.
Maaring gumagamit ang ibang tao ng isang wika katulad ng sa iba pang lugar subalit naiiba ang
punto o tono, may magkaibang bokabularyo para sa iisang kahulugan, iba ang gamit na salita
para sa isang bagay, o magkakaiba ang pagbuo ng pangungusap.
May pagkakaiba sa mga dayalekto ngunit nagkakaintindihan naman ang mga nagsasalita ng
dayalek na ito.
Halimbawa na lamang ng dayalek sa wikang Tagalog ang barayti ng Tagalog sa Morong,
Tagalog sa Maynila at Tagalog sa bisaya.
IDYOLEK
Ang idyolek ay ang pansariling paraan ng pagsasalita ng isang tao.
Sa barayting ito, lumulutang ang katangian at kakanyahang natatangi sa taong nagsasalita.
Walang dalawang taong nagsasalita ng isang wika ang bumibigkas dito nang magakaparehong-
magkapareho.
Madalas na nakikilala o napababantog ang isang tao nang dahil sa kanyang natatanging paraan
ng pagsasalita o idyolek.
SOSYOLEK
Ang barayti na ito ay nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal ng mga
taong gumagamit ng wika.
Ang tao ay napapangkat batay sa kanilang mga katangian:
• Kalagayang Panlipunan • Kasarian
• Paniniwala • Edad at iba pa
• Oportunidad
Ayon kay Rubrico (2009), ang sosyolek ay isang mahusay na palatandaan ng istratipikasyon ng
isang lipunan na siyang nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga tao na
nakapaloob dito batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na kinabibilangan.
• Beki Language
Kabilang sa sosyolek ang “wika ng mga beki” o gay lingo. Ito’y isang halimbawa ng grupo na
mapapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya binago ang kahulugan at ang salita.
• Conyospeak
Sa Taglish ay may ilang salitang Ingles na inihahalo sa Filipino kaya’t masasabing may code
switching na nangyayari
Ito’y karaniwang maririnig sa mga kabataang maykaya at nag-aaral sa eksklusibong paaralan.
• Jejespeak o J3jemhon
Ang salitang jejemon ay nagmula sa pinaghalong jejeje na isang paraan ng pagbaybay ng hehehe
at ng salitang mula sa Hapon na pokemon.
Ang jejemon ay nakabatay rin sa mga wikang Ingles at Filipino subalit isinusulat nang may
pinaghalo-halong numero, mga simbolo, at may magkasamang malalaki at maliliit na titik kaya’t
mahirap basahin o intindihin lalo na nang hindi pamilyar sa tinatawag na jejetyping.
Ang jejemon ay nakabatay rin sa mga wikang Ingles at Filipino subalit isinusulat nang may
pinaghalo-halong numero, mga simbolo, at may magkasamang malalaki at maliliit na titik kaya’t
mahirap basahin o intindihin lalo na nang hindi pamilyar sa tinatawag na jejetyping.
• Jargons
Ang jargon o mga natatanging bokabularyo ng partikular na pangkat ay makapagpapakilala sa
kanilang trabaho o gawain.
ETNOLEK
Ang salitang etnolek ay nagmula sa pinagsamang etniko at dialek. Taglay nito ang mga salitang
nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.
✓Ang vakkul na tumutukoy sa gamit ng mga Ivatan na pantakip sa init man o ulan
✓Salitang bulanon na ang ibig sabihin ay full moon
✓Salitang kalipay na ang ibig sabihin ay tuwa o ligaya
✓Ang paggamit ng mga Ibaloy ng SH sa simula, gitna, at dulo ng salita tulad ng shuwa (dalawa),
sadshak (kaligayahan), peshen (hawak)
REGISTER
Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit
niya sa sitwasyon at sa kausap.
• PORMAL
Pormal na wika ang ginagamit sa mga pormal na pagdiriwang o pangyayari
ginagamit din ito sa pagsulat ng panitikan, ulat at iba pang uri ng promal na sanaysay.
• DI-PORMAL
Ang di pormal na paraan ng pagsasalita ay nagagamit naman kapag ang kausap ay mga kaibigan,
malalapit na kapamilya, mga kaklase, o mga kasing-edad, at ‘yung matatagal na kakilala.
PIDGIN AT CREOLE
“nobody’s native language” o katutubong wikang di pag-aari ninuman.
Nangyayari ito kapag may dalawang taong nagtatangkang mag-usap subalit pareho silang may
magkaibang unang wika kaya’t di magkaintindihan dahil ‘di nila alam ang wika ng isa’t isa.
Ang pidgin ay naging likas na wika o unang wika na ng batang isinilang sa komunidad ng
pidgin. Nagamit ito sa mahabang panahon, kaya’t nadebelop ito hanggang sa magkaroon ng
pattern o mga tuntuning sinusunod na ng karamihan.
Ito ngayon ay tinatawag na creole, ang wika na nagmula sa isang pidgin at naging unang wika sa
isang lugar.

You might also like