You are on page 1of 3

Ezra Jan L.

Gabales BSFT 1M1

Barayti ng Wika

Ang Barayti ng wika ay dulot ng pagkakaiba ng antas ng edukasyon, hanapbuhay o trabaho,


henerasyon ng pagkabuhay o edad, pamumuhay sa lipunang kinabibilangan, at maging lokasyon o
heograpiya ng isang lugar. Ang Barayti ng wika ay bunga din ng pagkakaroon ng heterogeneous na wika
na nabubuo naman ayon sa pangangailangan ng paggamit nito na nagbubunga ng baryasyon ng wika.

Mga Uri at Halimbawa ng Barayti ng Wika

Ang pagkakaiba-iba ng pagbigkas sa mga salita ay nahahati sa iba’t ibang kategorya ayon sa
pagkakagamit nito, kabilang ang dayalek, idyolek, sosyolek, ekolek, etnolek, creole, pidgin, at register.
Ang walong uri ay mahalagang malaman upang matukoy kung paano naiiba ang pagtanggap at paggamit
ng iba’t ibang uri ng tao sa mga wika at salita.

Dayalek

Ang dayalek o dialect ay isang barayiti ng wika na tumutukoy sa mga salita at paraan ng
pananalita ng mga tao ayon sa kanilang lokasyong heograpikal. Sa Pilipinas, dahil pulo-pulo ang
pagkakahati ng mga lugar, nabuo ang iba’t ibang wikang lokal at diyalekto. Impluwensiya ng dayalek ang
kinaroroonan ng bayan o lalawigan, ang uri ng pamumuhay, maging ang mga pinaniniwalaan at
tradisyon, tulad ng relihiyon.

Idyolek

Kahit na mayroong itinatakdang pamantayan ang pagbigkas ng mga salita, nagkakaroon pa rin
iba’t ibang paraan ang mga indibidwal sa pagsasalita. Dito pumapasok ang barayiting idyolek.
Nagkakaiba-iba sa pagdiin sa mga salita, sa punto, at maging sa paraan ng paggamit ng tono o ritmo sa
pagbibigkas ng mga salita.

Tumatatak ang kakaibang paraan ng pagsasalita, higit kung mga sikat na personalidad ang
nagbibigkas ng mga ito. Kahit hindi nila orihinal na likha ang mga salita, parirala, pangungusap, o mga
kasabihan, basta’t nabanggit nila ito sa isang kakaibang paraan ay tiyak na tatatak ito.

Nagmula ang salitang idyolek sa mga salitang Greek na ‘idio’ na ang ibig sabihin ay “pansarili o
kakaiba,” at ‘lect’ ang ibig sabihin ay “pagkakaiba ng wika.” Ayon sa mga linggiwistiko, wala raw kasing
dalawang tao ang may eksaktong paraan ng pananalita, maging sa mga pangkat ng salitang ginagmit
nito.

Sosyolek

Sinasabing nababatid ang katayuan ng isang tao ayon sa wikang kaniyang ginagamit. Ganito ang
konsepto ng barayiti ng wika na ‘sosyolek.’ Napapaloob sa barayiting sosyolek ang paraan ng paggamit
ng mga salita ayon sa kanilang personalidad, edad, katayuang socio-ekonomiko, kasarian, maging
pinaniniwalaan sa buhay.
Karaniwang ginagamit ang sosyolek nang pansamantala lamang, at hindi talaga malaking bahagi
ng pamumuhay ng tao. Nag-iiba lamang daw kasi ang paggamit natin sa wika, depende kung sino ang
kausap natin. Inaayon ito sa kung sino ang kaharap at kung may kapasidad ba itong intindihin ang
wikang gagamitin.

Ekolek

Dito pumapasok ang barayiti ng wika na ekolek. Ito ay tumutukoy sa mga salita, kataga, o mga
pararila na ginagamit ng bawat miyembro ng pamilya sa loob ng bahay. Ito ay ang mga nakasanayang
tawag sa bawat miyembro, bahagi ng tahanan, o kanilang mga gawain sa loob ng bahay.

May mga pagkakataon sa loob ng tahanan na nagiging hudyat upang makabuo ng katawagan sa
isang bagay tulad ng mga naktutuwang pangyayari. Sakop din nito ang tradisyon o paniniwala ng isang
pamilya.

Etnolek

Mayroon namang mga salitang likas at naging pagkakakilanlan na ng mga pangkat etniko sa
bansa. Ang tawag sa Barayting nabuo nila ay etnolek. Batay ito sa mga etnolonggwistong pangkat sa
Pilipinas. Ang mga salitang ito ay kadalasang likas sa kanila ngunit naging tanyag na rin para sa ibang lahi
o pangkat.

Creole

Kasama rin sa Barayti ng wika ang pagkakahalo ng wika o salita ng mga indibidwal mula sa
magkaibang lugar o bansa. Ang tawag dito ay creole. Nag-umpisa raw ang konsepto ng mga wikang
creole noong ika-17 hanggang ika-18 siglo kung saan laganap ang pagsakop sa iba’t ibang bansa. Sa
Pilipinas, ang wikang Kastila ang pinakamaimpluwensiya sa lahat dahil 333 taon tayong nasakop ng mga
ito. Nagkaroon pa nga ng isang wikang lokal na halaw sa pinagsamang wikang Tagalog at Kastila, ang
Chavacano na sinasalita sa ilang bahagi ng Cavite at Zamboanga.

Pidgin

Mayroon namang Barayti ng wika na walang pormal na estruktura. Tinatawag na pidgin ang mga
wikang ginagamit ng dalawang indibidwal mula sa magkaibang bansa upang magkaintindihan. Kung sa
salitang kolokyal, masasabing ang ganitong usapan ay ‘maitawid lamang,’ Tinagurian din ang pidgin
bilang “nobody’s native language ng mga dayuhan. Itinuturing din ito bilang ‘make-shift’ language o
wikang pansamantala lamang. Gayunman, kahit na kulang-kulang ang mga ginagamit na salita at
pandugtong, nananatiling mabisa ito sa pagtatalastasan ng dalawang tao mula sa magkaibang lahi.
Maituturing na pinakatanyag na halimbawa ng pidgin ay ang English carabao ng mga Pilipino o
pagsasalita ng wikang English nang hindi tuwid o hindi wasto. Isa ring halimbawa ay ang barok na
Filipino ng mga Chinese na naninirahan sa bansa.

Register

May mga uri naman ng wikang ginagamit lamang sa isang partikular o espisylaisadong domain.
Ang Barayting ito ay tinatawag na register. May tiyak na pakahulugan ang mga salitang ginagamit dito na
tanging ang mga taong kabilang sa isang partikular na pangkat lamang ang nakaiintindi o nakauunawa.
May tatlong uri ng dimensyon ang Barayting register.

1. Field o larangan – ito ay tumutukoy sa larangan o kabuhayan ng taong gumagamit nito.


Masasabi ring ang ‘jargon’ ng mga larangan o field ay kasama sa dimensyong ito
2. Mode o modo – nababatid kung paano isinagawa ang komunikasyon
3. Tenor – nakaayon naman ito sa relasyon ng mga gumagawa ng komunikasyon o pag-
uusap

You might also like