You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Pamantasan ng Cabuyao
(University of Cabuyao)
Senior High School Department
Katapatan Mutual Homes, Brgy. Banay-banay, City of Cabuyao, Laguna 4025

Name: Xyron Noman U. Remoquillo Performance Task 1


Grade: 12 ESTEM E-10 Guro: Ma’am Merlyn Villar

Bernabe “Bernie” Mapote.


Remoquillo
Si Bernabe Mapote. Remoquillo o mas kilala sa
kanyang palayaw na “Bernie” ay isang kinikilalang
proposyonal na tao dito sa Barangay Bigaa. Si Bernie ay
nagpamalas ng husay pag dating sa kanyang propesyon.
Siya ay pinanganak noong Hunyo 11, 1953 ng kanyang
ina na si Silveria Mapote. Remoquillo, at pinalaki ng
maayos ng kanyang ama na si Gaudioso Remoquillo. Sa
kasalukuyan, siya ay nakatira sa Barangay Bigaa,
Lungsod ng Cabuyao, Probinsya ng Laguna. Sa kabila ng
mga tagumpay ni Bernie, siya ay nakapagtapos lamang ng unang taon sa kolehiyo sa
Unibersidad ng Pilipinas, Los Baños. Dagdag pa dito, kinawiwilihan niyang asignatura habang
siya ay nag-aaral ay Arts at Music. Dahil dito nadala niya ang kanyang talento sa pag guguhit.

Sa kabilang banda, ang kanyang kinahihiligang gawin sa panahon ngayon ay mag trabaho
sa kanyang computer, dahil sa kanyang sipag at dedikasiyon sa pagtatrabaho ay ito na rin ang
kanyang libangan. Ang kanyang mga natatanging parangal ay pagiging 1st Honorable Mention
noong siya ay elementarya pa lamang at iba pang mga sertipiko na bigay ng Unibersidad ng
Pilipinas, Los Baños. Sa kabila ng tagumpay ni Bernie ay siya ay nangangarap na maging Visual
Artist. Hatid ni Bernie ang kanyang adbokasiya sa buhay na “Mapayapang Buhay”, ibig sabihin
niya rito maging kuntento, nakakapag-aral, nakakakain ng kumpleto sa araw-araw, at walang
iniisip na problema.
Republic of the Philippines
Pamantasan ng Cabuyao
(University of Cabuyao)
Senior High School Department
Katapatan Mutual Homes, Brgy. Banay-banay, City of Cabuyao, Laguna 4025

Aiza Dinco Escuadro


Si Aiza D. Escuadro ay isang natatanging guro
sa paaralan ng North Marinig Elementary School.
Bilang isang mabuti at mapagmahal na guro, sinisuguro
niya na madaming matututunan ang kanyang mga
estudyante mula sa kanya. Si Ma’am Aiza ay
pinanganak noong Disyembre sa ika-17 sa taong 1987.
Ang kanyang mga magulang ay sina Minda Dinco at
Pablito Dinco. Sa kasalukuyan ay siya ay naninirahan sa
Barangay Bigaa, Lungsod ng Cabuyao, Probinsya ng
Laguna. Siya ay nakapagtapos ng may antas na Master
of Arts in Education sa Pamantasan ng Cabuyao. Noong
siya ay nag-aaral pa lamang ay siya ay nawiwili sa
asignaturang Science.
Dagdag pa dito, si Ma’am Aiza ay ay mahilig manood sa Netflix at maglinis ng bahay
para sa kanyang pamilya. Sa kanyang pagiging guro ay nakamit niya ang mga parangal na Best
Teacher at Best Demo Teacher. Dahil dito ay patuloy siyang nagsisikap na maging matagumpay
at maging huwarang guro para sa kanyang estudyante at higit sa lahat sa kanyang pamilya. Sa
kabilang banda, dahil sa kanyang determinasyon sa pagtuturo ay pinapangarap niyang maging
isang Principal sa isang paaralan. Si Ma’am Aiza ay may isang adbokasiya na “Makatulong sa
mga batang nasa lansangan”.

You might also like