You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal
DEPED RIZAL- BINANGONAN SUB-OFFICE

CASIMIRO A. YNARES SR. ELEMENTARY SCHOOL

HONIE C.
Teacher ARAGONCILLO Week 5
DAILY December 5,
LESSON 2023/Tuesday 7:00-
Quarter Quarter 2 Date/Day 7:30
LOG LEONARDO V.
Grade & Section V - NEPTUNE Principal CELESTRA

ESP
I. OBJECTIVES
Nakapagpapaubaya ng pansariling kapakanan sa kabutihan ng
A. Content Standards kapwa.
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipagkapwa-
B. Performance Objective tao at pagganap ng mga inaasahang hakbang, pahayag at kilos para
sa kapakanan ng pmilya at kapwa.
Nakapagpapaubaya ng pansariling kapakanan sa kabutihan ng
C. Learning Competencies kapwa.
II. CONTENT Pagpapaubaya ng Kaligtasan para sa kabutihan ng kapwa
III. LEARNING RESOURCES
A. References
1. Teacher’s Guide pages MELC ESP G5 Q2 PIVOT 4A p.203
2. Learner’s Materials pages
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon pah. 80-85, Liwanag 6
3.Textbook pages pah. 97
4. Additional Materials from Learning
Resource (LR) portal
Powerpoint presentation, manila paper, chalkboard, pictures,
B. Other Learning Resources
charts.
IV. PROCEDURES
A. Reviewing past lesson or Presenting Pananagutan
the new lesson Song by Jamie Rivera
Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang
Walang sinuman and namamatay para sa sarili lamang
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling nya
Sa ating pag mamahalan at panglilingkod sa kanino man
Tayo ay nagdadala ng balita na kaligtasan
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling nya
Sabay sabay na nag-aawitan ang mga bansa
Tayo tinuring na panginoon bilang mga anak
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling nya
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling nya

Ipakita sa mga bata ang mga larawan.


1. Pagbibigay ng donasyon
2. Puinaiinom ang nauuhaw na matanda
3. Inaalagaan ang may sakit
4. Nagbibigay ng pagkain
5. Binibigyan ng upuan ang matanda

B. Establishing purpose of the new


lesson

C. Presenting examples of the new Kapakanan ng Iba, Bago Ikaw


lesson Ni: Blessie Joson
Si Dina ay labing isang taong gulang pa lamang ng magkasakit
ang kanyang nanay. Siya ang inaasahan ng kanyang tatay sa pag-
aasikaso sa kanyang nanay dahil ito ay nagtatrabaho. Bagama’t
siya’y nahihirapan pero mas iniisip pa rin niya ang kapakanan ng
kanyang nanay.
“Tulungan mo nga ako anak na makatayo,” mahinang boses ng
kaniyang ina.
“Opo nanay, naghahanda lamang po ako ng ating almusal,” ang
sabi ni Dina
“Tutulungan na kita dahil may pasok ka pa sa paaralan at
mahuhuli ka sa iyong klase, “ pag-aalala ng kaniyang ina
Pagkatapos ng gawain sa bahay ay pumasok na si Dina sa
paaralan. Sinabi ng kanyang guro na isa siya sa napili na isasali sa
“drum & lyre corps” dahil magaling siyang tumugtog ng lyre.
Pagkauwi niya ng bahay sinabi niya sa kanyang ina, “Nanay
isinasali po ako ng aking guro sa drum & lyre corps sa aming
paaralan kaya lang ang ensayo namin ay pagkatapos ng klase.”
“Sige anak sumali ka para maipakita mo ang iyong galing sa
pagtugtog ng lyre,” masayang sambit ng kaniyang ina.
Ngunit sinabi niya sa kaniyang ina, “Nanay hindi na lang po ako
sasali dahil wala po sa inyong mag-aasikaso, maari nmn po ako ulit
sumali kapag gumaling na po kayo.”
Pagpasok niya kinabukasan sa paaralan sinabi niya sa kanyang
guro na gusto man niyang sumali ay hindi niya magagawa dahil
gugugol ito ng maraming oras sa pageensayo at iniisip niya na mas
kailangan siya ng kaniyang ina. Maari pa rin naman siyang
tumugtog ng lyre kahit hindi siya nakasali.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong :


1. Ano ang tungkulin ni Dina sa kanyang pamilya?
D. Discussing the new concepts and 2. Bakit hindi nakasali sa “lyre & drum corps” si Dina?
practicing new skills no.1 3. Paano ipinaubaya ni Dina ang kanyang pansariling kapakanan
para sa pamilya?
4. Bilang mag-aaral, gagawin mo rin ba ang ginawa ni Dina? Bakit?
Ang pagtulong sa ating kapwa ay isang aawain na dapat
taglay ng isang tao. Kailangan nating isaalang-alang na
E. Discussing the new concepts and
makatulong sa ibang tao bago unahin ang ating sarili. Ang
practicing new skills no.2
isipin ang kapakanan ng iba ay naipadadama natin na sila ay
mahalaga hindi lang sa atin maging sa ating mundo.
Tungkulin ba ng lahat ng tao na tulungan o pagmalasakitan
F. Developing Mastery
ang kapwa niya bago isipin ang sarili?
Pumalakpak kung ang pangungusap ay nagsasaad ng
pagpapaubaya ng pansariling kapakanan para sa kabutihan ng
kapwa at tumayo kung hindi.
_____1. Tinutulungang magbuhat ng mabigat na dalahin ang
may kapansanang kapatid.
_____2. Makipag-away sa kapwa bata.
_____3. Humingi ng bayad sa mga kabutihang nagawa.
_____4. Pagtulong sa gawaing bahay kapag may sakit ang
G. Application
nanay.
_____5. Pinapauna sa pagsakay ng dyip ang mga matatanda.
_____6. Pagkukumpuni ng mga bagay na maari mo pang
gamitin kaysa bumili ng bago ang iyong magulang.
_____7. Singilin ang mga natutulungan.
_____8. Paggasta para sa sariling kapakanan.
_____9. Ipagtanggol ang sinasaktang kaibigan.
_____10. Pagbibigay ng pagkain sa mga batang lansangan.
Ang pagpapaubaya ng pansariling kapakanan para sa
H. Generalization kabutihan ng iba ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa
na walang hinihintay na kabayaran o kapalit.
I. Evaluation Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin ang
titik ng tamang sagot.
1. Nagring ang bell ng iyong paaralan, hudyat ito na kailangan
mo ng pumila para sa flag ceremony, sa pagbaba mo ng
hagdan napansin mo na may nadapa na bata. Ano ang iyong
gagawin?
A. Pababayaan mo lang ang bata na umiyak.
B. Tutulungan at dadalhin mo siya sa clinic.
C. Pagtatawanan mo ang bata dahil siya ay nadapa.
D. Titigan mo lang siya hanggang sa makatayo
2. Ikaw ay nagmamadali na pumasok sa Paaralang
Elementarya ng Buhay na Tubig dahil mahuhuli ka na sa
klase, kasabay mo na naghihintay ng dyip ang isang matanda,
nang sasakay ka na, isang upuan lang ang natitira. Ano ang
iyong gagawin?
A. Magmamadali kang sumakay para di ka maunahan ng
matanda.
B. Sasabit ka na lang sa dyip.
C. Pauunahin ang matanda na makasakay sa dyip.
D. Magtatakbo papunta sa paaralan.
3. Papunta ka sa bahay ng iyong kaklase para humiram ng
aklat. Nakaramdam ka ng gutom at naisipan mong bumili ng
tinapay sa panaderya, pagkabili mo napansin mo na may
pulubing bata na humihingi sa iyo ng tinapay. Ano ang
gagawin mo?
A. Ibebenta sa pulubing bata ang tinapay.
B. Hindi mo bibigyan ang pulubing bata ng tinapay.
C. Uutusan mo ang pulubing bata na kunin ang aklat sa
kaklase mo.
D. Bibigyan mo ng tinapay pulubing bata kahit ito’y para sa
iyo lamang.
4. Mahaba ang pila sa tindahan, nang ikaw ay susunod na
nakita mo na may matandang bulag na nakapila sa likod mo.
Ano ang gagawin mo?
A. Pauunahin na lang sa pila ang matandang bulag upang
makabili na sa tindahan.
B. Hindi mo papansin ang matandang bulag dahil hindi ka
naman niya nakikita.
C. Mauuna kang bumili sa tindahan dahil ikaw naman talaga
ang nauna sa pila.
D. Lolokohin mo ng matanda dahil ito ay bulag.
5. Nanonood ka ng paborito mong programa sa telebisyon na
inaabanagan mo tuwing Sabado kailangan mong gumawa ng
gawaing bahay dahil ang Nanay mo ay maysakit. Ano ang
gagawin mo?
A. Pababayaan mo na lang ang mga gawaing bahay dahil
ayaw mong maistorbo sa pinapanood mo.
B. Gagawa ka na ng gawaing bahay para matulungan mo ang
Nanay mong maysakit.
C. Ipagpapatuloy ang panonood ng paborito mong programa
sa telebisyon hanggang sa ito ay matapos.
D. Hahayaan mo na lang ang Nanay mo na siya ang gumawa
ng gawaing bahay.
Itala sa iyong journal o kwaderno ang kahalagahan ng
pagpapaubaya ng pansariling kapakanan sa kabutihan
J. Assignment ng kapwa at ang iyong pangako na tutulong sa iba sa
abot ng makakaya.
V. REMARKS
VI. REFLECTION
1. No. of learners who earned 80% in the
evaluation
2. No. of learners who require additional
activities for remediation
3. Did the remedial work? No. of learners
who have caught up with the lesson
4. No. of learners who continue to require
remediation
5. Which of my teaching strategies worked
well? Why did these work?
6. What difficulties did I encounter which my
principal or supervisor can help me solve?
7. What innovation or localized materials did
used/discover which I wish to share with
other teachers?
Prepared by:

HONIE C. ARAGONCILLO
Grade V Teacher
Checked by:

LEONARDO V. CELESTRA
Principal

You might also like