You are on page 1of 1

Jason James F.

Yulina Pagsulat sa Pilipino sa Piling Larangan (Akademik)


ABM 1 Marites C. Contreras

BIONOTE

BOBBY JOHN S. YULINA

Si Bobby John Yulina o mas kilala sa alyas


na “sir Bob” ay ipinanganak noong ika-21 ng Hulyo
taong 1980 sa pronbinsya ng Labinay, Misamis
Occidental. Kilala ng karamihan si sir Bob bilang
isang guro sa Cataingan National High School.
Nagtuturo siya sa senior high school ng mga
asignaturang General Mathematics at Statistics
and Probability bilang kaniyang espesyalisasyon.
Lingid sa kaalaman ng iba, hindi pagtuturo ang
unang naging propesyon ni sir Bob. Nagtapos siya
sa kursong “Electrical Engineering” sa Cebu
Institute of Technology - University.

Laking-Mindanao si sir Bob. Pamilya ang nagdala sa kaniya sa rehiyon ng Bicol, sa


probinsya ng Masbate. Nakipagsapalaran siya sa buhay at sinubukan ang kaniyang
unang propesyon sa probinsiya ng Masbate kung saan nakatira ang kaniyang
napangasawa, si Arlene Fernandez, ang nanay ko. Nagtrabaho siya sa NAPOCOR
bilang isang electrician at nanilbihan doon ng sampung taon.

Taong 2018 nang pumasa siya sa Licensure Examination for Teachers at


nagsimula siyang magturo sa nasabing asignatura sa paaralan ng Cataingan
National High School taong 2018. Sa limang taon niya sa paaralan, at maging sa
serbosyo bialng guro, nakatanggap siya ng iilang parangal bilang pagbibigay halaga
sa kaniyang naging serbisyo. Kabilang na dito ang karangalan bilang isang
“Mathematics Olympiad Coach” at ang kaniyang pagiging “4 times Outstanding
Teacher sa IPCRF”. Sa kasalukuyan, si sir Bob ay nagtuturo parin sa paaralan ng
Cataingan ng mga nasabing asignatura, nadagdagan din ng iilang asignatura ang
kaniyang teaching load halimbawa na lamang ng EAPP.

You might also like