You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Imus City
ALAPAN 1 ELEMENTARY SCHOOL
Alapan 1-B Imus City, Cavite

Learning Language, Literacy and Communication, Grade Kindergarten


Area Values Development Level
Quarter 2nd Quarter Week 4
No.
Date December 7, 2021 Learning Day 2
Time

I. LESSON TITLE Pagkilala sa Titik Bb


Kaya kong maging matulungin.
II. MOST ESSENTIAL LEARNING Pagkatapos ng aralin, inaasahang:
COMPETENCIES (MELCs) (a) Nakikilala ang titik Bb at tunog nito.
(b) Natutukoy ang mga bagay na nagsisimula sa tunog ng titik Bb
(c) Naisusulat ang titik Bb
(d) Nasasabi ang iba’t-ibang paraan ng pagtulong sa kapwa.
III. CONTENT/CORE CONTENT Titik Bb at Pagiging matulungin sa kapwa
IV. Learning Phases Learning Activities

A. Introduction/Panimula Pang-araw araw na Gawain


 Panalangin
 Ehersisyo
 Balitaan
 Balik-aral: Mga Katulong sa Pamayanan
Gawain: Tutukuyin ng mga bata ang mga katulong sa pamayanan na
itatanong ng guro.
B. Development/Pagpapaunlad Gawain: Sino Ako?
Panuto: Hulaan kung sinong katulong sa pamayanan ang natatakpan ng isang
malaking tandang pananong (?). Magbibigay ng “clues” ang guro.

Kwento: Ang Matulungin na Karpintero

Address: Alapan 1-B, Imus City, Cavite


Telephone No.: (046)471-22-82
Email Address: alapan1elemschool@gmail.com
Website: alapanuno.es@weebly.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Imus City
ALAPAN 1 ELEMENTARY SCHOOL
Alapan 1-B Imus City, Cavite

C. Engagement/ Pakikipagpalihan Pangbuong klaseng Gawain: Ano-ano ang mga nagawa ni Mang Ben?
Panuto: Tulungan natin si Mang Ben piliin kung ano ang mga naitulong niya
sa kanyang kapitbahay

Balikan ang mga larawan sa kuwento. Ang mga larawan na ito ay nagsisimula
sa letrang Bb. Pag-uusapan sa klase ang titik Bb, ang tunog nito at ang iba
pang mga bagay na nagsisimula sa tunog nito.

Panglahatang Gawain: Kindergarten Worksheets, pahina 8

D. Assimilation / Gawain:
Paglalapat Panuto: Itaas ang masayang mukha kung ang larawan na ipapakita ng guro ay
nagsisimula sa titik Bb. Malungkot na mukha naman kung hindi.

Address: Alapan 1-B, Imus City, Cavite


Telephone No.: (046)471-22-82
Email Address: alapan1elemschool@gmail.com
Website: alapanuno.es@weebly.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Imus City
ALAPAN 1 ELEMENTARY SCHOOL
Alapan 1-B Imus City, Cavite

V. ASSESSMENT Kindergarten Worksheets, pahina 7


Gawain: Alin ang nagsisimula sa letrang Bb
Panuto: Kulayan ang mga larawan na nagsisimula sa letrang Bb.

VI. REFLECTION Ang tunog ng titik Bb ay /b/.


Ang pagiging matulungin sa kapwa ay isang magandang pag-uugali. Ito ay
dapat gianagawa ng bukal sa loob at walang hinihinging kapalit.

Prepared by:

JENELYN S. CASQUEJO MARILOU R. CENITA


Kinder Teacher Signature over Printed name of the Observer

Address: Alapan 1-B, Imus City, Cavite


Telephone No.: (046)471-22-82
Email Address: alapan1elemschool@gmail.com
Website: alapanuno.es@weebly.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Imus City
ALAPAN 1 ELEMENTARY SCHOOL
Alapan 1-B Imus City, Cavite

Si Oyo at Ola
Ni: Camelle Joy G. Remulla

Address: Alapan 1-B, Imus City, Cavite


Telephone No.: (046)471-22-82
Email Address: alapan1elemschool@gmail.com
Website: alapanuno.es@weebly.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Imus City
ALAPAN 1 ELEMENTARY SCHOOL
Alapan 1-B Imus City, Cavite

Si Oyo at si Ola ay kambal na anak ni Mang Oscar at Aling Ofelia. Sila ay


lubos na kinagigiliwan ng lahat. Ang kanilang pamilya ay laging masaya at
sama-sama.

Isang Sabado ng umaga habang nag-aalmusal, may ibinalita si Mang


Oscar at Aling Ofelia sa magkapatid.
“O, mga anak, tayo ay aalis maya-maya”, sabi ni Mang Oscar.
“Saan po tayo pupunta, Tatay?”, tanong ni Oyo.
“Napag-usapan namin ng tatay ninyo kagabi na tayo ay bibisita sa inyong Lolo
at Lola. Isang buwan na rin ang nakakalipas simula ng makalabas sa ospital ang
inyong Lolo”, sagot ni Aling Ofelia.
“Yehey! Makikita na rin natin si Lolo at Lola! Ang tagal natin silang hindi
nabisita!”, masayang sambit ni Ola.
“Oo, kaya naisipan namin na bisitahin natin sila. Kaya naman, pagkatapos ninyo
kumain, tulungan niyo kami ng inyong nanay na magligpit at mag-ayos para
tayo ay makaalis ng maaga”, sabi ni Mang Oscar
“Opo tatay! Tutulong po ako sa inyong magligpit ng ating pinagkainan!”, sabi ni
Oyo.
“Ako naman po ang tutulong sainyo Nanay na maghugas ng plato!”, sabi ni Ola.
“Ay talaga naming kay babait ng amin mga anak. O sya, ubos na yang pagkain
para tayo ay makakilos na”, sagot ni Aling Ofelia kina Oyo at Ola.

Nang matapos na ang pamilyang mag umagahan, tumulong na ang


magkapatid sa kanilang mga magulang. Mabilis na iniligpit ni Oyo ang mga
pinagkainan at maingat naman itong hinugasan ni Ola.

Pagkatapos ng kanilang gawain, mabilis na naligo at nagbihis ang kambal


para sa kanilang pagbisita sa kanilang Lolo at Lola. Masayang nagkekwentuhan
ang dalawa habang naghihintay sa kanilang nanay nang biglang may naisip si
Ola. Dali dali nitong pinuntahan ang kanyang tatay na inaayos ang mga gamit
nila sa oto.
“Tay, maaari po ba nating dalahan ng okra sina Lolo at Lola? Ang alam ko po
kasi paborito iyon ni Lola”, sabi ni Ola

Address: Alapan 1-B, Imus City, Cavite


Telephone No.: (046)471-22-82
Email Address: alapan1elemschool@gmail.com
Website: alapanuno.es@weebly.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Imus City
ALAPAN 1 ELEMENTARY SCHOOL
Alapan 1-B Imus City, Cavite

“Ay oo naman anak, lakad, pumitas kayo ni Oyo dun sa ating munting
taniman”, sagot ni Mang Oscar
“Salamat po tatay!”, sabay na sabi ng kambal.
Dali daling kumuha ng basket ang kambal at pumitas ng okra sa kanilang
hardin. Sa di kalayuan ay natanaw naman ni Oyo ang halaman ng oregano.
“Ola, kumuha din tayo ng oregano para kay Lolo at Lola. Naalala ko kasi sabi ng
guro natin dati na mabuti ito bilang pampatibay ng resistensya,” kwento ni
Oyo.
Matapos mamitas ng okra at manguha ng oregano ang kambal, dinala na nila
ito sa kanilang mga magulang na naghihintay na sa loob ng kanilang oto.
“Sakay na mga anak. Tayo ay aalis na”, sabi ni Aling Ofelia.

Matapos ang tatlong oras na pagbibiyahe, nakarating din ang mag-anak


sa Brgy. Alapan 1-B, sa bayan ng Imus. Dito nakatira ang kanilang Lolo at Lola.
Madaling bumaba ng sasakyan ang dalawa upang salubungin ng yakap at halik
ang kanilang Lolo at Lola.
“Mano po, Lolo at Lola!”, nagmano ang dalawa at sinamahan pa ito ng yakap at
halik sa pisngi.
“Naku, miss na miss naming kayo mga apo. Ang tagal kong sinamahan ang
inyong Lolo sa ospital kaya hindi na ako nakapasyal sa inyo”, sabi ng kanilang
Lola.
“Okay lang po yun Lola! Heto po, may pasalubong kami sainyo na okra at
oregano!”, pagmamalaki ni Ola.
“May dala din po akong orkidyas Inay bilang pandagdag sa koleksyon nyo ng
halaman,” pahabol ni Aling Ofelia.
“Aba’t nag-abala pa kayo. Maraming salamat dito sa mga dala niyo”, buong
galak na sabi ni Lolo.
“Mabuti nga po at wala akong pasok sa opisina ngayon kaya nakadalaw kami sa
inyo Inay at Itay”, masayang sabi ni Mang Oscar.
“Oo nga, mabuti naman. Ay bago ko malimutan, may regalo pala kami sa inyo,
Oyo at Ola”, pahabol ng kanilang Lolo.

Address: Alapan 1-B, Imus City, Cavite


Telephone No.: (046)471-22-82
Email Address: alapan1elemschool@gmail.com
Website: alapanuno.es@weebly.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Imus City
ALAPAN 1 ELEMENTARY SCHOOL
Alapan 1-B Imus City, Cavite

Saglit na pumasok sa kwarto ang kanilang Lolo. Paglabas nito, may bitbit na
itong dalang orasan na may disenyong oso. Tuwang-tuwa itong tinanggap ng
kambal.
“Wow! Maraming salamat po!”,sabi ni Oyo
“May orasan na kami sa kwarto! Salamat po!”, sabi ni Ola.
“Walang anuman mga apo. O sya tayo na’t mananghalian. Tiyak kong gutom na
kayo. Nagluto ako okoy at mayroon din dito ng paboring biskwit niyo na otap,”
At, sabay-sabay na nagtungo ang mag-anak sa hapag kainan upang pagsaluhan
ang masarap na tanghaliang inihanda ni Lola.

Address: Alapan 1-B, Imus City, Cavite


Telephone No.: (046)471-22-82
Email Address: alapan1elemschool@gmail.com
Website: alapanuno.es@weebly.com

You might also like