You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office – Malabon City
District of Malabon II – A
IMELDA ELEMENTARY SCHOIOL

BANGHAY ARALIN SA MOTHER TONGUE 1

I. Layunin

1. Nakikilala at nabibigkas ang tamang titik at tunog ng letrang Bb


2. Nakikilala ang mga larawan at salitang nagsisimula sa titik Bb

II. Paksang-Aralin
Titik at Tunog ng letrang Bb

Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide for Grade 1


Kagamitan: mga tunay na bagay, tarpapel, powerpoint
presentation, mga larawan
Integrasyon: ESP, Math, MAPEH (Music)

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pag awit
Tatlong Bibe

2. Pagsasanay
Ibigay ang simulang tunog ng mga larawang ipapakita ng guro. Isusulat
ng mga bata ang kanilang sagot sa show me board.

3. Balik-Aral
Magpapakita ang guro ng mga larawan. Sasabihin ng mga bata ang “FACT”
kung ito ay nagsisimula sa titik Hh at “BLUFF” naman kung hindi.

A. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Pagpapaikot ng guro ng isang basket na may iba’t-ibang bagay. Sa
paghinto ng basket, ang mag-aaral ay kukuha ng isa at tutukuyin kung
ano ang pangalan nito.

2. Paglalahad
Pagbasa ng isang maikling kwento ng guro.

Mababait na Bata
Mababait na bata sina Bobot, Bela at Bobi. Sila ay magkakaibigan. Lagi
silang naglalaro. Hindi sila nag-aaway kahit kalian. Paborito nilang laruin ang
bolang inihahagis-hagis sa basket. Isang araw, nasa tabi ng bintana ang mga
bata. Kumakain sila ng paborito nilang binatog. Maya-maya ay meron din

Langaray St. cor. Hasa-Hasa St., Longos,


Malabon City Tel: (02) 351 - 3201
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office – Malabon City
District of Malabon II – A
IMELDA ELEMENTARY SCHOOL
silang narinig na naglalako ng balot, bibingka at buko. Masayang masaya ang
mga bata habang sila ay kumakain.

3. Pagtalakay
a. Sino-sino ang mababait na bata?
b. Ano ang kanilang inihahagis sa basket?
c. Ano ang paborito nilang kainin?
d. Ano-ano ang narinig nilang inilalako sa kalsada?
e. Bakit kaya laging masaya ang magkakaibigan?
f. Kung ikaw ay may kaibigan, gagawin mo din ba ang ginagawa nila?
Bakit?

4. Paglalapat
Pangkatang Gawain
A. Pangkat 1
Tingnan ang mga larawan. Piliin ang mga larawang nagsisimula sa
titik Bb at ilagay ito sa basket.

B. Pangkat 2
Basahin ang mga pangungusap. Guhitan ang mga salitang
nagsisimula sa Titik Bb.

1. May alagang limang baboy sina nanay at tatay.


2. Umiinom ng sabaw ng buko araw – araw ang aking guro.
3. May nakita akong butiki sa ibabaw ng kisame.
4. Si Bebot ang may pinakamahabang buhos sa aking kamag-aral.
5. Ako ay nagsusuot ng bota kapag baha sa daanan.

C. Pangkat 3
Isulat ang pangalan ng mga larawan na nagsisimula sa titik Bb.

________________ __________________ ________________ _______________ __________________

D. Pangkat 4
Gumuhit ng limang larawang nagsisimula sa titik Bb. Kulayan ito.

Langaray St. cor. Hasa-Hasa St., Longos,


Malabon City Tel: (02) 351 - 3201
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office – Malabon City
District of Malabon II – A
IMELDA ELEMENTARY SCHOOL
5. Paglalahat
a. Anong titik ang pinag aralan natin ngayong araw na ito?
b. Ano ang tunog ng titik Bb?
c. Magbigay ng ilan pang mga salita na nagsisimula sa titk Bb.

E. Pagtataya
Pagtambalin ang larawan at pangalan nito.

HANAY A HANAY B
1.
A. buhok

2. B. butiki

3. C. buko

4. D. baso

5. E. bahay

IV. Takdang-Aralin

Magdikit ng mga larawang nagsisimula sa titik Bb sa inyong kwaderno.

Inihanda ni:

GNG. RICHIE C. GERSANIB

Langaray St. cor. Hasa-Hasa St., Longos,


Malabon City Tel: (02) 351 - 3201
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office – Malabon City
District of Malabon II – A
IMELDA ELEMENTARY SCHOOL

Langaray St. cor. Hasa-Hasa St., Longos,


Malabon City Tel: (02) 351 - 3201

You might also like