You are on page 1of 3

January 30, 2020

HUWEBES

MTB

I - PONKAN 7:40 – 8:30

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman:

Demonstrates knowledge of the alphabet and decoding to read, write and spell words correctly.

B. Pamantayan sa Pangganap:

Applies grade level phonics and word analysis skills in reading, writing and spelling words.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto:

Nakasusulat ng parirala at simpleng pangungusap ng wasto.

II. Paksang Aralin


Paksa: Pagsulat ng parirala
Kagamitan: Powerpoint at video clip
Sanggunian: LM p.365-368
Koda: MT1PWR-IVa-i-3.2.1

III. Pamamaraan

A. Panimula

1. Balik Aral
Bumuo ng pangungusap na naglalarawan sa larawang ipinapakita.

2. Pagganyak
Basahin ang mga pangungusap.

1.Ang bahay kubo ay maliit.


2. Maraming bunga ang punong manga.

3. Paglalahad
Panuto: Basahin ang kuwentong “Si Marcos, Ang Bunsong Anak” ni Andrea Mabel E. Abrencillo.

Sl MARCOS, ANG BUNSONG ANAK ANDREA MABEL E. ABRENCILLO

Sa isang malayong pook, may isang mag-anak na nakatira sa isang barong-barong. Dahil sa
kahirapan ng buhay, kailangan nina Aling Sonia at Mang Renato ang kumayod nang kumayod at
gawing araw ang gabi upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga anak. Mayroon
silang pitong anak, apat na babae at tatlong lalaki.
Sa kabila ng kanilang kahirapan, masaya ang magkakapatid na sumusunod sa utos ng kanilang mga
magulang. Ang panganay na si Marian ang nagluluto ng kanilang pagkain. Ang pangalawa at
pangatlong anak na sina Monica ot Monina ang naglalaba ng kanilang maruruming damit. Si
Maricar ang naglilinis ng kanilang bahay. Si Marina ang kasama sa bukid ng mag-asawa
samantalang sina Marlon at Marcos ang namumulot ng mga tuyong panggatong. Araw-araw,
kakikitaan ng masayang pamumuhay ang mag-anak.

Isang araw sa di inaasahang pangyayari, ang bunsong anak na si Marcos na nasa Unang Baitang ay
umuwing mag-isa. Sa kaniyang paglalakad pauwi sa kanila, nakakita siya ng iba-ibang kulay ng
paruparo na animo'y naglalaro so paglipad. Tuwang tuwo niyang sinundan ito. Hindi niya
namalayan, malayo na pala ang kaniyang narating. Hindi na niya alam ang daan patungo sa kanilang
bahay. Takot na takot siya at umupong umiiyak. Hindi niya malaman ang gagawin. Dalawang
matandang lalaki ang biglang sumaklolo sa bata. Sa ganoong sitwasyon, dumating ang kaniyang
kuya na sina Marino at Marlon. Buong pagmamahal nila itong niyakap. Magalang na nagpasalamat
ang magkakapatid sa dalawang lalaki na nagmalasakit at nagligtas kay Marcos.

4. Pagmomodelo
Basahin ang mga pangungusap at tingnan ang larawan na makikita sa ppt

1.Si Ana ay naglilinis gamit ang walis-tambo (larawan ng walis)

2. Siya ay anak-pawis kaya nagsusumikap sa pag-aaral.

3. Takip-silim nang umuwi si Dan sa kanilang bahay.

4. Napakaganda ng bahag-hari sa kalangitan.

5. Ginabayang Pagsasanay
Panuto: Pagtambalin ang mga salita sa Hanay A sa Hanay B upang makabuo ng tambalang salita.
Isulat ang sagot sa kuwaderno.

HANAY A HANAY B

1. A. damo

anak

2. B. araw
walis
3. C. hari
baboy

pilik

4. d. tambo

5. E. mata

bahag

6. Paglinang sa kabihasnan

Panuto: Bilugan ang tambalang salita na makikita sa loob ng kahon.

Langgam takip-silim palo-sebo

Pusong-mamon pagkain taingang-kawali

7. Paglalapat/Pagpapahalaga
Sa kuwentong nabasa, sa iyong palagay tam aba ang ginawa ng dalawang matandang lalaki kay
Marcos? Bakit?

8. Paglalahat
Tandaan:
Ang tambalang salita ay pinagsamang dalawang salita upang makabuo ng panibagong salita.

9. Pagtataya
Tukuyin ang tamabalang salita sa pangungusap.
1. Si ate Romina ay may pusong-mamon dahil madali siyang maawa.
2. Ang batang mahilig maglaro ng tanghaling tapat ay madaling magkaroon ng bungang-
araw.
3. Si Rina ay balat-sibuyas dahil lagi siyang nagdaramdam kapag inaasar.
4. Dahil sa kanyang sipag sa pagtatrabaho abot-kamay na niya ang kanyang pangarap.
5. Nagtataingang-kawali si Bentong kapag inuutusan siya ng kanyang nanay.

10. Takdang Aralin


Bumuo ng 5 tambalang salita at gamitin ito sa pangungusap.

You might also like