You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VIII
Sangay ng Lungsod ng Calbayog
Paaralang Elementarya ng Cabicahan
Distrito ng Oquendo 2
Lungsod ng Calbayog

BANGHAY ARALIN SA PAGPAPAKITANG – TURO SA FILIPINO 1


(Marungko Technique)

I. Layunin :
1. Nakikilala at na bibigkas ang wastong tunog ng /li/.
2. Nakakabuo ng pantig at salita sa pagsasama ng patinig at tunog /li/.
3. Nakakabasa ng pantig, salita, parirala, pangungusap/maikling kwento.
4. Naisusulat ang titik I at i nang malinaw at wasto.
[ Magalang na Pakikinig ]
II. Paksa. Ang Tunog /Ii/

Sanggunian : BEC Fil.1 d. 28, PELC Fil.7 d.3


PAGSASANIB : EKAWP
Kagamitan: larawan, tsart, plaskard, paket tsart, tagboard

III. Istratehiya / Pamamaraan :

A. PANIMULANG GAWAIN
Balik Aral:

Ipabasa ang mga salita sa plaskard at ipabigay ang unang tunog nito. Ipasulat sa
kaninlang papel ang unang tunog nito.
Hal. Mama, ama, sasama, masa, asma, atbp

B. PANLINLANG NA GAWAIN :

1. Pagganyak: ( Bugtungan )
a. Ito’y mahalagang bahagi ng katawan. Dalawa ang butas. Ginangamit sa pang-
amoy. Ano ito?
b. Atbp. (Banghay aralin sa Fil. P.61) ilong, ibon, itlog

2. Paglalahad :
Isulat sa pisara ang mga sagot ng bata. Bigyan diin ang titik /i/. Ipabigkas nang
maraming ulit ang tunog /I/, /i/.

3. Pagtatalakay :
a. Ipakita ang Malaki at maliit na titik /I/, /i/.
b. Bigkasin ito at ipaulit sa mga bata ng buong klase, pangkatan at isahan.
c. Magpabigay ng mga ngalan ng tao at bagay na nagmumula sa Ii.
d. Pagbasa (Blending)
1. Ngayon ay bubuo tayo ng pantig

i---m i---s m---I s---i


i—m i—s m—I s--i
i-m i-s m-I s-i
im is mi si

2. Pagbuo ng Salita

i---sa isa ma---is mais


i---ma ima A---mi Ami
mi---mi mimi mi---sa misa
si---si sisi Si-sa Sisa

3. Pagbasa ng Parirala

Si Ami isa sa ama si Ami at Sisa


Si Sisa iisa si Mimi atbp.

4. Pagbasa ng Pangungusap / Maikling Kwento

a. Si mama ay sasama sa ama.


Isasama si Sisa
Isasama si Mimi
Sasama si mama, Sisa, at si Mimi sa Ama.

Tanong: (Pasalita)
1. Sinu-sino an sasama sa Ama?
2. Ano kaya sina Sisa at Mimi?
b. Atbp.

e. Pagsulat
1. Ipakitang turo ang wastong pagsulat ng Ii sa hangin tapos sa pisara.
2. Magsanat tayong sumulat ng Malaki at maliit na letrang Ii sa papel. Una,
pagdugtungin ang mga tuldok. Ikalawa, kopyahin ang letra sa ibaba.

4. Pagsasanay
a. Bilugan ang simulang tunog ng pangalan ng mga nakalarawan
1. a, e, I 2. i, e, a 3. Atbp.
b. Piliin ang titik ng salitang may tunog na /Ii/ at isulat ito sa tagboard.
Hal. 1. a. usa b. sisi c. aso d. uso
2. a. amo b. ama c. Uma d. Imi
3. atbp.

5. Paglalahat
1. Anong bagong titik ang pinag-aralan natin ngayon? Binibigkas nang wasto ang
tunog na ito?

6. Pagpapahalaga:
Magalang ba kayong nakikinig ngayon? Paano ninyo ito?

C. PANGWAKAS NA GAWAIN
1. Isulat ang mga nawawalng titik upang mabuo ang pangalan ng larawan
2. Pangkatang Gawain :
Ipapahanap sa mga bata ang tatlong titik na Ii na nasa sobre at ipalagay ito
sa paket tsart. Ang unang grupo na makagawa ang siyang panalo.

IV. Pagtataya:
Panuto: Piliin at isulat sa papel ang pantig/salitang may tunog na Ii.
1. Usa, isa, mama, sasa 4. Mi, ma, mo, am
2. Imi, mama, ama, amo 5. so, us, as, is
3. Mi, ma, mo, am

V. Gawaing Bahay
Isulat nang sampung beses ang Malaki at maliit na letrang Ii sa kwaderno.

Inihanda ni:

MA. GINA L. DERLA


Tagapakitang-Turo

Binigyan Pansin:

BARTOLOME R.
DOROJA
Teacher-In-Charge

You might also like