You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas
District of Cuenca
Cuenca Central School
Cuenca, Batangas
I.

Layunin
Natutukoy ang salitang ugat at panlaping gamit sa salita.

II.

Paksang Aralin
A. Ang Salitang Ugat at Panlaping Gamit sa Salita
B. Sanggunian: BEC PELC 2. P. 1; Diwang Makabansa Pagbasa p. 64
C. Kagamitan: Powerpoint, tsarts, mga larawan, chalk at blackboard

III.

Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Tukuyin ang saloobin at damdamin ng tagapagsalita batay sa diwa.
1. Hindi ako sang-ayon sa nais mong mangyari.
2. Ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman.
3. Talagang mayaman si Henry Sy.
2. Pagganyak
Ipakita ang larawan sa mga bata. Tanungin sila kung ano ang nasa larawan.
a. Kumakain
b. Nakanta
c. Natalon
B. Habang Bumabasa
1. Paglalahad
Tumawag ng bata para ipabasa ang seleksyon.
Ang Aking Kapatid
Ang aking kapatid ay tunay na malikhain. Pitong taon pa lamang siya ay
nakasulat na ng maikling tula na pinamagatang
Sa Likod Bahay nang siya ay napunta sa mataas na paaralan, marami na
siyang nalimbag na kathang-isip. Sabi nga ng aming nanay at mga kapit-bahay
mabubuhay na raw ang aking kapatid kahit hindi maghanap-buhay.
2. Pagtalakay
Sino ang sinasabing tunay na malikhain?
Bakit siya tinawag na malikhain?
Ano ang sinabi ng nanay at mga kapit-bahay sa kapatid?
C. Pagkatapos Bumasa
1. Ipabasa nang sabayan ang mga sumusunod na salita.
Malikhain
Napunta
Nakasulat
Nalimbag
Pinamagatan
Mabubuhay

Itanong
Ano ang mapapansin ninyo sa mga salitang inyong binasa?
Paano nabuo ang salitang binasa ninyo?
(nabuo ang mga salita dahil ng panlapi at salitang-ugat)
Sa unang salita alin ang panlapi? Ang salitang ugat?
Sa ikalawang salita (hanggang sa huling salita)
2. Pagpapayamang Gawain
1. Sa salitang nagwalis, alin ang pinaikling salita?
2. Sa salitang tumawa, alin ang salitang ugat at panlapi?
3. Paglalapat
Basahin ang mga pangungusap at sabihin ang panlapi at salitang-ugat ng bawat
salitang may salungguhit.
1. Nilapitan ni Rein ang kanyang kaibigan upang damayan.
2. Ang mga bata ay naglaro ng taguan sa likod-bahay.
3. Malakas na binigkas ng mga bata ang tula.
4. Mabagal ang pagtakbo ni Junjun kaya natalo.
5. Ang bisita ay dumating ng maaga.
4. Lahukang Gawain
Ipapangkat sa tatlo ang mga bata.
Unang Pangkat
Sumulat ng limang salita na binubuo ng salitang-ugat at panlapi. Bilugan ang
salitang-ugat at salungguhitan ang panlapi.
Ikalawang Pangkat
Punan ang tsart sa pagkilala sa mga salitang-ugat at panlaping ginamit sa salita.
Sundin ang halimbawa.
Pandiwa
Salitang-ugat
Panlapi
iniluto
luto
Ini-unlapi
1. sumama
2. nilikha
3. tawagin
4. kinain
Ikatlong Pangkat
Lagyan ng bilog ang salitang-ugat at guhitan ang panlaping ginamit sa bawat
salita.
1. Iginalang
2. Sumunod
3. Mahalin
4. Inampon
5. Huminto
D. Pagsasanib ng Kayariang Pangwika
1. Paglalahat
Paano mo matutukoy ang salitang-ugat at panlaping gamit sa salita?
IV.

Pagtataya
Isulat sa talahanayan kung alin ang panlapi at salitang-ugat na ginamit.
Pandiwa
Salitang-ugat
Panlapi
1. Magkasama
2. Mabagal
3. Dumating
4. Mabuti
5. tinuloy

V.

Takda
Magsulat ng 5 salita at alamin ang mga panlapi at salitang-ugat

You might also like