You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XII
SCHOOLS DIVISION OF GENERAL SANTOS CITY
ROMANA C. ACHARON CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
Calumpang, General Santos City

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO I


(MARUNGKO APPROACH)

I. LAYUNIN:
Pagkatapos ng araling ito, ang mga bata ay inaasahang makagagawa ng mga
sumusunod na may 80% na kawastuhan:
1. Nabibigkas nang wasto ang tunog ng letrang a.
2. Nababasa ang mga salita, parirala at pangungusap na may tunog /a/
(F1KP-IIb-1)
II. PAKSA AT KAGAMITAN:
A. Paksa: Tunog /a/
B. Kagamitan: mga larawan, flash cards, activity sheets
C. Sanggunian: Gabay Pangkurikulum p. 5

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Balikan ang titik S bilang aralin kahapon.
(Ipakita sa mga bata ang malaki at maliit na simbolo ng letrang “S”.)
Itanong: Sino sa inyo ang makapagbibigay ng tamang tunog ng letrang “S”?
(Tumawag ng 1 hanggang 3 mag-aaral.)

2. Pagsasanay:
Panuto: Sabihin ang pangalan ng mga ipapakita kong larawan at tukuyin kung ito ba
ay nagtataglay ng tunog /s/.

1. 2. 3. 4. 5.

3. Pagganyak:
Itanong ang mga sumusunod:
a. Mga bata, kayo ba ay may mga bagay na kinakatakutan? Ano ano ang mga bagay
na nakapagdudulot sayo ng takot?

b. Sa kuwentong aking babasahin ngayong umaga, ano kaya ang kinakatakutan ng


batang si Ana?

Sabihin: Aalamin natin mga bata kung ang mga bagay na inyong sinabi ay siya
ngang kinatatakutan ni Ana.

Tanong: Mga bata, ano ang inyong gagawin kapag magsimula ng magkuwento si
titser?
Ilahad ang kuwentong “Si Ana” gamit ang tarpapel.
B. Pagtalakay sa Binasang Kuwento
Itanong ang mga sumusunod:
1. Sino ang matatakuting bata sa kuwento?
2. Ano ang ipinapabili ng Ama ni Ana sa tindahan?
3. Ano ang nakita ni Ana sa tindahan?
4. Sino ang may-ari ng aso na nakita niya sa tindahan?
5. Anong bagay ang nagdulot ng takot kay Ana sa daan?
6. Bakit kailangan pang magpayong ni Ana sa tuwing lalabas siya ng bahay?
7. Kung ikaw si Ana, matatakot ka rin ba sa araw, aso, at ahas? Bakit? Bakit hindi?

C. Paglalahad
Kilalanin ang mga tauhan at mga bagay na nasambit sa kuwento.
Idikit ang mga larawan sa pisara. Tumawag ng mag-aaral upang kilalanin ang bawat
larawan. Idikit naman ang pangalan na nasa flashcard sa pisara katabi ng larawan.

Ana Ama araw

aso ahas

Bigkasin: Ang mga salitang Ana, Ama, araw, aso, at ahas ay nagsisimula sa letrang “A”
(Ipakita sa mga bata ang malaki at maliit na simbolo ng letrang “A”.)
A a
D. Pagmomodelo
Sabihin : Ang letrang “A” ay may tunog na
“aaaaaaaaaaaaaaa”.
(Ipakita sa mga mag-aaral ang tamang posisyon ng labi, dila at ngipin. Iparinig sa mga
bata ang tamang bigkas ng tunog /a/)

Gawin ito ng ilang ulit sa pamamagitan ng pagpapangkat ng mga mag-aaral.

Hindi lang tunog ng “A” ang dapat pag-aralan ng mga bata. Kailangang malaman din
kung paano ito isulat.

Ipasulat sa hangin ang simbolo. Ipasulat sa palad ang simbolo gamit ang hintuturo.

Sa puntong ito mga bata, pagsasama samahin ang mga tunog na napag-aralan noong
nakaraang araw upang tayo ay makabuo ng mga salita.

Idikit sa pisara ang sumusunod na mga simbolo at ipabigkas sa mga bata ang bawat
tunog nito.

s m a
Bumuo ng pantig na “ma” sa pamamagitan ng pagsasama ng tunog /m/ at tunog /a/.

m a = ma

s a = sa

Bumuo ng mga salita at ipabasa sa mga bata.

Basahin natin mga bata ang mga salitang nabuo natin.


Ama
Sama
Mama
Masa
Aasa

Bubuo naman tayo ng mga parirala gamit ang mga salitang binasa natin.

Si ama
sama sama
ang mama
Sa masa

Bubuo naman tayo ng mga pangungusap gamit ang mga pariralang binasa natin.

Si ama ay sasama.
Sama sama ang mga mama sa masa.
Aasa sa Ama ang mama.

E. Pangkatang Gawain
(Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlong grupo.)
Panuto: Gamit ang mga titik, buohin ang mga salitang aking sasabihin. Ang pangkat na may
tamang baybay at pinakamabilis makabuo ng mga salita ay siyang makakakuha ng puntos.

F. Ginabayang Pagsasanay
Panuto: Isulat ang nawawalang letra upang makabuo ng salita na tumutukoy sa larawan.

1. 3.

____
____ s o
m a _
_

2. a R ___ w 4. a h ___ s
IV. PAGTATAYA
Basahin ang bawat pangungusap at sagutin ang katanungan. Isulat ang sagot sa
configuration clue.

1. Si Ama ay sasama.
Sino ang Sasama? m

2. Si Ana ay masaya.
a n
Sino ang masaya?

3. Sasama ang mama sa masa.


Sino ang sasama sa m A masa?

4. Ang mama ay aasa sa masa.


Saan aasa ang mama? m s

V.Takdang Aralin
Kopyahin ang mga sumusunod at basahin sa bahay.
Mama masa sasama
Ama sama sama-sama
Aasa masama masama sa ama

Inihanda ni:

MARIA CRISTINE C. FUERTE


Teacher I

Iniwasto at sinuri ni:

ERLA C. BRAŇA
Instructional Leader

Sinuri ni:

GINA G. UY
Principal II

Address: Calumpang, General Santos


Email Add: ictcenter.romana@gmail.com
Tel. No.: (083) 877-3518

You might also like