You are on page 1of 39

1

Filipino – Unang Baitang


Patnubay ng Guro
Unang Edisyon, 2013
ISBN: 978-971-9981-95-4

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas


Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda
ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya
o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan
ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang
pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin
ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph.D.
Kawaksing Kalihim: Elena R. Ruiz, Ph.D.

Mga Bumuo ng Patnubay ng Guro

Consultant: Dina Ocampo, Ph.D.


Editor at Tagasuri: Ani Rosa Almario
Mga Manunulat: Jeanne Christine Ramos, Ruth Martin, Ria Ciabal-dela Cruz, at
Camille Quiambao
Tagasuri: Angelika D. Jabines
Naglayout: Ma. Leonor M. Barraquias

Inilimbag sa Pilipinas ng:

Book Media Press, Inc.


Printwell, Inc.
21-E. Boni Serrano Ave., Q.C 38 Dansalan St., Mandaluyong City 721-
2803, 726-6647 533-2388

Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)

Office Address: 2nd Floor Dorm G, PSC Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072
E-mail Address: imcsetd@yahoo.com

2
TALAAN NG NILALAMAN

3
Yunit 3
Linggo 21

Tema : Kabuhayang Pampamayanan/Trabaho,


Industriya ng Pakikipagkalakalan
(One Town One Product o OTOP, industriyang
lokal, tiangge, atbp.)
Lingguhang Layunin:
1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Pinakinggan:
Nailalarawan ang tono (pataas, pababa) ng boses ng
bumabasa o naglalahad ng kuwento
Natutukoy ang damdamin sa napakinggang teksto
2. Palabigkasan at Pagkilala sa Salita:
Napagtutugma ang mga salitang magkasalungat sa tulong ng
mga larawan

Unang Araw
Layunin : Nailalarawan ang mga trabaho/hanapbuhay,
negosyo sa pamayanan
Kagamitan : larawan ng iba't ibang hanapbuhay
Pamamaraan:
1. P aunang Pagtataya
Magdikit ng mga larawan na magkasalungat.
Tumawag ng ilang piling bata na maghahanap ng magkapares
na larawan.
2. T unguhin
Ano ang hanapbuhay o trabaho ng iyong Tatay? Nanay? Ate?
Kuya?
Ano ang nais mong maging hanapbuhay pagdating ng panahon?
3. P aglalahad
Ipakita ang isang larawan ng isang pamayanan.
Hayaang magbigay ang mga bata ng mga pangungusap
tungkol sa mga hanapbuhay na ipinakita sa larawan.
4. Pagtuturo at Paglalarawan
Isulat sa pisara ang mga pangungusap na ibibigay ng mga
bata.
Ipabasa sa mga bata ang mga pangungusap.
Paano ito isinulat?
Sino ang inilalarawan ng bawat pangungusap?
5. P aglalahat

4
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. K asanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Bigyan ang bawat pangkat ng larawan tungkol sa
hanapbuhay sa pamayanan. Hayaang pag-usapan ito ng
pangkat. Magbigay ng mga pangungusap na naglalarawan
sa mga hanapbuhay na nakita.
b. Malayang Pagsasanay
Ilarawan ang nais mong maging hanapbuhay sa
pamayanang iyong kinabibilangan. Pahulaan ito sa kamag-
aral.

Ikalawang Araw
Layunin : Nailalarawan ang tono (pataas, pababa) ng
boses ng bumabasa o naglalahad ng kuwento
Pamamaraan :
1. Tunguhin
Magpaawit ng isang awiting alam ng lahat.
Ipaawit muli nang malakas ang
boses/mahina/masaya/malungkot.
2. Paglalahad
Papiliin ang mga bata ng larawan na nagpapakita ng
hanapbuhay ng isang kasapi ng pamilya.
Magkuwento tungkol dito.
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Pag-usapan ang mga narinig na kuwento ng bawat kaklase.
Paano ikinuwento ng kaklase mo ang kanyang karanasan?
Paano mo ilalarawan ang tono ng kaniyang boses?
Ano ang ibig sabihin kung pababa/pataas ang boses ng
nagpapahayag ng isang ideya?

4. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
5. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Basahan ang mga bata ng mga maiikling kuwento o
pahayag. Sabihin kung pataas o pababa ang tono ng
nagpapahayag.
b. Malayang Pagsasanay
Hayaang magbigay ang bawat bata ng pahayag sa mataas
at mababang tono.

Ikatlong Araw
Layunin : Napagtutugma ang mga salitang magkasalungat

5
sa
tulong ng mga larawan
Kagamitan : iba’t ibang larawan, bond paper, lapis, at
pangkulay
Pamamaraan:
1. Tunguhin
Gawin ang kabaligtaran.
Magsabi ng isang kilos. Isasagawa naman ng mga
bata ang kabaligtaran ng kilos na sasabihin ng guro.
Halimbawa: Guro: Tayo Bata: Uupo

2. Paglalahad Ikuwento.
Siya si Mang Felipe. (Ipakita ang larawan ni Mang Felipe.)
Siya ay nagtatrabaho sa paaralan. (Ipakita ang larawan ng
paaralan.) Tuwing umaga, nagwawalis siya ng mga kalat sa
paligid. (Ipakita ang larawan ng maruming kapaligiran.)
Binubuksan din niya ang mga pintuan. (Nakabukas na pinto)
Nagdidilig din siya ng mga malulusog na halaman sa hardin.
(Ipakita ang larawan ng malulusog na halaman.)
Nagkukumpuni rin siya ng mga sirang upuan at mesa. (Ipakita ang
larawan ng sirang upuan at mesa.)
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Ano ang hanapbuhay ni Mang Felipe?
Anong katangian mayroon siya? Paano mo nasabi?
Ipasakilos sa mga bata ang mga gawain ni Mang Felipe sa araw-
araw. Ipakita ang sumusunod na larawan:
- Sirang mesa - Maruming
kapaligiran
- Nakabukas na pintuan - Malulusog
na halaman Pag-usapan ang bawat larawan.
Bigyan ng label ang bawat larawan.
Ipakita at pag-usapan naman ang sumusunod na larawan:
- Maayos na mes a -
Malinis na kapaligiran
- Saradong pintuan - Mapapayat na halaman
Pagtambalin ang mga larawan.
Ano ang mapapansin sa mga larawan?
Paano sinabing magkasalungat sila?
4. Paglalahat
Kailan magkasalungat ang mga salita?
5. Kasanayang Pagpapayaman

a. Pinatnubayang Pagsasanay

6
Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Bigyan ng mga
larawan ang unang pangkat at ang mga kabaliktarang
mga larawan ay ibibigay naman sa pangkat na natitira.
Bumilang ng isa hanggang tatlo. Pagkatapos banggitin ang
“GO!”, sisimulan nang hanapin ng mga batang ang kanilang
kapareha sa kabilang grupo.
Ang unang pares na pupunta sa harapan ang siyang
panalo. Ulitin ang palaro hanggang sa makapaglaro
ang lahat ng mga bata.

b. Malayang Pagsasanay
Bigyan ng malinis na papel, lapis, at mga pangkulay ang
bawat bata.
Magdikit ng tatlong larawang may koneksiyon sa trabaho sa
pamayanan. Papiliin ng isang larawan ang mga mag-aaral at
ipaguhit sa mga
bata ang mga posibleng kasalungat ng mga larawan sa
pisara.

Ikaapat na Araw
Layunin : Nagagamit ang iba’t ibang tono para maipakita ang
kasalungat na damdamin
Kagamitan : iba’t ibang ekspresyon ng mukhang nakaguhit
sa bilog na papel/cardboard at nakadikit sa popsicle
sticks Pamamaraan:
1. Tunguhin
Sabihin ang kasalungat ng sumusunod:
- mainit - tahimik
- malaki - mataas
- maputi - maganda
2. P aglalahad
Paghandain ang mga pangkat ng bata na magpakita ng
sitwasyon sa isang ospital.
Pagpapakita ng dula-dulaan.
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Ano-ano ang nakita sa dula-dulaan?
Ano-ano ang pahayag na napakinggan sa dula-dulaan?
Ipasabi ang mga ito sa mga bata.
Anong damdamin ang ipinahihiwatig ng bawat pahayag?
Alin ang masaya?
Malungkot? Paano mo
nasabi?
4. P aglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?

7
5. K asanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Makinig nang mabuti sa pangungusap na iparirinig.
Pagkatapos ng bawat pangungusap, itaas ang popsicle stick
na nagpapakita ng damdaming ipinapahayag ng mga
nagsasalita.
b. Malayang Pagsasanay
Iparinig sa mga bata ang mga pangungusap.
Tanungin kung ano-ano ang maaaring damdaming
ipinapahayag ng nagsasalita (galit, tuwang-tuwa,
nasasabik, atbp.).
Tanungin ang ilang piling bata kung paano nila ipahahayag
ang pangungusap sa kasalungat nitong damdamin (hal:
galit-natutuwa).

Ikalimang Araw
Layunin : Napagtutugma ang mga salitang
magkasalungat sa tulong ng mga larawan Kagamitan : lapis,
papel, pangkulay

Pamamaraan:

1. T unguhin
Hayaang magbigay ang isang bata ng isang salitang
naglalarawan.
Tumawag ng isang batang magbibigay naman ng kasalungat
nito.
Gawin ito hanggang makapagsabi ang maraming bata sa klase.
2. P agtataya
a. Bigyan ng lapis, papel, at mga pangkulay ang mga
bata upang
makaguhit sila ng tatlong pares ng magkakasalungat na salita.
b. Tumawag ng mga batang magbabahagi at
maglalarawan ng kanilang iginuhit.

Linggo 22

Tema : Mga Pinagkukuhanan ng Enerhiya


Lingguhang Layunin:
1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Pinakinggan:
Nakapagtatanong at nakasasagot sa mga tanong tungkol
sa
napakinggang teksto
2. Gramatika:

8
Nagagamit ang salitang ito sa pagtukoy ng mga
bagay/hayop/lugar
3. Pag-unlad sa Bokabularyo:
Nagbibigay ng mga salitang nabibilang sa mga
konseptuwal na kategorya
Napagtutugma ang mga salitang magkasalungat sa tulong
ng larawan

Unang Araw
Layunin : Nakapagtatanong at nakasasagot sa mga
tanong tungkol sa napakinggang teksto Kagamitan :
Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya
Ipatukoy sa mga bata ang ngalan ng mga bagay na makikita sa
loob ng silid-aralan.
2. Tunguhin
Gumawa ng semantic web ng hangin. Pag-usapan ang mga
bagay na naaalala o naiisip ng mga bata tuwing naririnig ang
salitang hangin.
Isulat ang sagot ng mga bata sa pisara.

hangin

3. P aglalahad
Magpakita ng larawan ng windmill. Pag-usapan ang kahalagahan nito.
4. Pagtuturo at Paglalarawan
Pag-usapan sa klase ang kahalagahan ng hangin.
Bigyang diin ang hangin bilang pinagkukuhaan ng enerhiya.
Hayaang magtanong ang mga bata tungkol sa hangin batay
sa napakinggang talakayan ng klase.
Ano ang maaaring mangyari kung walang hangin?
Ano ang tinatawag na polusyon sa hangin?
Paano nagkakaroon nito?
Paano ito maiiwasan?
Paano ka makatutulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng
polusyon sa hangin?
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?

Ikalawang Araw

9
Layunin : Nagagamit ang salitang ito sa pagtukoy ng bagay,
hayop, o lugar
Kagamitan : larawan ng hayop at lugar, tunay na mga bagay
Pamamaraan:
1. Tunguhin
Ano-ano ang nasa loob ng bag mo? Ibahagi ito sa klase.
2. Paglalahad
Ipakilala ang ilang mga bagay na makikita sa loob ng silid-
aralan sa pormat na:
Ito ay _________.
Ulitin ito nang tatlong beses.
Tumawag ng isang bata na sasabay sa pagsasabi ng ngalan
ng bagay. Tumawag ng dalawang bata na mag-uulit ng sinabi.
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Ano ang salitang ginamit upang tukuyin ang ngalan ng bagay
na ipinakilala? Ilang bilang ito?
Nasaan ang bagay na itinuro ng nagpakilala ng
bagay? Paano kung maraming ipinakilalang mga
bagay?
4. Paglalahat
Kailan ginagamit ang ito?
5. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Ipakita sa mga bata ang ilang larawan.
Hayaang pumili ng isang larawan ang bawat bata.
Ipakilala ito sa klase.
b. Malayang Pagsasanay
Pumili ng isa at iguhit ito. Isulat sa ilalim: Ito ay __________.
- Magandang lugar na napuntahan na
- Paboritong laruan

Ikatlong Araw
Layunin : Natutukoy ang mga salitang magkasalungat
Pamamaraan :
1. Tunguhin
Ano ang ibig sabihin ng salitang magkasalungat?
2. Paglalahad
Palabasin ang mga bata sa silid-aralan.
Ipadama ang ihip ng hangin.
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Ipalarawan sa mga bata ang ihip ng hangin. Sabihin sa
mga bata na imuwestra ang malakas na ihip ng hangin sa
pamamagitan ng pagpapalabas ng hangin mula sa kanilang
mga bibig. Itanong sa mga bata kung ano sa kanilang palagay

10
ang kasalungat ng malakas. Tumawag ng ilang bata upang
imuwestra ang mahinang ihip ng hangin. Maaaring gumamit ng
ribbon o anumang malambot na tela para dito upang maipakita
nang mabuti ang konsepto. Sabihin sa mga bata na ipakita ang
marahang ihip ng hangin sa pamamagitan ng pagpapalabas ng
hangin mula sa kanilang mga bibig. Itanong sa mga bata kung
ano sa kanilang palagay ang kasalungat ng marahan. Tumawag
ng ilang bata upang imuwestra ang mabilis na ihip ng hangin.
Sabihin sa mga bata na ipakita ang maingay na ihip ng
hangin sa pamamagitan ng pagpapalabas ng hangin mula sa
kanilang mga bibig. Itanong sa mga bata kung ano sa kanilang
palagay ang kasalungat ng maingay. Tumawag ng ilang bata
upang imuwestra ang tahimik na ihip ng hangin. Isulat ang
pares ng magkakasalungat na salita sa pisara.
4. Paglalahat
Kailan sinasabing magkasalungat ang mga salita?
5. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Magpapakita ang guro ng ilang mga kilos. Isasakilos naman
ng mga bata ang kasalungat nito.
Halimbawa:
Kapag marahan ang ihip ng guro, kailangang umihip
nang mabilis ng mga bata.
b. Malayang Pagsasanay
Mag-isip ng dalawang salitang magkasalungat. Ipakita ito sa
klase.

Ikaapat na Araw
Layunin : Napagtutugma ang mga salitang magkasalungat sa
tulong ng mga larawan
Kagamitan : larawan ng mga bagay na malamig, mainit, malaki,
maliit, mabigat, magaan, mahaba, at maiksi
Pamamaraan:
1. Tunguhin
Magpakita ng larawan ng isang maruming kapaligiran.
Magbigay ng mga salitang kasalungat ng mga makikita sa larawan.
2. Paglalahad
Idikit ang mga larawan sa pisara. Itanong sa mga bata kung
ano ang katangian ng mga bagay na nasa larawan
3. Pagtuturo at Paglalarawan

11
Kumuha ng dalawang larawan at itanong sa mga bata kung ang
mga ito ay magkasalungat o hindi. Tumawag ng ilang mga bata
upang ipaliwanag ang sagot.
4. Paglalahat
Kailan sinasabing magkasalungat ang mga salita?
5. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Bigyan ang bawat bata ng isang larawan. Sa hudyat ng
guro, kailangang hanapin ng bawat isa ang kamag-aral na
may hawak ng larawang kabaliktaran ng nasa kanila.
Tukuyin kung paano ang magkapares ay naging
magkasalungat.
b. Malayang Pagsasanay
Gumuhit ng dalawang bagay na magkasalungat. Isulat kung bakit
ang dalawa ay magkasalungat.

Ikalimang Araw
Layunin : Nagbibigay ng mga salitang nabibilang sa mga
konseptuwal na kategorya
Kagamitan : larawan ng mga bagay na magkakauri at di-
magkakauri Pamamaraan:
1. Tunguhin
Sabihin sa mga bata na magsama-sama ang magkakatulad ang
kaarawan, paboritong kulay, paboritong pagkain, at iba pang
kategorya na maiisip.
2. Paglalahad
Ipakita ang larawan ng: windmill, baterya, tubig, telebisyon,
radyo, at refrigerator. (Maaaring gumamit ng ibang larawan
kung wala nito.)
3. Pagtuturo at Paglalarawan Tukuyin ang ngalan ng bawat
larawan.
Saan ginagamit ang bawat isa?
Alin-alin ang dapat magkakasama?
Bigyang-katwiran ang ginawang pagpapangkat-pangkat.
Ano ang puwedeng ipangalan sa unang/pangalawang
pangkat?
Ano-ano pa ang puwedeng isama sa dalawang pangkat?
4. Kasanayang Pagkabisa
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Paikutin ang mga bata at pasulatin ng isang ngalan ng
bagay/tao/hayop na kasama sa mga nakapaskil na
kategorya:
- mga nakikita sa ospital

12
- masusustansiyang pagkain
- katulong sa pamayanan
- mga sagisag ng bansa
b. Malayang Pagsasanay
Umisip ng isang kategorya.
Sumulat ng sampung salita na kasama sa naisip na kategorya.

Linggo 23

Tema : Konserbasyon ng Enerhiya at Likas na Yaman


Lingguhang Layunin:
Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan:
Nabibigyang kahulugan ang diin at haba sa pagbigkas ng mga
salita ng bumabasa o naglalahad ng kuwento

Unang Araw
Layunin : Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang teksto
Naibibigay ang kahulugan ng di-kilalang salita
batay sa pagkagamit sa pangungusap
Kagamitan : tsart ng maikling kuwento
Pamamaraan :
1. Paunang Pagtataya

2. Tunguhin
Saan ka natatakot? Ano ang ginagawa mo kapag nakikita ito?
3. Paglalahad
Basahin ang kuwento.Tumawag ng ilang bata upang basahin
ang kuwento na nakasulat sa tsart.
Habang umuulan noong isang gabi, naisipan kong
uminom ng mainit na tsokolate. Pagbukas ko ng ilaw sa
kusina, laking gulat ko nang may makita akong malalaking
daga. Agad kong itinaboy ang
mga ito sapagkat takot ako sa daga.

4. Pagtuturo at Paglalarawan
Anong ibig sabihin ng salitang itinaboy?
Tumawag ng ilang bata upang ipamuwestra ang kahulugan
nito.
Ano-ano ang pangyayari sa kuwento?
Ano ang naramdaman ng nagsasalita sa kuwento?
Paano niya ipinakita ang kaniyang damdamin?

13
Ipamigay sa mga bata ang ilang flash card na may nakasulat
na salita mula sa kuwentong binasa.
Basahin ang kuwento sa mga bata.
Sabihin sa mga bata na hanapin sa kuwento ang katulad ng
salitang nakasulat sa hawak nilang flash card. Ipabasa ang
mga salita sa mga bata.

Ikalawang Araw
Layunin : Nabibigyang kahulugan ang diin at haba sa
pagbigkas ng mga salita ng bumabasa o naglalahad
ng kuwento
Kagamitan : larawan ng gagambang itinaboy ng ulan
Pamamaraan:
1. Tunguhin
Sabihin: Ngayong araw, ating aalamin ang nararamdaman ng
tauhan sa pamamagitan ng diin at haba ng kanilang mga sinabi.
2. Paglalahad
Balikan ang kuwentong binasa nang unang araw.
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Idikit sa pisara ang larawan ng gagambang itinaboy ng ulan.
Talakayin ang iba’t ibang posibleng damdamin ng
gagamba (takot, malungkot, atbp).
Idikit sa pisara ang larawan ng gagamba sa ilalim ng araw.
Talakayin ang iba’t ibang posibleng damdamin ng gagamba
(nananabik, masaya, atbp).
Ipaliwanag kung paanong ang emosyon ng tao ay
nakatutukoy sa diin ng kaniyang sinasabi.
4. Kasanayang Pagpapayaman
Sabihin ang salitang “Naku!” nang malungkot. Pahulaan sa
klase kung ano ang damdamin ng guro.
Ulitin ito ng may iba’t ibang emosyon gaya ng masaya, galit,
takot, atbp.
Hayaang tukuyin ng mga bata ang ilang ekspresyon na
mabubunot upang ipakita ang iba't ibang emosyon.

Ikatlong Araw
Layunin : Nasasabi ang mga salita na may diin at habang akma sa
emosyong babanggitin ng guro

Kagamitan : larawan ng mga mukha na may iba’t ibang emosyon


Pamamaraan:

1. Tunguhin
Magbigay ng ilang mga sitwasyon sa mga bata.

14
Ipatukoy ang damdamin ng tauhan sa bawat sitwasyon.
2. Paglalahad
Ano-ano ang mga natukoy ng damdamin sa natapos na
gawain? Ipaguhit ang mga ito sa mga bata.
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Ipabasa ang mga pangungusap.
- Wow! Ang sarap ng hinog na mangga.
- Naku! Nahulog ang bata.
- Saan kaya dinala ang batang nahulog sa puno?
- Mag-ingat sa pag-akyat sa puno.
Alin sa mga pangungusap ang nabigla? Natakot? Nag-alala?
Nagpapaalala?
Paano dapat sabihin ang bawat isa upang maipakita ang
tamang damdaming ipinahihiwatig?
4. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
5. Kasanayang Pagpapayaman

a. Pinatnubayang Pagsasanay
Hatiin ang klase sa limang pangkat.
Bigyan ng isang larawan ng mukha ang bawat pangkat.
Isulat ang salitang hindi sa pisara at basahin ito sa klase. ____
Kapag itinuro ng guro ang pangkat, sasabihin ng mga
miyembro ang hindi na may tamang diin at haba base sa
mukhang ibinigay ____ sa kanila.
Ulit-ulitin ang laro gamit ang iba pang salita gaya ng ayoko,
sunog, _____ _____ ako, atbp. ___

b. Malayang Pagsasanay
Idikit ang takot na mukha sa pisara. Sabihin sa mga bata
na sabihin sa katabi ang salitang Pilo na parang natatakot.
___ Magdikit ng ibang mukha sa pisara at ulitin ang
gawain.

Ikaapat na Araw
Layunin : Nasasabi ang mga salita nang may tamang diin at
haba Pamamaraan:
1. Tunguhin
Ipalaro ang pahabaan ng pagsasabi ng isang salita.
2. Paglalahad
Hatiin ang klase sa mga pangkat na may tig-limang miyembro.
Bigyan ng eksena ang bawat pangkat (nasusunog ang mga
bahay, may ahas sa loob ng banyo, nagkukuwentuhan ang

15
pamilya sa hapagkainan, may magnanakaw na kumuha ng
bag, nasira ang
paboritong laruan).
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Itanong sa klase kung ano ang emosyon ng mga tauhan sa
bawat eksena.
4. Kasanayang Pagkabisa
Tulungan ang bawat pangkat na gumawa ng maiksing
duladulaan ayon sa eksenang ibinigay ng guro.

Ikalimang Araw
Layunin : Nasasabi ang mga salita ng may tamang diin at haba
Pamamaraan :
1. Tunguhin
Sabihin: Ngayong araw, ipakikita natin sa klase ang dula-
dulaang ginawa natin kahapon. Sabihing mabuti ang
mga linya
na may tamang diin at haba.
2. P agtataya
Tawagin ang bawat pangkat upang isa-isang ipakita ang dula-
dulaan

Linggo 24

Tema : Pagtulong sa Aking Pamayanan-Pagpapanatili ng


Kalinisan ng Ating Pamayanan (Pagtapon ng mga Basura sa
Basurahan, Pag-recycle, Pag-segregate) Lingguhang Layunin:
1. Wikang Binibigkas:
Nabibigyang kahulugan ang lakas at hina sa pagbigkas ng
mga salita ng bumabasa o naglalahad ng kuwento
2. Gramatika:
Napagtutugma ang mga salitang magkasingkahulugan
gamit ang larawan

Unang Araw
Layunin : Nakikinig at nagtatanong patungkol sa kuwentong
binasa Pamamaraan :
1. Paunang Pagtataya
Tanungin ang klase: Paano mo malalaman kung galit,
malungkot, masaya, o nasasabik ang isang tao?
2. Tunguhin

16
Bibigkasin ng guro ang ilang salita gamit ang iba’t ibang
emosyon tulad ng masaya, malungkot, galit, at paiyak.
3. Paglalahad
Ipalarawan ang sariling pamayanang kinabibilangan. Ipakilala
ng pamagat ng kuwento/may-akda ng kuwento. Ikuwento ang
"Nang Magkakulay ang Nayon" ni Susan dela Rosa Aragon.
Maaaring gumamit ng ibang kuwento na may kahawig na tema.
4. Pagtuturo at Paglalarawan
Bumuo ng grupo at tanungin ang bawat grupo kung ano ang
kanilang paboritong tagpo mula sa kuwentong binasa. Bigyan
ng oras ang bawat grupo upang paghandaan ang
pagsasadula ng kanilang paboritong tagpo mula sa
kuwentong binasa.
Ikalawang Araw
Layunin : Nabibigyang kahulugan ang lakas at hina sa pagbigkas ng
mga salita ng bumabasa o naglalahad ng kuwento
Kagamitan : larawan mula sa isang tagpo sa kuwentong binasa
Pamamaraan :
1. Tunguhin
Sabihin: Ngayong araw, magkakaroon tayo ng pagsasadula.
2. Paglalahad
Bibigkasin ng guro ang ilang salita gamit ang iba’t ibang
emosyon tulad ng masaya, malungkot, galit, at paiyak.
Halimbawa:
“Alikabok”- sabihin sa tonong masaya
“Alikabok” - sabihin sa tonong paiyak
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Tanungin: Pare-pareho ba ang tono ng bawat salita?
Nag-iiba ang pagsabi natin sa isang salita depende sa ating emosyon.
Ipakita ang isang tagpo mula sa kuwentong binasa noong
unang araw kung saan nakita ng mga tao sa nayon ng Alikabok
ang pagdating ni
Pintor.
Ipaarte sa mga bata.
Tanungin: Paano kaya sasabihin ng batang lalaki ang “May
parating na lalaki!”?
Sasabihin ba niya ito sa tonong paiyak?
Sasabihin ba niya ito sa tonong galit?
Sasabihin ba niya ito sa tonong masaya?
4. K asanayang Pagpapayaman
Hikayatin ang mga bata na ipakita ang iba’t ibang emosyon.
Halimbawa: masaya, malungkot, galit, at paiyak

17
Magbigay ng isang salita at sabihin ito gamit ang iba’t ibang emosyon
tulad ng masaya, malungkot, galit, paiyak, at iba pa.
Hatiin ang klase sa tig-aapat o tig-lilimang pangkat at ipamahagi ang
larawan ng isang tagpo mula sa kuwentong binasa noong
unang araw.
Tanungin: Ano kaya ang sinasabi ng mga tauhan sa tagpong ito?
Bigyan ang bawat pangkat ng oras sa paghahanda at ibahagi sa klase.

Ikatlong Araw
Layunin : Napagtutugma ang mga salitang
magkasingkahulugan gamit ang larawan
Kagamitan : larawan na hango sa kuwentong binasa noong unang
araw, ginupit na larawan (puzzle) na hango sa
kuwentong binasa
Pamamaraan:
1. Tunguhin
Magpakita ng larawan ng isang nayon.
Ipalarawan ito.
2. Paglalahad
Ipakita ang larawan ng isang marumi at malinis na kapaligiran.
Ipalarawan ang bawat isa gamit ang Venn Diagram.
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Ano-ano ang pagkakatulad ng dalawang lugar? Pagkakaiba?
Suriin ang mga salitang naglalarawan na ginamit para sa mga
larawan.
Ano-anong salita ang magkakasingkahulugan?
Ipaturo sa mga larawan ang magkakasingkahulugang mga salita.
4. Paglalahad
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
5. Kasanayang Pagpapayaman

a. Pinatnubayang Pagsasanay
Hatiin ang klase sa anim na pangkat at bigyan sila ng puzzle.
Ayusin ang mga bahagi ng larawan upang mabuo ito.
Talakayin, ilarawan, at paghambingin ang mga nabuong
larawan.
b. Malayang Pagsasanay
Hikayatin ang bawat pangkat na pagtambalin ang
larawan ng magkasingkahulugang salita.

Ikaapat na Araw

18
Layunin : Masagot ang tanong na “Ano-ano ang inyong
ginagawa upang mapanatiling malinis ang pamayanan?”
Kagamitan : papel, lapis, at pangkulay
Pamamaraan:
1. Tunguhin
Paano mapananatiling malinis ang pamayanan?
2. Paglalahad
Ipangkat ang klase sa ilang pangkat.
Paghandain ang bawat pangkat ng isang dula-dulaan na
nagpapakita ng paglilinis sa pamayanan.
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Pag-uulat ng bawat pangkat.
Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat.
Ano-ano ang ginawa upang malinis ang kapaligiran? Upang
mapanitiling malinis ang kapaligiran?
Bakit kailangang laging malinis ang ating kapaligiran?
Ano ang magiging epekto sa
kalusugan/kabuhayan/pamumuhay ng mga tao ng maruming
kapaligiran?

4. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
5. Kasanayang Pagpapayaman
Magtawag ng mga bata upang sagutin ang tanong na
“Paano mo mapananatiling malinis ang inyong komunidad?”
6. Kasanayang Pagkabisa
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Magpakita ng mga larawan.
Ipatukoy ang ginagawa sa bawat isa.
Alin sa mga larawan ang hindi tamang gawi kaugnay ng
pagpapanatiling malinis ng pamayanan?
b. Malayang Pagsasanay
Ipaguhit ang magagawa ng isang bata upang makatulong
sa pagpapanatiling malinis ng pamayanan.

Ikalimang Araw
Layunin : Naibabahagi sa klase ang pangkatang gawaing
iginuhit Pamamaraan :
1. T unguhin
Naibabahagi sa klase ang paraan ng pagpapanatili ng kalinisan
ng sariling pamayanan sa pamamagitan ng paglalarawan gamit
ang mga
salitang magkasingkahulugan.

19
Halimbawa:
Maayos ang aming pamayanan dahil walang kalat sa paligid.

2. P agtataya
Naibabahagi sa klase ang mga paraan upang mapanatiling
maganda at malinis ang kanilang pamayanan.

Linggo 25

Tema : Pagtulong sa Aking Pamayanan - Pagpapaganda ng


Ating Pamayanan (Pagtatanim at Pag-aalaga ng Bulaklak,
Halaman, Paglinis ng mga Ilog at Iba Pang Pinagkukuhaan ng
Tubig) Lingguhang Layunin:
1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan:
Nailalarawan ang lakas o hina sa pagbigkas ng mga salita ng
bumabasa o naglalahad ng kuwento
2. Gramatika: Nakapagbibigay ng pang-uring kasalungat
batay sa larawan o salitang ibinigay ng guro

Unang Araw
Layunin : Nakikinig at nagtatanong patungkol sa kuwentong
napakinggan

Pamamaraan :
1. Paunang Pagtataya
Ano ang paborito mong pagkain? Ilarawan ito at pahulaan sa klase .
2. Tunguhin
Nakakain ba ang lahat ng bagay sa inyong paligid?
3. Paglalahad
Ipapikit ang mata ng mga bata.
Isipin na ang lahat ng bagay sa paligid ay puwedeng kainin.
4. Pagtuturo at Paglalarawan
Hayaang magbigay ang mga bata ng pangungusap tungkol sa
naisip. Pag-usapan ang mga kaisipang ibibigay ng mga bata
kung ano ang magiging sitwasyon kung ang lahat ng nasa
paligid ay puwedeng
kainin.

Ikalawang Araw
Layunin : Nakapagbibigay ng pang-uring kasalungat batay sa
larawan o salitang ibinigay ng guro Pamamaraan :

20
1. Tunguhin
Ipalarawan ang sariling kapaligiran.
2. Paglalahad
Hayaang magbigay ang mga bata ng pangungusap na
maglalarawan tungkol sa kapaligirang nabuo sa pamamagitan
ng mga
pangungusap na ibinigay nang unang araw.
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Talakayin ang mga tagpo mula sa kuwentong nabuo.
Isulat sa pisara ang mga pang-uring ginamit sa bawat tagpo at
basahin sa klase.
Tanungin ang klase kung ano ang ibig sabihin ng bawat pang-uri.
Sabihin ang salitang kasalungat ng mga pang-uring nakasulat
sa pisara at tanungin kung magkapareho ng ibig sabihin.

4. Paglalahat
Kailan sinasabing magkasalungat ang mga salita?
5. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Hikayatin ang klase na maglaro ng modified Utos ng Hari.

Halimbawa:
tumakbo nang mabilis
Sa halip na sundin ang sinabi ng guro, ang dapat gawin ay
ang salungat nito.
Halimbawa:
tumakbo nang mabilis - tumakbo nang mabagal o dahan
dahan
b. Malayang Pagsasanay
Gumuhit ng dalawang bagay na magkasalungat. Ibigay ang
panguring maglalarawan sa mga ito.

Ikatlong Araw
Layunin : Nailalarawan ang magandang pamayanan
Kagamitan : lapis o mga pangkulay, papel, larawan ng pamayanan
na may maraming puno, bulaklak, halaman, at
malinis na ilog,
at iba pang pinagkukuhaan ng tubig
Pamamaraan :
1. Tunguhin
Maganda ba ang inyong pamayanan? Paano mo nasabi?
2. Paglalahad

21
Magpakita ng larawan ng isang pamayanan na may maraming
puno, bulaklak, halaman, at may malinis na pinagkukuhaan ng
tubig. Ilarawan ang pamayanan.
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Ano-anong salita ang ginamit upang ilarawan ang pamayanang
nakita sa larawan?
Anong bagay ang inilalarawan ng bawat
salita? Ano ang tawag sa mga salitang ito?
4. Paglalahat Ano ang pang-uri?

5. Kasanayang Pagkabisa
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Magpakita ng ilang mga larawan/mga bagay.
Ipalarawan ang mga ito sa klase.
b. Malayang Pagsasanay
Gumuhit ng isang pamayanan na nais mong tirahan.

Ikaapat na Araw
Layunin : Nakapagbibigay ng mga paraan kung paano
magkaroon ng isang magandang pamayanan na may
maraming puno at
halaman, may malinis na ilog at iba pang
pinagkukuhaan ng tubig
Mga kagamitan : papel, lapis, at pangkulay
Pamamaraan:

1. Tunguhin
Paano mapagaganda ang ating pamayanan?
2. Paglalahad
Gusto mo ba ng maruming kapaligiran? Bakit?
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Pangunahan ang talakayan sa tanong na “Ano ang inyong
maaaring gawin upang maging maganda ang inyong
pamayanan?”
4. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay Gawin nang
pangkatan.
Isadula ang mga paraan kung paano magkakaroon ng
isang magandang pamayanan. b. Malayang
Pagsasanay
Iguhit ang isang paraan upang maging maganda ang
kanilang pamayanan.

22
Ikalimang Araw
Layunin : Naibabahagi sa klase ang iginuhit
Pamamaraan :
1. Tunguhin
Magsagawa ng isang gallery walk na nagtatampok ng mga
iginuhit ng mga bata nang nagdaang araw.
2. Pagtataya
Naibabahagi sa klase sa pamamagitan ng pagbuo ng
pangungusap na “Upang maging maganda ang ating
pamayanan, kailangan natin mag_______.”

Linggo 26

Tema : Pagtulong sa Pamayanan - Pagtatanim ng mga Puno


Lingguhang Layunin:
1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan:
Nabibigyang kahulugan ang facial expression ng bumabasa o
naglalahad ng kuwento
2. Gramatika: Nakapagbibigay ng pang-uring kasalungat
batay sa larawan o salitang ibinigay ng guro

Unang Araw
Layunin : Nakapagbabahagi ng mga pang-uring naglalarawan sa
mga bagay
Kagamitan: mga larawan ng maganda at di-magandang kapaligiran
Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya
Bakit mahalaga ang pagtatanim at pag-aalaga ng mga puno?
Bakit mahalagang naglilinis at inaalagaan ang kapaligiran?
2. Tunguhin
Ano ang katangian ng maganda at malinis na kapaligiran pati
ang marumi at hindi magandang kapaligiran?
3. Paglalahad
Ipakita ang ilang mga larawan.
Ipalarawan ang mga ito sa klase.
4. Pagtuturo at Paglalarawan
Ipabasa sa mga bata ang mga pangungusap na ibibigay ng
mga bata.
Ano-ano ang salitang naglalarawan sa bawat pangungusap?
Linangin ang kahulugan ng bawat salita.
Alin ang inilalarawan nito?

23
5. Paglalahat Ano ang pang-uri?

6. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Bigyan ang bawat pangkat ng ilang mga bagay upang
ilarawan. Gamitin ang tsart.
Bagay Laki Kulay Hugis

b. Malayang Pagsasanay
Ipagawa ang “Magic Box.” Bago magsimula ang klase,
magbalot ng isang malaking kahon.
Lagyan ito ng mga gamit.
Pakuhanin ang bawat bata ng isang bagay mula sa kahon.
Ipalarawan ito sa klase.

Ikalawang Araw
Layunin : Nabibigyang kahulugan ang facial expression ng bumabasa
o naglalahad ng kuwento
Pamamaraan :
1. Tunguhin
Gumawa ng isang mukhang nagpapakita ng nararamdaman sa
kasalukuyan.
2. Paglalahad
Pangkatin ang mga bata. Bigyan ang bawat isang pangkat ng
isang sitwasyon.
Ipaalala ang paggamit ng tamang facial expression sa
pagbabahagi ng mga tagpo.

3. Pagtuturo at Paglalarawan
Simulan ang talakayan sa pamamagitan ng pagtatanong sa
mga bata kung alin ang angkop na facial expression sa mga
piling damdamin na ipinakita ng tauhan sa kuwento.
Sa dulo ng talakayan, sumahin ang mga pagkakataon
kung kailan ginagamit ang mga akmang facial expression sa
pagsasalaysay sa kuwento.
4. Kasanayang Pagpapayaman
Pinatnubayang Pagsasanay
Ibigay ang panuto sa laro kung saan magbibigay ang guro
ng tagpo o pangyayari at ipapakita ng mga bata ang
angkop na facial expression para rito.
Ikatlong Araw
Layunin : Natutukoy ang kasalungat ng nabanggit na pang-uri

24
Kagamitan : malalaking memory game card na may pares
ng mga larawang kumakatawan sa mga pang-uri
Pamamaraan :
1. Tunguhin
Magpakita ng isang bagay.
Ilarawan ito nang pasalungat.
Halimbawa: araw
Pang-uring gagamitin: malamig, malapit sa tao
2. Paglalahad
Paano pangangalagaan ang ating kapaligiran?
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Magbigay ng mga pangungusap (na ukol sa pangangalaga
ng kapaligiran) na may pang-uri. Pangunahan ang klase sa
pagtukoy sa mga pang-uri sa bawat isang pangungusap at
pagkatapos ay
talakayin (sa pamamagitan ng paglista) ang kasalungat ng mga ito.
4. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Pangunahan ang klase sa isang memory game sa pisara
kung saan magpapakita ang guro ng mga larawang
kumakatawan sa magkasalungat na mga pang-uri .
b. Malayang Pagsasanay
Magbigay ng ilang pang-uri.
Hayaang magbigay ang mga bata ng isang
pangungusap gamit ang pang-uring kasalungat ng
ibinigay ng guro.

Ikaapat na Araw
Layunin : Nagagamit ang lakas at hina ng
pagbigkas sa pagkukuwento o paglalahad
Kagamitan : pangkulay, papel para sa bawat isa
Pamamaraan :
1. Tunguhin
Magbalik-aral sa mga pamantayan sa paggamit ng malakas at
mahinang paraan ng pagkukuwento.
2. Paglalahad
Ipakilala ang gawain sa pagtalakay ng mga paraan kung
paano mapangangalagaan ang kapaligiran sa
pamamagitan ng pagaalaga at pagtatanim ng mga puno.
Payuhan ang klase na iguhit nang malikhain ang kanilang
mga sagot. Ipamahagi ang mga materyales para sa gawain.

25
3. Kasanayang Pagpapayaman
Matapos ang pagguhit ng kanilang sagot, bigyang pagkakataon
ang klase na ibahagi ang kanilang sagot sa kanilang katabi.
4. Pagtataya
Tumawag ng ilang piling mag-aaral upang ibahagi ang kanilang
gawa sa harap ng klase, gamit ang tamang facial expression
sa pagsasalaysay.

Ikalimang Araw
Layunin : Nailalahad ang kahalagahan ng pagtatanim ng puno
bilang pagtulong sa pamayanan
Pamamaraan :
1. Tunguhin
Ngayong araw, susubukan natin ang ating galing sa
pagtatanghal at talino sa pagbibigay ng paraan upang
mapangalagaan ang ating kapaligiran sa pamamagitan ng
pagtatanim ng puno.

2. Pagtataya
Igrupo ang klase sa tig-walong bata, at bigyan ng pagkakataon
ang bawat grupo upang magpulong at magplano para sa
gagawing malikhaing pagtatanghal upang maipakita ang
paraan ng pangangalaga ng kapaligiran. Payuhan ang klase na
gamitin ang tamang facial expression upang maipahayag ang
layon ng
pagtatanghal. Magtatanghal ang bawat grupo matapos ang pulong.

Linggo 27

Tema : Pagtulong sa Pamayanan- Pagtatanim ng mga


Halamang Gulay
Lingguhang Layunin:
1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan:
Nabibigyang kahulugan ang galaw ng kamay at katawan ng
bumabasa o naglalahad ng kuwento
2. Gramatika:
Nakapagbibigay ng pang-uring kasingkahulugan base sa
larawan o salitang ibinigay ng guro

Unang Araw

26
Layunin : Nakapagbabahagi ng mga pang-uri na
naglalarawan sa mga bagay Pamamaraan :
1. Paunang Pagtataya
May mga tanim ba kayong halaman sa bahay? Ano-ano ito?
Bakit sila mahalaga? Para sa inyong pamilya? Para sa
pamayanan?
2. Tunguhin
Magpakita ng isang gulay at ipalarawan ito.

3. Paglalahad
Ipaguhit sa mga bata ang mga halamang tanim sa kani-
kanilang bakuran.
4. Pagtuturo at Paglalarawan
Ipalarawan ang bawat iginuhit.
Ano-anong salita ang ginamit sa paglalarawan?
5. Paglalahat Ano ang pang-uri?

6. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Bigyan ang mga pangkat ng ilang mga bagay.
Ipalarawan ang bawat isa.
b. Malayang Pagsasanay
Ipaguhit ang paboritong pagkain. Ipalarawan ito sa mga
bata.
Ikalawang Araw
Layunin : Nabibigyang kahulugan ang galaw ng kamay at
katawan ng bumabasa o naglalahad ng kuwento
Pamamaraan :
1. Tunguhin
Sabihin: Ngayong araw, susubukan nating tukuyin ang tamang
galaw ng kamay at katawan ng bumabasa o naglalahad ng kuwento.
2. Paglalahad
Magpaawit ng isang kantang alam ng lahat.
Tukuyin ang mga maaaring nararamdaman ng mang-aawit sa
bawat bahagi ng kanta at gawin ang akmang galaw ng kamay at
katawan para sa mga ito. Himukin ang klase na subukang umawit sa
ganitong paraan.
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Simulan ang talakayan sa pamamagitan ng pagtatanong sa
mga bata kung ano ang maaaring kahulugan ng mga piling
galaw ng kamay at katawan ng bumabasa o naglalahad ng
kuwento.

27
Sa dulo ng talakayan, sumahin ang mga pagkakataon kung
kailan dapat gamitin ang akmang galaw ng kamay at katawan
tuwing
nagbabasa o naglalahad ng kuwento.
4. Kasanayang Pagpapayaman
Ibigay ang panuto sa laro kung saan tatawag ang guro ng
isang kalahok, bubunot ng papel na may nakasulat na
pakiramdam (feeling) at iaarte ito sa harap ng klase;
huhulaan ng klase ang pakiramdam sa pamamagitan ng
pagbibigay-kahulugan sa galaw ng kamay at katawan ng
nasa harapan. Ang unang makahuhula ay siyang susunod
na aarte sa harap.

Ikatlong Araw
Layunin : Natutukoy ang kasingkahulugan ng nabanggit na
pang-uri Kagamitan : mga pang-uri na nakasulat sa flash cards
Pamamaraan :
1. Tunguhin
Magpakita ng ilang pares ng larawan.
Sabihin kung magkasalungat o hindi ang mga ito.
2. Paglalahad
Magbigay ng mga pangungusap (na ukol sa pagtatanim ng
halamang gulay) na may pang-uri. Pangunahan ang klase sa
pagtukoy sa mga pang-uri sa bawat isang pangungusap at
pagkatapos ay talakayin (sa
pamamagitan ng paglista) ang kasingkahulugan ng mga ito.
3. Kasanayang Pagpapayaman
Pangunahan ang klase sa isang treasure hunt kung saan ang
bawat isa ay bubunot ng pang-uri at sa hudyat ng guro ay
hahanapin ang kasingkahulugan nito na nakapaskil (o
nakatago) sa paligid ng paaralan.

Ikaapat na Araw
Layunin : Nagagamit ang galaw ng kamay at katawan ng bumabasa
o naglalahad ng kuwento
Kagamitan : pangkulay, papel para sa bawat isa
Pamamaraan:
1. Tunguhin
Magbalik-aral sa mga pamantayan sa paggamit ng tamang
facial expression at aksiyon sa paglalahad ng kuwento.
2. Kasanayang Pagpapayaman
Pangunahan ang klase sa paglalaro ng “Dugkuwento” kung
saan kailangang dugtungan ang sinimulang kuwento ng katabi

28
sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag gamit ang
akmang galaw ng kamay at katawan sa paglalahad.
Paalalahanan ang klase na ang kuwento ay nararapat na ukol
sa mga halamang gulay ngunit maaaring haluan ng ibang salik
gaya ng sa awit na “Ako Ay Nagtanim.”

3. Pagtataya
Pangunahan ang klase sa talakayan o pagsusuma kung saan
naibabahagi sa klase ang iba’t ibang pakay ng galaw ng kamay
at katawan ng bumabasa o naglalahad ng kuwento.

Ikalimang Araw
Layunin : Nailalahad ang kahalagahan ng pagtatanim ng
halamang gulay bilang pagtulong sa pamayanan
Kagamitan : pangkulay, papel na anyong aklat
Pamamaraan :
1. Tunguhin
Paano natin pangangalagaan ang ating kapaligiran?
2. Pagtataya
Ipaliwanag ang gawain kung saan gagawa ang bawat isa ng
picture book kung saan tatalakayin ang kahalagahan ng
pagtatanim ng halamang gulay. Paalalahanan ang klase na
gawing malikhain ang pagsasalaysay ng kuwento sa
pamamagitan ng pagguhit. Ipamahagi ang mga kagamitan.
Kung may oras pa ay maaaring magbahagi ang ilan sa
harapan.

Linggo 28

Tema : Kahandaan sa mga Sakuna


Lingguhang Layunin :
1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan:
Nagagamit ang kaalaman sa tono, diin, haba, lakas o hina
ng pagbigkas, facial expression, at galaw ng kamay at
katawan upang
makapagbigay ng angkop na emosyon sa paglalahad ng kuwento
2. Gramatika:
Nakapagbibigay ng pang-uring kasingkahulugan base sa
larawan o salitang ibinigay ng guro Unang Araw
Layunin : Nakikinig sa kuwento at nasasagot ang mga tanong
tungkol dito
Kagamitan : kopya ng kuwentong “Si Langgam at si Tipaklong”
Pamamaraan :

29
1. Paunang Pagtataya
Bigyan ng flash card ang mga bata na may sulat na pang-uri.
Magsama-sama ang magkakatulad ang kahulugan.
2. Tunguhin
Sabihin ang kahulugan ng mga salitang dali-dali, masigla, at
munti sa pamamagitan ng pagbibigay ng pahiwatig na mga salita.
Halimbawa: dali-dali
Paggising ko kaninang umaga, nang makita ko ang orasan ay
dali-dali akong naligo at nagbihis upang hindi ako mahuli sa
pagapsok sa paaralan.
Habang kami’y nasa hapag kainan, niyaya akong
makipaghabulan ng aking mga kaibagan kaya dali-dali kong
inubos ang aking pagkain upang ako’y makalabas at
makipaglaro sa kanila.
3. Paglalahad
Ikuwento ang “Si Langgam at si Tipaklong.”
4. Pagtuturo at Paglalarawan
Bakit araw-araw nagtatrabaho si Langgam?
Ano ang ginawa ni Langgam noong bumuhos na ang malakas
na ulan?
Ano naman ang ginawa ni Tipaklong nang dumating ang bagyo?
Tukuyin ang tauhan na nagsabi ng linyang babanggitin
ng guro sa pamamagitan ng pagtatanong.
Halimbawa:
Sino ang tauhan sa ating kuwento ang masipag?
Sino naman ang tauhan sa ating kuwento ang tamad?

Ikalawang Araw
Layunin : Nakapagbibigay ng angkop na emosyon sa pagbabahagi ng
kuwento
Pamamaraan :
1. Tunguhin
Muling balikan ang kuwentong binasa tungkol sa isang
langgam at sa isang tipaklong at ang mga emosyon na
kanilang naramdaman.
Ipasalaysay muli ang kuwentong narinig nang nagdaang araw.
2. Paglalahad
Muling ipakita ang aklat na “Si Langgam at si Tipaklong.”
Pangunahan ang talakayan sa tanong na:
Sino ang inyong paboritong tauhan sa kuwentong ating
binasa?
Ano ang paborito mong ginawa ng tauhan sa kuwento?
3. Pagtuturo at Paglalarawan

30
Ipasabi ang emosyon ng mga tauhan sa mga piling tagpo sa
kuwento.
a. Ipakita ang tagpo kung saan
- si Tipaklong ay pakanta-kanta at patalon-talon
- tiyan ay masakit, itong si Tipaklong ay di nakatiis
- lumakas ang ulan at di tumigil
- binigyan ng bagong damit ang bisita. Saka pinakain
nang
muling makita
b. Itanong kung ano ang maaaring naging emosyon ng
mga tauhan sa tagpo.
4. Kasanayang Pagpapayaman
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Hatiin ang klase sa apat na pangkat at bigyan ng isang
tagpo mula sa binasa ang bawat pangkat.
b. Malayang Pagsasanay
Bigyan ng oras ang bawat pangkat upang maghanda para
sa pagtatanghal ng tagpong ibinigay ng guro.

Ikatlong Araw
Layunin : Nagbibigay ng serye ng magkakatugmang salita
Pamamaraan :
1. Tunguhin
Hayaang mag-usap ang mga bata ng walang salitaan.
2. Paglalahad
Tumawag ng ilang bata upang pumunta sa harap at sabihin
ang salitang ibubulong ng guro sa pamamagitan ng facial
expression, kumpas ng kamay, at galaw ng katawan.
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Magbigay ng isang salitang nagpapakita ng emosyon tulad ng:
nagugutom, masakit ang ngipin, natatakot, atbp.
Halimbawa: Ipakita mong ika’y nagugutom nang hindi
nagsasalita at gamit lamang ang facial expression, kumpas ng
kamay, at galaw ng katawan.
4. Kasanayang Pagpapayaman

a. Sabihin sa mga bata na humanap ng kapareha.

b. Hikayatin ang klase sa isang laro. Imbis na salita, gagamit


ang mga bata ng facial expression, kumpas ng kamay, at
galaw ng katawan
upang malaman ng kapareha ang nais sabihin.
Halimbawa: nagugutom, masakit ang ngipin, natatakot,
atbp.

31
Ikaapat na Araw
Layunin : Nagagamit ang kaalaman sa facial expression at galaw ng
kamay at katawan upang makapagbigay ng angkop na
emosyon sa
paglalahad ng kuwento
Kagamitan : larawan ng lindol, bagyo, landslide
Pamamaraan :
1. Tunguhin
Ano-ano ang iba’t ibang paraan ng paghahanda sa sakuna.
Ano ang gagawin mo kung bumaha/lumindol/nagkasunog sa
inyong lugar?

2. Pagtuturo at Paglalarawan
Ipakita ang larawan ng iba’t ibang sakuna gaya ng lindol, bagyo,
at landslide. Ipatukoy ang nagaganap sa larawang ipinakita.
Talakayin sa klase ang mga paraan ng paghahanda sa iba’t
ibang sakuna.
Halimbawa:
Magtabi ng pagkain para may huhugutin sa pagdating ng sakuna.
3. K asanayang Pagkabisa
Ipahinuha ng emosyon ang mga tao kapag may
sakuna. a. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat.
b. Bigyan ang bawat pangkat ng isang larawan ng
sakuna.
c. Sa pamamagitan ng facial expression at galaw ng
kamay at katawan, isadula ang sakunang nakatalaga
sa pangkat.

Ikalimang Araw
Layunin : Nagagamit ang kaalaman sa tono, diin, haba, lakas o hina
ng pagbigkas, facial expression, at galaw ng kamay at
katawan
upang makapagbigay ng angkop sa emosyon sa
paglalahad ng
kuwento
Pamamaraan :
1. Tunguhin
Ngayong araw, ibabahagi ninyo sa buong klase ang
inihandang pagsasadula ng bawat pangkat.
2. Pagtataya

32
Bigyan ang bawat pangkat ng kaunting oras upang
paghandaan ang dula-dulaan.
Tawagin ang bawat pangkat upang ibahagi sa klase ang dula.

Linggo 29

Tema : Pagiging Handa sa Sakuna-Emergency Drill, Emergency


Kit Lingguhang Layunin:
1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan:
Nagagamit ang kaalaman sa tono, diin, haba, lakas o hina
ng pagbigkas, facial expression, at galaw ng kamay at
katawan upang
makapagbigay ng angkop na emosyon sa paglalahad ng kuwento
2. Gramatika:
Nakapagbibigay ng makabuluhang pangungusap base sa
larawang ipinakita

Unang Araw
Layunin : Nagagamit ang kaalaman sa tono at diin sa pagbigkas sa
pagbabahagi ng makabuluhang pangungusap ukol sa
mga larawang ipinakita ng guro
Kagamitan : aklat –“Si Langgam at si Tipaklong”
Pamamaraan :

1. Paunang Pagtaya
Pangungunahan ng guro ang klase sa isang talakayan kung
saan magbabahagi ang bawat isa ng kanilang mga karanasan
ukol sa sakuna. Maaaring ang karanasan ay pansarili,
napanood sa
telebisyon, o narinig mula sa iba.

2. Tunguhin
Sabihin: Ngayong araw, titingnan natin kung kaya nating
maibahagi ang emosyon ng mga karakter sa kuwento gamit
ang tamang tono at
diin sa paglalahad.

3. Paglalahad
Ikuwento ang “Si Langgam at si Tipaklong.”
4. Pagtuturo at Paglalarawan

33
Talakayin sa klase ang kuwento. Tukuyin kung ano ang sanhi
at bunga ng sakuna kay Tipaklong gayundin ang paraan
kung paano ito nalabanan ni Langgam.
Tukuyin ang mga naramdaman ng mga tauhan sa bawat
pangyayari sa kuwento.
Hikayatin ang mga bata upang iarte ang mga tagpo gamit ang
tamang tono at diin sa pagpapahayag.

Ikalawang Araw
Layunin : Nagagamit ang lakas o hina sa pagbigkas sa paglalahad
ng makabuhulang opinyon ukol sa mga larawang
ipapakita ng guro Kagamitan : iba’t ibang larawan ng mga sakuna o
di-inaasahang pangyayari Pamamaraan:
1. Tunguhin
Sabihin: Ngayong araw, susubukan nating tukuyin ang mga
sanhi at bunga ng paghahanda sa sakuna.
2. Paglalahad
Ikuwento muli ang “Si Langgam at si Tipaklong” sa klase.
Imodelo ang tamang paggamit ng lakas o hina sa pagbigkas
ng kuwento.
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Magpakita ng mga larawan mula sa kuwento.
Ipaliwanag na ang layon ng gawain ay punan ang speech
balloon sa mga larawang ipapakita ng guro ukol sa sanhi at
bungang reaksiyon ng mga karakter sa mga larawan.
Magbigay ng halimbawa.
4. Kasanayang Pagpapayaman
Pangunahan ang klase sa talakayan sa pagsagot sa tanong
na: “Ano kaya ang maaaring nangyari kung nakapaghanda
sila laban sa sakuna?” habang nagpapakita ng iba’t ibang
larawan.

Ikatlong Araw
Layunin : Natutukoy ang maaaring nararamdaman ng tao sa larawan
batay sa facial expression nito Pamamaraan
:
1. Tunguhin
Sabihin: Ngayong araw, susubukan nating tukuyin ang
nararamdaman ng mga tao sa larawan batay sa kanilang facial
expression.
2. Pagtuturo at Paglalarawan

34
Pangunahan ang klase sa isang gawain kung saan susuriin
ang mga larawan na ipinapakita ukol sa iba’t ibang kaganapan
buhat ng sakuna/paghahanda laban sa sakuna.
Batay sa larawan, tukuyin kung ano ang maaaring
nararamdaman ng mga tao rito.
Subukang sagutin ang tanong:
"Ano ang maaaring nangyari/ naramdaman nila kung sila ay
nakapaghanda sa sakuna?”

3. Kasanayang Pagpapayaman
Sumahin ang talakayan sa pamamagitan ng pagtatanong sa
klase kung ang sanhi at bunga ng paghahanda/hindi
paghahanda laban sa sakuna batay sa emosyon ng tao
(seryosong naghanda, panatag sa oras ng nagbabantang
sakuna). Magbigay ng mga batayang pangungusap o
larawan.

Ikaapat na Araw
Layunin: Nagagamit ang galaw ng kamay sa pag-interpret
ng likhang awit ukol sa paghahanda laban sa sakuna
Pamamaraan:
1. Tunguhin
Sabihin: Ngayong araw, susubukan nating gumawa ng sariling
awit tungkol sa paghahanda sa sakuna.
2. Kasanayang Pagpapayaman
Igrupo ang mga bata.
Ipahayag ang panuto:
Gumawa ng awit gamit ang palit-salita ukol sa paghahanda
laban sa sakuna. Maaaring gamiting batayang awit ang
Ako " Ay May Lobo” o Ningning ng Munting Bituin.”"
Halimbawa:
Ako ay May Flashlight
Ako ay may ______
Gamit ko sa _______
Sa oras ng
________ Ay
mabisa pala
Walang sayang _____
Dahil sa
_______ ko
Lagi akong
handa
Kaya masaya
ako.

35
3. P agtataya
Pangunahan ang pagtatanghal ng bawat grupo ng awit sa
harap ng klase gamit ang galaw ng kamay at katawan.

Ikalimang Araw
Layunin : Nasasabi sa sariling salita ang mga paraan kung paanong ang
paghahanda ay higit na mahalaga kaysa pagtugon
sa sakuna Kagamitan : lapis at papel Pamamaraan :
1. Tunguhin
Sabihin: Ngayong araw, tayo ay gagawa ng pagtatalaga ukol
sa mabisang paghahanda laban sa sakuna.

2. Pagtataya
Talakayin kung paanong ang paghahanda ay higit na
mahalaga kaysa pagtugon sa sakuna. Pangunahan ang klase
sa paggawa ng sariling pagtatalaga ukol sa mabisang
paghahanda laban sa sakuna. Maaaring ibahagi ang sariling
pagtatalaga (ng guro) bilang batayan. Pagkatapos ng gawain,
tumawag ng mga batang magbabahagi at maglalarawan ng
kanilang mga pagtatalaga gamit ang mga makabuluhang
pangungusap.
Halimbawa ng Pagtatalaga:
Ako, si Teacher Karisse, ay laging maglilinis ng tahanan,
mangangalaga ng mga puno, at gagamit lamang ng sapat
na bagay upang maiwasan ang sakuna sa kalikasan.

Linggo 30

Tema : Pagiging Handa sa Sakuna- Emergency Drill,


Emergency Kit (First Aid, atbp.) Lingguhang
Layunin:
1. Wikang Binibigkas at Pag-unawa sa Napakinggan:
Nagagamit ang kaalaman sa tono, diin, haba, lakas o hina
ng pagbigkas, facial expression, at galaw ng kamay at
katawan upang
makapagbigay ng angkop na emosyon sa paglalahad ng kuwento
2. Gramatika:
Nakapagbibigay ng makabuluhang pangungusap base sa
larawang ipinakita

Unang Araw

36
Layunin : Nakapagbibigay ng mga makabu u ang pangungusap
gamit ang l h angkop na emosyon sa paglalarawan
ng mga litrato o larawan Kagamitan : iba’t ibang larawan ng mga
pangyayari (hal. pagtatapos, panahon ng anihan)

Pamamaraan:
1. Paunang Pagtaya
Sabihan ang mga bata na ilarawan ang mga litratong ipapakita
sa klase. Halimbawa: pag-aayos ng buhok, panahon ng
anihan, bagyo
2. Tunguhin
Sabihan ang mga bata na tukuyin kung anong pangyayari ang
ipinapakita ng bawat larawan.
3. P aglalahad
Ikuwento ang “Ang Pambihirang Buhok ni Lola” o kaya ay ibang
kuwento na may katulad na tema.

4. Pagtuturo at Paglalarawan
Tumawag ng mga bata na masasabi ang mga uri ng
emosyong naipakita sa iba’t ibang pangyayari sa kuwento.
(Ipaalala sa kanila ang mga natutuhan sa paglalahad gamit
ang boses, facial expression, galaw ng kamay at katawan)
Halimbawa: Natakot ang mga tao nang bumagyo sa kanilang
bayan.

Ikalawang Araw
Layunin : Nakapagbibigay ng mga hakbang na dapat gawin sa gitna
ng
sakuna o di-inaasahang mga pangyayari
Kagamitan : iba’t ibang larawan ng mga sakuna o di-inaasahang
pangyayari Pamamaraan :
1. Tunguhin
Muling balikan ang napakinggang kuwento ng unang araw.
2. Paglalahad
Magpakita ng iba’t ibang larawan ng mga sakuna o di-
inaasahang pangyayari.
Tumawag ng mga batang magsasabi ng mga pangalan ng mga
larawan.
3. Pagtuturo at Paglalarawan
Tanungin ang mga bata ng mga bagay na nangyayari sa bawat
sakuna.

37
Tumawag ng mga batang makapagbabahagi ng mga wastong
hakbang na dapat tandaan o gawin sa gitna ng sakuna o di-
inaasahang pangyayari.
Dagdagan o iwasto ang mga hakbang na ibabahagi ng mga
bata.
4. Kasanayang Pagpapayaman
Tumawag ng mga batang magbabahagi ng kanilang sariling
karanasan ukol sa mga natalakay na sakuna gamit ang boses,
facial expression, at galaw ng kamay at katawan.

Ikatlong Araw
Layunin : Natutukoy ang mga kagamitang nasa loob ng isang
emergency kit
Kagamitan : mga kagamitang nasa loob ng isang emergency
kit, mga karaniwang bagay,malaking kahon Pamamaraan
:
1. Tunguhin
Ano-ano ang nasa loob ng isang emergency kit?
2. Pagtuturo at Paglalarawan
Ipaliwanag sa mga bata na magkakaroon ang klase ng isang laro.
Ipakita ang isang malaking kahon na may lamang iba’t ibang
gamit. Sa hudyat, sabihan ang bawat bata na kumuha ng
isang gamit sa loob ng kahon. (Maaaring tig-lilimang bata
ang
kukuha sa bawat hudyat.)
Kapag nakakuha na ang lahat, tanungin ang mga bata kung
sa palagay nila ay kasama ang napili nila sa mga
kagamitang nasa loob ng emergency kit at tanungin kung
bakit nila nasabi ito.
Muling ipaliwanag sa klase kung alin lamang sa mga gamit
ang dapat na nasa loob ng emergency kit at ibahagi ang
kahalagahan
ng pagkakaroon nito.
3. K asanayang Pagpapayaman
Ipabahagi sa mga bata ang kanilang mga sariling karanasan
ukol sa mga kagamitan sa loob ng emergency kit.

Ikaapat na Araw
Layunin : Natutukoy ang mga kagamitan at wastong hakbang na
kailangan para sa iba’t ibang sakuna o di-inaasahang
pangyayari
Kagamitan : iba’t ibang larawan ng mga produktong nakukuha
sa ating kapaligiran Pamamaraan:
1. Tunguhin

38
Ano ang dapat tandaan sa gitna ng isang sakuna o isang
diinaasahang pangyayari?
2. Pagtuturo at Paglalarawan
Sabihin na ang klase ay magkakaroon ng isang gawain.
Ipaliwanag na ang klase ay hahatiin sa limang grupo.
Ang bawat grupo ay bibigyan ng isang sitwasyon kung saan
may sakuna o di-inaasahang pangyayari ang nagaganap at
dapat nilang
iarte ang mga hakbang na dapat gawin.
Bigyan ang mga grupo ng 5-10 minuto para maghanda.
Tawagin ang bawat grupo upang makapagtanghal.
3. Kasanayang Pagpapayaman
Tumawag ng mga batang magbabahagi ng mga kagamitan na
dapat gamitin para sa mga naitanghal na sakuna o di-
inaasahang pangyayari.
4. Pagtataya
Magkaroon ng isang maikling emergency drill ang buong klase
gamit ang ibibigay na hudyat.

Ikalimang Araw
Layunin : Naibabahagi ang mga kagamitan at wastong hakbang
na kailangan para sa iba’t ibang sakuna o di-
inaasahang pangyayari
Kagamitan : lapis, papel, at pangkulay
Pamamaraan :
1. Tunguhin
Sabihin: Ngayong araw, tayo ay gagawa ng isang simpleng poster.
2. Pagtataya
a. Magpagawa sa mga bata ng isang simpleng poster na
nagpapakita ng mga 1-3 hakbang na dapat tandaan o
sundin sa gitna ng isang
sakuna o di-inaasahang pangyayari.
b. Tumawag ng mga batang magbabahagi at maglalarawan
ng kanilang mga poster gamit ang mga makabuluhang
pangungusap.

39

You might also like