You are on page 1of 7

Banghay-Aralin sa Filipino 5

I. Layunin: Nagagamit nang wasto ang pang-uri sa paglalarawan

Paglilinis ng Kapaligiran

II. Paksa at Kagamitan:

A. Paksa: Wastong Paggamit ng Pang-uri sa Paglalarawan


B. Sanggunian Landas sa Wika 5, MELC Filipino, p.117
C. Kagamitan: Tsart, Activity Cards, larawan, Video
D. Konsepto  Ang pang-uri ay salitang naglalarawan sa pangngalan ng
hayop, tao, lugar, o pangyayari. Maari din ito maglarawan sa
panghalip (siya, ako, ikaw, tayo, atbp.)

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagkondisyon:
- Kakanta ang mga bata ng “KUNG IKAW AY MASAYA”

2. Pagbabaybay:
- Baybayin ang mga sumusunod na salita sa
pamamagitan ng pagbuo ng mga nagulo na
letra.
- Ang mga salita ay ipapakita sa pamamagitan ng
powerpoint presentation.

(ipapakita ng guro ang nagulong letra at bubuuhin ito ng


mga ng may wasto ang baybay)
1. Pang-uri
2. malalago
3. naglalarawan
4. malapad
5. pangngalan

Strategy : Word war/Jumbled Letters

3. Pagsasanay:
- Pagbasa ng mga salitang nabuo ng mga bata.

Strategy: Paghasa ng Kaalaman (pagbasa ng iba pang salita na may


kinalaman sa aralin)
4. Balik-aral
- Ano-ano ang 4 na uri ng pangungusap batay sa gamit?

Pamamaraan:
Bawat bata ay may nakatalagang numero. Bubunutin ng guro ang
unang numero para sa unang sasagot. Kung sino ang kasalukuyang
sumagot, ay siyang bubunut ng susunod na sasagot sa pisara.

- Sasagot ang bata sa tanong na ibinigay ng guro.

Strategy: -Bingo Balls of Doom/Randomizer ( Every student is assigned a


number; when the teacher pulls that number from the bingo cage, that
student has to answer the next question) ,
5. Pagwawasto sa Takdang-aralin
- Pagwawasto sa takdang aralin kung mayroon.
- Wastuhin ang sariling takdang-aralin. Ipaalala
sa mga bata ang kahalagahan ng pagiging
matapat sa pagwawasto.
- Hayaaan ang mga bata na masusi ang kanilang
pagkakamali sa kanilang takdang aralin.

Strategy: Reflective Learning

6. Pagganyak
- Pagpapakita ng larawan ng mga taong naglilinis ng kapaligiran.
- Hayaan ang mga bata na sabihin ang nais nila sa larawan.
- Itanong sa mga bata kung ano ang kanilang ginagagawa.
- Ano ang Kahalagahan ng paglilinis?

Inaasahang sagot: Naglilinis


 Ang salitang naglilinis ay salitang _______. (kilos)
 Ano ang tawag sa salitang nagpapakita ng kilos? (Pandiwa)
 (Bigyang-pansin ang bata na nakasagot sa tanong sa pamamagitan
ng palakpak, o pagsabi ng pang-enganyong salita, kagaya ng Very
Good)

Strategy:
- Picture Prompt (Pagpapakita ng larawan at pagbibigay ng
kanilang sariling opinion ukol dito.)
- Paggamit ng Pandiwa (within curiculum teaching area)
- Paglilinis sa kapaligiran (Across curriculum teaching area-health)

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad ng aralin
- Paglalahad ng isang Suliranin

 Si Mylene ay nagtatrabaho bilang taga-linis ng Mababang Paaralan


ng Picas Sur. Binibigyan siya ng P2000.00 bilang sahod kada buwan.
Nakakatulong siya upang mapanatiling malinis ang kapaligiran ng
paaralan. Para sa kaniya, mas mahalaga ang malinis na kapaligiran
upang maka-iwas sa sakit na dulot ng maruming paligid. Masaya
siya sa kaniyang trabaho at ikinalulugod niya ang pagsilbihan
paaralan ng Picas Sur.
 Sagutin ang kasunod na katanungan.
1. Ano ang trabaho ni Mylene?
2. Ilan kaya ang kita niya sa loob ng tatlong buwan?
3. Ilarawan ang paaralan na pinagtatrabahuan ni Mylene.
4. Ano ang masasabi mo kay Mylene?

Strategy:
-Paghasa ng Pag-unawa sa Binasa (Within Curriculum Teaching Area)
-Problem Solving (Across Curriculum Teaching Area)-Mathematics
-Contextualization (paggamit ng taong kilala sa komunidad)
-Scenario Analysis Based Teaching. (The pupils were given a particular
situation.)
2. Pagtatalakayan/Pangkatang Gawain:

MGA GAWAIN:

(Pagpapaalala sa mga kabataan tungkol sa pamantayan sa paggawa)

Gawain 1: ANO DAW?


Pamamaraan:
1. Sasagutin ng mga bata ang mga sitwasyong ibibigay ng guro sa
pamamagitan ng paggamit ng Pang-uri

Strategy:
-Individual Learning/ Hear-Me-Say
-Pagsagot sa mga katanungan sa mga narinig na sitwasyon (Within
curriculum Teaching area)

(Pagpapaalala sa mga kabataan tungkol sa pamantayan sa paggawa)

Gawain 2. PICTURE PERFECT


Pamamaraan.
1. Pipili ang guro ng bata at tatawagin sa harap.
2. Bibigyan ng Sitwasyon ang tatlo at,ipapakita ito sa klase sa
pamamagitan ng pagkilos, (maaring kilos lokomotor o di lokomotor)
3. Magbibigay ang ibang mag-aaral ng pag-uri na maaring maglarawan
sa ginawa ng tatlo.
4. Isusulat ito sa pisara.

Strategy:
-Class Modelling/ Role playing/ Peer Learning
- Pagsanib ng Kasanayan sa PE (Kilos lokomotor at di-lokomotor)

(Pagpapaalala sa mga kabataan tungkol sa pamantayan sa paggawa)

Gawain 3: Differentiated Activities

PARA SA KALIGTASAN NG LAHAT, BIBIGYAN ANG BAWAT BATA NG


ACTIVITY SHEET PARA SA MGA SUMUSUNOD NA GAWAIN.

Group 1: KULAYAN MO AKO

Pamamaraan:
1. Bibigyan ng larawan na walang kulay ang pangkat. Kukulayan nila
ito sa nais nila at ilalarawan ang kanilang ginawa.
Strategy:
-Coloring/ Sentence Construction
-Pagbuo ng pangungusap (Within Curriculum Teaching Area)

Group 2: ITAPAT MO AKO!


(May mga Sitwasyong ibibigay at mga pang-uri. Piliin ang tamang pang-uri.

Strategy:
- Picture-Word Association/ Matching Game

Group 3: Pagbuo ng konsepto


Buuhin ang mga hiwa-hiwalay na konsepto. Iayos at isulat ang iyong sagot

Strategy:
- Sentence Strip/ Communicative Language Teaching (CLT)
through using scrambled sentences
- Pagbuo ng pangungusap (Within Curriculum teaching Area)

3. Paglalahat:
- Ano ang salitang pang-uri?
- Ang pang-uri ay salitang naglalarawan sa pangngalan ng
hayop, tao, lugar, o pangyayari. Maari din ito maglarawan
sa panghalip (siya, ako, ikaw, tayo, atbp.)

4. Paglalapat
 Gamit ang MS Excel-Based na laro, pipiliin ang
wastong pang-uri na naglalarawan sa ipapakitang
sitwasyon.
 Para sa kaligtasan ng lahat, sasabihin ng bata ang
sagot, at ang guro ang magmamanipula ng laptop
para ilagay ang sagot ng bata.

Strategy:
- Computer-Aided Instruction (CAI),
5. Pagpapahalaga
- Balikan ang larawan ng mga naglilinis sa
paligid.
- Bakit kailangan nating maglinis?
- Ano ang dapat mong gawin upang di tayo
magkasakit na dulot ng maruruming paligid?

Strategy:
- Reflective Learning
- Healthy Environment (Across curriculum teaching area-
health)

IV Pagtataya
.
Panuto:
Gamitin ang naangkop na pang-uri sa mga sumusunod na sitwasyon. Piliin
ang sagot sa ibaba.

Pandak matakaw mahirap mabigat masipag

1. Kumain si Jerome ng Lechon, keyk, spaghetti at fried chicken. Kahit busog


na siya ay kumuha pa rin siya ng pagkain. Ano ang masasabi mo kay
Jerome?
2. Namunga ng marami ang mga tanim ni Aling Marta, Dinidiligan niya ito
araw-araw at binubunutan ng mga damu. Ilarawan ang katangian ni Aling
Marta.
3. Ang Pamilya Sandino ay minsan hindi naakakakain sa isang araw. Minsan
lang magkapera ang pamilya. Walang trabaho ang ilaw ng tahanan ng
Pamilya Sandino. Ang ama naman nila ay paminsan-minsan lang
nagkakaroon ng trabaho. Ano ang masasabi mo sa Pamilya Sandino?
4. Hirap na hirap sa pagbuhat si Rico sa kaniyang mga dala. Marami kasi ang
kaniyang nabili sa Palengke. Ilarawan ang kaniyang mga dala.
5. Gusto abutin ni Mara ang ang bunga ng bayabas, hindi niya ito maabot
dahil kinulang sa laki. Ano ang masasabi mo kay Mara?

V. Takdang-Aralin
Magbigay ng limang pang-uri at gamitin ang mga ito sa pangungusap.

RRE Episodes

Remediation
Gamitin ang wastong pang-uri sa sumusunod na sitwasyon.
1. Nag-aaral si Gino ng kaniyang mga aralin. Si Gino ay ____________
2. Ang alaga kong aso ay hindi nangangat. Ang aso ko ay __________.
3. Si Maria ay kinuhang muse ng paaralan naming. Siya ay ___________
4. Hindi ko agad nakain ang sorbetes dahil nangingilo ang ngipin ko. Ang
sorbetes ay _____
5. Maraming langaw ang lumilipad sa paligid. Ang paligid ay _______.

Reinforcement
Magbigay ng pang-uri na maaring maglarawan sa sitwasyon.

(larawan ng mga batang masayang naglalaro)

Enrichment
Gamitin ang sumusunod na salita sa pangungusap.
1. Matamis
2. Masakit

Prepared by:
REYMUND L. CENO
Teacher-III

Checked by:
MARISSA A. SACRO
Master Teacher I

Noted:
EDWIN Y. DIAZ
TIC
Letter Request

SUSAN A. MATUGAS
School Principal
Picas Sur Elementary School
Abuyog North District
Abuyog, Leyte

Madame:

A quality teacher equates to quality education. They must have good qualities
that demonstrate effective and efficient teachers. As part of the emerging world of
education and being in the system, it is the obligations of the teacher to find ways
and means to be globally competitive in the teaching field.
In lieu with may I request and invite your good office to observe my class in
Filipino 6 on September 3, 2019 at your most convenient time.
I am hoping for your positive response for my humble request.
Thank You and God Bless!

Sincerely yours,

REYMUND L. CENO
Grade 6 Teacher
Picas Sur ES
Received:
Date:____________
Signature:_________

You might also like