You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XIII-Caraga
Division of Agusan del Sur
Sibagat District I

Ilihan Elementary School


LESSON PLAN FOR
CLASSROOM
OBSERVATION
FILIPINO 5

SY. 2023-2024
MELC & Code
QUARTER TOPIC
Nasasabi ang simuno at
III panaguri sa pangungusap. Simuno at panaguri
(F5WG-IIIi-j-8) sa pangungusap

STRATEGY IN
TEACHING
Explicit Teaching,
Differentiated
Instruction,
Collaborative Group
Activity

Rosena
Adviser/
mie Y.Teacher III
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO V
IKATLONG MARKAHAN

I. Layunin:
 Nakakatukoy ng simuno at panaguri sa pangungusap.
 Nakagagamit ng wastong simuno at panaguri sa pangungusap.
 Nasasabi ang simuno at panaguri sa pangungusap.
Pagsasanib:
 AP- Natatalakay ang paglaganap at katuruan ng Islam sa Pilipinas. (AP5PLP -Ii – 10)
 Health- Explains measures to prevent common diseases (H3DD -IIefg – 6)

II. Paksang Aralin:


Filipino 5: Nasasabi ang simuno at panaguri sa pangungusap.
Code: (F5WG-IIIi-j-8)
Sanggunian: Ikatlong Markahan
Most Essential Learning Competency Week 7, pp. 219
Kagamitan: powerpoint presentation, laptop, visual aids, big book, roleta, mga larawan

III. Pamamaraan
A. Panimulang gawain:
Pagbati
Panalangin
Pagtatala ng lumiban sa klase

Mga Alituntunin sa oras ng klase.

 Panatilihin ang kalinisan at kaayusang silid-aralan.


 Makinig ng mabuti sa guro.
 Itaas lamang ang kamay kung nais magtanong o sumagot.
 Makilahok sa talakayan at mga gawain.

B. Balik –Aral sa nakaraang Aralin o pasimula sa bagong aralin

Panuto: Basahin at magbigay ng angkop na pamagat sa tekstong binasa.

Si Lapu-lapu ang unang bayaning Pilipino. Nang matuklasan ni Magellan ang Pilipinas, gusto
niyang kilalanin ng mga katutubo ang hari ng Espanya. Tinutulan ito ni Lapulapu at naganap ang
digmaan sa pagitan ng mga kastila at katutubo kung saan tinalo ni Lapu-lapu si Magellan at
naging sanhi ngpagkasawi nito sa laban.

Angkop na pamagat: ______________________

Ang salitang "Islam" ay nagmula sa salitang Arabe na ang kahulugan ay "kapayapaan" Ito ay
isang relihiyong itinatag ni Mohammed, isang kilalang propeta. Ang mga kasapi sa relihiyong
ito ay tinaguriang mga Muslim. Allah naman ang taguri sa kanilang Panginoon. Para sa mga
Muslim, walang ibang Panginoon kundi si Allah at si Mohammed ang sugo nila. Ang kanilang
banal na aklat kung saan napapaloob ang mga batas at tuntunin na kanilang sinusunod ay ang
Q'ran (Koran).
Mahalaga
Angkop na sa pamagat:
paglaki ng_____________________
mga bata ang masustansiyang pagkain. Kailangan ng murang katawan
ang mga pagkaing mayaman sa protina, mineral, bitamina at iba pang pagkaing pampalusog.
Ang mga sitsirya ay walang maidudulot na mabuti sa ating katawan kaya dapat itong iwasan.
Kumain ng karne, gulay, isda, prutas at uminom ng gatas araw-araw. Uminom din ng sapat na
tubig na kailangan ng ating katawan.
Angkop na pamagat: ______________________
C. Pag-hahabi ng aralin
Interactive Game: (Roleta ng Kapalaran)
 Pagpapakita ng guro ng mga larawan
 Iikutin ang roleta, ang
pangalan na mahihintuan ang
sasagot.
 Magbigay ng pangungusap
tungkol sa larawan.

D. Pag-
uugnay ng mga halimbawa sa bagong
aralin

Basahin at unawain ang kuwentong “Ang


mga maskara ni Miko”

Mga Tanong:

1. Sa inyong palagay, bakit “Ang mga maskara ni Miko” ang


pamagat ng kwento?
2. Bakit hindi pwede gamitin ng mga tao ang maskara na ipinakita ni
Miko kay Mang Berto?
3. Magbigay ng kahalagahan ng paggamit ng face mask at face
shield?
4. Ano-ano ang pwedeng maidulot ng Covid-19 sa mga tao?
5. Paano natin maiiwasan ang Covid 19? Ano-ano ang dapat gawin? Mahalaga ba na sundin natin ito?
Bakit?

Ang pangungusap ay ang tawag sa salita o lipon ng mga salitang may buong diwa. Sinisimulan sa malalaking
letra at ginagamitan ng bantas sa hulihan.

Dalawang bahagi ng pangungusap.

1.Simuno- ito ang bahagi ng pangungusap na pinag-uusapan. Nakikita sa pamamagitan ng panandang si, sina,
ang, at ang mga. Maaari rin itong maging panghalip.

2. Panaguri- ang bahagi ng pangungusap na nagkukwento, nagsasabi o nagpapaliwanag tungkol sa simuno o


paksa ng pangungusap, pinangungunahan ito ng pananda na ay.

Mga Halimbawa:

 Gumawa ng mga maskara si Aling Susan.


(Panaguri) (Simuno)
 Ang mga tao ay nakasuot ng facemask tuwing lalabas ng bahay.
(Simuno) (Panaguri)
 Si Miko ay masayang nagtungo sa kanyang ina.
(Simuno) (Panaguri)
 Ang Covid 19 ay nakakahawang sakit.
(Simuno) (Panaguri)
 Ang mga maskara ay magaganda at makukulay.
(Simuno) (Panaguri)

E. Pagtalakay
Pinatnubayang Pagsasanay 1

Tukuyin ang simuno at panaguri sa pangungusap. Kahunan ang simuno at guhitan ang panaguri sa
pangungusap.

1. Si Miko ay isang batang lalaki na mahilig maglaro ng mga maskara.


2. Ang mga maskara ni Miko ay nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob.
3. Ang mga kaibigan ni Miko ay hinangaan ang kanyang mga maskara.
4. Si Miko ay natutunan ang kahalagahan ng pagiging totoo sa pamamagitan ng kanyang mga maskara.
5. Sa huli, si Miko ay nagpasyang maging totoo sa sarili kahit wala nang maskara.
Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Basahin mabuti ang bawat pangungusap. Piliin lamang kung ito ay SIMUNO o PANAGURI.
(Interactive game)

1. Si Miko ay isang batang lalaki na mahilig maglaro ng mga maskara.


2. Ang mga maskara ni Miko ay nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob.
3. Ang kanyang mga kaibigan ay hinangaan ang kanyang mga maskara.
4. Si Miko ay natutunan ang kahalagahan ng pagiging totoo sa pamamagitan ng kanyang mga maskara.
5. Sa huli, si Miko ay nagpasyang maging totoo sa sarili kahit wala nang maskara.
6. Ang maskara ni Miko ay may magandang disenyo.
7. Ang maskara ni Miko ay naging simbolo ng kanyang pagiging matapang.
8. Ang mga maskara ni Miko ay bumuhay sa kanyang imahinasyon.
9. Si Miko ay naging inspirasyon sa kanyang mga kaibigan dahil sa kanyang mga maskara.
10. Ang pagiging totoo ni Miko sa kanyang sarili ang nagbigay sa kanya ng tunay na kaligayahan.
G. Paglalapat
Pagpangkat-pangkatin ang mga bata. Ibigay ang mga pamantayan sa paggawa.

Rubrics in Participation/Group Activities:


5 - Nakipagtulungan lahat, tahimik at tama ang gawa.
4 -Hindi nakipagtulungan lahat, tahimik at tama ang gawa.
3-Hindi nakipagtulungan lahat, hindi tahimik at tama ang gawa.
2 -Nakipagtulungan, tahimik at hindi tama ang gawa.
1 -Hindi nakikipagtulungan, hindi tahimik at hindi tama ang gawa.

Pangkat 1: Salungguhitan ang simuno sa pangungusap.

1. Si Miko ay isang batang masigla at mapaglaro.


2. Ang kanyang mga kaibigan ay natutuwa sa kanyang pagiging masigasig.
3. Ang magagandang maskara ni Miko ay nakakapukaw ng damdamin ng kanyang mga kaibigan.
4. Si Miko ay lumaki sa isang masayang tahanan na puno ng pagmamahal.
5. Ang kanyang mga magulang ay nagtuturo sa kanya ng mga mahahalagang aral.
Pangkat 2: Kahunan ang panaguri sa pangungusap.

1. Ang mga maskara ni Miko ay nagbibigay sa kanya ng kakaibang pagkakakilanlan.


2. Sa bawat maskara, isang bagong karakter si Miko.
3. Ang kanyang pagiging totoo ay nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob.
4. Sa bawat pagkakataon, ang maskara ni Miko ay nagiging daan upang maipahayag ang kanyang tunay na sarili.
5. Sa kabila ng lahat, si Miko ay nananatiling tapat sa kanyang mga pangarap at hangarin.
Pangkat 3: Bumuo ng limang (5) pangungusap na may simuno at panaguri. Kahunan ang simuno at bilugan
ang panaguri.

H. Paglalahat

 Ilang bahagi mayroon ang pangungusap? Ano-ano ito?


 Ipaliwanag nyo nga ang dalawang bahagi ng pangungusap.
 Magbigay ng pangungusap na may simuno at panaguri.

IV. Pagtataya
Panuto: Piliin lamang kung ito ay SIMUNO o PANAGURI. Lagyan ng TSEK √.

1. Si Miko ay isang batang masigla at palakaibigan.


o Simuno
o Panaguri

2. Ang mga maskara ni Miko ay may magandang disenyo at detalye.


o Simuno
o Panaguri

3. Ang mga kaibigan ni Miko ay natutuwa sa kanyang mga maskara.


o Simuno
o Panaguri

4. Ang kanyang magulang ay mapagmahal at maunawain.


o Simuno
o Panaguri

5. Ang mga maskara ay nagbibigay kay Miko ng kakaibang kasiyahan.


o Simuno
o Panaguri

6. Si Miko ay naging matapang at determinado dahil sa kanyang mga maskara.


o Simuno
o Panaguri

7. Ang mga pangarap ni Miko ay malalim at makabuluhan.


o Simuno
o Panaguri

8. Ang mga maskara ni Miko ay nagbibigay sa kanya ng iba't ibang anyo at karakter.
o Simuno
o Panaguri

9. Si Miko ay nagpasyang maging totoo sa kanyang sarili kahit wala nang maskara.
o Simuno
o Panaguri

10. Ang kwento ni Miko ay nagtuturo sa atin ng kahalagahan ng pagiging totoo sa sarili at sa ibang tao.
o Simuno
o Panaguri

V. Takdang Aralin
Panuto: Bumuo ng pangungusap batay sa mga simuno na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Si Miko
2. Ang mga kaibigan ni Miko
3. Ang magulang ni Miko
4. Ang mga maskara
5. Ang mga pangarap ni Miko

Inihanda ni:
ROSENAMIE Y. DANO
Adviser/Teacher III Sinuri at Tinasa ni:
GINA C. DONCILLO
Master Teacher II

You might also like