You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF DASMARIÑAS
RAMONA S. TIRONA MEMORIAL SCHOOL

Learning Area Filipino Grade Level Ikalima


W8 Quarter Ikatlo Date Ika-pito ng Abril,2022

I. LESSON TITLE Pagtukoy ng Simuno at Panaguri


II. MOST ESSENTIAL LEARNING
Nasasabi ang simuno at panag-uri sa pangungusap. F5WG-IIIi-j-8
COMPETENCIES (MELCs)
III. CONTENT/CORE CONTENT A. Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita sa pagpapahayag ng
sariling ideya, kaisipan,karanasan at damdamin at naipamamalas ang
kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag- unawa sa napakinggan

 Nasasabi ang simuno at panaguri sa pangungusap.


IV. LEARNING PHASES LEARNING ACTIVITIES
A. Introduction / Panimula Sa araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. matukoy ang dalawang bahagi ng pangungusap;
2. malaman ang kahulugan ng simuno at panaguri at
3. magamit ang simuno at panaguri nang wasto sa pangungusap.

I. Tukuyin ang mga sumusunod na larawan at bumuo ng pangungusap


tungkol dito.

1. Si Rodrigo Duterte ay nahalal na pangulo ng bansa noong taong 2016.


2. Ang bagong dulot ng isang bagong strain ng coronavirus na unang
natukoy sa Wuhan, China noong Disyembre 2019.
3. Ang Promenade des Dasmarinas ay isang malaki at magandang pasyalan
dito sa Dasmarinas.
4. Si Dr. Jose Rizal ay isang magiting at matalinong bayani n gating bansa.
5. Si Jenny Barzaga ay masipag at mabait na Mayor ng Dasmarinas.
6. Masisipag at mahuhusay ang mga mag-aaral sa Ramona S. Tirona
Memorial School.

Sa pamamagitan ng mga pangungusap na nabuo, tukuyin ang dalawang


bahagi ng pangungusap at talakayin ang kahulugan nito.

1. Si Rodrigo Duterte ay nahalal na pangulo ng bansa noong taong 2016.


2. Ang Corona Virus Disease2019 (COvid19) ay unang natukoy sa Wuhan,
China noong Disyembre 2019.
3. Ang Promenade des Dasmarinas ay isang malaki at magandang pasyalan
dito sa Dasmarinas.
4. Si Dr. Jose Rizal ay isang magiting at matalinong bayani ng ating bansa.
5. Si Jenny Barzaga ay masipag at mabait na Mayor ng Dasmarinas.
6. Masisipag at mahuhusay ang mga mag-aaral sa Ramona S. Tirona
Memorial School.

Pangungusap

Si Rodrigo Duterte ay nahalal na pangulo ng bansa noong taong 2016.

Ang simuno ang Ang panaguri naman ang nagsasabi o


paksa o pinag- naglalarawan ng tungkol sa simuno.
uusapan sa
pangungusap.

Sentence

Subject Predicate

B. Development / Pagpapaunlad Subukin kung naunawaan ang mga pagtalakay sa Panimula sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga sumusunod na gawain.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tukuyin kung ang salitang may salungguhit ay


simuno o panaguri sa bawat pangungusap. Isulat ang S kung simuno at P naman
kung panaguri.
1. Palagiang isuot nang maayos ang facemask. P
2. Madalas na hugasan ang iyong mga kamay. S
3. Panatilihing malusog at ligtas sa mikrobyo ang ating katawan. P
4. Takpan ng tisyu ang iyong bibig at ilong kung ikaw ay nababahing. S
5. Ang social distancing ay huwag kalimutang isagawa sa pampublikong S
lugar.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Salungguhitan ang buong simuno at bilugan naman ang buong panaguri.
1. Malakas ang bagyo sa Kabisayaan.
2. Mayaman sa likas na yaman ang bansa.

3. Si Jose ay sabik ng pumasok sa paaralan.

4. Nakakalbo na ang mga kagubatan sa ating bansa.

5. Ang bagyong dumaan ay sumira ng isang buong barangay.


C. Engagement / Pakikipagpalihan Upang mas lalo mo pang matutunan ang araling ito, sagutin ang mga sumusunod
na pagsasanay:

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:

Tukuyin ang wastong simuno sa bawat bilang upang mabuo ang pangungusap.

1. _______________ ay ang punong-guro ng ating paaralan.

2. Masayang nakilahok sa Word Wall Challenge_____________

3. Sinusuri nang mabuti ng mga guro __________________.

4. ________________ ay tumulong sa paglikas ng mga residente

mula sa mapanganib na lugar.

5. Itapon nang wasto at sa tamang basuruhan _____________.

Simuno

A. Si Gng. Ana Grace M. Filio

B. ang mga mag-aaral ng Ramona S. Tirona.

C. ang mga gawaing ipinapasa ng mga mag-aaral.

D. Ang mga volunteers

E. ang mga gamit ng facemask.

D. Assimilation / Paglalapat Buoin ang chart upang malaman kung lubos na naunawaan ang aralin.

PANGUNGUSAP

Ang simuno ang paksa Ang panaguri naman ang


o pinag-uusapan sa nagsasabi o naglalarawan ng
pangungusap. tungkol sa simuno.

V. ASSESSMENT Sukatin ang nalalaman sa pagtukoy sa simuno at panaguri. Gawin ang sumusunod
na pagsasanay.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Ssa isang malinis na papel ay isulat ang teksto
sa ibaba at tukuyin ang simuno at panaguri. Salungguhitan ang simuno at bilugan
naman ang panaguri.
Dulot ng Pagbabasa
(1) Ang pagbabasa ay isang libangan na may magandang maidudulot sa
bawat tao. (2)Nakakalilinang ito ng kasanayang magagamit sa pang-araw araw na
buhay. (3)Ito ay isa sa mga kailangan upang maunawaan ng isang tao ang mga
nakasulat sa mga pahina na makapagbibigay ng kakayahang maibigkas ito sa
pamamagitan ng pagsasalita. (4)Mahalaga ito dahil ito ang pangunahing kailangan
sa pagdiskubre ng bagong mga kaalaman.
VI. REFLECTION Magsulat ka sa likod ng iyong papel ng iyong nararamdaman o realisasyon
gamit ang mga sumusunod na prompt:

Naunawaan ko na .

Nabatid ko na .

Naisasagawa ko na .

Prepared by: Checked by:


LUCIA MARIE Q. LICARDO

You might also like