You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon XII
COLONGULO NATIONAL HIGH SCHOOL
Barangay Colongulo, Surallah South Cotabato

IKAAPAT NA MARKAHAN
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

Guro: Nonamer B. Labaco Baitang at Antas: Grade 9-Rose


Petsa at Oras: May 15, 2023/7:30-9:30 Asignatura: Filipino
Markahan: Ikaapat na Markahan Linggo: Ikalawang Linggo

I.LAYUNIN:
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
Nailalahad ang sariling pananaw, konklusyon at bisa ng teksto sa sarili.
A. Natutukoy ang kontekstwal na pahiwatig ng mga salita sa pagbibigay ng kahulugan.
B. Nagagamit ang mga angkop na salita/ekspresyon sa paglalarawan.
C. Nakasusulat ng isang sanaysay na naglalarawan sa kasalukuyang kondisyon ng ating lipunan batay sa sarili nilang
pananaw.
II.PAKSANG ARALIN:
Paksa: Mga Ekspresyon sa Paglalarawan
Sanggunian: Filipino 9, Q4-Modyul 3
Kagamitan: laptop, t.v, mga larawan, videoclip presentation, powerpoint
presentation
III.PAMAMARAAN:
A. Pagganyak
a.1 Panalangin
a.2 Pagbati
a.3 Pagtala ng liban sa klase
a.4 Icebreaker
Balikan

Panuto: Bilugan ang bilang ng pahayag na naglalarawan sa mga kaganapan noong panahon ng pananakop ng Kastila.
______1.Pagsilang ng Katolisismo sa bansa.
______2.Pagbibigay sa lahat ng mga mamamayan ng kalidad na edukasyon.
______3.Paglaganap ng mga pamahiin at paniniwala tungkol sa relihiyon.
______4.Pagmamalupit at pangangamkam ng mga lupain.
_____5.Pagkakaroon ng pantay na karapatan at katarungang panlipunan.
Paglalahad
Bayanihan, pagkakaisa, pag-asa at kagandahan, bagama’t hindi mga pang-uri ay ilan lamang sa mga salita maaaring
gamitin sa paglalarawan. Gaya ng bulaklak na maaaring maglarawan sa kagandahan, ngunit maaari ring gamitin sa
pagpapahayag ang salitang mayumi, mabango at isang babae. Tunghayan natin at basahin ang pagpapalawak sa ating
aralin ngayon

B.PAGTATALAKAY:
Mga Ekspresyon sa Paglalarawan
Ang paglalarawan ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong bumuo sa isip ng mga mambabasa o tagapakinig ng
isang maliwanag na larawan o imahe ng isang bagay, tao, lugar, pangyayari o ideya. Sa pangkalahatan, ang paglalarawan
ay gumagamit ng mga pang-uri. Halimbawa, ang isang tao ay maaaring ilarawang matangkad, payat, bata, matanda,
mataba,pandak, maputi, o maitim. Ang isang hayop ay maaaring ilarawang mabangis, maamo, mailap, mabilis, malaki, at
maliit. Ang isang lugar ay maaaring ilarawang malapit, malayo at mapanganib. Bukod sa paggamit ng mga pang-uri, may
mga paraang magagamit sa epektibong paglalarawan. Ilan dito ang sumusunod:
1.Paggamit ng mga pandamdam. Gumagamit ng mga salita na makatutulong sa mga mambabasa o tagapakinig na
makita, maamoy, marinig, malasahan, at maramdaman ng mga mambabasa ang ano mang inilalarawan. Halimbawa:
Kulay pula ang suot niyang damit Masangsang ang amoy ng bulaklak Napaso ako sa mainit na kaldero
2.Paggamit ng tiyak at kongkretong detalye. Halimabawa, sa halip na sabihin mong “maliit at payat ang babae,” sabihin
mong “mga 4’10” lamang ang taas at mga 85 libra lamang ang kanyang timbang.
3.Paggamit ng mga tiyak na pangangalan at pandiwa. Halimbawa sa halip na “manok,” gamitin ang “tandang” o “inahin.”
Sa halip na “tumakas,” isulat ang tumalilis.
4.Paggamit ng mga tayutay, tulad ng pagwawangis (metaphor) at pagtutulad(simile). Halimbawa, sa halip na sabihin
mong “maputi ang babae,” maaari mong isulat na “kasimputi ng labanos ang babae.
Sa halip na sabihin mong “matapang si Pedro,” banggitin mong “isang tigre si Pedro.” Sa paggamit ng pagtutulad at
pagwawangis na ganito, nakabubuo ang mambabasa ng mas maliwanag na imahe.
5.Paggamit ng mga idyoma.

6.Paglalarawan sa espasyo at oras nang sunod-sunod. Halimbawa, maaari mong ilarawan ang biyahe mo sa bus mula sa
simula hanggang sa iyong destinasyon. Maaari mo ring ilarawan ang sapa mula sa pinanggalingan niyon hanggang sa
mapasama iyon sa ilog. Makakatulong sa iyo ang mga paraan na ito sa paglikha ng mas maliwanag ng imahe sa isipan ng
iyong mambabasa.

PAGLALAPAT

Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap sa bawat bilang. Tukuyin ang wastong ekspresyon ng paglalarawan.
Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Tukuyin ang salitang “bahay.” Sa tiyak na pangngalan at pandiwa. A.bakasyunan B. kubo C.pahingahan D.tahanan

2. Wow! Parang di- madapuang langaw si Leroy sa suot nitong tuxedo. A. Bagong laba ang damit. B. Bagong plantsa ang
damit. C. Mabaho at marumi ang damit. D. Maganda ang bihis

3. Tukuyin ang idyomang naglalarawan sa salitang “nagkasakit.” A. Nagpatingin sa manggagamot. B. nasa banig ng
karamdaman C. Nilalagnat siya. D. Siya ay nakahiga sa kama.

4.Ilarawan ang “mabilis na kotse” sa tulong ng isang kongkretong detalye. A. 100 Square Meters C. 80 Kph B. isang
pulgada D.10 cubic meters

5. Ang anak ni Aling Agnes ay tila maamong kordero kaya laging pinupuri ng kanyang guro. A.mabait na bata
C.masunuring bata B.magalang na bata D.matulunging bata

PAGLALAHAT

Panuto: Lagyan ng ✓ (tsek) ang patlang sa bawat pahayag kung angkop ang salitang may salungguhit sa loob ng
pangungusap.

_____ 1. Walang kahulilip ang kasiyahan ng mga Pilipino sa gitna ng tinatamasa nilang biyaya ng lupang kanilang
sinasaka.
____ 2. Si Dr. Jose Rizal ay namumuhay nang maligaya sa tahanang punong-puno ng pagmamahal.

_____ 3. Ang matatabang lupain ay tila ginto na umaakit sa mga prayle upang kamkamin.
_____ 4. Ang mga pandak na punongkahoy ay pinapapatay ng mga prayle. Wala raw pakinabang ang mga ito.
_____ 5. Nakakasilaw ang kislap ng araw.

IV. PAGTATAYA/EBALWASYON:

1. nakadamit na panluksa A. kulay itim na suot C. marangyang suot B. madilim sa mata D. nakasuot ng katutubong damit
2.nawalan ng kulay ang mukha A. ayaw magmake-up C. nakakita ng multo B. nagtanggal ng make-up D. namutla
3.kanyang kaibigang sumakabilang- buhay A. namahinga C. nawalan ng hininga B. namatay D. pumunta sa ibang lugar

4. magsunog ng kilay A. mag-aral na mabuti C. naglakbay sa ibang bansa B. nagkilay is life D. sinunog ang kilay

5. itinatwa A. ginawan ng istatwa C. hindi pinansin B. hindi pinakinggan D. ipinagkaila

V. TAKDANG ARALIN

Basahin ang pahayag na nasa kahon. Ipaliwang ang pahayag ayon sa naunawaan mo sa tinalakay na aralin.
“Magiging mabisa at malinaw ang imahe at mensaheng nais ihatid kung gagamit ng wastong ekspresyon sa
paglalarawan.”

Inihanda ni:

NONAMER B. LABACO
Guro
Binigyang pansin ni:

CHARLEMAGNE F. LANGAMAN
Principal 1

You might also like