You are on page 1of 25

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI – Western Visayas
DIVISION OF ROXAS CITY
Banica, Roxas City

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO I PARA SA PAGTUTURO NG


PAGTUNOG AT PAGSULAT NG TITIK Mm
(Ang buong banghay-aralin ay ituturo ng dalawang araw.)

I.Layunin:
A. Pamantayang Pangnilalaman:
-Naipamalas ang kakayahan sa mapanuring
pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
-Naunawaanang ugnayan ng simbolo at tunog
-Nagkaroon ng pagpaunlad na kasanayan sa
wasto at maayos na pagsulat
B. Pamantayan sa Pagganap
-Makasagot sa mga tanong tungkol sa
napakinggang kuwento;
-Nakasulat nang may wastong baybay,bantas at
mekaniks ng pagsulat
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto:
-Nasasagot ang mga tanong tungkol sa
kuwento(F1PN-IIa-3)
-Nabibigkas nang wasto ang tunog ng
bawat letra ng Alpabetong Filipino(/m/),
(F1KP-IIb-1)
-Nakakasulat nang malalaki at maliliit
na titik “Mm”(F1PU-IIa-1.11:c1.2;1.2a)

II. Nilalaman
A. Sanggunian:Grade I Curriculum Guide 2018
B. Kagamitan:laptop, projector, mga larawan sa
kuwento na nagsisimula sa tunog na /m/,
worksheets
C. Paksang Aralin:Ang Kuwento “ Ang Matulunging
si Miko”;Pagbigkas ng Tunog at Pagsulat ng
Titik “Mm”
III.Pamamaraan

*Unang Araw*

A.Pagsisimula ng bagong aralin:


Pakantahin ang mga bata ng “Bagong
Alpabetong Filipino”

B.Paghahawan ng balakid:
Ipakita ang mga sumusunod na salita na
hango sa kuwento. Ipaliwanag ang mga ito
gamit ang pangungusap.

1.nagligpit-nag-ayos
Pagkagising sa umaga, nagligpit si Ana
ng kanyang higaan.
2.nagkukumpuni-nag-aayos
Nakita ko si kuya na nagkukumpuni ng
aming mga sirang silya.
3.nadapa-natumba
“Kawawa naman ang lolo, nadapa
siya dahil sa sobrang pagod at init”
4.parangal-gantimpala
Nakatanggap si Lito ng isang
parangal sa paaralan dahil sa kanyang
katapatan.

C.Pangganyak na tanong:
Ipakita ang aklat sa mga bata. Itanong
ang mga sumusunod:

1.Ano ang pamagat ng ating kuwento?


2.Ano-ano ang makikita sa pabalat ng ating
aklat?
3.Ano-ano ang gusto ninyong malaman mula
sa ating kuwento?
D.Paglalahad ng kuwentong
“Ang Matulunging si Miko”

E.Pagtatalakay sa kuwento
Itanong ang mga sumusunod sa mga bata.
* Bakit maagang gumising si Miko?
* Ano-anong mga tulong ang ginawa
niya sa kanyang ate at kuya? Sa
kanyang nanay? Sa kanyang tatay?
* Sino ang nakita ni Miko nang
papunta na siya ng paaralan?
* Paano niya tinulungan ang matandang
babae?
* Anong uri ng bata si Miko?
* Kung ikaw si Miko, gagawin mo rin
ba ang kanyang ginawa? Bakit?

F.Pangkatang Gawain
Hatiin ang klase sa 5 pangkat. Bawat grupo
ay magpapakita ng mga gawain na kaya na
nilang gawin na nakakatulong sa kanilang
mga magulang.

*Ikalawang Araw*

G.Pagpakilala/Pagpakita ng mga larawan


mula sa kuwento na nagsisimula sa pag-
aaralang tunog.
Magpakita ng mga larawan sa mga bata.
Ipasabi sa kanila ang mga pangalan ng mga
larawang ipapakita. Ipataas ang mga kamay ng
mga bata kapag alam nilaang pangalan ng mga
larawan. (Ipakita ang mga larawan nina
Miko,Ate Mila, Kuya Mikey, Nanay Meding,
Tatay Milong, matanda at larawan ng mangga).
Sabihin ulit ang mga pangalan ng mga
ipinakitang larawan.
H.Pagpapakilala ng tunog.
Ipasabi sa mga bata ang pangalan ng mga
larawan habang nagpapalakpak sila ng kamay.
Iparinig ang unang tunog ng bawat pangalan
at ipabigkas ito sa mga bata. Itanong sa
kanila kung ano ang unang tunog na
kanilangnarinig sa bawat pangalan na
kanilang binigkas. (tunog ng letrang
“m”/m/).
Ipakilala ang tunog /m/ sa mga bata.
Ipaulit sa kanila ang pagtunog nito.
Ipabigkas muli ang tunog titik “m” sa bawat
pangkat na ituturo ng guro. Itanong kung
sino sa kanila ang makabigkas ng tama ng
tunog na titik “m”. Magpabigay pa sa mga
bata ng mga ngalan ng bagay na nagsisimula
sa titik “m”? (Bigyan pagkakataon ang mga
bata na nagtataas ng kamay na
makasagot).Ipaulit ang pangalan sa ibang
mag-aaral na nakikinig habang nagpapalakpak
ng kamay.
Pangkatin ang klase sa 5. Bawat grupo
ay paramihan ng pagguhit ng mga bagay na
nagsisimula sa tunog na /m/.

I.Pagpapakilala ng simbolo
(Ipakita ang simbolo ng malaki at
maliit na titik “Mm”. Ito ang malaking titik
“M” at ito ang maliit na titik “m”.

J.Pagpapasulat ng letra
(Ipakita sa mga bata kung paano isulat
ang malaki at maliit na titik “Mm”.Ipasulat
sa kanila una ang malaking titik “M” sa
hangin. Pagkatapos sabay silangbibilang
habang isinusulat nila ito sa hangin, sa
kanilang mukha, sa likod ng kaklase at sa
mesa. Ang susunod na gagawin nila ay ang
pagsusulat ng malaking titik “M” habang
sinasabi ang pangalan ng letra,pangalan na
nagsisimula sa “M” at ang tunog nito. (hal.
Titik M(Unang kumpas paibaba),alimango
(ikalawang kumpas paibaba), /M/(ikatatlong
kumpas). Magpabigay sa mga bata ng mga
pangalan mula sa kuwento na nagsisimula sa
malaking titik /M/.
Ang sunod nilang isusulat ay ang maliit
na titik “m”. (Ipakita ang pagsulat ng titik
“m”sa hangin, sa mukha, sa likod ng kaklase
o sa mesa habang nagbibilang). Ipaulit sa
mga bata ang pagsulat habang sinasabi ang
pangalan ng letra, pangalan na nagsisimula
sa titik “m” at ang tunog nito.Pagbigayin
din ang mga bata ng mga ngalan mula sa
kuwento na nagsisimula sa maliit na titik
/m/.

K.Tatawag ang guro ng batang susulat sa


pisara.
Ipasulat sa mga bata ang malaki at
maliit na letra sa pisara. (Ipakita sa
kanila ang tamang pagsulat nito habang
nagbibilang o gumagamit ng pangalan ng
titik,pangalan nanagsisimula sa “m” at ang
tunog nito)Gamitin ito na parang
nagtithink aloud ang guro.
Magpasulat sa mag-aaral sa pisara ng
malaki at maliit na titik “Mm”.

L.Pagpasulat ng letra sa papel.


Para sa pagsasanay ng pagsulat ng
malaki at maliit na titik “Mm” sa papel.
Bigyan ng worksheet ang bawat mag-aaral para
sa pagsasanay. Maglibot at magmasid habang
ang mga bata ay nagsusulat upang malaman
kung sino sa mag-aaralang kaya na at kung
sino pa ang nangangailangan ng tulong.Ito ay
bahagi na ng ebalwasyon.
IV. Pagtataya:
1.Ipabigkas ang pangalan ng larawang
ipapakita ng guro sa mga bata.Patayuin
sila kapag ang larawan ay nagsisimula sa
titik “Mm” at bigkasin ito ng tama.
Paupuin sila kapag ang larawang ito ay
hindi nagsisimula sa letrang “Mm”.
2.Magpasulat ng letrang “Mm” sa papel.
Gumamit ng rubrics sa pagbigay ng marka
dito.

V. Takdang Aralin:
Magpahanap sa mga bata ng mga
larawanna nagsisimula sa tunog at titik
“Mm”.Ipadikit ito sa kanilang kuwarderno
sa Filipino.

- W A K A S -

Inihanda ni:

BEDELYN B. PARAS
Master Teacher I
Venancio Alba Elementary School
Division of Roxas City
General Technical Educational Rights Comments
General
Title Banghay Aralin sa Filipino I para sa pagtuturo ng
pagtunog at pagsulat ng titik “Mm”

Language Filipino
Keywords Filipino Grade I, Big Book, Hiligaynon, Pagiging Matulungin,
Titik Mm
Description Ang kuwentong “ Ang Matulunging si Miko” ay tungkol sa
pagiging matulungin ng isang bata . Ito ay ginamit bilang
lunsaran ng banghay aralin sa Filipino I tungkol sa
“Pagtunog at Pagsulat ng Letrang “Mm”
Cataloguer
File Name Lesson Plan in Filipino I (Titik Mm)
Primary Media Microsoft Word
Primary Storage Microsoft Word
Resource Location DepEd, Schools Division of Roxas City
External Resource
Identifier
Publication Date
Date Created January 8, 2018
Date Modified February 28, 2018

General Technical Educational Rights Comments


Technical
File Size
File Type Pdf
Operating System Any
Software Pdf reader
Number of Pages Lesson Plan (6), Kuwento (14 )
General Technical Educational Rights Comments
Educational
Material Type Curriculum/Teacher/Learner
Education Type K to 12
Grade K to Grade 3
Learning Area Filipino
Content/Topic Pagtunog at Pagsulat ng Titik “Mm”
Content Standards -Naipamalas ang kakayahan sa mapanuring
pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
-Naunawaan ang ugnayan ng simbolo at tunog
-Nagkaroon ng pagpaunlad na kasanayan sa
wasto at maayos na pagsulat
Performance -Nakasagot sa mga tanong tungkol sa
Standards napakinggang kuwento;
-Nakasulat nang may wastong baybay,bantas at
mekaniks ng pagsulat
Competencies -Nasasagot ang mga tanong tungkol sakuwento
(F1PN-IIa-3)
-Nabibigkas nang wasto ang tunog ng
bawat letra ng Alpabetong Filipino(/m/),
(F1KP-IIb-1)
-Nakakasulat nang malalaki at maliliit na titik “Mm”
(F1PU-IIa-1.11:c1.2;1.2a)
Related topics EDukasyon sa Pagpapakatao
Objectives Pagiging Matulungin

Intended Users All types of learners


Accessibility All types of learners
Resource Type Learning resource

General Technical Educational Rights Comments


Rights
Author Bedelyn B. Paras
Copyright Bedelyn B. Paras
Copyright Owner DepEd, Schools Division of Roxas City
Copyright Banica, Roxas City
Address
Copyright Email bedelyn.paras@deped.gov.ph
Copyright URL
Condition of Use Download, print, reproduce for educational purposes
Rubrics sa Pagsusulat

5 – Tama ang istrok at laki.


Naisulat sa linya ng maayos at malinis ang
pagkasulat ng titik.

4 - Tama ang istrok at laki.


Naisulat sa linya ng maayos ngunit di-malinis ang
pagkakasulat ng titik.

3 - Tama ang istrok at laki.


Di-maayos ang pagkakasulat sa linya at di-malinis
ang pagkakasulat ng titik.

2 - Tama ang istrok ngunit di-tama ang laki.


Di-maayos ang pagkakasulat sa linya at di-malinis
ang pagkakasulat ng titik.

1 - Hindi tama ang istrok at laki.


Di-maayos ang pagkakasulat sa linya at di-malinis
ang pagkakasulat ng titik.

You might also like