You are on page 1of 22

Malamasusing Banghay Aralin sa Filipino

Kindergarten

I. Layunin

1. Natutukoy ang mga bagay na nagsisimula sa tunog ng letrang Ss.

2. Nabibigay ang simulang tunog ng letra/titik Ss.

3. Naisusulat ng maayos ang letra/titik Ss.

II. Paksang Aralin

Pagkilala ng letrang Ss.

A. Sanggunian

Matuto at Manguna sa Filipino Kindergarten 2 , pahina 19-20

B. Kagamitan

*Mga larawan na nagsisimula sa letrang Ss.

*Picture Word Cards

*Realia

C. Pagpapahalaga

Matutong magpasalamat sa mga regalo o ibinibigay na mga bagay.

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Pagbati
*Panalangin Ama Namin.
*Pagtatala ng liban Present po.

B. Pagbibigay ng pamantayan
Ano nga ang gagawin natin kapag nagsasalita si Dapat pong making.
teacher ditto sa harapan?
Tama
Ano pa? Dapat po ay maupo ng maayos.
Tama
Ano pa? Dapat po hindi makipag-usab sa katabi.
Tama
Kaya naman tandaan din natin na huwag tayong Opo.
mang-abala sa katabi natin lalong-lalo na kapag si Noong birthday ko po teacher.
teacher ay nagsasalita sa harapan.

C. Pagbalik-Aral
Noong nakaraan naibahagi n ani teacher Malou
ang tungkol sa titik Rr at ang tunog nito.
Ano nga ang tunog ng Rr? /r/
Tama
Sino ang makapagbigay ng mga bagay na Radyo po, relo,
nagsisimula sa letrang Rr? regalo
Tama

C. Pagganyak
Naranasan niyo na bang mabigyan ng regalo? Opo
Kalian ito nangyari? Sa kaarawan ko po.
Tama!

D. Paglalahad
Dahil dyan, may ipakikilala ako sa inyo.
Isa siyang bata na may kaarawan din.
Siya si “Sam”.
Ano ang kanyang pangalan? Sam po.
Ang pangalang Sam any may unang tunog na /s/
na nagsisimula sa titik Ss.

Pwede ba nating tulungan si Sam magbukas ng Opo


kanyang mga regalo?

E. Talakayan
Ang mga regalo ni Sam ay nakalagay sa isang Sa selopin po.
lalagyan. Alam niyo ba kung ano ang tawag dito?

Tama! Nakalagay sa selopin ang mga regalo ni


Sam.

Sabihin niyo nga “selopin”. Selopin


Ang salitang selopin ang nagsisimula sa titik Ss at
ang tunog ng titik Ss ay /s/.

Kayo nga? /s/


Maihalintulad natin ang tunog ng titik Ss sa tunog
ng ahas /s/.

Ngayon kakanta tayo habang magbubukas ng


mga regalo.

*Kukuha ang mga bata ng regalo ni Sam na nasa


loob ng selopin. Habang sila ay magbubukas nito
kakanta ang buong klase ng “Ano ang tunog ng
titik Ss?”

Kakanta ang guro pagkatapos ay susunod ang


mga bata.
Ano ang tunog ng titik Ss (halaw sa kantang “The
Wheels on the Bus”.
Ano ang tunog ng titik Ss? Titik Ss, titik Ss.
Ano ang tunog ng titik Ss? ssssssssssssssss… Ano ang tunog ng titik Ss? Titik Ss, titik Ss.
Ano ang tunog ng titik Ss? ssssssssssssssss…
Nabuksan na ang unang regalo ni Sam, Ano ang
tawag sa bagay na ito?
Sumbrero po.

Tama! Ito ay sombrero. Ang salitang sumbrero


ang nagsisimula sa tunog na /s/.
/s/
Ano nga ang simulang tunog ng salitang
sumbrero?

Tingnan niyo nga sa pisara kung may sombrero


Meron po.
ba?
Sige nga idikit ang larawan at salita ng sombrero
sa may pisara. (pumili ng mag-aaral-gumamit ng
picture word card)

Kakanta ulit ang mga bata, pagkatapos ay


tanungin sila kung ano ang laman ng regalo?
Pangalawang regalo

Nabuksan na ang pangalawang regalo ni Sam,


Ano ang tawag sa bagay na ito? Sapatos po.

Tama! Ito ay sapatos.


Ano naman ang simulang tunog nga salitang
sapatos? /s/
Sige nga idikit ang larawan at salita ng sapatos sa
may pisara.
(Gawin ang kanta at tanong hanggang mabuksan
lahat ng regalo ni Sam)

Pangatlong regalo ni Sam.

Salamin po

Pang-apat na regalo ni Sam

Sando po

Panglima na regalo ni Sam

Sinturon po
Suklay po
Pang-anim na regalo ni Sam

Sipilyo po
Pangpitong regalo ni Sam.

Pangwalong regalo ni Sam. Sabon po

Saranggola po

Pangsiyam na regalo ni Sam.

Singsing po.

Pangsampo na regalo ni Sam.

Singsing po.

F. Paglalahat
Ngayon at natukoy niyo na ang mga regalo ni
Sam, isa-isahin nga nating basahin ang mga salita
ng mga bagay ng kanyang regalo.

*Ito ay sumbrero.
Na may unang tunog na ?
Ano nga ang tawag sa titik na ito?
Isulat nga natin sa hangin ang titik Ss.
Sumbrero
/s/
Ituro ng guro ang sapatos, sipilyo, salamin,
Titik Ss po.
sinturon, singsing, sando, sabon,saranggola at
suklay. sapatos, sipilyo, salamin, sinturon, singsing,
Na may unang tunog na? sando, sabon,saranggola at suklay.
Ano nga ang tawag sa titik na ito? /s/
Isulat nga natin sa mesa ang titik Ss sa Ss
pamamagitan ng ating daliri.

May naiisip pa ba kayong mga bagay na


nagsisimula sa tunog na Ss? Meron pa po.
Sibuyas, sili, sitaw, siko, sako
Pagpapahalaga:
Ano ba ang dapat nating gawin kapag binibigyan
tayo ng mga regalo lalong-lao na sa kaarawan Magpapasalamat po.
natin?

Tama. Sa lahat ng bagay na ibinibigay sa atin ay


dapat natin yang ipagpasalamat.

IV. Paglalapat

Isulat sa pisara ang simulang tunog ng mga bagay.

(Ang guro ay tatawag ng mga mag-aaral)

__ingsing __umbrero

__aranggola __ando

__uklay __inturon

__ipilyo __apatos

V. Pagtataya

Panuto: Bilugan ang larawan kapag ang bagay ang nagsisimula sa tunog na Ss. (Ang guro ay magbibigay nga
worksheets)
VI. Kasunduan

Panuto: Isulat sa patlang ang mga nawawalang titik upang mabuo ang mga salita.
Annex
sapatos
sal
ami
n
sando
sintu
ron
suklay

sipilyo
sa
bon
saran
ggola

singsing
som
brero
Pangalan:
Panuto: Bilugan ang larawan kapag ang bagay ay nagsisimula sa titik na Ss.

Pangalan:
Panuto: Bilugan ang larawan kapag ang bagay ay nagsisimula sa titik na Ss.
Takdang Aralin

Panuto: Isulat sa patlang ang mga nawawalang titik upang mabuo ang mga salita.

__________________________________________________________________________________________________

Takdang Aralin

Panuto: Isulat sa patlang ang mga nawawalang titik upang mabuo ang mga salita.

You might also like