You are on page 1of 3

Masusing Banghay sa Unang Baitang

I. Layunin
 Nabibigay ang simulang letra/ titik ng mga larawan.
 Nasasabi ang simulang tunog ng letra/ titik Ss.
 Naisusulat ng maayos ang letra/ titik Ss.

II. Paksang Aralin


Pagkilala sa letrang Ss.
A. Sanggunian
K – 12 Curriculum Guide
LM page 35 - 37
B. Kagamitan
 Mga larawan na may nagsisismulang letrang Ss
 Visual Aids
 Realia

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Panalangin
Pagtatala ng liban

A. Pagbalik- Aral
Kahapon ay tinalakay natin ang titik Mm at Aa.
Itanong kung ano ang tunog ng titik Mm at Aa?

B. Pagganyak na Tanong

Kumakain ba kayo ng prutas at gulay? Opo!


Bakit kaya mahalagang kumain ng prutas at gulay?

Pagganyak
Si Sisa
Isang araw ay inutusan ni Aling Selsa ang kanyang
anak na si Sisa upang pumunta sa palengke. Siya
ay bumili ng iba’t ibang gulay at prutas tulad ng
saging , suha , sampalok, sibuyas, sitaw at sili.
Tuwang tuwa siya habang naglalakad pauwi sa
kanilang bahay.

C. Paglalahad
Si Aling Selsa po!
1. Ano nga ulit ang pangalan ng nanay sa kwento? Si Sisa po!
2. Sino nga ulit ang pumunta sa palengke? saging , suha , sampalok, sibuyas, sitaw at sili!
3. Anu- ano ang mga prutas at gulay na binili ni
Sisa?

Ilalagay ng guro ang sagot ng mga bata sa concept


map.

sampalok sili sibuyas

saging sitaw Aling Selsa

Sisa suha
D. Pagtalakay
Sa anong letra/ titik nagsisimula ang mga nasa
larawan?
Ano ang tunog ng letra/ titik Ss?

Ituturo ng guro isang kanta tungkol sa titik Ss.


(sa saliw ng “This is the way we brush our teeth”)

Ano ang tunog ng titik Ss, titik Ss, titik Ss


Ano ang tunog ng titik Ss,
Ss-Ss-Ss

Paano natin ito isinusulat?

E. Pagsasanay
 salamin
a. Magpapakita ang guro ng mga tunay na
 sandok
bagay(realia) at pipiliin ng mga bata ang mga
bagay na nagsisimula sa titik Ss.  sintas
b. Piliin ang larawan na nagsisimula sa letra/  sipilyo
titik Ss.  sabon
(Itataas ang titik ng tamang sagot) A o B  suklay
 sintoron
F. Paglalapat

Pangkatang Gawain:
Pangkat 1
Lagyan ng kahon ang mga larawan na nagsisimula
sa letra/ titik Ss.
Pangkat 2
Bilugan ang mga larawan na nagsisimula sa letra/
titik Ss.
Pangkat 3
Lagyan ng tsek ang mga salitang may simulang
tunog ng letra/ titk Ss.

G. Paglalahat
Ano ang pinag-aralan natin ngayon? Titik/ letrang Ss po!
Ano ang simulang tunog nito? (pasalita)
Paano natin ito isinusulat?

IV. Pagtataya
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
Isulat ang nawawalang titik sa patlang upang
mabuo ang salita para sa larawan. Kulayan ang
mga larawan.

 saging
 sisiw
 sombrero
 sapatos
 suklay
 silya
 sabon
 susi
V. Takdang Aralin
Gumuhit o gumupit ng limang larawan na
nagsisimula sa titik Ss.

Prepared By:
Irish Gay Arado
Vivialyn M. Madanlo
Angelina H. Teaño
ECED 4 – A

You might also like