You are on page 1of 3

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

The Learner…
demonstrates basic knowledge and skills to listen, read, and write for specific purposes.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP
The learner…
listens, reads, and writes for specific purposes.

I. Layunin
a. Nabibigay ang simulang letra/ titik ng mga larawan.
b. Nasasabi ang simulang tunog ng letra/ titik Ss.
c. Naisusulat ng maayos ang letra/ titik Ss.

II. Kagamitang Panturo


Sanggunian: K-12 Curriculum MT1PWR-lla-i-1.1 at MT1PWR-lb-i-1.2
TG p. 19-20
LM p. 32-33
Kagamitan: tsart, larawan, powerpoint
Pagpapahalaga: Nasasabi ang kahalagahan ng pagkain ng gulay at prutas.
Maayos na pakikitungo sa kamag-aral at kagrupo.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Balik-aral: Ipasulat sa pisara ang titik Mm at Aa.
Itanong kung ano ang tunog ng titik Mm at Aa?
B. Panlinang na Gawain:
1.1. Pagganyak na Tanong
Kumakain ba kayo ng prutas at gulay?
Bakit kaya mahalagang kumain ng prutas at gulay?

1.2. Pagganyak
Laro: Ano ako?
Magpapakita ang guro ng mga putol na larawan ng mga prutas at gulay at huhulaan ng mga
bata kung ano ang mga ito.

sampalok sitaw sibuyas

sili saging

2. Paglalahad
Babalikan ng guro ang mga larawang nabuo sa larong “Ano ako?”

sampalok sili saging sitaw sibuyas


3. Pagtatalakay
Sa anong letra/ titik nagsisimula ang mga nasa larawan?
Ano ang tunog ng letra/ titik Ss?
Paano natin ito isinusulat?
4. Paglalapat

a. Magbigay pa ng mga halimbawa ng salitang may simulang tunog ng Ss.


b. Piliin ang larawan na nagsisimula sa letra/ titik Ss.
(Itataas ang titik ng tamang sagot) A o B
c. Lagyan ng tsek ang mga salitang may simulang tunog ng letra/ titk Ss.

5. Paglilinang

Pangkatang Gawain:

Pangkat 1
Lagyan ng kahon ang mga larawan na nagsisimula sa letra/ titik Ss.
Ilagay sa tsart ang mga napiling larawan.
Pangkat 2
Bilugan ang mga larawan na nagsisimula sa letra/ titik Ss.
Pangkat 3
Isulat ang Malaki at maliit na titik Ss. Sabihin ang simulang tunog nito.

6. Paglalahat
Ano ang pinag-aralan natin ngayon?
Ano ang simulang tunog nito?
Paano natin ito isinusulat?

IV. Pagtataya
Isulat ang nawawalang titik sa patlang upang mabuo ang salita para sa larawan. Kulayan ang
mga larawan.

V. Takdang Aralin
Gumuhit o gumupit ng limang larawan na nagsisimula sa titik Ss.

Inihanda ni : Gng. RINALYN T. DAGUNO

_______________________ _____________________ ______________________


Observer Observer Observer
sampalok sili sibuyas

saging sitaw Aling Selsa

Sisa suha

You might also like