You are on page 1of 5

Mala-Masusing Banghay

Sa Filipino 1

I. Layunin

Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. nakakikilala ng pangalan ng larawan na nagsisimula sa
letrang /Aa/,
b. nakakasagot sa mga tanong tungkol sa maiking kwentong
narinig, at
c. nakakabigkas ng tunog/Aa/.

II. Paksang Aralin


 Paksa- Letrang Aa na may tunog/Aa/
 Sanggunian- Modyul sa panimulang pagbasa (pahina 28)
 Kagamitang pampagtuturo- biswal na presentasyon.
 Pagpapahalagang moral- pagbibigay ng halaga sa bawat
salitang nagsisimula sa letrang Aa.

III. Pamamaraan
A. Panimula
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtala ng liban sa klase
 Pagbabalik aral
-Ang guro ay magtatanong tungkol sa nakaraang topikong
tinalakay.
Mga gabay sa katanungan
 Anong letra ang ating tinalakay noong nakaraang
araw?
 Anong tunog ng letrang /Mm/ at /Ss/?
 Magbigay ng mga salitang nagsisimula sa bawat
letra.

 Pagganyak
-Pagpapakita ng totoong Alkansya
Mga gabay sa katanungan
 Anong bagay ito?
 Mayroon karin bang alkansya?
 Bakit naghuhulog o nag-iipon ng pera ang tao sa
alkansya?

B. Paglalahad

-Pagbibigay ng kahulugan sa mga sumusunod na salita na


nabanggit sa kwento.
Alkansya- ito ay ginagamit sa pag-iipon ng pera o barya.
Abaniko- ito ay gingamit na pamaypay.
-Paghahawa ng balakid
Gamitin sa pangungusap ang mga salita na;
 Alkansya
 Abaniko
-Ang guro ay maglalahad ng maikling kwento na
pinamagatang ‘’Ang alkansya ni Anna’’
Katanungan tungkol sa kwento
 Ano ang ibinigay ng lola ani Anna sa kanya?
 Gawa sa ano ang alkansya ni Anna?
 Ilang tig-lilimang piso ang inihulog ni Anna sa kanyang
Alkansya?
 Ano ang isang bagay na ibinili ni Anna gamit ang
perang galling sa kanyang alkansya?

C. Pagtatalakay
-Talakayin ng guro ang letrang /Aa/
 Pagpapakita ng larawan na nagsisimula sa letrang /Aa/
 Bigkasin ang pangalan ng bawat larawan
 Ipaulit ng dalawang beses ang pangalan
 Bigkasing muli ang salita at bigyang diin ang unang
tunog
D. Paglinang sa Kabihasaan

-Ipakilala ang iba pang mga larawan na nagsisimula sa


tunog na /a /.
E. Paglalapat ng Aralin sa Pang araw-araw na Buhay
-Magbibigay ang guro ng indibidwal na gawain

 Tukuyin ang larawan na nagsisimula sa tunog /a/.


Lagyan ng linya mula sa natukoy na larawan patungo sa
letrang /a/ na nasa bilog.

F. Paglalahat ng Aralin
-Mga katanungan
 Sa anong letra nagsisimula ang mga larawan na
pinakita ng guro?
 Ano ang tunog ng letrang Aa?
 Magbigay ng iba pang salita nag uumpisa sa tunog /a/.
G. Pagtataya ng Aralin
-Kilalanin ang bawat larawan. Lagyan ng kulay ang
larawang nagsisimula sa tunog na /a/.

H. Karagdagang Gawain
-Magsulat ng letrang Aa sa papel.

You might also like