You are on page 1of 29

K

Kindergarten
Quarter 1: Week 5 - Modyul 1: Mga Pangunahing Emosyon

ame/cid-manila
Kindergarten
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Mga Pangunahing Emosyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat/Writer: Jagilen M. De la Cruz MTI- Jacinto Zamora Elementary School
Editor: Amcy M. Esteban, Education Program Supervisor, Kindergarten & Special Education
Tagsuri /Reviewers/Validators : Lorna V. Candelario, PSDS, Maricel A. Basa, PSDS & Joie Fe D. Ancheta, PSDS,
Agustin P. Baldicanas, Principal III- Jacinto Zamora Elementary School
Tagaguhit/Illustrator: Jagilen M. De la Cruz, MT1
Tagalapat/Layout Artist: Lady Hannah C. Grillo, LRMS DepEd-Manila
Tagapamahala/Management Team: Malcolm S. Garma, Regional Director
Genia V. Santos, CLMD Chief
Dennis M. Mendoza, Regional EPS-in-Charge of LRMS and Regional ADM Coordinator
Maria Magdalena M. Lim, CESO V - Schools Division Superintendent
Aida H. Rondilla, Chief-CID
Lucky S. Carpio, Division EPS in Charge of LRMS and Division ADM Coordinator

ame/cid-manila
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region (Ex. Department of Education-Region III)

Office Address: ____________________________________________


____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________

ame/cid-manila
K
Kindergarten
Module 1: Mga Pangunahing Emosyon
Alamin/ What I Need to Know
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Ang modyul na ito ay nakalaan para sa mga mag-aaral ng Kindergarten. Mahalagang pag-aralan ang mga
gawain sa modyul na ito dahil ito ay makatutulong upang matutunan ang kahalagahan ng tamang pag-
aalaga ng sariling katawan. Ang mga tatalakayin sa modyul na ito ay maaaring magamit sa iba’t-ibang klase
ng sitwasiyon sa pagkatuto. Ang mga wika na gagamitin ay iba-iba din. Ang mga aralin ay nakaayos ayon
sa bagong Most Essential Learning Competencies na inilabas at inilathala ng Kagawaaran ng Edukasyon para
sa SY2020-2021. Ang pagkasunod-sunod ng iyong mababasa ay maaaring magbago ayon sa textbook na
ginagamit sa kasalukuyan. Ang mga pagsasanay sa modyul ay sasagutan ng mga mag-aaral sa Kindergarten
upang masukat ang kanilang nalinang na kaalaman mula sa modyul na ito.

Ang tatalakayin sa modyul ay ang mga sumusunod na aralin:


• Mga pangunahing emosyon (tuwa, lungkot, galit, takot)
• Mga emosyon na nararamdaman sa kuwento
• Pagbakat ng mga salita at bilang
• Pattern
• Pagbubuo ng mga gawaing sining
• Pagtukoy sa magkatulad na larawan
Pagkatapos masagutan ang modyul, ang mag-aaral ay inaasahang :
- Nakikilala ang iba’t ibang emosyon
- Nasasabi ang kasunod na larawan
- Naisusulat ang mga bilang ng larawan
- Nababakat ang mga salita
- Nakabubuo ng mga gawaing sining
Subukin/ What I Know-Pre-Assessment
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. (Pre-assessment)

Panuto: Iguhit sa blankong mukha ang damdamin na nararamdaman mo ngayon. Isulat


sa patlang na nasa kahon ang damdamin na iginuhit. Ikuwento sa kasama mo kung
bakit ganyan ang nadarama mo ngayong araw.

Ako ay ________________________.
Balikan/Review - Assessment
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Panuto: Kulayan ang damdaming mararamdaman sa bawat larawan.

tuwa lungkot galit takot

tuwa lungkot galit takot

tuwa lungkot galit takot

tuwa lungkot galit takot


Tuklasin/What’s New - Malikhaing Gawain/Creativity
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Awitin at alamin kung anong damdamin o emosyon ang ipinapahayag.

Kung Ikaw ay Masaya


Kung ikaw ay masaya, *tumawa ka!
*Ha ha ha!
Kung ikaw ay masaya, *tumawa ka!
*Ha ha ha!
Kung ikaw ay masaya,
Buhay mo ay sisigla.
Kung ikaw ay masaya, *tumawa ka!
*Ha ha ha!
* pumalakpak (Pumalakpak ng tatlong beses)
* Pumadyak (Pumadyak ng tatlong beses)
Kolaborasiyon/Collaboration at Krikal na Pag-iisip/Critical Thinking
Ipabasa sa iyong magulang ang mga maiikling kwento sa ibaba na nagpapahayag ng
iba’t ibang damdamin. Sagutin ang mga tanong pagkatapos ng kuwento upang ating
malaman ang kanilang nararamdaman.
Kaarawan ni Ana kaya kumpleto ang kaniyang pamilya. Nan doon si
nanay, tatay, ate at kuya para siya ay batiin at kantahan ng “Maligayang
Bati.” Ang bawat isa ay nag-abot ng munting regalo para kay Ana.
Nagdasal at nagpasalamat si Ana sa Diyos bago sila kumain. Tuwang-
tuwa si Ana dahil linuto ni nanay ang paborito niyang ‘spaghetti’ at bumili
din ng lechon manok si tatay.
Masayang-masaya si Ana kaya nagpapasalamat siya sa kanilang
lahat dahil naalala nila ang kanyang kaarawan.

1. Sino ang may kaarawan?


_____________________________________________________________
2. Ano ang naramdaman ni Ana sa kaniyang kaarawan?
_____________________________________________________________
3. Bakit kaya masaya si Ana?
______________________________________________________________
Kolaborasiyon/Collaboration - Babasahin ng magulang at sasagutan ng mag-aaral.
Huwag Malungkot Dahil Sa COVID by Jagilen De la Cruz
Si Bert ay mahilig maglaro ng habulan sa labas ng bahay kasama ang kaniyang mga
kaibigan. Ngunit nang dumami ang kaso ng mga taong may COVID19, kailangang
manatili muna sa loob ng bahayang lahat lalo na ang mga bata.
Napapatingin na lang si Bert sa kalsada mula sa kanilang bintana upang maalala ang
mga masasayang araw na naglalaro kasama ang kanyang ng mga kaibigan. Malungkot
si Bert dahil hindi muna sila makakapaglaro ngunit kailangang sumunod sa batas para
maging ligtas at huwag mahawa sa sakit na dulot ng Corona virus.

1. Saan mahilig maglaro ng habulan si Bert?


________________________________________________
2. Ano ang naramdaman ni Bert na hindi
siya makapaglaro sa labas ng bahay?
________________________________________________
3. Bakit kaya malungkot si Bert? Ano ang pwedeng gawin ni Bert sa loob ng
bahay para sumaya?_____________________________________________________
Paglinang ng Karakter/Character Building - Babasahin ng magulang at sasagutan ng
Manika Ko, Maglaro Tayo! by Jagilen De la Cruz
Isang araw, nakita ni Amy na nilalaro ng kaniyang kapatid ang manika na bigay ng
kaniyang Ninang. Nilapitan ni Amy ang kapatid at pinagalitan niya ito. “Huwag mong
laruin ang manika ko.”, ang sigaw ni Amy.
Narinig ito ng kanilang ina kaya kaagad na nilapitan ang magkapatid. Ipinaintindi ni
nanay kay Amy na dapat hindi niya sigawan ang kanyang kapatid. Ipinaliwanag din ng
kanyang ina na mas maganda kung magpapahiram siya ng gamit sa kanyang kapatid.
Kinausap din ng ina ang kapatid ni Amy na dapat magpapaalam muna siya sa may-
ari bago gamitin ang mga bagay na hindi sa kanya. Humingi ng tawad si Amy sa kapatid
at nangako din ang kanyang kapatid na hindi na niya uulitin ang kanyang ginawa.
Masayang naglaro ng manika ang dalawa at natuwa si nanay dahil sila ay nagkasundo
na.
mag-aaral.
1. Sino ang may-ari ng manika? _____________________________
2. Ano ang naramdaman ni Amy ng makita ang manika na
nilalaro ng kaniyang kapatid?_____________________________
3. Kung ikaw si Amy, magagalit ka ba sa iyong kapatid? Bakit?
Mahilig Manood si Buboy ng Nakakatakot na Palabas by Jagilen De la Cruz
Mahilig manood ng mga nakatatakot na palabas si Buboy. Isang gabi, nanaginip siya
na tumatakbo dahil hinahabol siya ng isang nakatatakot na nilalang. Takot na takot si
Buboy dahil palapit ng palapit ang halimaw sa kanya. Sumigaw at humingi ng saklolo si
Buboy pero walang nakakarinig sa kanya.
Maya-maya ay ginising siya ng kaniyang ama dahil siya ay sumisigaw habang
natutulog. “Anak, anak gising na. Bakit ka sumisigaw?”
“Hay, panaginip lang pala.” ang sambit niya pagkagising. Nagpasalamat at yinakap
ni Buboy ang kanyang ama. “Tatay, magmula ngayonhindi na ako manonood ng mga
nakakakot na palabas.”
1. Ano ang mahilig panoorin ni Buboy?
_________________________________________
2. Ano ang naramdaman ni Buboy noong
hinahabol siya?
_________________________________________
3. Bakit natatakot si Buboy? Ikuwento mo sa
sa magulang ang nakakatako mong karanasan _____________________________________
Malikhaing Gawain 1 - Creativity - Ang bawat kuwento ay nagpapahayag ng emosyon
o damdamin na minsan ay atin ding nararamdaman tulad ng tuwa, lungkot, galit at takot.
Bakatin, kulayan at iguhit mo ang mga ito.

Bakatin Kulayan Iguhit


Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at
mga kasanayan.

Malikhaing Gawain 2 - Creativity Emotion Stick Puppets

Mga Kagamitan: popsicle sticks,


colored paper, marker

Pamamaraan:
1. Gupitin ang mga colored paper ng
pabilog.

2. Gamit ang marker, iguguhit ang mukha


na nagpapakita ng tuwa, lungkot, galit at
takot sa mga ginupit na bilog na colored
paper.

3. Idikit ang popsicle sticks sa bilog at magkuwento kung kailan mo naramdaman


ang damdamin na ipinapakita habang hawak ang puppet.
Pagyamanin/What’s More
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Malikhaing Gawain 3 - Creativity

Playdough Emotions

Kagamitan: playdough

Pamamaraan:
1. Gumawa ng bilog na magsisilbing mukha.

2. Lagyan ng maliliit na playdough para sa mata, ilong, tenga, at iba pang


bahagi ng mukha.

3. Gumawa ng maraming mukha na nagpapakita ng iba’t ibang damdamin.


Panuto: Lagyan ng tsek () ang magkatulad na damdamin sa kahon.
Panuto: Bilangin ang mga damdamin na nasa loob ng kahon at isulat ang
sagot sa loob nito.
Isaisip/What I Have Learned
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Bakatin ang mga salita at basahin. Idugtong ang mga ito sa mukhang
nagpapakita ng ganoong damdamin.
Isagawa/What I Can Do - Kritikal na Pag-iisip (Pattern)
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
Panuto: Iguhit ang kasunod na damdamin sa guhit. (Emotion Pattern)
Susi sa Pagwawasto
Subukin
Panuto: Iguhit sa blankong mukha ang damdamin na nararamdaman mo ngayon. Isulat
sa patlang na nasa kahon ang damdamin na iginuhit.

Ako ay masaya. Ako ay malungkot.

Ako ay galit. Ako ay takot.


Balikan
Panuto: Kulayan ang damdaming iyong mararamdaman sa bawat larawan.

tuwa lungkot galit takot

tuwa lungkot galit takot

tuwa lungkot galit takot

tuwa lungkot galit takot


Maikling Kuwento 1
1. Si Ana ay may kaarawan.
2. Masaya si Ana sa kaniyang kaarawan.
3. Bakit kaya masaya si Ana? Hayaan sumagot ang
Maikling Kuwento 2
1.Mahilig maglaro si Bert sa labas ng bahay.
2. Malungkot si Bert.
3. Hindi niya nakakalaro ang kaniyang mga kaibigan. Hayaan magsalita ang bata.
Maikling Kuwento 3
1. Si Amy ang may-ari ng manika.
2. Nagalit si Amy.
3. Hindi, pagsasabihan ko lang nang maayos ang aking kapatid
Maikling Kuwento 4
1. Mahilig si Buboy sa nakatatakot na palabas.
2. Takot na takot si Buboy.
3. Dahil may humahabol sa kaniyang nakatatakot na nilalang.
Panuto: Ang bawat kuwento ay nagpapahayag ng emosyon o damdamin na
minsan ay atin ding nararamdaman tulad ng tuwa, lungkot, galit at takot.
Bakatin, kulayan at iguhit mo ang mga ito.

Bakatin Kulayan Iguhit


Pagyamanin
Panuto: Lagyan ng tsek () ang magkatulad na damdamin sa kahon.

  
 
Panuto: Bilangin ang mga damdamin na nasa loob ng kahon at isulat ang
sagot sa loob nito.

2 1
4 3
Isaisip
Bakatin ang mga salita at basahin. Idugtong ang mga ito sa mukhang
nagpapakita ng ganoong damdamin.

tuwa
lungkot
galit
takot
Isagawa
Panuto: Iguhit ang kasunod na damdamin sa guhit. (Emotion Pattern)
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like