You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
MIMAROPA REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OCCIDENTAL MINDORO
__________________________________________________________________________

BANGHAY ARALIN
UNANG BAITANG
PAKITANG- TURO (DECODING)

I. Layunin:
A. Mga Kasanayang Pampagkatuto:
1. Nabibigkas nang wasto ang tunog ng bawat letra ng alpabetong Filipino (FKP-IIb-1)
2. Nakasusulat ng malaki at maliit na letra na may tamang layo sa isa’t isa ang mga letra
(FIPU-IIa-1.11:c-1.2;1.2a)
B. Mga Tiyak na Layunin:
1. Nakikilala ang tunog /s/ at ang hugis nito;
2. Nasasabi ang unang tunog ng mga larawang ibibigay;
3. Naisusulat ang malaki at maliit na titik Ss;
4. Natutukoy ang angkop na larawan para sa mga salitang nagsisimula sa titik Ss.

II. Nilalaman
a. Paksang Aralin: “PAGKILALA SA TITIK Ss”
b. Kagamitang Panturo:
mga larawan, kuwento, worksheets, video (tunog ng titik Ss).
III. Pamamaraan
a. Panimula
1. Paghawan ng Balakid ( Maaring ipakita
sa pamamagitan ng kilos)
namangha - nagulat
tumalsik - tumilapon
2. Pagganyak / Pangganyak na Tanong
• Ano ang nararamdaman ninyo kapag nakakakita kayo ng mga
nakamamanghang bagay sa inyong sala”
• Ano ang ginawa ng bata sa mga nakakamanghang bagay sa kanilang
sala?

3. Pagpapakilala ng Paksa
• Ilahad ang kuwentong “Mga Sako sa Sala”.
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OCCIDENTAL MINDORO
__________________________________________________________________________

Mga Sako sa Sala


Ni: Rechille C. De Lara

Isang umaga, habang si Sara ay naglalaro sa sala, mayroon siyang napansin na ilang bunton
ng mga sako. Agad niya itong nilapitan at binuksan upang malaman ang laman ng mga ito.
Laking mangha niya nang makita niya na punong-puno ito ng laman. Ang unang sako ay may
lamang mga hinog at mapipintog na saging. Samantala, nang buksan naman niya ang
sumunod na mga sako, nakita niya ang malalaking santol at singkamas. Namangha si Sara sa
dami ng mga ito. Sa tuwa niya ay nilundagan niya ang mga sako. Natumba ang sako na may
lamang saging at natapakan niya ito. Nadulas siya kung kaya muntik na siyang matumba.
Maging ang susi na nasa kanyang bulsa ay nahulog din. Mabuti na lamang at nakakapit siya sa
mesa at hindi siya tuluyang natumba.

• Itanong ang sumusunod:


 Sino ang bata sa kuwento?
 Ano ang nakita niya sa sala?
 Ano ang ginawa ni Sara sa mga sako?
 Ano-ano ang laman ng mga sako?
 Bakit natumba ang sako ng saging?
 Kung ikaw si Sara, gagawin mo rin ba ang ginawa nya? Bakit?
Bakit hindi?
 Ano ang aral na natutuhan ninyo sa kuwento?

b. Pagmomodelo
1. Pagpapakilala ng Tunog /s/
• Balikan muli ang pangalan ng mga larawang nabanggit sa kuwento.
• Isa-isahin ang unang tunog ng mga larawan sa pamamagitan ng chant.
• Halimbawa: sako, sako, /s/, /s/, /s/
• Sabihin: Ang unang tunog na naririnig ko sa salitang sako ay /s/. Ulitin
ang chant ng dalawang beses o higit pa kung kinakailangan.
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OCCIDENTAL MINDORO
__________________________________________________________________________
• Sabihin: narito pa ang mga larawang nagsisimula o nag-uumpisa sa
tunog na /s/ . Gawin muli ang chant.

• Sabihin: Ngayon kayo naman, ibibigay ko ang pangalan ng larawan sa


pamamagitan muli ng chant at ibigay ninyo ang unang tunog sa
pamamagitan din ng pag-chant. (Maaari itong gawin sa pamamaraang
whole group at small group)

2. Pagpapakilala ng Titik Ss

• Ipakitang muli ang mga larawang nagsisimula sa titik Ss.

sayote sako

silya sapatos
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OCCIDENTAL MINDORO
__________________________________________________________________________

susi sili
Sabihin: Ang pangalan ng mga larawan ay nagsisimula sa titik Ss.
Anong titik ang mga ito? Ulitin mo nga____.
Ang titik Ss ay may tunog na /s/.

3. Pagsulat ng Titik Ss

• Sabihin: Ngayon naman ay pag-aaralan natin kung paano isulat ang


malaking titik S at maliit na titik s. Tingnan kung paano ito isinusulat.

• Sa pagsulat ng malaking titik S, sinusunod ang pattern na ito. (Maaring


ipasulat sa hangin, sa papel, sa palad, o sa likod ng mag-aaral).
Imomodelo muna ng guro ang tamang pagsulat nito, gamit ang bilang.
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OCCIDENTAL MINDORO
__________________________________________________________________________
c. Ginabayang Pagsasanay

Gawain 1:

Panuto: Bilugan ang mga larawan na ang pangalan ay nagsisimula sa tunog na


/s/.

Gawain 2:

Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang mga larawan na ang pangalan ay may pangunahing titik Ss.

d. Malayang Pagsasanay
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OCCIDENTAL MINDORO
__________________________________________________________________________
Gawain 1:

Panuto: Sabihin ang pangalan ng larawan at ang unang tunog ng mga ito.

Gawain 2:

Panuto: Ikabit ng guhit ang larawang nagsisimula sa titik Ss.

e. Pangkatang Gawain
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OCCIDENTAL MINDORO
__________________________________________________________________________
Pamantayan sa Pangkatang Gawain:

Rule 1: Igalang ang bawat isa.


Rule 2: Makinig sa Lider
Rule 3: Sumali sa Gawain
Rule 4: Kapag tapos na sa gawain, ipaalam sa pamamagitan ng palakpak.
Rule 5: Pumili ng isang miyembro para mag-ulat ng gawa ng grupo.

Pangkat 1: Kabilang Ako

Gupitin ang mga larawang nagsisimula sa tunog na /s/ at idikit ang mga ito sa loob ng malaking titik
S.

Pangkat 2: Hanapin Mo!


Panuto: Hanapin at kulayan ng pula ang titik Ss sa loob ng kahon.
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OCCIDENTAL MINDORO
__________________________________________________________________________

m s s s s t
s q w r h s
s u i o n k
e s S s s l
f m x d g s
S a z a b s
s n v c n s
v s S s S p
Pangkat 3: Titik Ss Ito!

Panuto: Bakatin at isulat ang titik Ss. Sabihin ang tunog nito.

f. Pangwakas na Gawain
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OCCIDENTAL MINDORO
__________________________________________________________________________
-Ano ang tunog na ating tinalakay ngayon?
-Ano ang tawag sa titik na ito?
-Paano ito isinusulat?

IV- Pagtataya

A. Bilugan ang mga larawan na nagsisimula sa tunog na /s/.

1.

2.

4.

5.

Panuto: Isulat ang simulang titik ng pangalan ng mga larawan.

_ayote _aging

_usi _ilya
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OCCIDENTAL MINDORO
__________________________________________________________________________

_apatos _ingkamas

V. Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng mini-book ng mga larawang nagsisimula sa tunog na /s/. Isulat ang
letrang Ss sa isang buong papel.

Inihanda ni:

RECHILLE C. DE LARA
Teacher III

Sinuri nina:

JOVITA D. PAQUIBOT ADELARDO I. MALALUAN, PhD.


EPS – Kindergarten/Multi-grade/SPED EPS – English

EDUARDO I. ELLARMA
EPS – Filipino

Pinatunayan nina:

LOVELY GRACE F. SALAS LEA C. DE LARA


Dalubguro I Guro III
Tuguilan Elementary School Tayamaan Elementary School
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OCCIDENTAL MINDORO
__________________________________________________________________________
Mamburao District Mamburao District

FLORENCE NEIL D. GARCIA JEMIMA B. GREGORIO


Dalubguro I Guro III
Malpalon Elementary School Magsikap Elementary School
Calintaan District Rizal District

MARY GRACE T. BANDOY KENN LESTER B. DIAMANTE


Dalubguro I Guro I
Tayamaan Elementary School Sanog-lako Elementary School
Mamburao District Sta. Cruz District

You might also like