You are on page 1of 6

I.

LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag – aaral ay inaasahang:

1. natutukoy ang malaki at maliit na letrang Dd at tunog nito;


2. nakikilala ang mga bagay na nagsisimula sa letrang Dd; at
3. naisusulat ang malaki at maliit na letrang Dd.

Pagpapahalaga: Pakikinig ng mabuti sa nagsasalita: Pakikipagtulungan

II. PAKSANG ARALIN


A. Letrang Dd (Malaki at maliit na letrang Dd at tunog nito)
B. Sanggunian: K – 12 Curriculum Guide
C. Kagamitan: Mga bagay at larawan ng mga bagay na nagsisimula
sa letrang Dd, pandikit, marker, pangkulay, lapis, gunting, sagutang
papel, dyaryo o dahon, laptop

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG BATA


A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
 Ipikit ang mga mata… Diyos Ama, salamat po sa lahat…

2. Pagbati
 Magandang hapon, mga Magandang hapon, Ma’am…
bata!

3. Pag – eehersisyo Tayo’y Mag – ehersisyo, Bola ko’y


Bilog, Pito Pito, Ang Panahon
4. Pagtsetsek ng Attendance
 Kapag tinawag ko ang Opo.
pangalan niyo, sabihin
ninyo, “Nandito po.”
Maliwanag ba?

5. Pagtsetsek ng kalinisan ng
katawan
 Tignan nga natin kung (titignan ang mga kuko ng
malinis ang kuko… kaklase.)
B. PAGLALAHAD NG ARALIN
1. PAGBABALIK – ARAL
 Ano ang mga dapat Tatahimik at makikinig po.
tandaan kapag may
nakatayo na sa harap?
 Ano ang mga kailangang Mata at tenga.
ibukas?
 Kapag tinatanong, doon Sasagot at magsasalita.
lamang?
 Naaalala niyo pa ba kung Opo.
anong letra ang pinag –
aralan natin kahapon?
 Anong letra ang nakilala Jj
natin kahapon?
 Ano nga ulit ang tunog ni Jjjj… Jjjj…
Letrang Jj?
 Tama! Sino ang pwedeng jellyace, jet, Janelle, jackstone,
magbigay ng halimbawa jacket, jeep
ng mga tao o bagay na
nagsisimula sa letrang Jj?

2. PAGGANYAK
 Bago ako pumasok sa Donut, damit, dalawang piso,
paaralan, may kaibigan domino, damo, dahon, dilaw na
akong bumisita sa akin! krayola
Alam kong kilala na siya
ng iba sa inyo. Siya ay si
Dora. (Ipapakita ang
laruan na Dora.) Bukod
kay Boots, Diego at
Backpack, may kasama
pa siyang bago niyang
kaibigan. Siya ay si
Daniel, isang doktor.
(Ipapakita ang standee.)
May mga dalang gamit
sa kanyang backpack si
Dora. Kaso, may
problema siya! Hindi niya
alam ang pangalan ng
mga bagay na nasa
loob ng backpack niya.
Pwede niyo bang
tulungan si Dora at
Daniel sa pamamagitan
ng pagsasabi ng
pangalan ng mga
bagay na dala niya?
(Tatawag ng bata at
bubunot ng mga bagay
na nagsisimula sa
Letrang Dd na
manggagaling sa
backpack. Isulat ang
pangalan ng mga
bagay sa pisara.)
3. PAGTALAKAY
 Lahat ng mga bagay na
nakuha natin sa bag ni
Dora at ni Doktor Daniel Letrang Dd
ay nagsisimula sa
bagong letra na
ipapakilala ko sa inyo. Ito
ay si Letrang Dd. Ulitin
nga natin?
 Ang tunog naman ni Dddd… Dddd..
letrang Dd ay Dddd.
(Patunugin at gamitan
ng senyas – kamay)
Subukan niyo nga?
 Tumingin tayo sa pisara
at isa – isahin natin ang
mga bagay na nakita (Uulitin ang mga pangalan ng
natin sa loob ng bag ni mga bagay na nasa bag ni Dora.)
Dora. (Babasahin ang
mga pangalan ng
bagay at ipapaulit sa
bata. Ididiin ang letrang
Dd sa bawat salita.)
 Sino sa inyo ang gustong Ako po!
maging superhero?
 Gusto niyo bang Opo
makakilala ng bagong
superhero?
 Ngayon, may kwento si Makinig at tumahimik po.
Ma’am. Ano ang mga
dapat gawin kapag may
nagsasalita at
nagkukwento sa harap?

 Ano ang pangalan ng mga Dodong, Tatay Danny, Nanay


bida sa kwento? Dina at Duday
 (Magtanong pa ng ibang
tanong tungkol sa kwento.)
 Ano ulit ang pangalan ng Letrang Dd
letrang nakilala natin?
 Ang tunog ng letrang Dd ay? Dddd… Dddd… (gagamitan ng
senyas – kamay)

 Sino ang makakapagbigay dahon, damo, doktor, dilaw, dila,


ng iba pang halimbawa? durian

 Tama! Alamin naman natin (Ilalabas ang hintuturo at


kung paano isulat ang ipapasulat sa hangin.)
malaki at maliit na letrang
Dd. Ilabas ninyo ang inyong
magic pencil.
 Para makasulat ng malaking (Isusulat sa hangin ang malaking
letrang D, magsisimula tayo letrang D.)
sa bughaw hanggang
bughaw, guhit patayo, balik
sa taas, at pakurbang guhit.
(Isusulat sa pisara.)
 Para sa maliit na letrang d, (Isusulat sa hangin ang maliit na
magsimula tayo sa pula, letrang d.)
pakurbang guhit, balik sa
taas at mula sa bughaw
papuntang bughaw, guhit
patayo. (Isusulat sa pisara.)
 (Magtatawag ng bata sa (Magsusulat ng Letrang Dd sa
harap para isulat sa hangin hangin gamit ang iba’t ibang
ang letrang Dd gamit ang bahagi ng katawan.)
palad, daliri, paa at pwet.)
 Subukan nga sa pisara, (Magsusulat ang bawat grupo sa
Group 1. (Tawagin ang mga pisara.)
susunod na grupo.)

4. PAGLALAHAT

 Tignan nga natin ang Daan po.


larawan sa harap. Ano ang
nakikita niyo?
 At ito naman? (Ididikit ang Mga sasakyan po.
mga sasakyang may
larawan.)
 Sa loob ng may kotse at may
mga larawan. Ibigay ang
pangalan ng mga bagay na
nasa larawan.
(Ipapadiin ang tunog ng letrang Dd
habang ibinibigay ang pangalan
ng mga larawan.)

Daga, duyan, doktor, damo,


dahon, daliri

Sa anong letra nagsimula ang mga Letrang Dd


bagay na ito?

Ano ang tunog ng letrang Dd? Ddddd…. Dddddd…


5. PAGLALAPAT
Pangkat I. (Teacher supervised)
Mosaic : Letrang Dd
Layunin: Makilala ang letrang Dd.
Kagamitan: Sagutang papel,
pandikit, tuyong dahon
Pamamaraan:
a. Magpunit ng mga tuyong
dahon.
b. Idikit ang piraso nito sa loob
ng Dd na sagutang papel.

Pangkat II. (Independent)


Painting: Letrang Dd

Layunin: Makilala ang letrang Dd.


Kagamitan: Water color, sagutang
papel, lapis, cotton buds
Pamamaraan:
a. Kulayan ang letrang Dd
gamit ang water color at
cotton buds. Huwag
kalimutang sulatan ng
pangalan.

Pangkat III. (Independent)


Magkulay: Letrang Dd
____ dila
w
Layunin: Makilala ang malaki at
maliit na letrang Dd.
Kagamitan: Pangkulay, lapis at
sagutang papel
Pamamaraan:

 Kulayan ng luntian ang


malaking letrang D at dilaw
naman ang maliit na letrang
d. Huwag kalimutang isulat
ang pangalan.

Pangkat IV. (Independent)


Letter Sort: Cut and Paste

Layunin: Makilala ang malaki at


maliit na letrang Dd.
Kagamitan: pandikit, pangkulay,
lapis, gunting at sagutang papel
Pamamaraan:
 Gupitin ang mga letrang Dd
na nasa gilid ng sagutang
papel.
 Idikit ang malaking letrang D D
sa sasakyan kung saan
naroon ang malaking letrang
D. Idikit naman ang maliit na
letrang d sa sasakyang may
maliit na letrang d.
 Kulayan ang sasakyan
pagkatapos. Huwag
kalimutang isulat ang
pangalan.

IV. PAGPAPAHALAGA

Pumalakpak kung ang bagay na ipapakita ay nagsisimula sa Dd at


pumadyak kung hindi.

V. TAKDANG ARALIN

Gumupit ng limang (5) larawan na nagsisimula sa Dd. Idikit ito sa


notebook.

VI. PUNA

Inihanda ni:

Christine Janelle L. Ringor


Student Teacher

You might also like