You are on page 1of 2

SITIO TAPAYAN ELEMENTARY SCHOOL

Ika-30 ng Hulyo, 2019

Banghay Aralin sa MTB-MLE

I. LAYUNIN
Natutukoy ang mga salitang naglalarawan sa kulay, hugis, laki, bilang o dami sa
pangungusap o kuwento

II. PAKSANG ARALIN


PAKSA: IKAWALONG LINGGO
Ang Nais Ko sa Aking Paglaki
Pagtukoy sa salitang naglalarawan sa kulay, hugis, laki, bilang o dami
SANGGUNIAN: K-12 C G p64, PG 66-68, KG 54-55
KAGAMITAN: tarpapel, tv, tsart, chalk at board

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Balikaral

B. PAGGANYAK
Magpalaro ng “Pinoy Henyo”.
Itanong kung ano ang naramdaman ng mga bata habang naglalaro at kung paano
nila inilarawan ang salitang pinahuhulaan.

C. PAGLALAHAD
Pagbasa ng guro ng maiksing kwento.

D. PAGTATALAKAY

1. Ilan ang inahing manok na nakakita ng butil? (isa)

Gaano karami ang butil ng palay? (marami)

Ano ang tinutukoy ng isa at marami? ( bilang o dami)

2. Ano ang naglalarawan sa pusa? (puti)


Ano ang tinutukoy ng salitang puti? ( kulay)
Ano ang naglalarawan sa aso? (mataba)
Ano ang tinutukoy ng salitang mataba? (laki)

Pangkatang Gawain
Pangkat I
Pangkat II
Pangkat III
Pangkat IV
Pangkat V

E. PAGLALAPAT
(magsasabi ang guro ng bagay at ilalarawan ng magaaral)

F. PAGLALAHAT
Ano ang tawag sa salitang naglalarawan?
Ano ang tinutukoy nito?

IV. PAGTATAYA

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

1. Si Karen ay bumili ng limang ampalaya upang lutuin para sa tanghalian. Alin ang
salitang naglalarawan?
a. Ampalaya b. lima c. lutuin

2. Si Mang Nestor ay may alagang matataas na puno ng mangga. Ang salitang


matataas ay naglalarawan ng __________________.
a. laki b. bilang c. hugis

3. Alin sa mga sumusunod na salita ang maaaring gamitin sa paglalarawan ng mga


bata?
a. Makikinang b. matatamis c. malulusog

4. Ang puno ng santol ay may mabibilog at malalaking bunga. Ang salitang mabibilog
at malalaki ay naglalarawan sa _____________________.
a. kulay at dami b. hugis at laki c. hugis at kulay

5. Ang batang si Minda ay matangkad. Aling salita ang ginamit sa paglalarawan?


a. Minda b. matangkad c. bata

V. TAKDANG ARALIN

Sumulat ng 5 halimbawa ng salitang naglalarawan at gamitin ito sa pangungusap.

Inihanda ni:

Dianne M. Patropez

You might also like