You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Unang Baitang

Gamit ang Estratehiyang Tahasang Pagtututro

I. Layunin:
a. Naibibigay ang simulang letra/titik ng mga larawan.
b. Nasasabi ang mga simulang tunog ng letra/ titik Ss.
c. Naisusulat ng maayos ang letra/titik Ss.

II. Paksang Aralin


Pagkilala sa Letrang Ss.

A. Sanggunian
K-12 Curriculum Guide
LM page 35-37

B. Kagamitan
Mga larawan na may nagsisimulang letrang Ss.
Visual Aids
Realia

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

I. Panimulang Gawain o Paglalahad

A. Pagbabalik Aral

Kahapon ay tinalakay natin ang Titik Mm.


Itanong kung ano ang tunog ng titik Mm?

B. Pagganyak na Tanong

Kumakain ba kayo ng prutas at gulay? Opo!


Bakit kaya mahalagang kumain ng prutas at gulay?

Pagganyak

Si Sisa
Isang araw ay inutusan ni Aling Selsa ang kanyang
anak na si Sisa upang pumunta sa palengke. Siya ay
bumili ng iba’t ibang gulay at prutas tulad ng saging,
suha, sampalok, sibuyas, sitaw at sili. Tuwang tuwa
siya habang naglalakad pauwi sa kanilng bahay.

C. Paglalahad Si Aling Selsa po!


1.Ano nga ulit ang pangalan ng nanay sa kwento? Si Sisa po!
2.Sino nga ulit ang pumunta sa palengke? Saging, suha, sampalok, sibuyas, sitaw at sili!
3.Anu-ano ang gma prutas at gulay na binili ni Sisa?
Ilalagay ng guro ang sagot ng mga bata sa concept
map.

II. Pagtuturo o pagmomodelo

D. Pagtatalakay

Sa anong letra/titik nagsisimula ang mga nasa


larawan?
Ano ang tunog ng letra/titik Ss?

Ituturo ng guro isang kanta tungkol sa titik Ss.


(sa saliw ng” This is the way we brush our teeth”)

Ano ang tunog ng titik Ss, titik Ss, titik Ss


Ano ang tunog ng titik Ss
Ss-Ss-Ss

Paano natin ito isusulat?

Salamin
Sandok
Sintas
III. Ginabayang Pagsasanay Sipilyo
Sabon
E. Pagsasanay Suklay
a.Magpapakita ang guro ngmga tunay ng Sintoron
bagay(realia) at pipiliin ng mga bata ang mga bagay
na nagsisimula sa titik Ss.
b. Piliin ang larawan na nagsisimula sa letra/ titik Ss.

IV. Malayang Pagsasanay

F. Paglalalapat
Pankat 1
Lagyan ng kahon ang mga larawan na nagsisimula sa
letra/titik Ss.
Pangkat 2
Bilugan ang mga larawan na nagsisimula sa Letra/titk
Ss.
Pangkat 3
Lagyan ng tsek ang mga salitang may simulang tunog Titk/letrang Ss po!
ng letra/titik Ss. (pasalita)

G. Paglalahat
Ano ang pinag aralan natin ngayon?
Ano ang simulang tunog nito?
Paano natin ito isinusulat?

Prepared by:

ANGELA L. TONGA
Teacher III/DemoTeacher
Apad Eleemntary School

You might also like