You are on page 1of 2

SIR DEO-JHS GUEST SPEAKER

Sa ating ama ng San Jose Sub-Office, Dr. Joel B. Lubis, sa ating


Tagapamanihala ng mga Paaralan ng Batangas Province, Dr. Marites A. Ibañez,
sa kinatawan ng Tagapamanihala ng mga Paaralan; Gng. Annabel Magalona, sa
Punongguro ng mga paaralan dito sa San Jose Sub Office, sa ating Punong
Bayan Kgg. Valentino R. Patron, Pangalawang Punong Bayan Kgg. Noel J,
Virtucio, sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan, sa aming Sangguniang
Barangay sa pamumuno ni Brgy Captain Romeo A. Raz, sa aming School Parent
Teacher Association Pres Roselle M. Robles at mga miyembro, sa mga magulang
at lalo na sa inyo; mga batang magsisipagtapos….Isang mapagpalang hapon po
ang aking bati sa inyo….

Isang karangalan sa akin ang humarap sa inyo upang maipakilala isang tao na
naging malaking bahagi ng pagdiriwang na ito ngayon; ang ating panauhing
tagapagsalita.

Taong 1968, Agosto 5… isinilang ang isang batang lalaki nina G. at Gng. Andres
at Antonia Garing sa Brgy. Sampaguita, Lipa City. Lumaki siya at natutong
makibaka sa buhay. Nag-aral ng primarya sa Sampaguita Primary School at
nagtapos ng elementarya sa Bolbok Elementary School Lipa City taong 1981.
Tunay pong maliit pa lamang ay kakikitaan na siya ng angking talino dahil
nagtapos siya ng elementarya na pang apat sa may karangalan. Pumasok siya
ng Sekondarya sa The Mabini Academy Lipa City at nagtapos taong 1984.
Kumuha ng kursong Batsilyer ng Pang Elementaryang Edukasyon sa Lipa City
Colleges at nagtapos taong 1994. Dito rin po siya kumuha ng Master of Arts in
Education noong 1994-1995. Naging isang tunay na guro siya nong May 29,
1994.

Siguro po ay sadyang itinadhana siya upang magsilbi at magbahagi ng


kaalaman sa mga batang San Josenians. Hindi man siya taga San Jose, ang
naging kabiyak naman ng puso niya na si Gng. Annaliza Atienza Garing ay
tubong San Jose at biniyayaan po sila ng 3 anak. 2 lalaki at isang babae.

Nagsimula po siya sa pagiging Guro I sa Tugtug ES noong June 15, 1995.


Naging bahagi po siya ng Paaralang Elementarya ng Tugtug ng 16 na taon at
dito rin po siya naging Guro II taong 2000 at Guro III nong July 12, 2004. Sa
dami ng mga naging accomplishments niya, naging Ulong Guro I kaagad nong
Agosto 16, 2010 at dahil dito nilisan po niya ang Tugtug ES upang magsilbi sa
ibang paaralan at napadpad siya sa Tampoy ES na ngayon ay Florencia A.
Masilungan MES. Maikling panahon lamang ang inilagi niya sa FAMMES dahil
nagkaroon ng kauna unahang National Qualifying Examination for School
Heads o NQESH at tunay nga pong napakaswerte niya dahil isa siya sa pinalad
na makapasa. Isa na po siyang Punongguro. Dahil dito, inilipat po uli siya sa
malaking paaralan; ang Taysan ES bilang Punongguro I taong 2011. Dahil nga
po bagito pa siya sa pamumuno, natuto siyang tumuklas, nagbasa, at nag aral
upang makipagsabayan sa laye ng kagawaran. At hindi nga po nabigo ang sir…
Lahat ng kaalaman niya ay talagang ibinabahagi niya sa bawat gurong
humihingi ng opinion niya. Hinangaan po siya ng buong distrito ng San Jose.
Taong 2016, natapos ang 5 taon niyang pagsisilbi sa taysan ES at napakapalad
po ng ating paaralan dahil dito po siya inilipat. Isa po ako sa napakaraming
guro na nabahaginan niya ng mga makabagong aspeto ng pagtuturo. Sa
panahon niya dito sa ating paaralan, nagkaroon po ng malaking pagbabago.
Ang dating maliliit na bata lamang na namamahay sa mga silid aralan, bigla po
nadagdagan ng mga kabataan pa na mas malalaki sa baitang 6. Siya po ang
may malaking ambag at hirap kung paano nagkaroon ng JHS ang ating
paaralan. Dahil nga po sa angkin niyang dunong nalagpasan po niya lahat ng
mga kinakailangan upang maaprubahan ang JHS sa ating paaralan. Taong
2019 ang dating Marcos Espejo Elementary School ay naging Marcos Espejo
Integrated School, unti unti po nagkaroon ng baitang 7 at baitang 8.
Napakalaking tulong po nito sa komunidad ndi lang Banaybanay 2.0 pati po
mga karatig barangay na hindi na aalis ng paaralan upang magsundo ng
sekondarya. Nakatipid ang mga magulang sa gastusin dahil ang karamihan po
ay naglalakad lang pagpasok sa paaralan. Salamat po Sir, sa adhikaing ito na
malaking hirap ninyo makamit lamang ng paaralan. Marami man po ang
pagsubok lagi po kayong may kaakibat agad na kasagutan. Natapos man po
ang 5 taon ninyo dito sa MEIS ay may iniwan po kayong tatak dito na patuloy
na pagyayamanin namin… Napakalaking accomplishment po ninyo ito. Bukod
po dito may ilan din po akong nakalap na accomplishments niya.. Naging
District, Area at Division Outstanding PE teacher noong 2006, District
Outstanding Teacher noong 2007, District & Division Teachers Mathematics
Contest Champion at National Athletics Coach and Trainer simula 1998
hanggang sa kasalukuyan. At ngayon nga pong hapon ito ay nakaharap sa inyo
ang 44 na bata, ang unang batch ng Baitang 10 na mag aangat ng antas na
nagpapasalamat sa inyo dahil ito na po ang bunga ng inyong pagpupunyagi.
Salamat po sir!!!

Ladies and gentlemen, parents and especially Grade 10 Completers, isang


matunog na palakpak para sa naging haligi ng inyong tagumpay, ating pong
salubungin ang ating panauhing pandangal G. IGMEDIO M. GARING, Principal
I of Pinagtungulan Elementary School, San Jose Sub Office…..

You might also like