You are on page 1of 47

Mga Salitang

Magkasingkahulugan at
Magkasalungat, Mga
Sitwasyong Pinaggamitan ng
Salita (context clues) at Gamit
ng Pormal na Depinisyon ng
Salita
PANUTO: Basahin at bilugan ang
salitang kilos sa bawat
pangungusap.

1.Si Bob ay tahimik na nagbabasa


ng aklat.
2. Ang mga bata ay nakikinig sa
kanilang guro.

3. Tinapon ni Helen ang kalat sa


basurahan.
4. Ang mga sirang damit ay
tinatahi ni nanay.

5. Napakaganda ng pinanood
niyang programa sa telebisyon.
PANUTO: Pumili ng mga salita sa
kanan na maaari mong itambal sa
mga salitang nasa kaliwa.

Note: Ang mga salitang iyong


pagtatambalin ay dapat may
kaugnayan sa isat-isa.
masarap tanyag
bago maigsi
mahaba mabuti
mabait luma
sikat malinamnam
Ano-ano ang mga pares ng salita
na iyong pinag tambal?
masarap-malinamnam
bago-luma
mahaba-maigsi
mabait-mabuti
sikat-tanyag
Pagkumparahin ang mga pares ng
salita sa bawat hanay
HANAY A HANAY B
masarap- bago-luma
malinamnam
mabait-mabuti mahaba-maigsi
sikat-tanyag  
Masaya sa Nayon
Masaya sa nayon, maligayang tunay,
Dito ay tahimik, payapa ang buhay;
Sagana sa isda marami ang gulay,
Na lasa’y masarap, sadyang
malinamnam.
Ayoko sa lungsod na lubhang
maingay,
Di tulad sa nayon na payapang
tunay;
Marumi ang hangin na hindi dalisay,
Napansin mo ba ang mga
salitang may salungguhit sa tula?

Ano-ano ang mga iyon?


Ano ang tawag sa mga sumusunod
na pares ng salita?

masaya-maligaya
tahimik-payapa
sagana-marami
masarap-malinamnam
Ang mga pares ng mga salita
ay magkasingkahulugan. Ang mga
salitang magkasingkahulugan ay
mga salitang magkatulad ang
kahulugan o pareho ang ibig
sabihin.
Halimbawa ng
magkasingkahulugan:

masaya-maligaya
mabagal-makupad
Ano naman ang tawag sa pares ng
mga salita sa ibaba?

maingay-payapa
marumi-malinis
Ang pares ng mga salita ay
magkasalungat. Ang mga salitang
magkasalungat ay mga salitang
magkaiba ang kahulugan o ibig
sabihin o magkabaliktaran.
Halimbawa ng magkaslungat:

matigas-malambot, mayaman-
mahirap,
maliwanag-madilim
Ang context clue ay paggamit ng
mga palatandaang nagbibigay
kahulugan sa mga salita
Halimbawa:
Paborito ni Mira ang bonsai kahit
ito ay bansot na halaman.

Ang salitang bonsai ay nagbibigay


ng kahulugan sa salitang bansot.
Minsan ay ginagamit din ang
pagbibigay ng halimbawa o hindi
direktang salita tungkol sa isang
bagay.
Halimbawa:
Paborito ko ang pagkain ng gulay.
Naubos ko ang inilagay ni nanay sa
tasa.
Ang salitang paborito ay nagbibigay
kahulugan sa salitang naubos.
Ngunit ang kadalasan na
ginagamit upang malaman ang
kahulugan ng salita ay ang
depinisyon. Malalaman mo ang
kahulugan ng salita gamit ang
diksiyonaryo.
Halimbawa:
Nagpadala ng liham ang aking ina
sa kaniyang kaibigan.
Ang liham ay sulat na naglalaman
ng mensahe, kaalaman, balita, na
pinadadala ng isang tao para sa iba.
Day 2
PANUTO: Isulat ang
kasingkahulugan ng mga salita at
ang kasalungat nito.
PANUTO:Punan ang patlang ng
angkop na salita. Isulat kung
magkasingkahulugan o
magkasalungat ang tinutukoy
sa pangungusap.
Ang salita ay ______________
kung ang pares ng salita ay
magkaiba ng ibig sabihin o
kahulugan.
Ang mga salitang mahaba-maiksi
ay ___________________.
Ang mga salitang nakakaawa-
nakakahabag ay _______________.

Ang salitang ____________________


ay tinatawag din na kabaligtaran ng
salita.
PANUTO: Isulat ang Tama kung
wasto ang pinapahayag sa
pangungusap at Mali naman kung
hindi.
________1. Masarap manirahan sa
isang nayon na payapa at tahimik.
________2. Dapat na pangalagaan
natin ang ating lugar
upang maging maayos at
matiwasay ang ating pamumuhay.
________3. Ang Lungsod ay isang
lugar kung saan maraming tao at
matatas na gusali, di tulad sa nayon.
________4. Linisin ang maduming
paligid. Maging malinis upang
makaiwas sa sakit kung nakatira ka
sa lungsod o kahit sa nayon.
________5. Huwag manirahan sa
lungsod dahil maraming nakatira
at mga sasakyan dito.
Quarter 4 WEEK 3:
Summative Test in Filipino
PANUTO: Isulat ang tamang
pagpapantig ng mga salita.
1. bakasyon
____________________________
2. kapaligiran
____________________________
3. dignidad
____________________________
4. paninindigan
___________________________
5. maalinsangan
____________________________
PANUTO: Punan ang patlang ng
wastong salitang kilos na
ginagamit mo sa tahanan, paaralan
o pamayanan.
6. Si Marvin ay _______________
sa kanyang kaibigan tuwing
matatapos siya sa gawaing itinakda
ng kanyang guro.
7. Hilig ni Menchie na
_____________________ ang mga
alikabok na nakikita niya sa
kanilang kasangkapan.
8. Noong wala pa ang pandemic,
ang mga mag-aaral sa MEIS ay
tumatayo ng tuwid habang
________________ ang
pambansang awit ng Pilipinas.
9. Tinutulungan ni Marife ang
kanyang Nanay sa
__________________ ng masarap
na ulam.
10. Pinulot ni John ang basurang
nakita sa may parke at
______________________ niya ito
sa basurahan.
PANUTO: Bilugan ang kahulugan
ng di-kilalang salitang may
salungguhit na makikita sa
pangalawang pangungusap.
11. Marusing ang bata sa
lansangan. Ang kaniyang damit ay
marumi din at siya’y nakayapak.
12. Mahalimuyak ang buong
hardin. Mabango kasi
ang mga bulaklak dito.
13. Masagana ang buhay ni Mang
Narding. Ang kaniyang pamilya ay
mayaman.
PANUTO: Salungguhitan ang mga
salitang magkasalungat sa bawat
parirala.
14. Maalong dagat at tahimik na
batis
15. Buntot na mahaba at maikli

You might also like