You are on page 1of 1

GAS 12 PTOLEMY

Pangalan: Earl Christian R. Josol Petsa: Nobyembre 23,


2023
Baitang at Seksyon: Gas 12 - Ptolemy

Bionote

Si Earl Christian R. Josol ay lumaki sa munisipalidad ng Tagum City, Davao Del Norte.
Nagtapos siya ng elementarya sa Visayan Village Central Elementary School taong
2017 at sa Tagum City National High School naman sa kaniyang Junior High School
taong 2021, kasalukuyan siyang nag-aaral sa paaralan ng Arriesgado College
Foundation Inc. bilang isang Senior High School student. Nakamit niya ang parangal na
may karangalan (With Honor) noong Grade 11 siya, naging Bise Presidente siya sa
kanyang silid-aralan at Rover Scout taong 2023 sa kanilang paaralan. Nakakuha rin
siya ng parangal katulad ng Most Valuable Player Award sa kanilang grupo sa paglalaro
ng basketball sa bayan ng San Isidro. Isa siyang magaling na manunulat siya ay may
husay sa pagsusulat ng mga tula, kanta, sanaysay, at iba pa. Siya ay aktibong kasapi
ng "Rover Scout of the Boy Scouts of the Philippines - Tagum City" isang organisasyon
na nagtataguyod ng mga aktibidad sa pamamagitan ng iba't-ibang training, camping, at
serbisyong pang-komunidad naglalayong itaguyod ang pagiging produktibo,
responsableng mamamayan, at pagtulong sa kapwa. Bilang isa sa mga kasapi ng
kanilang grupo siya ay tumutulong sa mga programang pagkakaroon ng bayanihan sa
kanilang komunidad na naglalayong panatilihing malinis ang kapaligiran, kasalukuyang
nagtataguyod ng proyektong "Pagtutulungan at pagdadamayan sa isa't-isa" na
naglalayong magbigay ng tulong sa mga nangangailangan at pagdadamayan sa mga
nahihirapang gumawa ng kanilang mga takdang-aralin at proyekto sa paaralan.

You might also like