Education – major in English sa University of Southeastern Philippines – Bislig Campus, Maharlika, Bislig City. Siya ay kasalukuyang permanenting guro sa Senior High School Department ng Barobo National High School, Division of Surigao del Sur at nagtuturo ng mga asignatura gaya ng Creative Writing, Practical Research 1 and 2, at Immersion Investigation Inquiries. Kasalukuyang koordeneytor at tagayo ng ALS Senior High School, Koordeneytor ng Campus Journalism, School Paper Adviser at elected bilang SPTA Secretary ng paaralan. Sa loob ng dalawang taon at limang buwan bilang isang permanenting guro, siya’y nakapaghakot na ng mga parangal mula sa mga patimpalak sa pagsusulat ng kuwentong pambata, pagsulat ng komiks, at bilang isang coach sa larangan ng pamamahayag at tagapayo sa isang pahayagang pampaaralan. Nooong 2021, siya’y naging coach sa nanalong Online Publishing Contest sa Divison Schools Press Conference ng Surigao del Sur. Sa sumunod na taon naman, nasungkit niya ang ikalawa at ikatlong puwesto sa pagsusulat ng kuwentong pambata na may pamagat na “Baba, baba!” at “Ang Mahiwagang Hipon”. Naging panalo din siya sa #Urmine Bookgrabbing Contest – Division Level sa parehong taon. Sa taong 2023, nakuha niya ang dalawang kampeonato sa pagsulat ng kuwentong pambata na may pamagat na “Habi ni Abi” at “Sipol”. Nakuha din niya ang ikatlong puwesto sa Storybook Writing Contest - Division Level na may pamagat na “Ang Pulseras ni Aira”. Sa parehong taon, panalo din ang pahayagang pampaaralan na siya ang naging tagapayo na may pangalang “Ang Bugwak” mula sa DSPC 2023. Bago nagtapos ang taon, nanalo siya sa Regional Level Comic Writing Contest na ginanap sa Balanghai Hotel, Butuan City na may pamagat na “Bandilyo”. Kasalukuyan siyang punong patnugot sa opisyal na pahayagang pandistrito ng Barobo 1 na The Spring Times. At isa rin siya sa mga manunulat ng An Madayaw, ang opisyal na pahayagan sa Filipino ng dibisyon ng Surigao del Sur. Sa katunayan, ilang artikulo na ang kaniyang nailathala sa nasabing pahayagan.