You are on page 1of 2

FILIPINO SA PILING LARANGAN

PERFORMANCE TASKS
YUNIT 4

• BIONOTE
Panuto: Ikaw bilang isang mag-aaral ay nakasusulat ng isang maikling bionote ng iyong
mapipiling guro o sabjek teacher sa High School Department. Nasa ibaba ang
halimbawa:
RENANTE D. MALAGAYO
Nagtapos ng Batsilyer ng Edukasyong Pansekundarya
sa Don Mariano Marcos Memorial State University sa La Union,
Master of Arts in Educational Management sa Polytechnic
College of La Union sa La Union, Master in Education Medyor sa
Filipino sa Lyceum Northwestern University sa Dagupan City at
kasalukuyan niyang tinatapos ang kanyang doktorado sa
Pampamahalaang Pamantasan ng Benguet sa La Trinidad
Benguet. Nakapagturo siya sa College of Saint Michael the
Archangel sa Dagupan City at Saint Mary’ s Academy sa Agoo,
La Union.
Kasalukuyan siyang nagtuturo sa Don Mariano Marcos Memorial State University,
South La Union Campus, Kolehiyo ng Sining at Agham, Kagawaran ng mga Wika sa
Agoo, La Union. May-akda siya ng mga aklat na Pagpapahalagang Pampanitikan,
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik,, Sining ng Komunikasyon Pang-Akademiko,
Pagbasa at Pagsulat sa Masining na Pananaliksik, at Masining na Pagpapahayag Tungo
sa Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pananaliksik at Pagsulat. Nakasulat na rin siya ng
mga modyul sa Filipino at kasalukuyan niyang tinatapos ang isa pang modyul sa Rizal.
Kasapi siya sa Kapisanan ng mga Guro sa Pilipinas, Reading Association of the
Philippines, Enlightened Group for Quality and excellence in Education, Inc., Asian
Intellect for Academic Organization and Development, Inc. Asian Academic Organization
in Research and Management, Philippine Professional Linkage from Various Disciplines,
Inc. Transcendence Academic Organization Inc., Pambansang Samahan sa Wika, Ink.,
at Philippine Association of Extension Programs, Inc.

• PANUKALANG PROYEKTO
Panuto: Ikaw ay miyembro ng Supreme Student Government ng iyong paaralan, bumuo
ng panukalang proyekto na makakatulong sa paaralan.

• ADYENDA
• KATITIKAN NG PULONG
Panuto: Ikaw ay miyembro o kalihim ng SSG ng iyong paaralan, at kayo ay mayroong
planong pagpupulong ukol sa nalalapit na Buwan ng Wika na pangungunahan ng inyong
samahan. Bumuo ng mga Adyenda at Katitikan ng inyong Pulong.

Pamantayan
Nilalaman at Kaayusan – 17%
Kasiningan at wastong gamit ng salita – 5%
Dating sa mambabasa – 3%
• PORTFOLIO NG PORTFOLIO
1. White Folder (Maging Malikhain sa Gagawing Design Cover)

“KOMPILASYON NG MGA SULATING AKADEMIKO SA


ASIGNATURANG FILIPINO SA PILING LARANGAN”
Inihanda ni: G. Juan Dela Cruz
STEM-12
G. Jose E. Vargas
Guro
2. Nilalaman
a. BIONOTE
b. PANUKALANG PROYEKTO
c. ADYENDA
d. KATITIKAN NG PULONG
DUE: MAY 22-23, 2023
Paalala: Maghanda para sa isang activity/quiz sa mga susunod na araw. Huwag mag-
alala dahil may nakalaang reviewer o panuto ukol dito.

MANGONGOLEKTA NG AWTPUT:
- Althea

You might also like