You are on page 1of 7

LESSON PLAN: DALUMAT SANAYSAY SA SALITANG NANGIBABAW…

Lesson Plan: Dalumat Sanaysay sa Salitang Nangibabaw sa mga Mag-aaral ng Edukasyon


Mga Pangalan

Layson, John Vincent A.

Agason, Jasmine C.

Barquilla, Genalyn O.

Calma, Joan O.

Dimaun, Bea Patrice S.

Garcia, Jessirene F.

Gonzales, Darlene Andrei Anne M.

Manaloto, Jorgie Mhay T.

Nucum, Angelica Monique M.

Nuqui, Romily M.

Pineda, Rona Joyce C.

Sunga, Katherine V.

Kurso at taon

BSED FILIPINO 1 - A

Isang bahagi na kahilingan sa pagtatamo ng disiplinang Dalumat ng/sa Filipino

Petsa

Ika-22 ng Hulyo Taong 2021

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY


LESSON PLAN: DALUMAT SANAYSAY SA SALITANG NANGIBABAW… 2

PANIMULA

Sa pagtuturo ng isang paksa o aralin, guro man o mga nagpapakapaham pa lamang sa


pagiging guro, mahalaga na magkaroon ng kahandaan. Hinggil dito, isang mahalagang bagay
ang ginagampanan ng banghay aralin o lesson plan sa guro, pagkat ito ay ang magsisilbing mapa
at iskrip niya habang nagtuturo. Ayon kay Stauffer, B. (2019), ang lesson plan pang araw-araw
na gabay para sa mga guro patungkol sa gagawing talakayan. Isinusulat ang mga dapat mahinuha
o matutunan ng kaniyang mga estudyante. Dito rin nakapaloob ang mga kinakailangang
kagamitan sa pagtalakay ng paksa, maging ang paraan kung paano niya gagawin ang talakayan.
Bukod pa rito, si Ki (2021) ay nagsabi na sa banghay aralin din ay nakapaloob ang mga layunin,
paksang aralin, mga kagamitan, pamamaraan at ebalwasyon na gagawin ng guro sa kaniyang
pagtuturo. Sa madaling sabi, ito ay ang nagiging direksyon ng guro sa kung papaanong paraan
niya ibabahagi ang kanyang ituturong paksa. Dito rin ay kaniyang nalalaman kung gaano nga ba
dapat siya katagal magturo at kung anong mga aktibidad nga ba ang dapat niyang ibigay
pagkatapos magturo. Ang nakalaang aktibidad sa banghay-aralin ay isang pagtataya upang
subukin ang kakayahan ng mga bata batay sa naituro sa kanila, ito ay isang instrumento upang
masubok ang kanilang mga nakuhang kaalaman.

Sa usapin naman ng pinagmulan ng salitang lesson plan o banghay-aralin sa Filipino,


tinalakay sa Online Etymology Dictionary na ang “lesson” ay isang salita na kadalasa'y
ipinahihiwatig ng aklat ng bibliya na nangangahulugang "isang bagay na dapat matutunan ng
isang estudyante ". Ang salitang ito ay mula sa lumang pranses na "lectio" sa Latin naman ay
"lectionem" na ang ibig sabihin ay "pagbasa", ito ay pangngalang kilos mula sa ganap na
pandiwari ng "legere" na nangangahulugan "basahin". Ang aralin o lesson ay isang aktidibad
na isinasagawa upang magkaroon ng kaalaman ukol sa isang bagay o pangyayari. Maaari rin
itong matutunan sa pamamagitan ng mga iba't ibang karanasan na nangayayari sa isang tao.
Binanggit pa rin ng Online Etymology Dictionary na ang salitang “plan” ay nagmula sa salitang
pranses na ang ibig sabihin ay “pagguhit at banghay.” Ang salitang "plan" sa pranses ay hango
rin sa salitang "plant" na nagmula sa salitang "planter" na ang ibig sabihin ay "magtanim,
magpatakbo, manatili.” Ang plano ay isang proseso na kung saan ay gumagawa ka ng bagay na
may katapusan o kapupuntahan. Ginagawa o iniisip ang plano bago gawin ang isang bagay at

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY


LESSON PLAN: DALUMAT SANAYSAY SA SALITANG NANGIBABAW… 3

kadalasan ito ay nakasulat o iginuguhit. Isinaad ni Hibahnaz (2010), ang lesson plan o banghay
aralin ay nagmula sa Gestalt psychology. Ang teorya ng gestalt na tumutukoy sa pagkatuto ay
isang malaking impluwensiya para sa pag aaral ng mga tao. Sa paaralan, ang kabuuan ay nakikita
sa kanyang parte o bahagi kaya naman ang bawat yunit ay may mahalagang tungkulin sa
pagkatuto. Kadalasan, ang mga mag-aaral ay naghihinuha ng pag-iintindi at pag-aalam sa
kabuuang konsepto sa pamamagitan ng mga yunit na ito. Ang mga makabuluhang aktibidad o
gawain ay may kaugnayan sa bawat isa, ang mga ito ay nagbibigay ng pagkatuto na may
layuning maintindihan ng bawat mag-aaral ang kabuuang konsepto. Sa usapin naman kung bakit
“banghay” ang ginamit bilang salin sa salitang “plan”, batay kay Ginoong Christian Paul Salunga,
(2021) isang lisensyadong guro sa Filipino sa paaralan ng Caduang Tete National High School,
ang salitang plano ay mas nababagay, mas angkop at mas madalas ginagamit ng mga inhinyero,
arkitekto at mga taong nagnenegosyo. Ang banghay ay isang salita na kung saan ito ay may mas
malalim na pagpapakahulgan kumpara sa salitang plano. Bilang isang guro maraming mga salita
ang umuusbong at ginagamit sa larang ng edukasyon na dapat kailangan nating malaman at
matutunan. Ang salitang plano ay hindi ginamit na paghalili sa salitang plan dahil ito ay isang
simpleng salita lamang na may mababaw na kahulugan. Ang banghay ay binalangkas na
sumisimbolo bilang isang pundasyon ng lesson plan dahil ito ang nagpapatibay at nagpapalakas
sa layunin ng mga guro.

Sa artikulo ni Stauffer B. (2019), ang isang lesson plan o Banghay Aralin ay binubuo ng
anim (6) na parte o bahagi at ito ay ang mga sumusunod: (1) Lesson objectives o ang mga
Layunin sa gagawing talakayan na inaasahang makakamit ng mga estudyante pagkatapos. (2)
Related requirements o mga kaugnay na kinakailangan sa pagtuturo na nakabatay sa
ipinanukala ng paaralan, dito nakapaloob kung ano dapat ang paksang ituturo sa araw na iyon. (3)
Lesson Materials o ang mga kagamitan sa pagtuturo tulad ng biswal eyds, modyul, at iba pa.
(4) Lesson procedure o ang mga pamamaraan kung paano ituturo ng guro ang paksa. Dito
nakapaloob ang magiging daloy ng gagawing talakayan, isinasaad din dito ang paraan ng
pagpapaliwanag sa paksa. (5) Assessment method o ang pagtataya upang matukoy kung may
natutunan ang mga estudyante, Halimbawa nito ay ang mga pagsusulit, o aktibidad pagkatapos
ng pagtatalakay. (6) Lesson reflection o ang pag eebalweyt ng guro patungkol sa nangyaring

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY


LESSON PLAN: DALUMAT SANAYSAY SA SALITANG NANGIBABAW… 4

talakayan, dito tinatalakay ang kinakailangang palaguin sa pagtuturo at ang mga naging mali
upang sa susunod na talakayan ay mas magiging epektibo at matitiyak na may matututunan ang
mga mag-aaral.

PAGTALAKAY SA SALITA

Sa propesyon ng pagtuturo, hindi maikakaila na maraming mga bagay, trabaho, gawain,


at responsibilidad ang nakaatang sa bawat araw. Isa sa malaking responsibilad mo ay ang
pagiging tiyak sa iyong mga gagawin sa klase at sa magiging resulta nito lalong higit na isa ka sa
mga daan upang humubog ng tao at makabuo ng iba pang propesyon. Isang gabay at
kapamaraanan upang magkaroon ng epektibong pagtuturo at mahusay na pag-aaral ay sa tulong
ng lesson plan o banghay aralin, dito nakapaloob lahat ng gagawin at layunin ng guro sa bawat
araw ng pagtuturo. Hindi na bago sa ating mga kaguruan o mga guro sa hinaharap ang salitang
lesson plan, dahil marinig pa lamang nila ito ay kulang na lang isarado nila ang kanilang mga
pandinig. Kung para sa iba na hindi guro, ito ay isa lamang ordinaryong mga hakbang upang
magkaroon ng direksyon ang isang guro sa kanyang pagtuturo at upang ito'y maging organisado,
ngunit para sa mga guro ito ay isang mabigat na trabaho dahil ito ay gumugugol ng maraming
oras. Hindi biro ang paggawa nito sapagkat kailangang pag-isipan ang mga hakbang na gagawin,
gaya ng kung papaano niya ituturo ang aralin sa mabisang paraan, ang mga aktibidad na
ipagagawa pagtapos ng talakayan, at kung papaano niya gagawin ang isang pagsusulit.

Karamihan sa mga student teacher na aming napagtanungan ay itinuturing nila na isa sa


mga pinakamahirap na gawain ng isang guro ay ang paggawa ng banghay aralin o lesson plan.
Lalong lalo na sa mga tulad nilang mga educ student pa lamang na nagpapakapaham at
nagpapakabihasa sa pagtuturo para sa kanilang napiling propesyon sapagkat ito ay kinakailangan
ng mahabang proseso, na kung saan dapat ang lahat ay organisado at sistematiko. Sa kabilang
dako naman, may mga ilang guro ang ginaganahan kapag naririnig nila ang salitang lesson plan o
banghay aralin dahil mas nagkaroon sila ng kumpyansa sa sarili at nagsisilbi rin itong iskrip sa
kanila. Naging gabay na ito sa pagtuturo sa mga bata at nalalaman nila ang mga hakbang na
dapat nilang gawin sa paggawa nito kaya malaking tulong ito sa mga guro hindi lang sa
nabibigyan sila ng gabay kundi kaya nilang maging organisado lalo na sa mga leksyon na dapat
nilang tatalakayin. Kaya hindi natin dapat ibaba ang tingin natin sa mga kaguruan, dahil malalim

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY


LESSON PLAN: DALUMAT SANAYSAY SA SALITANG NANGIBABAW… 5

at masistemang pag-iisip ang ibinubuhos nila makalikha lamang ng isang banghay-aralin. Kung
minsan pa nga ay nasasakripisyo maging ang kanilang kalusugan dahil inaabot talaga ng ilang
oras para lamang matapos ito. Hindi basta-basta ang paggawa nito, sapagkat ito ay isang proseso
na kung saan ito'y maingat nilang pinag-iisipan.

Nasasalamin ang kalidad at sistema ng edukasyon sa Pilipinas ang kulturang Filipino na


umiiral sa kasalukuyan. Isa sa isyung kinahaharap ng Pilipinas ay ang mababang kalidad ng
edukasyon dahil umano sa kadahilanang mababa rin ang sahod ng mga pampublikong guro.
Hindi nasasapatan nito ang pangangailangan, dahil mas nagpopokus ang ibang guro sa
paghahanap buhay kaysa sa pagtuturo. Kaakibat ng pagtuturo ang paggawa ng banghay-aralin o
lesson plan kung saan ito ang magiging takbo ng buong klase ngayon kung mga guro ay hindi
makagagawa ng komprehensibong banghay aralin hindi magiging ganoon kaganda ang
kalalabasan kaya naman nasasabing lumulubha ang kamangmangan ng maraming Filipino sa
kasalukuyan. Masasalamin din ang tinatawag na "tapal hilot" na pagtuturo sa isyung panlipunang
kinakaharap ng paggawa ng Banghay Aralin o Lesson Plan. Ang paggawa kasi nito ay kailangan
gugulan ng maraming oras at mabusising paglalapat ng araling aakma sa panahon, mag-aaral, at
sitwasyon sa kasalukuyan. Sa madaling salita kung ihahalintulad ang banghay-aralin sa buhay ng
tao ito ang nagsisilbing pagkain dahil ito ang kasi bumubuhay at patuloy na nagpapalakas sa
kaisipan at katawan ng tao.

Maaari rin nating maihalintulad ang lesson plan o banghay aralin sa mga desisyon natin
sa buhay sa kadahilanang kailangan muna natin itong aralin ng mabuti upang maging batayan ito
at kailangan maging maingat sa pagpapasya nang magkaroon tayo ng magandang kalalabasan at
desisyon. Bilang magiging guro sa hinaharap kakailanganin namin ito dahil ito ay nagiging
gabay para magkaroon ng isang direksyon sa pagtatalakay ng mga leksyon sa mga estudyante, sa
pamamagitan ng banghay aralin ay mas magiging organisado ang mga leksyon na dapat
tatalakayin. Bukod pa rito, kung iuugnay ang banghay aralin sa ating buhay ay nangangahulugan
itong aral. Kung baga sa ating buhay, ang lesson plan ang magsisilbing susi upang turuan tayo na
gumawa ng isang magandang plano sa ating buhay at ito ang magsisilbing daan upang gabayan
tayo sa paggawa ng mga desisyon na alam nating makabubuti para sa atin.

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY


LESSON PLAN: DALUMAT SANAYSAY SA SALITANG NANGIBABAW… 6

KONGKLUSYON

Bunga ng aming pagdadalumat sanaysay sa salitang banghay aralin o "lesson plan"


natuklasan ng aming grupo na sa pag-aaral pa lamang ng mga guro natin o ang mga magiging
guro pa lamang ay hindi maipagkakailang dumadaan o dumaan sila sa butas ng karayom. Ang
paggawa ng banghay aralin ay hindi isang gawaing maaaring dayain o hulaan lamang sa
kadahilaang dapat ito nakaangkla sa sistema, mag-aaral, at panahon. Dahil ang responsibilidad
ng isang guro ay kikiskis o patagin ang malubak na daan patungo sa tagumpay na inaasam ng
kanilang mag-aaral. Ang banghay aralin ay nasalamin din ng aming grupo sa sistema o kalidad
ng edukasyon sa Pilipinas, base rin sa aming pagtatanong sa mga guro sa Filipino at mga
nagpapakapaham palang natuklasan ang salimuot sa paggawa ng banghay aralin bilang kanilang
mapa patungo sa matagumpay na pagtuturo at pagkakapit ng kaalaman sa mga bata.

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY


LESSON PLAN: DALUMAT SANAYSAY SA SALITANG NANGIBABAW… 7

SANGGUNIAN

(1) Kahalagahan Ng Banghay Aralin Halimbawa at Kahulugan Nito. (2021, February 12).
Kahalagahan Ng Banghay Aralin Halimbawa at Kahulugan Nito. Philippine News.
https://philnews.ph/2021/02/12/kahalagahan-ng-banghay-aralin-halimbawa-at-
kahulugan-nito/?fbclid=IwAR2tjqJBrXCYO3-iV0drmh7FRYcQ-
kgExyaE0AXWX6BJy8HvIlVSOpFF59A.
(2) (Stauffer, B. (n.d.). What Is a Lesson Plan and How Do You Make One? Digital
Curriculum for CTE & Elective Teachers.
https://www.aeseducation.com/blog/what-is-a-lesson-plan.
(3) Hibahnaz. (2010, June 24). Lesson Plan: Definitions and Origins. The Undergraduate.
https://hibahnaaz.wordpress.com/2010/06/24/lesson-plan-definitions-and-origins/.
(4) Lesson. (n.d.). Retrieved July 20, 2021, from https://www.merriam-
webster.com/dictionary/lesson?fbclid=IwAR0EILYnTI-MOZvRtvjcsNh2-
_Bgu_0_oXfygLLYFqW79C2pTG0saWJIfE4
(5) Lesson: Search online etymology dictionary. (n.d.). Retrieved July 20, 2021, from
https://www.etymonline.com/search?q=lesson
(6) Plan: Search online etymology dictionary. (n.d.). Retrieved July 20, 2021, from
https://www.etymonline.com/search?q=plan

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY

You might also like