You are on page 1of 3

MARYHILL COLLEGE 1

Epekto ng paggamit ng Bilingwal na Lengwahe sa larangan ng asignaturang


Filipino sa paaralan ng Maryhill College INC.

Isinulat nina : Arlynne Bocadon


Maryrose Murcia
Mark Jacob Jinayon
Mariefe Roadilla

Gurong Tagapayo: Cristy Allen L. Sarote

Kurso: Bachelor of Science in Business


Administration

Taon: 2022

Uri ng Proyekto: Pananaliksik

Paaralan: Maryhill College

Natapos:
MARYHILL COLLEGE 2

KABANATA 1

INTRODUKSYON

ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NG PAG AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng panimula, lugar ng pag – aaral, balangkas na


teoretikal , balangkas na konseptwal , saklaw at limitasyon ng pag aaral, paglalahad ng
suliranin , kahalagahan ng pag aaral at kahulugan ng termino.

PANIMULA

Ang paksa ng aming pananaliksik ay ang Epekto ng bilingwal na lemgwahe sa


laramgan ng asignatirang Filipino. Matatalakay dito ang suliranin at katanggapan ng
mga mag-aaral sa Maryhill College. Sa patuloy na pag-unlad ng wika kasabay ng
patuloy na pag unlad ng pamahalaan . Mula sa mga dayalekto ng mga rehiyon nabuo
ang wikang pambansa. Malibam sa mga dayalekto at Filipinong isinasalita sa ating
bansa ay marami pang umiiral na lenggwaheng maririnig sa paaralan, sa mga
pampublikong lugar at maging sa langsangan. Maging Ingles, Español o iba pang
banyagang wika . Samakatuwid , hindi maitatwang ang bilingwalismo ay laganap sa
ating bansa.
Ang bilingwanismo ay ipinakikitang kakayahan sa pakikipag usap sa paman ng
dalawang wika. Ito’y hindi nangangahulugan ng kahit na anong natatanging kapantayan
ng ipinapakitang kakayahan o sa anumang natatanging uri ng pakipag usap.
Ayon kay Loren lowry (2016), maraming mga kabataan ang pinalaking bilingguwal.
Minsan, ang bilingguwal ay kailangan ng bata dahilan sa kasanayan ng mga magulang
sa pagsasalita ng isang lengwahe. Ayon naman kay Betty Birner (2016) ang pagiging
bilingguwal ay kayahang magsalita ng dalawang lengguwahe . Hindi imposible sa isang
tao na makapagsalita ng higit pa sa isang lengguwahe at maging bihasa sa pagsasalita
nito. Ang paksa ng aming pananaliksik ay ang Epekto ng bilingwal na lemgwahe sa
laramgan ng asignatirang Filipino. Matatalakay dito ang suliranin at katanggapan ng
mga mag-aaral sa Maryhill College.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

1.Ano- ano ang positibong salik ng paggamit ng bilingwal na lemgwahe sa larangan ng


pagkatuto ng mga mag aaral sa larangan ng asignaturang Filipino.

2.Ano ang epekto ng bilingwal na lemgwahe sa larangan ng pagkatuto ng mga mag


aaral sa larangan ng asignaturang Filipino sa mga terminong:
MARYHILL COLLEGE 3

2.1 Mabilis na pagkatuto ng mag aaral

2.2 Sa termino ng pakikipagkumonikasyon`

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa Epekto ng paggamit ng Bilingwal na


Lengwahe sa larangan ng asignaturang Filipino sa paaralan ng Maryhill College INC.
Ang magiging bunga o resulta ng resulta ng pananaliksik na ito ay mahalaga sa mga
sumusunod:

Sa mga mag-aaral, magiging mahusay sa nasabing larang at mas mauunawaan


nila ang nasabing larang gamit ang wikang Bilingwal/Lengwaheng Bilinggwal.
Masasanay o mahahasa din sa kanila ang pagggamit ng sariling wika at pati narin ang
ibang wika o sa madaling salita madedelop ang kanilang kakayahang gumamit ng
Bilinggwal na Lengwahe.

Sa mga baguhang mananaliksik, ang pag-aaral na ito ay magagamit nilang


batayan sa gagawin nilang pagsasaliksik patungkol sa wika. Bukod dito mas lalawak pa
ang kanilang kaalaman at bokabularyo patungkol sa bilinggwal na lenggwahe.

Sa mga guro, magagamit nila bilang pantulong ang mga nakapaloob sa


pananaliksik nito para mas maunawaan ang mga pangangailangan ng kanilang mga
mag-aaral. At mas madali nilang maipapaintindi o maipapaunawa sa mga mag-aaral
dahil ito ay maaring maging Filipino o Ingles dahil nga Bilinggwal.

You might also like