You are on page 1of 14

KABANATA 1

INTRODUKSYON

Ang Ingles ay isang wika na nagmula sa mga wikang Aleman na isang sangay
ng Indo-Europeong pamilya ng mga wika. May malaking populasyon ng mga nanalita ng Ingles
sa Estados Unidos, Nagkakaisang Kaharian, Canada, Australia, Bagong Selanda, Nigeria, Irlanda,
Pilipinas, Hong Kong, Singapore at ilan pang mga bansa. Dahil sa impluwensiya ng Reyno
Unido at Estados Unidos, naging lingua franca ito sa iba't ibang mga bansa. Ito'y ginagamit
pangkalawakan sa mga Komonwelt at mga internasyonal na mga organisasyon. Tinatala na ang
total ng mga nanalita ng Ingles bilang unang o ikalawang wika ay 500 milyon hanggang 1.8
bilyon na katao.

Ito ay ang wikang ginagamit ng halos lahat ng mga bansa sa mundo upang
makipagpalitan, makipag-usap at para sa pamamahagi ng impormasyon sa madla. Kaya ito
inaaral ay dahil ito rin ang ginagamit na midyum sa pakikipag-usap sa pormal na pamamaraan.Sa
henerasyon natin ngayon hindi lingid sa ating kaalaman na marami sa mga mag-aaral sa
sekondarya ang hindi pa marunong magbasa sa wikang Ingles o 'di kaya naman ay nahihirapan
pa rin sa paggamit at pag-intindi ng naturang wika at marami sa mga kabataang mag-aaral ang
hindi pa bihasa sa paggamit ng tinatawag na unibersal na wika.

Ang kasanayan sa paggamit ng wilang Ingles ay makatutulong sa pagkakaroon ng


trabaho sa hinaharap.Magagamit ang wikang Ingles sa pagpapabatid ng mga nais nating iparating
at pakikipag-ugnayan sa ating kapwa tao lalong lalo na sa mga banyaga.Halimbawa na lamang sa
pakikipagkalakaran ng ating bansa sa iba pang mga bansa,gimagamit ng wikang Ingles sa
internasyunal na kalakaran kung kaya't nararapat lamang na matutunan natin ang wikang
ito.Karamihan sa mga asignatura na itinuturo sa eskwalahan sa buong bansa ay gumagamit ng
wikang Ingles tulad na lamang sa asignaturang Matematika,Siyensiya at Ingles, sa mga
nabanggit wikang Ingles ang kalimitang ginagamit ng ating mga guro sa pagtuturo ngunit sa
panahon nga natin ngayon marami pa rin ang mga mag-aaral ang nakatungtong na sa sekondarya
ngumit hindi pa rin marunong magbasa at makaunawa ng wikang Ingles.Dahil dito naaapektuhan
ang kanilang kaalaman at ang kanilang pang-akademikong performans. Kung ating susumain ang
suliraning ito na madalas ay kinakaharap ng maraming mag-aaral sa ating bansa lalo na sa mga
mag-aaral sa sekondarya ay maikokonsodera natin na isang pang-akademikong suliranin na
nararapat lang na tugunang pansin ng mga guro at matataas na opisyal ng Departamento ng
Edukasyon.
Maaari nating masolusyunan ang ganitong uri ng suliranin sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mas mahabang pagpapasensya sa mga mag-aaral na hirap sa pag-intindi at
paggamit ng wikang Ingles at mutulungan natin sila sa pamamagitan na rin ng walang sawang at
walang pagsukong pagtuturo sa mga mag-aaral na dumaranas ng ganitong suliranin sa paggamit
ng wikang ingles.
Madalas na kinatatakutan ang wikang Ingles sa kadahilanang maramiang
sumisemplang sa pagsasalita ng wikang ito. Sa makabagonghenerasyon, ang kabataan ay may
mas malawak na kapasidad sa pagigingmatatas sa pagsasalita ng wikang Ingles. Kaya naman
nararapat lang naito ang gamiting wika upang mas mapadali ang kanilang pagkatuto. Ayon sa
pag-aaral ni Abraham (2008) “Ang lingguwahing ingles ayisa sa mga pinakaginagamit at
gnagagamit na wika sa boung mundo. Itorin ang pangunahing wika na ginagamit sa larangan ng
komersyotinatayang 25% ng tao sa mundo ang may alam ng wikang ito o kayanamay marunong
makapagsalita at makaintindi ng wikang inglesmasasabi ring ang wikang ingles ay ginagamit sa
paglalakbay atkasalukuyang maituturing na Lingua Franca ng diplomasya”. Kaya namansa
pamamagitan ng pag-aaral ng wikang ito ay magkakaroon tayo ngmalaking lamang higit sa ano
man.“Mayroong malaking kagandahan at kahalagahan ng wikang ingleslalo na at Malaki ang
naitutulong nito sa pagpapabuti ng karunungangbumasa at sumulat na naayon sa sa antaspang-
akademiko o pang-propesyonal”. (Kaidonis, 2006) Naayon ang pag-aaral ng wikang Ingles
sapagtaas ang alin mang antas pang-akademiko ng isang mag-aaral.Ayon sa pag-aaral ng
“implementasyon ng paggamit ng wikangIngles sa lahatng asignatura maliban sa Filipino”
kabanata 1 and 2, “Angimpluwensya ng wikang ingles ay may malaking epekto saa pag-aaral
sakasalukuyan”. Naayon ang wikang ito sa mas epektibong pagtuturosapagkat mas naiintindihan
ng mga mag-aaral ng mas higit kung ang mgaleksyon ay tunuturo sa wikang Ingles. Kaya naman
sa pamamagitan ngpagtuturo at pagpapalakas ng wikang ito ay mas mapapabuti pa ang
mgaakademikong pagsasanay at pagkamit ng mga mag-aaral.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay may paksang “KAKAYAHAN SA PAGGAMIT NG


WIKANG INGLES NG MGA MAG-AARAL SA SEKONDARYA AT EPEKTO NITO SA
KANILANG AKADEMIKONG PERFORMANS”
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay mabigyang tulong ang mga kabataang mag-aaral
na may matinding suliranin sa aspeto ng paggamit ng unibersal na wika. At naglalayong rin na
sagutin ang mga sumusunod na suliranin:

1. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng wikang Ingles para sa mga mag-aaral sa sekondarya at
bakit kainakailangan na matutunan ang wikang ito?

2.Paano nakakaapekto ang paggamit ng wikang Ingles sa pag-aaral ng mga estudyante na nasa
Junior at Senior High School?

3.Ano ang mga salik na nagiging dahilan ng problema ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang
Ingles?

4.Paano masosolusyunan ang suliraning ito?


BALANGKAS KONSEPTWAL

INPUT PROSESO OUTPUT

1. Personal na pag 1. Pagsusuri ng datos sa 1. Mas makabuluhang


kakakilanlan pamamagitan ng pag katuto ng mga
 Pangalan talatanungan. mag aaral sa pag
 Antas unawa at pag gamit ng
 Kasarian wikang ingles. At
upang mabigyang
importansya ang
nabanggit na wika.

2. Saloobin ng mga mag 2. Pagsiyasat ng mga datos


aaral sa sekondarya na kaugnay sa paksa ng
mag aaral sa
pamamagitan ng mga
artikulong tesis, internet
at iba pa.

3. Kahalagahan ng 3. Pagsasagawa ng
kasanayan at kaalaman panayam at pag obserba.
ng mga mag aaral sa
wikang ingles
KAHALAGAHAN NG PAG AARAL

SA PAG HAHANAP NG TRABAHO


Paano tayo makakahanap ng maayos at magandang trabaho kung hindi tayo
marunong gumamit ng salitang ingles. Kaya’t bigyang pansin at tugunan ang pag aaral upang
makahanap ng maayos na trabaho hindi lamang sa ating bansa kundi sa iba’t iba pa. at paano
tayo makikihalobilo sa iba’t ibang panig ng buong mundo. Kailangan natin ang kahalagahan ng
pag aaral upang magkaroon ng komunikasyon sa isa’t isa at mas lumawak pa ang ating kaalaman
ukol sa kanilang mga tradisyon sa kanilang bansa.
Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga sumusunod na mag-
aaral nahahasa agad ang kanilang abilidad sapagsasalita gamit ang wikang Ingles upang
magsilbingpaghahanda sa hinaharap at upang mas lumalim pa angkanilang bokabularyo at
lumawak pa ang pang-unawa sa wikang itinuturo.
Sa pang araw araw na paggamit ng wika aymagiging bihasa rin sila mga
personalidad sa loob ng kolehiyo. Sila rin ay maiimpluwensyahan sa paggamit ng wikang Ingles
sapamamagitan ng mga nakapalibot sa kanilang gumagamit din nito.
SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG AARAL

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad ng saklaw at limitasyon ng pag


aaral sa wikang ingles.
Ang layunin ng mga mananaliksik ay ang mga sumusunod:
Malaman ang epekto ng paggamit ng wikang ingles sa mga mag aaral na nasa
sekondarya at ang epekto nito sa kanilang pang akademikong performans.
Upang malaman kung hanggang saan ang kakayahan sa paggamit ng wikang ingles ng
mga mag aaral sa sekondarya.
At upang malaman kung nakatutulong ba sa pag aaral ng mga mag aaral na nasa
sekondarya.

LIMITASYON
Nalimitahan ang pag aaral na ito sa mga mag aaral sa sekondarya at hinahangad din ng
pag aaral na itona suriin ang mga pananaw at persepsyon ng mga mag aaral na nasa sekondarya
at ang epekto nito sa kanilang akademikong performans ng mga mag aaral.
KATUTURAN AT KATAWAGAN
Upang mas mapaigi pa ang kaalaman sa pag-aaral nito, ang mgasumusunod na salita
ay binigyan ng kahulugan:

Asignatura - lupon ng mga aralin na ginagamit ng mga estudyante upang matuto


Bernakyular - anumang wika o diyalektong ginagamit sa pagsasalita araw-arawng karaniwang
mga tao sa isang partikular na lugar.
Bilinggwalismo - ang paggamit ng dalawang uri ng wika o lenggwahe.datos. koleksyon ng
mga elemento o mga kaalaman na ginagamit sa mgaeksperimento, pagsusui, pag-aaral ng
isang bagay.
Fil-2 - asignaturang Filipino na nagtuturo ng pagbasa at pagsulat tungo sapananaliksik.Filipino.
ang pambansang wika ng Pilipinas
Gramatika - pag-aaral o palatuntunan hinggil sa isang wika; balarila.
Kaalaman - kakayahang nakukuha ng isang tao sa pamamagitan ng karanasan opag-aaral; ang
pagkakaintindi sa isang paksa, sa gawa man o sa kaisipan
Komprehensiyon - ang pag-unawa, pag-iintindi, o pagbibigay-kahulugan sanilalaman ng
teksto.lebel. palag, pantay, katumbas o kapares.
Lingua Franca - ay tumutukoy sa isang salita o dayalekto na ginagamit ngadalawa o higit pang
mga taong magkaiba ang pangunahing lengguwaheupangmakipagtalastasan sa isa't isa; ang
pambansang wika.
Pananaliksik - proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon nahumahantong sa
kaalaman.
Porsyento - reyso o antas na nagpapakilala bilang isang numero kada isangdaansarbey. proseso
kung paano makakuha ng isang datos o impormasyon.
Sarbey Kwestyuner - isang instrumento sa pananaliksik na binubuo ng isangserye ng mga
tanong para sa layunin ng pagtitipon ng impormasyon mula samga sumasagot.
Wika - masistemang balangkas ng sinasalitang tunog at kahulugan na pinili atinayos upang
magamit sa komunikasyon ng mga tao na nabibilang sa isangkultura.
KABANATA 2

Kabanata II: mga Kaugnay na literatura at Pag-aaral&apag-alaman namin ayon sa iba’t ibang
pinagmulan ng amingnakalap na literatura at pag-aaral na may kaugnayan sa amingpananaliksik
ukol sa mga epekto ng paggamit ng Ingles bilang midyum salahat ng asignatura sa colegio de
San juan de letran maliban sa Filipino kung gaano na lamang nauunawaan ng mga mag-aaral ang
kanilang aralin na tinatalakay sa bawat asignatura gaya na lamang ng matematiks na isa sa
nilalaman ng aming pagsasalik. Ilan sa aming mga naging motibasyon upang pagtibayin ang
aming pagsasaliksik at lalong palawakin ang aming mga kaalaman ay ang mga sumusunod :
A.Kaugnay na literatura.
Kaugnay na literatura local at mula sa lokal na publikasyon ng booklore na akda ni
nenita Papa (2000) na sa muling pagbabago ng ating Saligang batas noong 1972 nabago rin ang
mga probisyong pangwika. ganito ang isinasaas sa Artikulo XV Seksyon 3 pa rin:
A1.Ang Saligang batas na ito ay dapat ipahayag na Ingles at Pilipino ang mga wikang opisyal,
isalin sa bawat diyalektong sinasalita ng mahigit sa 50 libong taongbayan at sa Kastila at Arabic.
Sakaling may hidwaan ang tekstong Ingles ang mananaig.

A.2. Kaugnay na literatura Internasyunal mula naman sa isang masasabing internasyunal na


maykaugnayang panliteratura sa aming paksa na ang pamagat ay motibasyon at Atityud sa
Paggamit ng Wikang Ingles sa Pilipinas at ang Implikasyon nito sa Filipino bilang Wikang
Pambansa: Panimulang Pagtalakay sa Sikolohikal na Aspekto sa Pagpaplanong Pangwika ayon
kay Jayson D. Petras:
Sa mahigit isang siglo, litaw ang malaking papel naginagampanan ng wikang Ingles sa
kasaysayang linggwistiko ng Pilipinas. Nang sakupin ng mga Amerikano ang Maynila noong
1898 kaagad silang bumuo ng mga paaralan kung saan nagsilbingunang guro ang mga
Sundalong Amerikano at Ingles ang nagging midyum ng pagtuturo.
Simula noong nagpatuloy ang pag-iral ng nasabing wika sapagtuturo at pagkatuto. Sa
antas primarya pa lamang ay hinahasana ang mga mag-aaral sa pagsasalita ng wikang Ingles
nanakabatay sa pamantayang Amerikano. Marami pa ring asignatura gaya ng matematika at
Agham na konserbatibong itinuturo sa Ingles. Lahat ng ito ay nagbubunsod ng positibong atityud
sawikang Ingles at pagtingin nito bilang wika ng edukado at nakapangyayari at ng mga Pilipino
Ang papel na ito ay naglalayong suriin ang motibasyon at atityud sa wikang Ingles ng
mga Pilipino at ang implikasyon nito sapambansa at mga panrehiyong wika. Tinitingnan nito ang
nagging epekto ng mga patakaran sa edukasyon mula pananakop ng mga Amerikano hanggang
kasalukuyan sa paghubog ng kamalayan ngmga Pilipino hinggil sa Ingles at kulturang
Amerikano. Sa inisyal na pagtatayad kapwa lumilitaw ang instrumental at integratibong
motibasyon sa pagkatuto ng Ingles na siyang lumilikha ng mga partikular subalit nag-uugnayang
resulta napumapabor sa nasabing wika.
B.1. Kaugnay na Pag-aaral
Ayon sa lokal na pag-aaral ni Amamio 2000 mas magandang gamitin ang Ingles bilang
midyum ng pagtuturo dahil masmaipapaliwanag ang mga ideya at konsepto sa mas madaling
paraan. Ayon sa pag-aaral ni jolly ray pederico nang dumating ang mga Amerikano, malaki ang
naging impluwensya ng salitang Ingles sa bansa. Mula nang makamit natin ang kalayaan nang
gobyerno ay nagpatupas ng “bilingual system” sa pagtuturo sa mga eskwelahan. Ang nagsilbing
predominant language ay Ingles at Filipino naman ang mother-tongue language.

B.1. . Kaugnay na Pag-aaral (internasyunal)


Sa isang pananaliksik na internasyunal naman na ginawa ni Abraham at Kaidonis 2006
nakasaad ang kanilang pagbibigay diin sapagsasama ng linggwaheng Ingles upang mapabuti pa
ang karunungangbumasa’t sumulat na naaayon sa antas pang-akademiko o pang-propesyonal.
KABANATA 3

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik


Sa kabanatang ito, aming tatalakayin ang paraan na aming ginamit sa pananaliksik at
pangangalap ng mga datos.

Disenyo ng pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay sinasagawa sa pamamaraang deskriptib-analitik kung saan an
gaming tinangkang ilarawan at suriin ay ang mga sariling karanasan at pananaw ng mga mag-
aaral ng Santiago City National High School hingil sa mga epekto at suliraning na naidudulot ng
pag gamit ng wikang ingles sa pagtuturo ng mga asignatura sa paaralan.

Mga respondent
Ang mga piniling respondente sa pag aaral na ito ay mga piling mag aaral ng Junior
High School sa Santiago City National High School sa taong akademiko 2019-2020. Dahil sa
kailangan lamang ng animnapu (60) respondente, ipinamamahagi ang sarbey-katanungang sa
animnapung mag aaral mula sa mga piniling mag aaral ng Santiago City National High School.

Talahanayan 1
Distribusyon ng mga Respondente

SENIORHIGH JUNIORHIGH KABUUANG


SECTION SCHOOL STUDENTS BILANG
HUMSS 11
Bilang ng mga 30 30 60
Respondente

Bahagdan 100% 100% 100%


Instrumento ng Pananaliksik
Ang mga datos ay kinapapalooban ng mga numero, dami, katotohanan at mga tala na
ginamit upang maging batayan sa paglikha ng kongklusyon.
Ayon sa depinisyon na ibinigay ni God, ang kwestyoner o talatanungan ay isang
planadong listahan ng mga pasulat na tanong na nag uugnay sa isang tiyak na paksa, na
naglalaman ng mga espasyong pagsasagutan ng mga respondente at inihanda para sagutan ng
maraming respondente.
Ang pag- aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pag se-serbey. Ang mga
mananaliksik ay nagbigay ng serbey-kwestyuner sa mga piling respondente sapagkat ito ang
pinakamadaling paraan upang makapangalap ng impormasyon. Ang mga piling respondente ay
mga mag aaral at sila ay may sapat na kaalaman sa pagbabasa, pagsulat at pagsagot sa mga
talatanungan na aming pinasasagutan.

Tritment ng mga Datos


Ang mga datos na makakalap ng mga mananaliksik mula sa mga respondente na
tumugon sa talatanungan ay itatala. Ang mga datos na ito ay mag sisilbing kasagutan sa mga
katanungang inilahad ng pag aaral. Ang mga resulta ay ikukumpara ayon sa pagkakaiba ng mga
kasagutan. Ang mga datos na nakakalap ay isasalarawan gamit ang bar grap upang maayos at
organisadong mailahad ang resulta. Sa madaling salita, ang pagtatala (tally) ay pagkuha ng
porsyente lamang ang kailangang gawin ng mga mananaliksik. Ginamit naming ang sumusunod
na pormula upang makuha ang poryento sapagkat animnapu(60) lamang an gaming piniling
respondente:
Dami ng pumili: 100%
Kabuuang dami ng respondente: 60
Talatanungan

1). Paano na-iaapply ng mga mag-aaral ang paggamit ng wikang ingles sa kanilang pag-
aaral?
-

2). Mahirap ba para sa mga mag-aaral na matutunan ang pag-gamit ng wikang ingles?
-

3). Masasabi niyo ba nahusay kayo sa paggamit ng wikang ingles?


-

4). Gaano kayo kahusay sa paggamit ng wikang igles sa iba’t-ibang asignatura sa paaralan?
(Lagyan ng tsek ang nararapat na sagot).
-

Mga Asignatura 4 3 2 1

Ingles/English

Agham/Science

Matematika/Mathematics

M.A.P.E.H.

Pilosopiya/Phylosophy
Reading&Writing

21st Century Literature

5). Ano-ano ang mga dahilan kung bakit nahihirapan ang ibang mag-aaral sa paggamit ng
wikang ingles?
Dahon ng Pasasalamat

Walang hanggan ang aming pasasalamat sa mga taong tumulong samin upang
mapagtagumpayan at maging epektibo ang aming ginawang pananaliksik. Una,
nagpapasalamat kami sa Panginoon dahil hindi naming ito magagawa at matatapos kung
wala ang kanyang patnubay, binigyan nya din kami ng lakas ng loob at sa lahat n gaming
ginawa, nandun ang kanyang presensya. Pangalawa, sa aming mga magulang na walang
sawa na sumusuporta sa aming mga pangangailangan lalong-lalo na sa problemang pang
pinansyal at oras na binigay sa amin upang magawa ang aming pananaliksik. Pangatlo, sa
aming mga guro na si ma’am Lyn Rose Dayag na aming guro sa pananaliksik at pagsuri.
Nagpapasalamat rin kami kay Bb. Ariane Mae Calderon sa pagtulong ng pagsasaayos,
pagbibigay ideya at paggabay sa aming pananaliksik upang mas mapalawak naming an
gaming pamanahong papel. Pangapat, sa mga mananaliksik sa mga pag aaral na ito dahil
nadagdagan ang aming mga nakalap na impormasyon at nag karoon kami ng mga basehan
sa aming pag-aaral. Panglima, sa aming mga kamag-aral na tumulong mag bigay ng
impormasyon tungkol sa aming paksa. Pang anim, nag papasalamat rin kami sa aming
paaralan ang Santiago City National High School sa pagtulong at pagtuturo sa amin kung
paano isagawa ang aming pananaliksik. Lubos an gaming pasasalamat dahil kung wala
ang mga taong ito hindi magiging epektibo kasiyasiya makabuluhan, maayos, organisado
at kapanipaniwala ang aming Pamanahong Papel.

Dedikasyon
Ang pag-aaral at pananaliksik na aming isinagawa ay iniaalay namin sa mahal na
Panginoon, sa aming mga magulang, kamag-aral,at lalong lalo na sa mga mag-aaral ng
Santiago City National High School na hirap o nahihirapan sa paggamit ng wikang Ingles.

You might also like