You are on page 1of 9

“MGA SALIK NA NAKAKA APEKTO SA MABABANG KUMPIYANSA

SA SARILI NA MAGSALITA SA WIKANG INGLES SA


UNIBERSIDAD”

ISANG PANANALIKSIK PAPEL NA INIHARAP SA DEPARTAMENTO NG


WIKA NG UNIBERSIDAD NG SAN LUIS TUGUEGARAO

MGA MANANALIKSIK:

PABLO, JOHN JAY C.


BALITE, ROSE ANN
JACINTO, MARK KHENLY
ANTONIO, IVY

2019

“Mga salik na nakaka apekto sa mababang kumpyansa sa sarili na magsalita sa wikang ingles sa unibersidad.”
TALAAN NG MGA NILALAMAN

TSAPTER 1. SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO


A. Panimula -------------------------------------------------------------------------------------- 1 - 2
B. Paglalahad ng Layunin ---------------------------------------------------------------------- 2
C. Paglalahad ng Suliranin --------------------------------------------------------------------- 2
D. Kahalagahan ng Pag aaral ------------------------------------------------------------------ 2 - 3
E. Batayang Teoretikal at Batayang Konseptwal------------------------------------------- 3
F. Saklaw at Delimitasyon--------------------------------------------------------------------- 4
G. Katuturan ng mga Katawagan -------------------------------------------------------------- 4

TSAPTER II. MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG AARAL


A. Kaugnay na Pag aaral ------------------------------------------------------------------------ 5 - 9
B. Kaugnay na Literatura-------------------------------------------------------------------------- 5 - 9

TSAPTER III. METODO AT PAMAMARAAN


A. Paraan ng Pananaliksik ---------------------------------------------------------------------------10
B. Mga respondante ------------------------------------------------------------------------------ 10
C. Instrumento ng pananaliksik ----------------------------------------------------------------- 10
D. Lugar ng pananaliksik--------------------------------------------------------------------------- 10
E. Pamamaraan ng Panongolekta ng mga Datos ----------------------------------------------- 10

TALATANUNGAN------------------------------------------------------------------------------------------- 11

TSAPTER IV. PRESENTASYON, PAG SUSURI, AT INTERPRETASYON NG MGHA DATOS


A. GRAPIKAL NA PRESENTASYON----------------------------------------------------------------
B. TEKSTWAL NA PRESENTASYON ---------------------------------------------------------------

TSAPTER V. LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON


A. Tagubilin sa Pagsulat ng Lagom----------------------------------------------------------------------
B. Tagubilin sa Pagsulat ng Konklusyon ------------------------------------------------------------------
C. Tagubilin ng sa Pagsulat ng Rekomendasyon-----------------------------------------------------------

MGA SANGGUNIAN---------------------------------------------------------------------------------------------

“Mga salik na nakaka apekto sa mababang kumpyansa sa sarili na magsalita sa wikang ingles sa unibersidad.”
3

TSAPTER I
ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

A. PANIMULA

Ang lingguwaheng Ingles ay isa sa mga pinakaginagamit at nagagamit na wika


sa buong mundo. Ito rin ang pangunahing wika na ginagamit sa larangan ng
komersyo. Tinatayang 25% ng tao sa mundo ang may alam ng wikang ito o kaya
nama’y marunong makapagsalita at makaintindi ng wikang Ingles. Napag-
alaman din namin na may 52 bansa na ginagamit ang Ingles bilang opisyal na
lingguwahe sa lugar nila. Kaya masasabing ito rin ay isa sa pinakamagagamit na
wika sa paglalakbay at kasalukuyang maituturing na lingua franca ng
diplomasya. Dahil dito, ang mga eksperto ay nagbigay ng ilang dahilan kung
bakit masasabing laganap ang wikang Ingles sa buong mundo. Mayroong
inilahad na 5 dahilan kung bakit popular ang wikang Ingles sa buong mundo, at
ito ay ang mga sumusunod: 1) marami ang nakakaalam ng lingguwaheng ito; 2)
proseso ng globalisasyon; 3) impluwensyang pang-ekonomiya ng Estados
Unidos at maging ang kanilang kultura; 4) pagtataguyod ng turismo sa masa at
pagkalat ng wikang Ingles; at 5) Migrasyon Sa aming mga nakalap ay namataan
namin ang kagandahan at kahalagahan ng Ingles lalo na’t malaki ang naitutulong
nito sa ating pagiging madunong pagdating sa paggamit ng wikang ito, kung
kaya’t nabatid naming gamitin ito bilang batayan sa aming pag-aaral ukol sa
paggamit ng wikang Ingles sa lahat ng asignatura maliban sa Filipino. Sa
pagkat bilang mga mag-aaral na nakapailalim sa kursong nangangasiwa ng
negosyo, masasabi namin na kung kami ay sasanayin ngayon pa lamang sa
pagsasalita ng wikang Ingles ay tiyak na malaki ang magiging ambag nito sa
ating ekonomiya sa paraan pa lamang na magagamit namin ang wikang ito sa
aming magiging hanapbuhay sa hinaharap at maging sa pakikipagkomunikasyon
sa iba’t ibang taong aming makakasalamuha sa industriya
Isang mahalagang sangkap sa mainam at maayos na pagkatuto ng mga mag-
aral ang pagkakaunawa sa wikang ginagamit sa pag-aral. Bagamat hindi man
gaanong napapansin ay lubhang nakakaapekto ito sa kakayahang matuto at
umunawa ng mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito na isinagawa ng mga
mananaliksik ay naglalaman ng isang proseso ng pagpapaunlad ng isang
solusyon bilang unang hakbang patungo sa mas maayos na pagkakaunawa
upang malinang ang kakayahan ng mag-aaral ng Pagtutuos sa paggamit ng
wikang Ingles. Naisakatuparan ito sa pamamagitan ng interdisiplinaryong
kolaborasyon at pagkatuto. Naging mahalagang motibasyon upang ituloy ang
pag-aaral dahil sa kasalukuyang resulta na nag-ulat sa patuloy na hindi
natutugunang pangangailangan ng mga employer sa paghahanap ng mga mag-
aaral sa Pagtutuos na may lubos na kakayahang makisalamuha gamit ang
wikang Ingles (Jackling at De Lange, 2009; Zaid at Abraham, 1994). May ilan ng
pag-aaral na isinagawa tungkol sa paggamit ng mga mag-aaral ng kanilang
katutubong wika sa pag-aaral ngunit hindi tuluyang naipapakita ang epekto ng
paggamit ng interkolaborasyong pagkatuto ng mga mag-aaral sa pamamagitan
ng ilang kasangkapan gamit ang teknolohiya. Layunin ng pag aaral na ito na

“Mga salik na nakaka apekto sa mababang kumpyansa sa sarili na magsalita sa wikang ingles sa unibersidad.”
4

maipakita at mailabas ng mga estudyante ang galing sa pagsasalita sa ingles at


mailabas ang kakayahan at kumpyansa sa sarili ata makilahok sa mga pang
akademikong aktibidades.

B. PAGLALAHAD NG LAYUNIN

Layunin ng pag-aaral na ito na makatulong sa mga guro at mag-aaral upang


lalong maintindihan ng mga mag-aaral ang mga katanungang inilalahad sa kanila
sa wikang Ingles at maibigkas ng maayos ang grammar ng ingles. Bilang
kasangkapan sa pag-iisip at kumpyansa sa sarili na makilahok sa mga ibat ibang
aktibidades gamit ang salitang Ingles at upang lenggwahe’y nakakatulong
maging makabuluhan ang karanasan ng tao (Lachica 2009: 35).

C. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ang gumawa ng interaktibong


pagsusuri sa paggamit ng lenggwaheng Ingles upang lalong malinang at
maisaayos ang pagkatuto ng mga mag-aaral ng pagtutuos. Malaking pagsubok
ang naganap dahil ang mga mag-aaral ay may katutubong lenggwaheng Filipino
at hindi Ingles; ngunit nakapaglahad ng pagkakaiba dahil sa tulong na ibinigay ng
mga espesyalista sa lenggwahe.

Sinagot sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na tiyak na katanungan:


1. Anu-ano ang mga dahilan na nakakaapekto sa mga estudyante na
magsalita sa wikang Ingles?
2. Bakit kapag ang mga estudyante ay nagsasalita sa ingles ay bumababa
ang kanilang kumpiyansa sa sarili?
3. Sa paanong paraan masosolusyonan ang mga kaalam sa wikang ingles?

D. KAHALAGAHAN NG PAG AARAL

Ang pananaliksik na ito ay inilalahad ng kahalagahan ng pag aaral sa mga


nabanggit na tao:

Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa pagkakaunawa ng hindi lamang


mga estudyante kundi lahat ng mga tao ang kahalagahan ng kanilang sariling
wika. Malaki ang mabebenipisyo ng aking pananaliksik sa mga mag-aaral,
mga guro, mga magulang at sa lahat.
Mapapakita at mapaparating sa aking pananaliksik ang mga epekto at
mabuting naidudulotng paggamit ng sariling wika sa pag-aaral. Sa panahon
ngayon mas nabibigyan importansya ng mga kabataan ang wikang Filipino at
sadyang napapabayaaan na ang wikang ingles, pumapangalawa na lamang
ang wikang Filipino sa wikang Ingles. Makakatulong ito sa mga magulang sa
paraang magkakaroon sila ngsapat na kaalaman tungkol sa pagtuturo ng
mga salita gamit ang ating sariling wika, dahil sa paraan na ito ay madaling

“Mga salik na nakaka apekto sa mababang kumpyansa sa sarili na magsalita sa wikang ingles sa unibersidad.”
5

matututo ang mga bata atpara sa kanyang paglaki ay magkaroon siya ng


sapat na kaalaman sa atingwika.

Sa mga guro, makakatulong ito sa kanila upang malaman kung anoang dapat
gamitin sa pagtuturo. Mas makakatulong sa pag-iisip ngestratehiya ang mga
guro para mas maunawaan ng mga estudyante angkanilang pinag-aaralan sa
kanilang leksyon.

Sa mga estudyante, makakatulong ito para lubos nilangmaintindihan na hindi


sunodsunod na paggamit ng wikang Ingles angsolusyon sa mabuting pag
aaral. Hindi kinakailangan gamitin ang salitang Ingles sa pang-araw-araw na
pakikisalamuha sa buhay

E. BATAYANG TEORETIKAL AT BATAYANG KONSEPTWAL

SALIK PROSESO KALABASAN

Nais ng mga Magsisiwalat ng mga Maraming mga mag


mananaliksik na talasagutan at aaral parin ng
malaman ang pananaw magsasagawa ng unibersidad ng San
ng mga mag aaral ng sarbey ang mga Luis ang hindi pabor
unibersidad ng San Luis mananaliksik ng o sumasang ayon sa
ukol sa paggamit ng saganoon ay medaling panukala ng
wikang ingles sa matuldukan ang mga Unibersidad base sa
unibersidad kung kayat tanong at malaman ang kinalabasan ng
nagsasagawa sila ng kanya kanyang opinion pananaliksik na ito.
pagkalap ng ideya at ng mga kapwa mag
impormasyon. aaral. Inaasahan ang
mananaliksik na
makalap ng
impormasyon ukol sa
pananaw ng mga mag
aaral sa pag aaral nap
ag gamit nila ng
wikang ingles sa
unibersidad.

“Mga salik na nakaka apekto sa mababang kumpyansa sa sarili na magsalita sa wikang ingles sa unibersidad.”
6

F. SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG AARAL

Ang saklaw ng pananaliksik na ito ay ang mga salik na nakaaapekto sa


mababang kumpyansa sa sarili na magsalita sa Wikang ingles sa Unibersidad ng
San Luis Tuguegarao. Kung saan magkakaroon ng 50 limangpung respondante
mula sa iba’t ibang departamento ng kolehiyo. Sa huli, bibigyan ng mga
mananaliksik ng mga mungkahing solusyon upang maiwasan ang sobrang
mababang kumpyansa sa sarili na magsalita sa ingles ang mga kolehiyo na mag
aaral ng Unibersidad ng San luis Tuguegarao.

G. KATUTURAN NG MGA KATAWAGAN

Upang higit na maunawaan ang pag aaral sa mga ito, binibigyang


paliwanag at payak na katuturan ang ilang mahalagang salita.

KOLEHIYO- Ito ang Tersyaryang lebel ng pag aaral.

UNIBERSIDAD NG SAN LUIS- Ito ay isa sa mga Unibersidad na Paaralan at


tersaryang paaralan na matatagpuan sa Tuguegarao City

MABABANG KUMPYANSA SA SARILI- Ito ang kawalan ng lakas ng loob sa


sarili.

WIKANG INGLES- Ito ang kahinaan ng ibang mag aaral ng San Luis.

DEPARTAMENTO- Ito ang Iba’t ibang partikular na departamento ng isang


unibersidad o paaralan.

“Mga salik na nakaka apekto sa mababang kumpyansa sa sarili na magsalita sa wikang ingles sa unibersidad.”
7

TSAPTER II. MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG AARAL

Sa librong “You & Self-esteem: It’s key tohappiness and success!”, hindi daw
tayo magigising sa isang umaga na may mabuti atmasamang pagtingin sa sarili,
o mataas o mababang pagtingin sa sarili. Ito ay nadedevelop sakabuuang oras
ng iyong buhay. Magkakaroon daw tayo ng kaaya-ayang pagtingin sa sarili sa
pamamagitan ng pakikihalubilo sa ibang tao sa kapaki-pakinabang na
bagay.Ayon pa kay Youngs, mayroon daw anim na sangkap ang pagtingin sa
sarili. (1) “sense of physical safety”. Ito ang pakiramdam na tayo ay ligtas sa
bahay, eskwelahan, at sakomunidad. Ito ang pag-aalaga natin sa ating mga sarili
at alam natin kung ano ang makakabutiat hindi sa ating pangagatawan.
(2)“sense of emotional security”. Alam mo sa sarili mo nahindi basta-basta
mapapababa ang iyong sarili at kaya mong harapin ang iyong mga takot, ikaway
matatawag na emotionally secured. (Alonzo, 2017) (3) “sense of identity”. Ang
pagkakakilala mo sa iyongsarili ay nagbibigay ng mabuting sense of individuality.
Ang pagtanggap mo sa iyong sarili angnagbibigay sa iyo ng rason upang
pangalagaan ang ibang tao. Nirerespeto mo ang iyong sarili. Atdahil dun, gusto
mo ding respetuhin ka dn ng ibang tao. (4)“sense of belonging”. Sa oras
nanararamdaman mong tanggap ka, gusto ka, at ginagalang ka, sinusuklian mo
ito ng tamangrespeto at paggalang sa kanila. Gusto mong magkaroon ng
maraming kaibigan at kayo aynagtutulungan sa iba’t ibang mga bagay. (5) “
sense of competence”. Alam mo kung ano angkaya mong gawin. Alam mo kung
ano ang iyong kalakasan at kahinaan. Sa oras na sigurado kasa iyong sarili at sa
iyong kakayahan, nagbibigay ito ng pakiramdam na ikaw ang may control sasarili
mong buhay at hindi ang ibang tao.

(6)“sense of purpose”. Alam mo kung ano ang iyongsilbi at isinasabuhay mo ang


silbing ito. Sa oras na makita mo ang iyong sarili na maasahana at palaban,
mapagmahal at kamahal-mahal, responsible at maalaga, mayroon kang
tinatawag na “high self-esteem”. Dahil nirerespetomo ang iyong sarili, away
mong yurakan ng ibang tao ang iyong pagkatao at silbi.Ayon kay Denise
Lawrence, sa kanyang librong “Enhancing Self-esteem in theClassroom 3rd
edition”, mayroong hierarchy ang pagtingin sa sarili. Ang kadalasang tanongdaw
na “kung pwede bang magkaroon ng mababang pagtingin sa sarili sa isang
pagkakataon atmataas naman sa iba?” Mayroong tinatawag na “global self-
esteem” si Lawrence. Ito daw angkaraniwang consistent at hindi nagbabago.
Samantala, maaari tayong magkaroon ng pakiramdamna may silbi at walang silbi
sa magkaibang bagay. Halimbawa, mababa ang pagtingin sa sarilinatin sa
science ngunit mataas naman sa basketball. Hindi ito makakaapekto sa
kabuuang pagtingin sa sarili natin kung iiwasan natin ang mga bagay kung saan
mahina. Ngunit kung hindinatin sila maiiwasan, at madalas tayong napapasama
sa ganoong bagay, maari itong makaapektosa ating kabuuang pagtingin sa sarili.
At kung lagi tayong sumasablay sa mg bagay na importantesa mga taong
importante din sa atin, makakaapekto ito sa kabuuang pagtingin sa sarili.Ang
pagtaas ng bilang ng mga tao patungkol sa pagkatakot at sikolohikal na

“Mga salik na nakaka apekto sa mababang kumpyansa sa sarili na magsalita sa wikang ingles sa unibersidad.”
8

pagkakasakitay sumasalamin lamang na ang edukasyon ay gumaganap bilang


isang malaking sa paghihilomng lumalalang problema sa pagbaba ng pagtingin
ng isang tao.

Ayon sa Assessment ReformGroup 2002, pinatunayan ng mga mananaliksik na


ang mga pagsusulit sa mga paaralan ay nakakasira ng pagtingin ng isang tao sa
kanyang sarili at pagkabalisa. Iminungkahi ni PrimeMinister Blair na ang
pagkababa ng pagtingin sa sarili bilang pinakamapanirang sanhi at bungang
pangsosyal na pagkamuhi, na nagbibigay halaga para sa mga mamamayan
upang magtaguyodng pagkakakilanlan at pagbibigay ng halaga sa isang tao
(Blair, 2007).

Halos lahat ng pakiramdam at pagtingin ng isang tao sa kanyang sarili ay


nagbabago basesa kanyang pang araw araw na karanasan. Mga gradong
nakukuha sa eksam, kung paano kaituring ng iyong mga kaibigan, kalagayan ng
iyong relasyon sa ibang tao-lahat ay may epekto saiyong pagtingin sa sarili
(Barksdale, 1972).

Para sa mga taong may mataas na pagtingin sa sarili ang mga normal na
problema sakanilang buhay ay maaaring makaapekto ng panadalian lamang sa
kanilang pagtingin sa sarli.Samantalang ang may mga mabababang pagtingin
naman sa kanilang sarili ay mas matagal angepekto ng mga normal na problema
na kanilang nararanasan (Barksdale, 1972).

Ang ating pagtingin sa ating sarili ay nagdedevelop kung kailan tayo ay


gumagawa na ngating sariling imahe sa pakikihalubilo sa iba’t ibang tao at sa
pang araw araw na karanasan. Angating karanasan nung kabataan ay isang
malaking impluwensya sa kung paanonatin tingnan angating sarili ngayon.
Habang tayo ay lumalaki ang pakikitungo ng ating pamilya, mga guro,
mgakaibigan at mga taong nasa ating paligid ay isang factor sa kung paano natin
nabubuo ang ating pagtingin sa sarili (Barksdale, 1972).

May tatlong “Mukha” ng mababang pagtingin sa sarili. Ito ay ang imposter,


rebelde, atang “loser”. Ang impostor ay umaarteng masaya at matagumpay
subalit may takot sa pagkabigo.May takot na mahalata na siya ay nagpapanggap
lamang. Ang rebelde naman ay nabubuhay naang kanilang tingin sa sarili ay
laging may kulang. Pinapatunayang ang sinasabi ng ibang tao ayhindi
nakakasakit na nagreresulta sa pagsisi sa ibang tao at hindi pagsunod sa batas.
Ang “loser”ay laging nangangailangan ng ibang tao para makahingi ng tulong
(Barksdale, 1972). Ang pagtingin sa sarili ay nangangahulugang kakayahan ng
isang tao na ipagmalaki angsarili at ang pakiramdam na ikaw ay karapat dapat
na igalang ng ibang tao at magkaroon ngmagandang buhay. Ang pagtingin sa
sarili ay nagreresulta sa respeto sa sarili at sa ibang tao. Kasama ng respeto sa
sarili ay ang kakayahang maging produktibo, magkaroon ng tiwala sasarili,
pagiging matagumpay at pagiging malaya. Respeto sa ibang tao ay kasama ng
pagkilala, pagtanggap at estado ng isang indibidwal. (Bradshaw, 1988).

“Mga salik na nakaka apekto sa mababang kumpyansa sa sarili na magsalita sa wikang ingles sa unibersidad.”
9

TSAPTER III. METODO AT PAMAMARAAN

A. Paraan ng Pananaliksik

Ang isinasagawang pag-aaral ay gumamit ng Paglalarawang Sarbey


(Descriptive Survey) upang mstuklasan ang mga pangunahing dahilan ng
pagbaba ng kumpyansa sa sarili na magsalita ng wikang ingles ang mga mag-
aaral sa Departamento ng Sabh ng Unibersidad ng San louis. Ang nasabing uri
ay gagamitan ng Questionaires o talatanungan sa pupunan ng mga respondante
na siyang panggagalingan ng datos.

B. Mga Respondante

Ang mga respondante na gagitin sa pag tuklas ng pag-aaral na ito ay ang


mga mag-aaral sa Departamento ng SABH sa Unibersidad ng San Luis.

C. Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng Questionaires o talatanungan. Ang


mga mag-aaral sa Departamento ng Sabh ng Unibersidad ng San Louis ang
gagawing paksa sa sarbey.

D. Lugar ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay isasagaw ang pag-aaral sa loob ng Unibersidad


ng San Louis na kung saan tutuklasin ang dahilan ng pagbaba ng kumpyansa
sa sarili na magsalita ng wikang ingles ang mga mag-aaral sa Departamento
ng Sabh.

E. Paraan ng Pangongolekta ng mga datos

Upang makamit ang layunin ng pag-aaral, ang mga mananaliksik ay


gagamit ng pamamaraang pagtatanong. Ang mga katanungan ay ikakalat at
ipapasagot sa mga mag-aaral sa Departamento ng Sabh. Kapag nakolekta
na ang mga katanungan, i-kukumpara at iinterpretahin ang mga nakalap na
datos. Sa pamamagitan nito, ang mga mananaliksik ay makakabuo ng layon,
konklusyon at rekomendasyon.

“Mga salik na nakaka apekto sa mababang kumpyansa sa sarili na magsalita sa wikang ingles sa unibersidad.”

You might also like