You are on page 1of 3

Pagtuklas sa mga posibilidad sa pag-aaral ng English, at ang maitutulong nito sa

mga mag-aaral sa aspetong personal at propesyonal, at ang mga dagdag na


benepisyo ng pag-aaral ng wika ng mundo — clue: mainam ito para sa utak mo.
Magbasa pa.
Baka narinig mo nang tinawag ang English na lingua franca, na mabulaklak na
paraan ng pagsasabi na ang English na ang nagiging wika ng komunikasyon ng mga
hindi native speaker.
Ito ay dahil ayon sa pagtatantya, halos 2 bilyong tao ang nagsasalita ng English sa
buong mundo, kaya naman English ang pinakamalaking wika ayon sa dami ng mga
nagsasalita nito, at ito ang pangatlong pinakamalaking wika ayon sa dami ng mga
native speaker. Ayon sa maraming pamantayan, tinatawag na ngayong wika ng
mundo ang English.
Dahil sa mabilis na nagbabagong mga inaasahan ng mga employer sa kasalukuyan,
hindi matatawaran ang kakayahang makipagtulungan nang mabuti sa iba't ibang
kultura, hangganan, at wika — dito napakahalaga ng mga kasanayan sa wikang
English.
Ayon kay Simon Young, BTEC Portfolio Manager ng Pearson Asia, ngayong
pandaigdigan na ang mga supply chain at customer base, tinukoy ng mga
multinational na ang kahusayan sa wikang English ay isang kinakailangan, hindi
lang basta kasanayang magandang magkaroon.
“Mukhang naging napakahalaga nang kasanayan ang English para sa pakikipag-
ugnayan sa negosyo sa anumang tungkulin. Kaya naman, sa mga bansang tulad ng
[mga nasa Southeast Asia] kung saan posible kang makakita ng matibay na lokal
na lakas paggawa, kailangang magaling makipag-usap sa English para makipag-
ugnayan sa iba pang dibisyon. English na ngayon ang pandaigdigang medium ng
komunikasyon.”
Bagama't nakakatulong ang English na pagandahin ang iyong mga posibilidad sa
karera at propesyonal na paglago, kung marami kang sinasalitang wika, mas
magaling kang matuto — ang mga benepisyo sa pag-iisip ng kahusayan sa isa pang
wika ay mainam para sa iyong utak.
At partikular na para sa mga mag-aaral ng wikang English, ayon sa mga eksperto,
ang mga mag-aaral na maraming sinasalitang wika ay nakakakuha ng mas mataas
na marka sa mga standardized na pagsusulit, na malamang na dahil sa pag-aaral
ng iba't ibang balarila at bokabularyo, pati na rin sa kakayahang tumuon sa
mahalagang impormasyon habang hindi masyadong nagbibigay-pansin sa mga
detalyeng hindi gaanong mahalaga.
Kapag nag-aaral ng English kasama ng isa pang asignatura, di-hamak na mas
epektibo itong paraan ng pag-aaral ng isang wika. Sa diskarteng dalawa para sa
isa, nagkakaroon ng konteksto ang pinag-aaralan mo at nahihikayat ang
pagkakaroon ng mga kasanayan ng lakas paggawa. Para kay Dr. Tran Huong Quynh,
Head ng English Linguistics Division, Faculty of English at Hanoi National University
of Education, ang English ay itinuturing na ngayong instrumento para sa
pagbubukas ng pinto ng kaalaman para sa mga kasalukuyang mag-aaral.
“Ito ay pag-aaral [na mahalaga], at gustong matuto ng mga estudyante ng isang
bagay na kapaki-pakinabang para sa kanila, sa halip na English lang mismo ang
pagtuunan. Halimbawa, puwedeng mag-aral ang mga estudyante ng English at
agham, English at heograpiya, o kahit English at pag-aaral kung paano mag-
present o iba pang kasanayang naaangkop sa ika-21 siglo.
“Dapat kang mag-aral ng English nang may konteksto, at kailangan mong gamitin
ang wika araw-araw, sa kontekstong propesyonal man o batay sa gawain, o sa mga
pang-araw-araw na pag-uusap nang may malinaw na layuning matuto. Kaya
naman, dapat magkaroon ang mga mag-aaral ng tsansang matutunan ang English
na ginagamit ng mga tao sa totoong sitwasyon, hindi lang ang wikang nakabatay
sa libro,” sabi niya.
Dapat tukuyin ng mga mag-aaral kung bakit nila gustong matuto ng English para
matiyak na maitatakda nang tama ang mga layunin nila at tama ang kanilang
pinagtutuunan. Binanggit ni Dr. Quynh na para maging magaling sa English, dapat
maintindihan ng mga mag-aaral ang mga pagkakaiba-iba ng pangkalahatan, pang-
akademiko, at pangnegosyong English, at pagkatapos ay harapin ang kanilang mga
pattern sa pag-aaral nang naaayon.
“Para sa akin, ang pag-aaral para maging magaling sa wika ay dapat tumutukoy
lahat sa tatlong larangan, kaya ang ibig sabihin noon ay academic English, business
English, o real-world English. Bawat isa sa mga ito ay tumutuon sa isang aspeto ng
English na kailangang gamitin ng mga mag-aaral ang English nang naaangkop sa
iba't ibang sitwasyon. Kung kaya, ang academic English ay ang uri ng English na
kailangan mo sa mundo ng pananaliksik, pag-aaral, at pagtuturo.
“Para sa business English, magagamit ng mga mag-aaral ang English sa
propesyonal na sitwasyon at ang kakayahang makipag-ugnayan sa trabaho.
Halimbawa, sa kakayahang magsulat ng mga email, maintindihan ang mga iyon, at
sagutin ang mga iyon gamit ang naaangkop na wika, dapat may kakayahan silang
gumawa ng mga presentation o sumali sa mga business meeting sa English,” sabi
niya.
Para kay Quynh, ang kahalagahan ng pag-aaral ng English ay nasa pagkakaroon ng
pag-unawa at antas ng kahusayan sa lahat ng tatlong variation ng English para
masulit ang kanilang pag-aaral. Sabi niya, para talagang mailabas ang propesyonal
at personal na potensyal, dapat sikapin ng mga mag-aaral na magkaroon ng
kakayahang makipag-ugnayan sa lahat ng variation ng mga sitwasyon sa pang-
araw-araw na buhay.
“Pamilyar tayong lahat sa real-world English – ito ang kakayahang makipag-
ugnayan sa pangkalahatan at sa lipunan. Kung kaya, dapat magkaroon ang mga
mag-aaral ng kakayahang makipag-ugnayan nang may kumpyansa para sa pang-
araw-araw na buhay sa English, nasaan man sila — halimbawa, nasa bahay o nasa
trabaho, habang bumabiyahe o nakikihalubilo sa mga sitwasyon sa araw-araw.
“Para magkaroon ng mga pagkakataon sa karera at mas madaling magkatrabaho,
sa palagay ko, alam dapat ng mga mag-aaral kung anong uri ng English ang
kailangan nila sa pamamagitan ng pagtingin kung saan ba talaga nila gustong
gamitin ang English -- kailangan ba nila ang English para sa trabaho nila o para sa
pakikihalubilo at pakikipag-ugnayan sa labas ng trabaho?” sabi niya.

Source :https://www.pearson.com/asia/insights-and-ideas-ph/learning-english/
2021/06/learning-english-has-personal-and-professional-benefits--experts0.html

You might also like