You are on page 1of 8

WIKANG INGLES:

IMPLIKASYON SA
SISTEMA NG
EDUKASYON SA
PILIPINAS
INTRODUKSYON

Ang wikang Ingles ay isa sa mga pangunahing wika


na ginagamit sa pandaigdigang komunikasyon, pag-
aaral, trabaho, at negosyo. Ito rin ay nagbubukas ng
maraming oportunidad para sa mga tao na matuto
at makipag-ugnayan sa iba't ibang kultura,
impormasyon, at kaalaman. Ang paggamit ng
wikang Ingles ay nagbibigay-daan sa mga
indibidwal na maging global at mas madaling
makipag-ugnayan sa iba't ibang sektor ng lipunan.
Sa kabila ng mga positibong epekto ng wikang Ingles,
hindi maiiwasan na magdulot ito ng pagkakaiba at
pagkakawatak-watak sa mga hindi gaanong bihasa sa
wikang ito. Mula sa isinulat ni Gunigundon (2023), ang
desisyong gamitin ang wikang Ingles bilang midyum ng
pagtuturo ay magiging isang malaking hamon na maaaring
magdulot ng kawalan ng halaga o pagkakakilanlan ang
mga lokal na wika at kultura. Bukod pa riyan, maaaring
magdulot ito ng di-pantay na oportunidad sa edukasyon
at trabaho, kung saan ang mga may kakayahang matuto sa
Ingles ay may mas malalaking tsansa para sa mas mataas
na posisyon sa lipunan at trabaho, samantalang ang iba
ay maaaring mahirapan o magkaroon ng limitadong
oportunidad.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman,
mailahad at mapagkumpara ang mga epekto at
benepisyo ng wikang Ingles sa sistema ng
edukasyon sa Pilipinas. Sa pananaliksik na ito ay
masasagutan at mabibigyang linaw ang mga
katanungang patungkol sa mga mabuti at 'di
mabuting implikasyon ng wikang Ingles sa sistema
ng edukasyon, partikular sa papel na ginaganapan
nito sa pagtuturo ng mga asignatura. Dito malalaman
kung bakit kailangang isaalang-alang ang pagpili ng
wikang panturo at kung ano ang mga posibleng dulot
nito sa mga mag-aaral.
MGA TIYAK NA LAYUNIN

1) Malaman kung ano ang mga benepisyo


ng paggamit ng wikang Ingles bilang
midyum ng pagtuturo sa mga mag-aaral.
2) Matukoy kung ano ang mga mabuti at
'di mabuting epekto ng wikang Ingles sa
sistema ng edukasyon.
3) Malaman kung bakit kailangang
isaalang-alang ang pagpili ng wikang
panturo.
MGA SULIRANIN NG PAG-AARAL
1. Paano nakakatulong ang wikang Ingles
bilang midyum ng pagtuturo sa edukasyon
ng mga mag-aaral sa Pilipinas?
2. Anong wika ang mas epektibo upang
gamitin ng mga guro bilang midyum ng
pagtuturo?
3. Ano ang mga benipisyo at epekto ng
paggamit ng wikang Ingles bilang midyum
ng pagtuturo sa mga mag-aaral?
Hypothesis
Ang paggamit ng wikang Ingles bilang
pangunahing midyun ng pagtuturo ay
maaaring magdulot ng mga positibong
epekto sa kakayahan ng mga mag-aaral
na maunawaan at gamitin ang global na
komunikasyon at teknolohiya, ngunit
maaari ring magdulot ng mga hamon sa
pag-unlad ng komprehensyon at
identidad ng sariling wika at kultura ng
mga mag-aaral.
SALAMAT SA
PAKIKINIG

You might also like