You are on page 1of 5

"Mga Salik ng kakulangan sa Kumpyansyang Paggamit ng Lingguwaheng Ingles sa TSHS"

Introduksyon:

Napakahalaga ng wikang Ingles lalo na sa panahon ngayon sa karamihan ng mga bansa.


Ang Ingles ay ginagamit upang makipag-usap sa mga tao mula sa iba't-ibang bansa, kaya't
tinatawag itong unibersal na linggwahe. Karamihan sa atin ay nakakapagsalita ng Ingles at ang
iba sa atin ay gumagamit nito araw araw, sa pamamagitan ng Ingles nakikipag komunikasyon
tayo sa ibang tao tulad ng mga dayuhang bumibisita sa ating bansa, sa mga negosyo at
pamahalaan. Ang Ingles ay pinakakaraniwang wikang ginagamit sa mga
presentasyon,sanaysay,panukala at batas.Ito rin ang wika ng internasyonal n
komunikasyon,media o Internet, kaya ang pag-aaral ng Ingles ay mahalaga para sa
pakikipagsalamuha at pagkakaroon ng trabaho.

Ang paggamit ng wikang Ingles sa pagtuturo ay isa sa mga kahinaan ng mga mag-aaral sa
Tagjaguimit Senior High School. Karamihan sa mga mag-aaral ay hindi naiintindihan kung ano
ang tinuturo, dahil ito ay isang wika na hindi nila naiintindihan ang sinasabi ng guro. Nagiging
kahinaan nila ang pagsasalita at paggamit ng wikang Ingles, Dahil hindi sila sanay sa wikang ito
at nahihirapan ang bawat pag-aaral na ipahiwatig ang kanilang mga saloobin. Ang wika ay
tinuturing sa isa sa mga nagpapahiwatig ng pag-unlad ng kaisipan ng tao.
Ang lingguwaheng Ingles bilang paraan ng komunikasyon ay kung paano natin inihatid ang
ating mga ideya sa iba at ang pangalawang tungkulin ng wika ay pagpapahayag ng damdamin,
saloobin o kaisipan ng isang tao. Ang lingguwaheng Ingles ay kasangkapan ng
pakikipagtalastasan ngunit kasangkapang mekanikal lamang. Itoy tagapagdala ng mga ideya
iniimpluwensiyahan nito ang isip at damdamin ng tao. Ang lingguwaheng Ingles ay isa sa
instrumento sa pagkilala ng makabuluhan at malikhaing pag-iisip. Sumakatawid upang magamit
sa sukdulan at dapat itong hawakan ng buong husay ang naturang paggamit nito. Sa panahon ng
pandemya ang pamamaraan ng pagtuturo ay modyul lamang, halos dalawang taon ang mga
studyante na nag-aaral gamit ang modyul. Kaya't ang mga mag-aaral ngayon dito sa Tagjaguimit
Senior High School, hindi masyadong marunong gumamit ng lingguwaheng Ingles.

Dahilan kung bakit hindi sila sanay sa paggamit ng lingguwaheng Ingles, kasi sa panahon ng
pandemya ang ginagamit nila nasistema ay ang modular lamang, hindi nila ginagamit ang
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay para malaman ang mga salik na kakulangan ng
kumpyansa ng lingguwaheng ingles sa mga mag-aaral ng Tagjaguimit senior high school.

1. Ano ang problemang kinakaharap ng mga mag-aaral sa pagsasalita ng ingles ara-araw sa Tagjaguimit
senior high school.

2. Anu-ano ang mga istratehiya na ginagamit ng mga mag-aaral para maintindihan nila ang mga klase na
may salitang ingles.

3. Sa paanong paraan nakaapekto ng paggamit ng lingguwaheng ingles bilang wikang panturo sa


asignaturang ingles sa mga mag-aaral na nasa Tagjaguimit senior high school.

4. Anong mga hakbang ang pwedeng imongkahe para mapag-tagumpayan ang kawalan ng kumpyansang
wikang ingles.

Ang layunin ng pagsusuri na ito ay upang matulungan ang mga mag-aaral ng Tagjaguimit senior high
school tungkol sa kakulangan ng kumpyansa sa paggamit ng lingguwaheng ingles sapagkat ang
kakulangan ng kumpyansa sa paggamit ng wikang ito ay nagbibigay ng problema at epekto sa kanilang
pag-aaral. Ang pagsusuri na ito ay nakakatulong din sa mga mag-aaral sa paghahanap ng solusyon sa
kanilang kinaharap na problema tungkol sa walang kumpyansa sa paggmit ng lingguwaheng ingles sa
Tagjaguimit senior high school.

1. Bilang isang mag-aaral ng Tagjaguimit senior high school, ano ang istratehiyang ginagamit ninyo upang
magkaroon ng kumpyansa sa sarili sa pagsasalita gamit ang ingles na lingguwahe?

2. Sa kawalan ng iyong kumpyansa sa paggamit ng lingguwaheng ingles. Paano naka epekto nito saiyong
signaturang gumagamit ng lingguwaheng ingles?

3. Bilang isang mag-aaral naka epekto ba saiyong pag-aaral ang lingguwaheng ingles? Paano at Bakit?

4. Bilang isang mag-aaral ano ang mga salik na nakakaapekto bakit wala kang kumpyansa sa paggamit ng
ingles na lingguwahe sa asignaturang ingles.

5. Nakatulong ba ang iyong istratehiya na ginagamit upang magkaroon ng lakas sa paggamit ng


lingguwaheng ingles?

6. Ano ang mga hakbang na iyong ginagawa upang magkaroon ng kumpyansa sa sarili upang magkaroon
ng lakas sa paggamit ng lingguwaheng ingles?

7. Bilang isang mag-aaral na may kakulangan sa kumpyansa sa paggamit ng lingguwaheng ingles, paano
ito naka apekto saiyong akademik?

8. Bilang isang mag-aaral paano mo matulongan ang iyong sarili, para magkaroon ka ng kumpyansang
paggamit ng lingguwaheng ingles?
9. Ano ang masamang epekto sa iyong pag-aaral ang kakulangan sa kumpyansa sa paggamit ng
lingguwaheng ingles. Sa asignaturang ingles?

10. Anong mga hakbang ang iyong ginawa upang makatulong sa iyong sarili upang magkaroon ng
kumpyansa sasarili sa paggamit ng lingguwaheng ingles?
Ang layunin ng panimula ito na ipakilala sa atin ang problemang kadalasang kinakaharap sa mga
mag-aaral dito sa Tagjaguimit Senior High School, ang kakulangan sa kumpyansa sa paggamit ng
lingguwaheng ingles. Maiintindihan natin ang epekto ng ganitong suliranin sa akademikong pagganap ng
mga mag-aaral at paano ito nakaapekto sa kanilang pag-aaral at pang araw-araw sa panahong ito
madaming mag-aaral dito sa Tagjaguimit Senior High School ang kawalan ng kumpyansa sa paggamit ng
lingguwaheng ingles.

Ang pananaliksik na ito ay uri ng qualitative, dito sa Tagjaguimit Senior High School ay mayroon
kaming tatlompo na respondente. Ang aming respondente ay nagsimula sa labing anim na gulang
hanggang sa tatlom put-tatlong gulang. May labing anim (16) na babae at labing apat (14) na lalaki

Basi sa aming pag-aaral, may dalawang put lima (25) na mga mag-aaral na ang ginagamit nilang
istratehiya para magkaroon sila ng kumpyansa sa lingguwaheng ingles ay pagbabasa ng mga aklat sa
ingles, diksyinaryo, at tumingin ng mga teleserye na may salita na ingles. Meron namang dalawang put-
apat ( 24 ) na mga mag-aaral ang nagsasbi na nakaapekto ang lingguwaheng ingles sa kanilanga
asignaturang ingles, kasi nga dahil dito maaaring baba ang kanilang marka, at may tatlo ( 3 ) naman ang
nagsasabi na hindi nakaapekto ang lingguwaheng ingles sa kanilang asignaturang ingles, mayroon
namang dalawat put-pito ( 27 ) ang nagsasabi na nakakatulong ang mga istratehiyang ginagamit nila
upang magkaroon sila ng lakas na paggamit ng lingguwaheng ingles, at may dalawang put-lima ( 25 ) na
mag-aaral ang nagsasabi na may mga salik na nakakaepkto kung bakit wala silang kumpyansa sa
paggamit ng lingguwaheng ingles kabilang na dito ang ( nahihiya dahil maraming mapanghusga, minsan
hindi makaintindi sa ingles, at pagtatawanan ng mga kaklase kapag mali ang sagot). Sapagkat may
dalawang put-tatlong mag-aaral ang nagpupursiging mag-aral ng mabuti at magbabasa ng diksyunaryo at
iba pa upang magkaroon sila ng lakas at mapahusay sa paggamit ng lingguwaheng ingles. Ayon sa aming
natuklasan may dalawang put-walong (28) na mag-aaral sa Tagjaguimit Senior High School na ang
kakulangan sa kumpyansa sa paggamit ng lingguwaheng ingles ay maararing makababa sa kanilang mga
marka ayun sa pahayag ng mga mag-aaral. Gayon man din nakatulong din ang kanilang istratejiyang
ginagamit na may dalawang put-pitong mag-aaral na ginagamit ang istratehiyang pagbabasa ng mga
kwentong ingles, may walo (8) namang mag-aaral gumagamit ng istratehiyang pagpapanood ng
teleseryeng gumagamit ng salitang ingles. Samakatuwid may dalawang put-walo (28) na mag aaral sa
Tagjaguimit Senior High School ang nagsasabi na sa pamaraan ng pagbabasa ng mga aklat tungkol sa
ingles, diksyinaryo, pamahayagan, at pagbabasa ng iba't-ibang basahan na may maitutulong upang
madagdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa lingguwaheng ingles ay makakatulong sa kanilang sarili
upang magkaroon na lakas o kumpyansa sa paggamit ng lingguwaheng ingles.

Ang kinalabas ng aming pag-aaral dito sa Tagjaguimit Senior High School ay natuklasan namin na
maraming mag-aaral ang nahihirapan sa lingguwaheng ingles. Ayon sa aming panayam mas maraming
mag-aaral na ang ginagamit nila na istratehiya para mas may kumpyansa sila sa paggamit ng
lingguwaheng ingles ay pagbabasa ng mga iba’t-ibang klaseng aklat sa ingles, diksyunaryo, at mga
kwento. May ilang mag-aaral naman ang nagsasabi ng mga salik kung bakit wala silang kumpyansa sa
paggamit ng lingguwaheng ingles kabilang na dito yung nahihiya sila baka may mali ang kanilang
masasabi nasagot, minsan hindi makaintindi kapag may mga bagong salita na bindi nila kabisado, at
pinagtatawana sila dahil maraming mapanghusga. Gayun paman, mas malaki parin ang tyansa (chance)
na mas magkaroon sila ng kumpyansa sa kanilang sarili sa paggamit ng lingguwaheng ingles. Kasi
kadalasang ginagamit nilang hakbang upang matulongan ang kanilang sarili na magkaroon ng kumpyansa
sa sarili sa paggamit ng lingguwaheng ingles ay, mag-aaral na maayos at makinig sa guro kapag nagtuturo
lalong-lalo na sa asignaturang ingles, kapag may bakanting oras magbabasa ng iba’t-ibang klase ng aklat,
diksyunaryo, kwento at magsanay na magkaroon ng konpidensya sa sarili at iba pa. Kaya habang mas
maaga pa simulan na nating magsanay sa lingguwaheng ingles kasi ito ay nakapakalaking halaga sa ating
pang araw-araw na mga gawain lalong-lalo na sa ating pag-aaral at magagamit natin ito kapag tayo ay
maghahanap ng trabaho. Ipagpatuloy nalang natin ang mga ginagawa. Lahat ng mga pinaghihirapan
natin ay may bunga din sa huli.

You might also like