You are on page 1of 2

JADE D. FRAGA.

Nakapagtapos ng Bachelor’s Degree in


Education – major in English sa Unibersidad ng Timog
Silangang Pilipinas noong 2017. Siya ay kasalukuyang
permanenteng guro sa Senior High School Department ng
Barobo National High School, Dibisyon ng Surigao del Sur
at nagtuturo ng mga asignatura gaya ng Creative Writing,
Practical Research 1 and 2, at Inquiries, Investigations &
Immersion o III. Siya’y kasalukuyang koordeneytor at
tagapayo ng ALS Senior High School, Koordeneytor ng
Campus Journalism, School Paper Adviser ng dalawang
pahayagang pampaaralan – Ang Bugwak at The Pebbles
Inkspirer.

Sa loob ng dalawang taon at pitong buwang panunungkulan bilang isang


permanenteng guro, siya’y nakapaghakot na ng mga parangal mula sa mga
patimpalak sa pagsusulat ng kuwentong pambata, pagsulat ng komiks, at bilang
isang coach sa larangan ng pamamahayag at tagapayo ng isang pahayagang
pampaaralan.

Sa kaniyang unang taon, siya’y naging coach sa nanalong Online Publishing


Contest sa Division Schools Press Conference 2021 ng Surigao del Sur. Sa sumunod
na taon naman, nasungkit niya ang ikalawa at ikatlong puwesto sa pagsulat ng
kuwentong pambata na may pamagat na “Baba, baba!” at “Ang Mahiwagang Hipon”.
Naging panalo din siya sa #Urmine Bookgrabbing Contest – Division Level sa parehong
taon.

Sa taong 2023, nakuha niya ang dalawang kampeonato sa pagsulat ng


kuwentong pambata na may pamagat na “Habi ni Abi” at “Sipol”. Nakuha din niya ang
ikatlong puwesto sa Storybook Writing Contest 2023 - Division Level na may pamagat
na “Ang Pulseras ni Aira”. Sa parehong taon, panalo din ang pahayagang
pampaaralan na siya ang naging tagapayo na may pangalang “Ang Bugwak” mula sa
DSPC 2023. Bago nagtapos ang taon, nanalo siya sa Regional Level Comic Writing
Contest na ginanap sa Balanghai Hotel, Butuan City na may pamagat na “Bandilyo”.

Sa kasalukuyan, siya’y hinirang na punong patnugot sa opisyal na pahayagang


pandistrito ng Barobo 1 na The Spring Times. At isa rin siya sa mga manunulat ng An
Madayaw, ang opisyal na pahayagan sa Filipino ng dibisyon ng Surigao del Sur. Sa
katunayan, maraming artikulo na ang kaniyang nailathala sa nasabing pahayagan.

Bukod sa pagiging guro sa pananaliksik at malikhaing pagsusulat, itinuturo


din niya sa kaniyang mga mag-aaral sa senior high school ang tama at responsableng
pamamahayag. Naniniwala siya na kailangang matutuhan ng mga kabataan ngayon
ang tama at responsableng pagamit ng mga impormasyong nakakalap upang
maiwasan ang tinatawag na fake news. Bagamat baguhan pa lamang sa larangan ng
pamamahayag, ang mga natutuhan niya sa pagsasanay mula sa Masterclass in
Campus Journalism na ginanap sa rehiyon ng Caraga noong 2022 at 2023, ang
kaniyang naging susi upang magwagi ang pahayagang pampaaralan ng Barobo
National High School.

You might also like